Share

The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth
The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth
Author: Keuriseutel

The Meeting that wasn’t an Accident

Author: Keuriseutel
last update Huling Na-update: 2026-02-25 14:50:28

CHAPTER 1

Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha.

Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono kagabi na magiging katagpo niya sa kanyang meeting ngayon para pag-usapan ang kanyang magiging kaso.

Lampas na sa oras ng kanilang usapan, pero wala pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Zephyra at nagbalak muli na tawagan ito nang biglang bumukas ang pinto ng café at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng gray na three-piece suit, itim na polo, at may guhit na kurbata. Mararamdaman mo sa aura nito na sanay itong masunod—isang lalaking sanay na siya ay nasa itaas.

Sa pagpasok nito, halos sabay-sabay na napalingon ang mga kababaihan at namangha sa aura at itsura na mayroon ito, ang kanyang mukha ay ang tipong bihira mo lamang makita sa totoong buhay, hindi lang sapat ang salitang “gwapo” para idescribe ito.

Ngunit sa kabila ng pagkamangha ng mga taong nasa paligid ni Zephyra, siya naman ay nanlamig at nanigas sa kanyang kinauupuan, dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang una niyang minahal, ang lalaking iniwan niya at pinagtabuyan, gamit ang salitang “I’m tired of sleeping with you, let’s break up”.

Si Wren Deveraux.

Anim na taon na silang hindi nagkikita at sa taon na dumaan, alam niyang madami na nagbago dito.

Noon, palagi mo lang itong makikita na suot ang puting linen shirt, at gentle at magaan ang aura na nakapalibot dito. Pero ang lalaking nakaharap sa kanya ngayon ay hindi na ang lalaking minsang nakilala at minahal niya, ang mukha nito dati na makikitaan mo ng mga ngiti, ngayon ay matalim at misteryoso, ang mata nito na dati’y kumikislap sa saya, ngayon ay malamig at mapanganib, parang may lihim na handang pumutok anumang oras.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zeph. Nagbaba ito ng tingin, hinila pababa ang suot na cap at nagdasal sa isip na sana…sana hindi siya makita ni Wren.

Ayaw niyang makita siya nito na namumuhay ng miserable. Gusto niyang tumatak lang sa isip nito na siya ay mapagmataas at malupit na babae kahit ang totoo, ginawa lang niya iyon para sa kapakanan nito.

Ngunit kahit ano pang hiling ang ginawa niya, hindi pumanig sa kanya ang tadhana. Diretsong lumapit si Wren sa kinaroroonan niya, hinila ang upuan sa tapat at umupo ng kalmado.

“Sorry, got stuck in traffic.” Sambit nito sa malamig na boses. Natigilan naman si Zeph dahil sa narinig.

Ako ba ang kausap niya? Sino ba ka-meeting niya? Mali ba ng naupuan ang lalaking to? Tanong ni Zeph sa kanyang sarili at tila hindi na mapakali.

“Sir, mali po ata ang naupuan niyo? May ka-meeting po ako” maingat niyang sabi, at pilit na iniiba ang boses. Hindi pa rin siya naglakas-loob na magtaas ng tingin, mahigpit ang hawak sa laylayan ng kanyang damit na parang doon na lang siya kumukuha ng lakas ng loob.

“Miss Arcadia, stop pretending. I will still recognize you even if you were ashes.” Matalim ang boses na ani nito.

Miss Arcadia.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Zeph. Matagal na niyang hindi narinig ang tawag na iyon—Miss Arcadia—ang paboritong tawag sa kanya ni Wren noon sa tuwing ito ay naglalambing. Sa tuwing yakap siya nito nang mahigpit, ibinubulong niya iyon sa tenga niya na puno ng pagnanasa at lambing.

“Miss Arcadia, let’s cuddle”

“Miss Arcadia, do you still want me?”

“Miss Arcadia, say that you love me”

Ang dating pagkausap ni Wren sa kanya na maingat at malambing, ngayon ay wala na, ang mararamdaman mo nalang sa bawat pagbigkas niya ay galit.

“Hindi ako ang taong hinahanap mo” matigas niyang sabi. “Please leave. Darating na ang lawyer ko.”

“Na-uh, I’m the one who will handle your case” sabi nito habang na-order ng kape.

