로그인CHAPTER 2
“Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang sinapit niya. “The wound on my forehead? He threw an ashtray at me. And the bruise under my eye—” “That’s enough!” Wren shouted, slamming the cup onto the table. The sharp sound echoed between them. “Stop. Don’t say another word.” “This was your choice!” he snapped, his voice sharp and unforgiving. “You brought all of this on yourself!” “Yes,” kalmadong sagot ni Zeph “It was my choice.” Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nakipagtalo. At ‘yun ang mas masakit. “I deserve everything that happened to me.” Tears welled up in Zephyra’s eyes as she looked at Wren—not pleading, not accusing, only exhausted. “And you…” pagpapatuloy niya kahit labis na ang panginginig ng boses niya, “now that you’ve seen how broken I am, you can finally let go.” Huminga siya nang dahan-dahan, para bang pilit pinatatatag ang pusong matagal nang wasak. “Kasalanan ko ang nangyari noon,” mahina niyang sabi. “And I’m sorry for that.” Tumingin siya kay Wren sa huling pagkakataon, pinipilit na hindi mag iwas ng tingin. “Simula ngayon… pantay na tayo. We don’t owe each other anymore” Nagmamadaling tumayo si Zeph, isinuot muli ang sumbrero at salamin upang matakluban ang sugat na kanyang itinatago. Ramdam sa hakbang nito palayo ang bigat at sakit na dala dala nito. Wren remained seated, his gaze locked on her retreating figure. Ang damdamin niya ay parang mabangis na alon—hindi mapakali, mapanganib, at handang lamunin ang anumang madaanan nito. Then suddenly, his phone rang. He immediately answered it. “Wren, where are you?” tinig na may halong pagkabahala at galit ang sumalubong sa kanya. “In a meeting,” he replied, cold, clipped, leaving no space for discussion. “You just got back to the country! Don’t tell me you actually accepted Attorney Flores’ divorce case? Kailan ka pa pumatol sa ganitong kaliit na kaso?” hindi makapaniwalang sambit ni Nevan, isa sa kaibigan ni Wren. Hindi niya sinagot ang tanong nito. “I have a task for you,” sabi niya, malamig at kalkulado ang boses, parang matagal nang pinag-isipan ang bawat salita. “What?” mahina nitong tugon, kahit sa loob niya’y alam na niya ang sagot, at ayaw niya itong marinig. “Investigate Magnus Montclair.” – Pagkalabas ni Zephyra ng café, parang biglang naubos ang lakas ng kanyang mga binti. Saglit siyang napahinto, pilit hinahabol ang hininga habang nanunumbalik sa kanya ang bigat ng nangyari. For six years, she had buried the name Wren Deveraux deep inside her heart—where no memory was allowed to wander, and no wound was meant to reopen. Masyadong masakit ang naging hiwalayan nila noon, kaya kailanman ay hindi niya inakalang muling magtatagpo ang kanilang mga landas. Ngunit sa isang iglap, sa araw na ito, muling nagkagulo ang mundo niya. Naputol ang pag iisip ni Zeph ng tumunog ang kaniyang telepono. Ang malambing at malinis na boses ng kanyang anak ang agad na humila sa kanya pabalik sa realidad. “Mommy, kailan ka po uwi?” malambing at inosenteng tanong ni Zyrene. Napangiti naman si Zeph nang marinig ito at tila gumaan ang bigat na nararamdaman niya kanina. “Pauwi na ako, baby” mahinahon niyang sagot sa anak at pilit ginagawang masigla ang boses. – Bumalik si Zephyra sa West City Village—sa bahay ng matalik niyang kaibigang si Keira. Doon lang niya naramdaman ang bahagyang ginhawa matapos ang magulong pangyayari. Kagabi, matapos siyang saktan ng kanyang asawa, bigla itong nawala na parang bula. Walang bakas. Walang sagot. Kahit ang pulis ay walang makuhang impormasyon. Parang sinadya. At ang pinakakinatatakutan niya ay baka bumalik ito. Na baka sa susunod, hindi na lang siya ang saktan, kundi pati na rin ang anak niya. Kaya tumakas siya. Kasama si Zyrene, iniwan niya ang lahat at nagpalipas ng gabi sa bahay ng kanyang kaibigan, tangan ang takot na parang aninong ayaw siyang pakawalan. Mula nang bumagsak ang pamilyang Arcadia, isa-isang naglaho ang mga dating kaibigan niya. Mga taong nariyan lang kapag may pakinabang. Ngunit si Keira ay nanatili. Isang tawag lang, at agad itong dumating, walang tanong, walang pagdududa. At lubos ang pagpapasalamat dito ni Zephyra. Pagkabukas ng pinto, may munting yabag na agad tumakbo