Share

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)
Author: Georgina Lee

Kabanata 1

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2025-07-22 16:53:34

Makulimlim ang kalangitan habang nakasuot ng kulay itim na damit ang lahat ng taong naroon. Kasalukuyan namang nakatunghay si Cyanelle Louise Natividad sa kabaong kung saan naroon ang katawan ng kanyang kakambal na si Chloe.

Kakarating lang niya ng Pilipinas mula New York para dumalo sa libing nito. Hindi siya lubos makapaniwalang sa edad nilang twenty-six years old, papanaw ang kapatid niya sa sakit na leukemia.

"Bakit ba naman kasi pinakasalan pa ni Zach ang babaeng yan eh may karamdaman naman pala."

"Tama ka. Kawawa lang si Zach, napakaagang nabyudo. Wala na ngang ambag sa pamilya nila, naging alagain pa. Siguro mas mainam na namatay nayan. Pabigat lang naman yan kay Zach..."

"Sinabi mo pa! Pero mas kawawa ang anak nila. Pitong taon palang si Zendaya at naulila na sa ina. Sino nalang ang mag-aaruga sa kanya?"

Pinahid ni Cyan ang mga luha sa kanyang pisngi nang marinig ang mga sabi-sabi ng mga kamag-anak ng asawa ng kanyang kapatid na dumalo sa burol. Pakiramdam niya parang sinisisi pa ng mga ito si Chloe na nagkasakit pero pinili niyang hindi na magsalita pa para ipagtanggol ang babae.

Bukod sa ayaw niyang makagulo, nahihiya siya. Walong taon na ang nakalipas magmula ng iwan niya ang Pilipinas at takasan ang kasal na dapat ay sa kanya. Pinili niyang mamuhay ng mag-isa at malaya habang hinayaan niya si Chloe na ipinalit ng mga magulang nila sa lugar niya.

Pagkalipas ng ilang taon, nabalitaan niyang may anak na ito at mukhang maayos naman ang pagsasama nito at ng asawa nitong si Zach Khaleed Samaniego subalit isang araw, tinawagan nalang siya ng kanyang ama na wala na ang kapatid niya.

"Patawarin mo ako at hindi man lang kita nadalaw, Chloe. Sana maging masaya ka kung saan ka man ngayon naroroon," bulong niya sa hangin habang nakatitig sa kabaong nitong unti-unti ng ibinababa sa magiging libingan nito.

Isang palahaw ang mas nangingibabaw sa buong sementeryo. Nang tingnan niya ay isang batang babae ang puno ng hinagpis na umiiyak. Kung hindi siya nagkakamali ay anak iyon ni Chloe—si Zendaya.

Katabi nito ang isang matangkad at puno ng kakisigang lalaki—si Zach, ang asawa ng kanyang kapatid. Nakasuot ito ng itim na salamin kaya hindi siya sigurado kung ano ang ekspresyon ng mga mata nito.

Makalipas ang mahabang sandali, isa-isa ng nag-alisan ang mga tao sa burol at tanging silang magpamilya nalang ang naroon. Sandali pang nag-usap ang kanyang mga magulang at ang matandang Samaniego kaya't naghintay nalang muna siya sa isang tabi para sabay na silang umuwi ng mansion.

Habang nakatayo siya sa may hallway, nakita niyang naglalakad ang mag-ama ni Chloe papalapit sa gawi niya. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. Pakiramdam niya napakaswerte ng kapatid niya sa pamilyang meron ito.

Sabagay noon paman, simple lang naman ang nais ni Chloe. Ang makapagtapos ng pag-aaral, makatulong sa mga magulang nila at magkaroon ng pamilya. Taliwas sa kanya na mataas ang pangarap. Kahit papaano ay natupad iyon ng kapatid niya, hindi nga lang siya sigurado kung mahal ba ni Chloe at Zach ang isa't-isa.

Nang tumapat sa gawi niya ang dalawa, napasulyap si Zendaya sa kanya at namilog ang mga mata. "Mommy," mahina nitong sambit.

Parang may bikig sa lalamunan niya nang marinig iyon mula sa mismong bibig ng pamangkin niya. Isang sulyap ang ipinukol ni Zach sa kanya bago ibinaling ang tingin sa anak nito.

"She's not your mother, Zendaya," anito sa malamig na boses at tuluyan na siyang nilampasan.