Napataas ng tingin si Zeph sa kanyang narinig at nagsalubong ang kilay nito.

“What? I have an appointment with Attorney Flores!” madiin at pasigaw niyang sabi.

“Finally, you deigned to look at me” tumaas ang sulok ng labi nito.

“Don’t change the subject. Where’s Attorney Flores?” seryosong tanong ni Zeph.

Sumeryoso din ang mukha ni Wren. “He was removed earlier,” Mahinahon niyang sabi. “Multiple Violations”

“Impossible,” mariing sagot ni Zeph. “Magkausap lang kami kagabi. Wren…ginawa mo ba ’to?”

“For what?,” mapanuyang tanong nito. “To see you? Do you think I still have feelings for you?”

Alam niyang galit sa kanya si Wren. Sino ba ang hindi magagalit sa babaeng yumurak sa dignidad mo?

“Hindi ’yun ang ibig kong sabibin” nahihiyang ani nito.

“Then what?”

“That maybe…you want to see me miserable” mahinang boses na sambit ni Zeph.

“That’s it” diretsong sagot ni Wren, na walang pag aalinlangan.

Nanikip ang dibdib ni Zeph sa narinig niya. Inaasahan na niyang makarinig ng masasakit na salita mula rito, handa na ang isip niya, handa na ang loob niya, ngunit sa kabila niyon, tumagos pa rin ang bawat salita, mas masakit kaysa sa inaakala niya, at tila muling binuksan ang mga sugat na pilit na niyang isinasara.

Sa loob ng anim na taon mula nang mapangasawa ni Zeph ang pamilya Montclair, puno ng alitan at lamig ang kanyang naging buhay may-asawa. Hindi siya kailanman nagustuhan ng kanyang mga biyenan, at nang tuluyang bumagsak ang sarili niyang pamilya, lalo na siyang binalewala ng mga Montclair.

Marami ang naghihintay na makita siyang bumagsak. Marami ang nanonood, nag-aabang, nasisiyahan sa bawat pagkatalo niya. Ngunit kung may iisang taong tunay na may karapatang masaksihan ang kanyang pagkawasak—iisa lang iyon.

Si Wren.

Napabuntong hininga si Zeph at tumitig ng diretso kay Wren habang inaalis ang kanyang suot na salamin at sumbrero.

She wasn’t wearing any makeup. Her fair skin only made the red wound on her forehead and the bruise beneath her eye stand out even more, impossible to ignore—silent evidence of something she hadn’t said out loud.

Nag-iba ang anyo ng mukha ni Wren. Humigpit ang hawak niya sa tasa ng kape hanggang sa halos manginig ang laman nito, at unti-unting umumbok ang mga ugat sa kanyang kamay.

Fuck you, Montclair.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   The Cullinan at the Kindergarten Gate

    CHAPTER 6 Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang malalim, mabigat na hininga—parang buong katawan niya lang ang biglang nakalaya sa isang bigat na hindi niya maipaliwanag. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kalsada. At doon niya nakita ang itim na sasakyan. Rolls-Royce Cullinan, nakaparada sa tapat ng kindergarten. Sa una, inisip niya, isa lang itong mayamang magulang. Maraming ganito sa lugar. Pero habang tumatawid siya… Biglang umandar ang Cullinan at huminto ito eksakto sa tabi niya. Dahan-dahang bumaba ang tinted window. At doon niya nakita ang pamilyar na profile. Wren Deveraux. “Good morning, Miss Arcadia.” Mahaba at malinaw ang boses. May halong pang-aasar. Nanlamig ang batok ni Zephyra. “Anong ginagawa mo rito?” tuyo niy

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   Stranger?

    CHAPTER 5 Halos pigilan ni Zephyra ang paghinga. Pakiramdam niya, kahit ang bahagyang pag-angat ng dibdib niya ay maaaring makatawag ng pansin. Para siyang nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng salamin—anumang maliit na galaw ay maaaring magbunyag ng sikreto. Ngunit sa totoo lang, hindi man lang tumingin si Wren kay Zyrene. Hindi ito sumulyap. Hindi ito nagtanong. Walang anumang reaksiyon. Syempre, mapait niyang naisip. Galit siya sa akin. Bakit niya papansinin ang anak ko? Unti-unti siyang kumalma. Kahit papaano, ligtas pa. Hindi napansin. Hindi pinaghinalaan. Isang ordinaryong elevator ride lang ito para sa lalaki. Hanggang sa— May mahinang tunog na bumasag sa katahimikan. Plok. Nahulog ang hawak na rainbow bouncy ball ni Zyrene. Parang bumagal ang oras. Gumulong iyon sa makintab na sahig ng elevator, umiikot-ikot na tila nanunukso sa tadhana. Dumaan sa gilid ng sapatos ni Zephyra, umiwas sa dingding, at tuluyang tumigil sa paanan ni Wren. “Momm