palapit sa kanya. “Mommy!” Mahigpit niyang niyakap ang kanyang anak na parang takot na mawala ito. Laking pasasalamat niya na makitang ligtas at maayos si Zyrene. “Baby…” halos hindi niya mailabas ang boses habang lumuluhod siya at niyayakap pabalik ang anak. Yumuko siya para halikan ang noo ng bata—ngunit bigla siyang napahinto. Parang may humila sa dibdib niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Ang mukha ni Zyrene… Hindi lang basta kahawig. Pitong-pito. Halos walong bahagi—kamukha ni Wren. Hindi… Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya. Huminto ang mundo sa isang iglap. Ang kaninang ginhawa na naramdaman niya ay napalitan muli ng takot. Noon pa man, palagi nang sinasabing maganda ang bata. Sinasabi ng lahat na kamukha niya—ang ilong, ang balat, ang hugis ng mukha. At pinili niyang maniwala. Kailangan niyang maniwala. Dahil kung hindi… Ngunit ngayong araw, ngayong muli niyang nakita si Wren, hindi na niya kayang ipagkaila ang katotohanan. Ang mata. Ang linya ng ilong. Ang paraan ng pagtingin. Habang lumalaki si Zyrene, mas lalong lumilinaw ang mukha ng lalaking pilit niyang ibinaon sa limot. Paano kung makita niya? Paano kung mapansin niya? Parang sinakal ang dibdib niya sa takot. Hindi pa. Hindi pwede. Hindi ngayon.CHAPTER 14 “Don’t move.” Mababa at mariing bulong iyon ni Wren Deveraux, halos may banta. “If you don’t want your leg anymore, then go ahead and struggle.” Napatingin si Zephyra sa sariling binti. Ang benda ay muling nababasa ng dugo. Biglang nahilo siya. Agad siyang napatigil. Hindi na siya gumalaw. Ngunit ang posisyon nila ngayon ay lalong nagpapagulo sa kanyang isip. Mahigpit ang mga braso ni Wren sa kanya—parang bakal na pumipigil sa kanya. Ang katawan niya ay nakadikit sa matigas nitong dibdib, at malinaw niyang naririnig ang mahinahon ngunit malakas na tibok ng puso nito. Matagal na panahon na ang lumipas— pero pamilyar pa rin ang tunog na iyon. Noon, isa sa mga paboritong ginagawa ni Zephyra ay ang humiga sa dibdib ni Wren pagkatapos ng mahahabang gabing magkasama sila. Tahimik lang siyang nakikinig sa tibok ng puso nito—malakas, mainit, parang walang kontrol. Para sa kanya noon, iyon ang pinakatunay na patunay na ang lalaking tila hindi maaabot ay nap
CHAPTER 13Pagkatapos malagyan ng benda ang sugat sa binti ni Zephyra, sabay silang lumabas ng clinic ni Wren.Tahimik ang gabi sa paanan ng bundok. Mahina ang ilaw mula sa karatula ng maliit na tindahan sa tapat ng clinic, at tanging kuliglig lang ang maririnig sa paligid.Napalingon si Zephyra kay Wren habang naglalakad sila palabas.“Bakit ka bumalik?” tanong niya.Hindi siya agad sinagot ng lalaki.“Elias was worried about you.”Napakunot ang noo ni Zephyra.“Kung si Elias ang nag-aalala, bakit ikaw ang bumalik?”Hindi man lang siya tinignan ni Wren.“Your leg is injured. Talk less.”Natigilan si Zephyra.Ano ’yon?Anong klaseng lohika iyon?May sinabi bang ganoon ang doktor?Pagdating nila sa labas, naroon pa rin ang itim na Cullinan na nakaparada sa harap ng clinic. Binuksan ni Wren ang pinto sa passenger seat at bahagyang tumango.“Get in.”Hindi gumalaw si Zephyra.“Mauna ka na. May naiwan lang akong gamit. Kailangan kong balikan.”Bumaba ang tingin ni Wren sa binti niyang may
CHAPTER 12 “I won't give you a free ride, remember to pay the fare.” malamig na sagot nito. Napatingin si Elias sa rearview mirror, halatang sanay na sa ugali ng amo. Magkakrus ang mga mata nina Zephyra at Wren sa loob ng sasakyan. “Magkano?” tanong niya. “Five hundred.” Napaangat ang kilay ni Zephyra. “Five hundred? Mula bundok pababa ng highway? Ginto ba ang gas mo? Bakit kaya hindi ka nalang nagnakaw sa iba!” "Robbery is a criminal offense, I won't break the law." sagot naman ni Wren na mukhang nasisiyahan sa ginagawa. "But drivers who overcharge are also subject to administrative penalties!" salubong ang kilay at pasigaw na sabi ni Zephyra "Miss Arcadia, is this a taxi? Dalawang daang kilometro pabalik ng Quezon City,” sagot ni Wren. “Alam ko namang hindi.” Saglit siyang tumingin sa interior ng Rolls-Royce. “Pero hindi rin ito ride-hailing app.” “Transfer it to me.” dagdag pa nito. Binuksan ni Wren ang WeChat QR code sa phone niya at iniabot iyon sa kanya.
