LOGINCHAPTER 6
Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang malalim, mabigat na hininga—parang buong katawan niya lang ang biglang nakalaya sa isang bigat na hindi niya maipaliwanag. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kalsada. At doon niya nakita ang itim na sasakyan. Rolls-Royce Cullinan, nakaparada sa tapat ng kindergarten. Sa una, inisip niya, isa lang itong mayamang magulang. Maraming ganito sa lugar. Pero habang tumatawid siya… Biglang umandar ang Cullinan at huminto ito eksakto sa tabi niya. Dahan-dahang bumaba ang tinted window. At doon niya nakita ang pamilyar na profile. Wren Deveraux. “Good morning, Miss Arcadia.” Mahaba at malinaw ang boses. May halong pang-aasar. Nanlamig ang batok ni Zephyra. “Anong ginagawa mo rito?” tuyo niyang tanong. “Just passing by,” he replied, calm, as if it were nothing. Kung dumaan lang… wala siyang obligasyon na tumigil. Umatras siya, handang umiwas, pero mabilis na sumalubong ang tinig ni Wren. “Your daughter is beautiful.” Tumigil si Zephyra. Parang may bumagsak sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag. Bakit bigla niyang sinabi iyon? "Maganda ang anak ko dahil sa akin,” sagot niya, halos defensive. His eyes darkened. “Because of you?” he asked coldly. Of course. No one could deny it. Noon pa man, sa buong University na pinasukan nila, sino ba ang hindi nakakakilala sa ganda ni Zephyra? Hindi malamig na kagandahan, kundi parang araw ng tanghali—matingkad, maliwanag, walang takot magningning. “I was just complimenting,” he said, flatly. “Why do you look so nervous?” he added. “Hindi ako kinakabahan,” mabilis niyang sagot, pilit. Muli siyang humakbang paalis. Sa isang iglap, umabot ang mahabang braso ni Wren palabas ng bintana at hinawakan ang braso niya. Mahigpit. Parang bakal ang mga daliri. Ramdam sa manipis na tela ng damit niya ang init at lakas ng kamay nito. “Running away again? Parang dati lang, ikaw tong parang linta kung makalapit sakin.” malamig na sambit nito. “Wren… nasa gate tayo ng kindergarten ng anak ko! Anong ginagawa mo—hihilahin mo ako rito?” galit at takot na sabi ni Zephyra. “Nothing,” he said, calm as ever. “I’m just saying—I won’t accept your apology from yesterday,” he continued, tightening his grip. Hindi nakapaghanda si Zephyra—bumangga siya sa pinto ng sasakyan. Hawak ni Wren ang batok niya, bahagyang yumuko palabas ng bintana, at ibinulong sa tenga niya: “And one more thing, Miss Arcadia… you don’t get to say we’re even.” Bigla siyang binitawan. Napaluhod si Zephyra sa kalsada. Magulo ang buhok. Marumi ang damit. At pakiramdam niya tila nawasak ang kanyang dignidad. Umugong ang makina ng Cullinan at mabilis itong umalis, iniwan siyang nag-iisa—nababalot ng alikabok at galit. “Wren Deveraux, hayop ka!” sigaw ni Zephyra. Baliw ba ‘to?! Umaga pa lang, gulo agad ang dala. At sa kaibuturan ng puso niya, alam niya na hindi simpleng aksidente ang pagpunta ni Wren rito. He was watching. Napabuntong hininga na lang si Zephyra, mukhang hindi niya talaga kayang ihilim habang buhay ang kanyang matagal nang itinatago. Nagmadali na lamang umalis si Zephyra upang ipagpatuloy ang paghahanap ng bagong abogado. Para maiwasan si Wren Deveraux, sinadya niyang iwasan ang lahat ng divorce lawyers na konektado sa Veritas International Law Firm. Ayaw na ayaw niyang muling makasalubong ang lalaking iyon—o mas lalo pang malubog sa gulong dala nito. Naglakad siya sa main street ng West City Village, dala ang bag at cellphone, tinitingnan ang bawat numero sa listahan. Isa-isang tinatawagan ang law offices. Ngunit bawat sagot ay may malamig na tono ng pagtanggi. Halos lahat ng kilalang law firms sa Maynila—tumanggi. May dahilan naman. Ang ama ni Magnus Montclair ay isa sa pinakamakapangyarihang alkalde sa rehiyon. May impluwensya, may koneksyon. Walang abogadong gustong bumangga sa pamilyang Montclair para lang sa bayad sa divorce case. Habang nakaupo sa isang maliit na bench sa tabi ng café, ramdam ni Zephyra ang bigat ng mundo sa kanyang balikat. Halos gusto na niyang umiyak—ngunit hindi niya puwedeng ipakita iyon. “Think, Zeph. Kung sino ang puwedeng mag-take ng case, ‘yun ang iyong magiging sandigan. Huwag