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   Elevator

    CHAPTER 4 Hindi makatulog si Zephyra. Marami na siyang iniisip, ngunit ang biglaang paglitaw ni Wren ang tuluyang gumulo sa isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa alaala niya ang mga mata nito, malamig, kalmado, ngunit parang may bagyong nakatagong handang sumabog anumang oras. Sa bawat pagpikit niya, naroon siya. Sa bawat paghinga, bumabalik ang presensya nito. Bandang alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw, saka lang siya bahagyang nakatulog—isang mababaw at putol-putol na pahinga. Ngunit hindi pa man siya tuluyang lumulubog sa panaginip, ginising na siya ng matinis na tunog ng alarm. Inis na napapikit si Zephyra at marahang pinatay iyon. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mukha niya, parang umaasang mahuhugasan nito ang pagod, ang takot, at ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, maingat siyang nag-make up, pilit tinatakpan ang mga pasa at sugat na kanyang natamo. Bawat dampi ng brush sa kanyang mukha ay may kasamang kir

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   Divorce

    CHAPTER 3 “Mommy, are you okay po?” inosenteng tanong ni Zyrene, nakatingala sa kanya—malinaw ang mga mata, walang bahid ng duda, walang kaalam-alam sa gulong pilit niyang itinatago. Napakurap si Zephyra. Para bang saka lang muling bumalik ang mundo sa tamang ayos. Pilit niyang hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyan, palayo sa alaala at takot na nag-aagawan sa loob ng isip niya. Pinilit niyang ngumiti, isang ngiting nanginginig, pilit buuin kahit ramdam niyang anumang oras ay maaaring gumuho. “Oo,” mahina niyang sagot habang mahigpit na niyayakap ang anak, na para bang doon lang siya nakakakuha ng lakas. “Okay lang si Mommy.” Pero sa kaibuturan ng dibdib niya, alam niya ang totoo. Nagsimula na ang bangungot na matagal niyang tinatakasan. “Mabait ka ba dito kina Auntie Keira?” mahinahong tanong ni Zephyra makalipas ang ilang sandali. “Opo! Super bait!” masiglang sagot ni Zyrene, halos tumalon sa tuwa. “Tinulungan ko pa siyang magdilig ng plants!” Lumabas si Keira mul

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   A Daughter

    CHAPTER 2 “Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang sinapit niya. “The wound on my forehead? He threw an ashtray at me. And the bruise under my eye—” “That’s enough!” Wren shouted, slamming the cup onto the table. The sharp sound echoed between them. “Stop. Don’t say another word.” “This was your choice!” he snapped, his voice sharp and unforgiving. “You brought all of this on yourself!” “Yes,” kalmadong sagot ni Zeph “It was my choice.” Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nakipagtalo. At ‘yun ang mas masakit. “I deserve everything that happened to me.” Tears welled up in Zephyra’s eyes as she looked at Wren—not pleading, not accusing, only exhausted. “And you…” pagpapatuloy niya kahit labis na ang panginginig

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   The Meeting that wasn’t an Accident

    CHAPTER 1 Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha. Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono kagabi na magiging katagpo niya sa kanyang meeting ngayon para pag-usapan ang kanyang magiging kaso. Lampas na sa oras ng kanilang usapan, pero wala pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Zephyra at nagbalak muli na tawagan ito nang biglang bumukas ang pinto ng café at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng gray na three-piece suit, itim na polo, at may guhit na kurbata. Mararamdaman mo sa aura nito na sanay itong masunod—isang lalaking sanay na siya ay nasa itaas. Sa pagpasok nito, halos sabay-sabay na napalingon ang mga kababaihan at namangha sa aura at itsura na mayroon ito, ang kanyang mukha ay ang tipong bihira mo lamang makita sa totoong buhay, hindi lang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status