CHAPTER 11 Saglit na natahimik ang dalawa. Sa labas, naririnig ang mahinang ingay ng mga sasakyan at mga batang naglalakad papasok sa eskwela. Normal ang lahat, pero alam nilang hindi na normal ang sitwasyon nila. “Kung wala kang ebidensya laban kay Magnus at wala rin siyang kabit, ano ang plano mo?” tanong ni Keira. Tumingin si Zephyra sa bintana. “Hindi kailangang sa kanya manggaling ang kahinaan.” “Ang pamilya niya?” hula ni Keira. Tumango si Zephyra. “Si Mayor Ramon Montclair ang pundasyon ng pangalan nila. Kung may bahid ang reputasyon niya, babagsak ang buong estruktura. At kapag nangyari iyon, mapipilitan si Magnus na makipag-ayos.” Nalala niya ang mga bulong ng driver at ang templong madalas puntahan ng mayor. “May pupuntahan ako bukas,” sabi niya. “Saan?” “Sa Bulacan.” Tumayo si Keira at naglakad papunta sa kusina. Pagbalik niya, inilapag niya ang mangkok ng sabaw sa harap ni Zephyra. “Kain ka muna. Kailangan mo ng lakas kung lalaban ka.” Bahagyang
CHAPTER 10Sa kabilang banda, nasa loob ng glass-walled office si Wren Deveraux. Tahimik ang paligid nang biglang tumunog ang phone niya.Transfer received.May note.Hospital bill and transportation fee – Zephyra Arcadia.Nanigas ang panga niya.Transportation fee? Ginawa ba siyang driver? Tahimik niyang ibinaba ang phone sa mesa.Sa labas ng opisina, may kumatok. “Sir,” sabi ni Elias pagpasok. “She insisted on paying.”"I didn’t ask for reimbursement.”“Yes, sir.”Tumayo si Wren at lumapit sa bintana. Six years ago, he buried her. Pero kagabi, binuhat niya ang katawan nito na parang babasagin. Hinawakan ang kamay nito nang hindi namamalayan.At ngayon, binabayaran siya nito na parang service provider.“Send the money back,” malamig niyang utos.“Sir?”“Full amount.”Saglit na nag-alangan si Elias. “With a note?”Ilang segundo ng katahimikan. Wren’s reflection stared back at him from the glass.“There is no ‘us,’” mahina niyang sabi. “Not anymore.”Huminga siya nang malalim.“Just se
CHAPTER 9 Sa huling sandali bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang itinapon ni Wren ang sigarilyo at mabilis na sinalo ang katawan niya bago pa tuluyang tumama sa sahig. “Zephyra!” Agad niya itong binuhat at ibinalik sa kama. “Wake up. Hey—look at me.” Mahina ang paghinga niya. Pinisil niya ang sentido nito, sinusuri ang reaksyon. “This isn’t just alcohol,” bulong niya. “They really drugged you.” Sandaling tumahimik ang kwarto. Ang galit kanina—napalitan ng malamig na determinasyon. Kinuha ni Wren ang phone niya. “Find out who served her drink tonight,” utos niya sa kabilang linya. “Check every camera. I want names.” Pinatay niya ang tawag. Bumalik ang tingin niya kay Zephyra. Then he moved. Binuhat niya ito—madali, parang wala itong timbang—at lumabas ng suite. Sa hallway, tahimik ang carpeted floor, pero sa loob niya ay kumakalabog ang galit. Pagdating sa basement parking, bumubuhos ang ulan. Ang itim na Rolls-Royce Cullinan ay naghihintay. M