kang papayag sa sino man na may halong dula at agenda,” bulong niya sa sarili. Maghapon, hindi bumaba ang cellphone niya sa kamay. Mga missed calls, voicemail, text—lahat ay nagiging paalala ng imposibleng sitwasyon. Hanggang sa bandang gabi, isang numero ang sumagot. “Miss Arcadia?” Malinis at propesyonal na boses ng babae sa kabilang linya. “I’m Atty. Sally Lim, from Equitas Law Office. I understand you’re looking for representation?” Tumigil si Zephyra. Para bang may liwanag na sumilip sa dilim ng gabing iyon. “Yes… yes, I need a divorce lawyer,” sagot niya, tinatangkang itago ang pag-iyak sa boses. “Meet me tonight at Hustle Tea House. It’s private and quiet. We can discuss the details,” malinaw ang boses ni Atty. Lim. “Okay,” mabilis niyang sagot, halos tumalon ang puso niya sa ginhawa. Ibinilin niya muna ang kanyang anak sa kanyang matalik na kaibigan na si Keira na masaya naman nitong pinaunlakan. Pagdating niya sa tea house, tahimik at intimate ang lugar. Maliliit na mesa, malambot na ilaw, halos walang tao—perfect para sa pribadong pag-uusap. Nakatayo sa gilid si Atty. Sally Lim, elegant at composed, may folder sa kamay. “Miss Arcadia, please sit,” anyaya ng abogado. Umupo si Zephyra, nanginginig pa rin ang mga kamay. Bawat galaw, bawat tunog sa paligid, bawat kisapmata—tila may nagmamasid. “Parang may nanonood,” naisip niya, habang dahan-dahang huminga. Hindi niya makita kung saan nanggagaling ang pakiramdam, ngunit hindi maiwasan ang kaba sa dibdib. Para bang may anino sa labas ng bintana, pero hindi niya matukoy. “Miss Arcadia, I’ve reviewed the documents you sent. I believe we can proceed, but we need a careful strategy. This is not just a simple divorce… the opposing party is… influential,” paliwanag ni Atty. Lim. “Yes,” sagot ni Zephyra, malalim ang hininga. “I just… I can’t let him—Magnus Montclair—take everything.” Habang nag-uusap, ramdam ni Zephyra ang tensyon sa paligid niya. Muling bumalik ang pakiramdam ng panganib—yung pareho sa café kanina, yung biglaang pagnginig ng dibdib niya sa tuwing may lalapit sa kanya. Ngunit kahit anong tingin niya sa paligid, wala siyang makita. “Miss Arcadia?” mahinang tawag sa kanya ni Atty. Lim. “Sorry, I just… always feel watched,” sabi ni Zephyra, halong pagod at tensyon. “Parang may nakatingin sa akin kahit wala.” “Maybe stress from all of this,” sagot ni Lim, pilit nakangiti, pero nakikita ang pagka-alerto sa mata ni Zephyra. May napapansin din siyang kakaiba sa Attorney na kaharap niya ngayon ngunit ipinagsawalang bahala nalang niya. “Siguradong pagod ka. Mag-tea muna tayo para makabawi ng lakas.” Kinuha ni Atty. Lim ang purple clay teapot at marahang nagbuhos ng tsaa. Ang kulay orange-red na likido ay umuusok nang bahagya sa tasa ni Zephyra. “Salamat,” mahinang sagot niya. Hinawakan ang tasa, pero hindi agad uminom. Nang makita niyang inubos ni Atty. Lim ang laman ng sarili nitong tasa sa isang lagok, saka lang siya s******p. Matapos ang ilang pormal na usapan, dumiretso na sila sa punto.CHAPTER 6 Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang malalim, mabigat na hininga—parang buong katawan niya lang ang biglang nakalaya sa isang bigat na hindi niya maipaliwanag. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kalsada. At doon niya nakita ang itim na sasakyan. Rolls-Royce Cullinan, nakaparada sa tapat ng kindergarten. Sa una, inisip niya, isa lang itong mayamang magulang. Maraming ganito sa lugar. Pero habang tumatawid siya… Biglang umandar ang Cullinan at huminto ito eksakto sa tabi niya. Dahan-dahang bumaba ang tinted window. At doon niya nakita ang pamilyar na profile. Wren Deveraux. “Good morning, Miss Arcadia.” Mahaba at malinaw ang boses. May halong pang-aasar. Nanlamig ang batok ni Zephyra. “Anong ginagawa mo rito?” tuyo niy