Hinatid tanaw niya ang dalawa hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Maya-maya pa'y napapitlag siya nang hawakan ng kanyang inang si Isabela ang balikat niya.

"Halika na. Umuwi na tayo, anak."

Tumango siya at sumunod na sa kanyang mga magulang papunta sa kotse. Nang tumapak ang kanyang mga paa sa kanilang mansion pagkatapos ng napakahabang panahon, parang nanumbalik kay Cyan ang lahat.

Masaya naman sila bilang isang pamilya noon. Nagtatrabahong pareho sa real estate company ng Samaniego Empire na pag-aari nila Zach ang mga magulang nila. Hindi man sila ganun kayaman, pero masasabi niyang angat parin sa pangkaraniwan ang estado nila. Subalit nagbago ang lahat nang makabulilyaso ng malaking halaga ang kanyang amang si Roberto sa mga Samaniego.

Napakalaking pera ang naitalo nito dahil nalulong ito sa sugal kaya naman nagbago ang lahat. Ang dating masaya nilang tahanan at pagsasama ay nagkaroon ng lamat lalo pa't ang hiniling na kabayaran ng matandang Samaniego ay pakasalan niya ang apo nitong si Zach dahil hindi naman nila kayang bayaran ang ilang bilyong pisong atraso ng kanyang ama.

Kilala niya ang lalaki dahil pareho naman sila ng university na pinapasukan at halos magkasabay lang silang lumaki gawa ng pinagkakatiwalaan ng Don ang kanyang ama sa negosyo nito.

Katunayan ay may pagtingin siya dito noon. Kaya lang malamig ang pakikitungo nito sa kanya at hindi sapat ang pagtingin niyang iyon para pakasalan ito. Eighteen years old palang siya noon. Para sa kanya, masyado pa siyang bata at natatakot siya sa responsibilidad na kakaharapin niya. Marami pa siyang pangarap at pakiramdam niya, hindi niya iyon matutupad kapag naitali siya ng maaga.

Kaya naman tumakas siya palayo sa kanila at hindi nagparamdam ng maraming taon. Walang ibang naging pagpipilian ang kanyang ama kundi ang kapatid niyang si Chloe ang ipakasal sa apo ng Don kapalit niya.

"Sit down, Cyan. May mahalaga tayong pag-uusapan," boses ng kanyang ama na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Ano po iyon, Pa?" Agaran niyang tanong.

Huminga ng malalim ang kanyang ama na para bang may mabigat na bagay ang bumabagabag dito. Pinisil naman ng kanyang ina na si Isabela ang kamay ng asawa nito.

"Ngayong wala na ang kapatid mo, hindi ka na pwede pang bumalik ng Amerika para ipagpatuloy ang pagiging modelo mo."

Marahas siyang nag-angat ng tingin sa kanyang ama. "Pero Pa..."

"Nag-usap na kami ni Don Sebastian at ang nais niya ay pumalit ka sa pwesto ng iyong kapatid. Kailangan ni Zendaya ng inang mag-aaruga sa kanya at ikaw ang gusto ng Don. Pakakasalan mo ang apo niyang si Zach."

Hindi siya mapakaniwalang napatitig kay Roberto. Seryoso ba ito? Kalilibing lang ng kapatid niya tapos nais na nitong palitan niya ang pwesto ni Chloe sa buhay ni Zach at Zendaya?

"Ayoko Pa. Kawalang respeto kay Chloe ang pinapagawa ninyo sakin! Ni hindi pa nga nakapagbabang luksa ang kapatid ko!" Mariin niyang kontra.

Halos mapatalon siya sa gulat nang hampasin nito ang mesa dahil sa galit at pinanlisikan siya ng mga mata. "At anong gusto mong mangyari? Na makulong kaming dalawa ng Mama mo dahil lang sa hindi tayo nakapagbayad ng utang sa pamilya nila?! Tinakasan mo na ang responsibilidad mo noon. Inintindi ka naming lahat pati ng kapatid mo dahil bata ka pa pero ngayong malaki ka na, kailangan mo ng harapin ang kapalaran mo, Cyan. Ikaw lang ang makakapagligtas sa amin ng Mama mo."

Nangunot ang kanyang noo. "Akala ko ba tapos na ang utang mo sa kanya nang ikinasal si Chloe sa apo niya?"