CHAPTER 5 Halos pigilan ni Zephyra ang paghinga. Pakiramdam niya, kahit ang bahagyang pag-angat ng dibdib niya ay maaaring makatawag ng pansin. Para siyang nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng salamin—anumang maliit na galaw ay maaaring magbunyag ng sikreto. Ngunit sa totoo lang, hindi man lang tumingin si Wren kay Zyrene. Hindi ito sumulyap. Hindi ito nagtanong. Walang anumang reaksiyon. Syempre, mapait niyang naisip. Galit siya sa akin. Bakit niya papansinin ang anak ko? Unti-unti siyang kumalma. Kahit papaano, ligtas pa. Hindi napansin. Hindi pinaghinalaan. Isang ordinaryong elevator ride lang ito para sa lalaki. Hanggang sa— May mahinang tunog na bumasag sa katahimikan. Plok. Nahulog ang hawak na rainbow bouncy ball ni Zyrene. Parang bumagal ang oras. Gumulong iyon sa makintab na sahig ng elevator, umiikot-ikot na tila nanunukso sa tadhana. Dumaan sa gilid ng sapatos ni Zephyra, umiwas sa dingding, at tuluyang tumigil sa paanan ni Wren. “Momm
CHAPTER 4 Hindi makatulog si Zephyra. Marami na siyang iniisip, ngunit ang biglaang paglitaw ni Wren ang tuluyang gumulo sa isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa alaala niya ang mga mata nito, malamig, kalmado, ngunit parang may bagyong nakatagong handang sumabog anumang oras. Sa bawat pagpikit niya, naroon siya. Sa bawat paghinga, bumabalik ang presensya nito. Bandang alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw, saka lang siya bahagyang nakatulog—isang mababaw at putol-putol na pahinga. Ngunit hindi pa man siya tuluyang lumulubog sa panaginip, ginising na siya ng matinis na tunog ng alarm. Inis na napapikit si Zephyra at marahang pinatay iyon. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mukha niya, parang umaasang mahuhugasan nito ang pagod, ang takot, at ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, maingat siyang nag-make up, pilit tinatakpan ang mga pasa at sugat na kanyang natamo. Bawat dampi ng brush sa kanyang mukha ay may kasamang kir
CHAPTER 3 “Mommy, are you okay po?” inosenteng tanong ni Zyrene, nakatingala sa kanya—malinaw ang mga mata, walang bahid ng duda, walang kaalam-alam sa gulong pilit niyang itinatago. Napakurap si Zephyra. Para bang saka lang muling bumalik ang mundo sa tamang ayos. Pilit niyang hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyan, palayo sa alaala at takot na nag-aagawan sa loob ng isip niya. Pinilit niyang ngumiti, isang ngiting nanginginig, pilit buuin kahit ramdam niyang anumang oras ay maaaring gumuho. “Oo,” mahina niyang sagot habang mahigpit na niyayakap ang anak, na para bang doon lang siya nakakakuha ng lakas. “Okay lang si Mommy.” Pero sa kaibuturan ng dibdib niya, alam niya ang totoo. Nagsimula na ang bangungot na matagal niyang tinatakasan. “Mabait ka ba dito kina Auntie Keira?” mahinahong tanong ni Zephyra makalipas ang ilang sandali. “Opo! Super bait!” masiglang sagot ni Zyrene, halos tumalon sa tuwa. “Tinulungan ko pa siyang magdilig ng plants!” Lumabas si Keira mul
CHAPTER 2 “Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang sinapit niya. “The wound on my forehead? He threw an ashtray at me. And the bruise under my eye—” “That’s enough!” Wren shouted, slamming the cup onto the table. The sharp sound echoed between them. “Stop. Don’t say another word.” “This was your choice!” he snapped, his voice sharp and unforgiving. “You brought all of this on yourself!” “Yes,” kalmadong sagot ni Zeph “It was my choice.” Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nakipagtalo. At ‘yun ang mas masakit. “I deserve everything that happened to me.” Tears welled up in Zephyra’s eyes as she looked at Wren—not pleading, not accusing, only exhausted. “And you…” pagpapatuloy niya kahit labis na ang panginginig
CHAPTER 1 Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha. Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono kagabi na magiging katagpo niya sa kanyang meeting ngayon para pag-usapan ang kanyang magiging kaso. Lampas na sa oras ng kanilang usapan, pero wala pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Zephyra at nagbalak muli na tawagan ito nang biglang bumukas ang pinto ng café at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng gray na three-piece suit, itim na polo, at may guhit na kurbata. Mararamdaman mo sa aura nito na sanay itong masunod—isang lalaking sanay na siya ay nasa itaas. Sa pagpasok nito, halos sabay-sabay na napalingon ang mga kababaihan at namangha sa aura at itsura na mayroon ito, ang kanyang mukha ay ang tipong bihira mo lamang makita sa totoong buhay, hindi lang