Mariin na napapikit ang kanyang ama bago ito muking nagsalita. "Hangga't humihinga pa si Don Sebastian, habang buhay tayong may utang sa kanya. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo si Zach at ipagpapatuloy mo ang pamilyang nasimulan ng kapatid mo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Umali kna lng jn a bahay nila tang tanga muna man cyan
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Maldita yung pamangkin dahil yun ko loreen
goodnovel comment avatar
Adora Miano
yeah may kwento talaga,May pangyayari din sa totoong buhay kambal,,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 451

    TBBNHW 156Unti-unting napalis ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi ng babaeng kaharap niya. "Zeus is getting married?" Mahina niyang bigkas."Yup! He's currently engaged after more than a month or two after his failed wedding with you," sagot ni Klea, na may kasamang mapanuyang kislap sa mga mata. “Ang bilis ano? Sabagay, bakit naman hindi, diba? I'm not saying you're the one who's at fault pero magiging mabilis talaga ang pagpapakasal niya dahil nahumaling siya sa bestfriend niya na laging nandyan para sa kanya. Or maybe..." Bitin na bitin ang boses ni Klea habang tinititigan ang namumutlang mukha ni Camille. "...they're already a thing bago paman kayo nagplano na magpakasal?"Ilang beses na napalunok si Camille, pilit na nilulunok ang bara sa kanyang lalamunan kasabay ng paghapdi ng kanyang mga mata. Masakit. Higit pa sa sakit ng kanyang karamdaman ang katotohanang ang puwang na iniwan niya ay agad na napunuan. Zeus is getting married. And he’s marrying Psyche this time?The w

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 450

    TBBNHW 155Pumasok siya sa silid kung saan nakaratay si Camille sa hospital bed. Maputla ang babae. Wala na ang dating kulay ng mukha nito na makikita sa runway, magazines at billboards. Payat narin ang panganagatawan nito at tila ilang araw o buwan nalang ang hihintayin bago tuluyang mawala sa mundo.Nang mapansin ng babae ang presensya niya ay dahan-dahan itong lumingon sa kinatatayuan niya. Bakas ang pagkalito sa mukha ng babae. Well, hindi naman niya ito masisisi. She doesn't know her at all at ito ang unang beses na nagkaharap sila.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa gawi nito hanggang sa huminto siya sa gilid ng hospital bed ni Camille. Kinuha niya ang bakanteng silya at doon naupo habang hindi inihihiwalay ang kanyang mga mata sa babae."S—sino ka?" Mahina nitong bigkas.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago siya nagsalita. "Me? You can consider me as your new friend," magiliw niyang wika.Kita niya ang kawalan ng interes sa reaksyon nito sa sinabi niya. G

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 449

    TBBNHW 154Agad na tumaas ang isang kilay ni Klea at napasulyap sa kasama ni Psyche. "Excuse me? I am talking to Psyche."Tumikhim naman si Psyche para kunin ang atensyon ni Klea. She doesn't want Paige to deal with someone who's not important in their lives."My cousin is right. May importante kaming pag-uusapan, Klea so you can't join us," malamig niyang turan.Aside from the fact that she doesn't like Klea, ayaw din niya sa approach nito. Yun bang tipong umaasta ang babae na parang matagal na silang magkakilaa at close sila? Marami na siyang nakasalamuhang tao pero ito ang unang babae na nakita niyang ganito. She began suspecting if she's normal or not.Bakas ang disappointment sa mukha ng babae pero maya-maya lang ay nakuha parin nitong ngumiti. "Okay. Nextime nalang, anito at akmang aalis na subalit napansin niyang natigilan si Klea kasabay ng pagdako ng mga mata nito sa singsing na suot niya."You're engage?" Puno ng pagkasorpresa nitong tanong.Napasulyap naman siya sa kanyang

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 448

    TBBNHW 153Nang gabing iyon, napagpasyahan niyang doon parin matulog sa mga magulang niya. Napagkasunduan din nila ni Zeus na buong linggo muna siyang mananatili sa kanila bago siya pormal na lilipat sa penthouse nito na magiging pansamantala nilang tirahan habang ginagawa pa ang bahay nila.Kasalukuyan niyang kinakalikot ang kanyang cellphone nang maalala niya si Paige. Magmula ng ikasal sila ni Zeus, hindi pa niya naikukwento sa babae ang tungkol doon gayong halos alam niya ang nangyayari sa buhay nito noon.With that thought, she dialed her cousin's number and asked her to meet at a certain restaurant. Mabuti nalang at pumayag din naman agad si Paige. "Psyche!" Masaya nitong bati nang makita siya.Agad siyang lumapit sa kanyang pinsan at yumakap ng mahigpit. "I miss you, Paige.""Hmp! Miss, eh naglilihim ka nga sakin eh!" Nagtatampo nitong wika.Mahina siyang natawa bago muling yumakap sa babae. "Sorry na. Patatawarin mo naman ako, diba?" Malambing niyang sambit.Umingos naman si

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 447

    TBBNHW 152Isang malawak na ngiti ang sumilay sa labi ni Zeus. Kahit pa dire-diretso siyang magsalita, malakas parin ang kabog ng kanyang dibdib. This is the first time that he came a head to head talk with a woman's parents."Maraming salamat po, Tito, Tita," puno ng galak niyang bigkas.Tinapik ng ama ni Psyche ang kanyang balikat. "Welcome to the family. You can call me, Daddy from now on."Napasulyap siya sa Mommy ni Psyche. Nakangiti naman itong tumango sa kanya. "We'll treat you like our own, Zeus. Welcome to the family."Nang maupo siya ay lumipat na siya ng pwesto. Mula sa tabi ng kanyang Mommy, he sat down next to Psyche, claiming his new position in her life."So, kailan niyo balak na magpakasal?" Tanong ni Daddy Thomas.Napasulyap siya kay Psyche at hinawakan ang kamay nito bago nagsalita. "Pag-uusapan po naming maigi, Dad. We want a grand wedding of the year kaya kakailanganin namin ng puspusang paghahanda."Napatango-tango naman ang lalaki. "Well, basta ayokong umabot ng

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 446

    TBBNHW 151Dumaan ang sandaling katahimikan sa pagitan nilang lahat. Daig pa nila ang dinaanan ng santo. Halos mabulunan naman si Psyche ng sarili niyang laway dahil sa naging tanong ng kanyang mother in-law. Napasulyap pa siya sa Daddy niya na ngayon ay seryosong nakatitig sa kanya kaya naman palihim niyang sinipa ang paa ni Zeus sa ilalim ng mesa at pinandilatan ng mga mata ang lalaki."Mommy!" Saway ni Zeus sa sarili nitong ina.Pero kahit na gumawa ng aksyon si Zeus, kita niya ang munting ngiti sa labi nito na tila ba natutuwa sa nangyayari."What?" Inosente namang tanong ni Zenaida. "You're already forbidding her from drinking wine, Zeus," pagpuna ni Daddy Gaston na may kasamang malakas na tawa. "That’s a classic 'Daddy move.' Aminin mo, kumpadre," baling nito kay Thomas, "ganyan din tayo noong nalaman nating buntis ang mga asawa natin, 'di ba?"Bahagyang lumambot ang mukha ni Thomas, pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Zeus. "If my daughter is pregnant, Zeus, I expect you

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 31

    Mahina siyang natawa bago hindi makapaniwalang napatitig sa lalaki. "What did you say?" Pag-uulit niya. Hindi siya sigurado kung namali lang ba siya ng dinig o sadyang sinapian ng kabaliwan si Zach. Huminga naman ng malalim ang lalaki bago ito muling nagsalita. "I said let's go home," anito at akm

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 46

    Hinatid tanaw ni Zach ang papalayong sasakyan nina Kirk at Cyan. Kuyom niya ang kanyang kamao habang nakatingin sa dalawa. Damn! Cyan really chose that man over him in front of his face? The nerve! Mas lalo lang siyang nanggigigil na hindi matuloy ang annulment sa pagitan nilang dalawa ni Cyan. Hi

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 51

    "Z—zach... Do you really mean what you had said?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Laureen.Zach used to be so gentle and caring towards her. Bakit sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat?"I'm serious here, Laureen. Napakalaking bagay ang nakasasalalay dito. It's my brother and my child's fut

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 50

    But that isn't the issue here and he will deal with Cyan later if ever she knows about the inheritance. First things first, he needs to settle score with this woman in front of him!"How long are you going to lie to me?"Napakurap-kurap naman si Laureen. Sigurado siyang tumama sa punto yung sinasab

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status