MasukCHAPTER 4
Hindi makatulog si Zephyra. Marami na siyang iniisip, ngunit ang biglaang paglitaw ni Wren ang tuluyang gumulo sa isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa alaala niya ang mga mata nito, malamig, kalmado, ngunit parang may bagyong nakatagong handang sumabog anumang oras. Sa bawat pagpikit niya, naroon siya. Sa bawat paghinga, bumabalik ang presensya nito. Bandang alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw, saka lang siya bahagyang nakatulog—isang mababaw at putol-putol na pahinga. Ngunit hindi pa man siya tuluyang lumulubog sa panaginip, ginising na siya ng matinis na tunog ng alarm. Inis na napapikit si Zephyra at marahang pinatay iyon. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mukha niya, parang umaasang mahuhugasan nito ang pagod, ang takot, at ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, maingat siyang nag-make up, pilit tinatakpan ang mga pasa at sugat na kanyang natamo. Bawat dampi ng brush sa kanyang mukha ay may kasamang kirot, pisikal at emosyonal. Pagkatapos, tahimik siyang pumunta sa kwarto ng anak. “Mommy,” inosenteng tanong ni Zyrene habang inaantok pang nakaupo sa kama, “Why are you wearing a hat and sunglasses these past few days po?” Saglit na napahinto si Zephyra. Pagkatapos, ngumiti siya. Isang ngiting sanay na sanay na niyang isuot. “Kasi nagpa-beauty treatment si Mommy,” paliwanag niya, mahinahon ang boses. “Sabi ng doctor, kailangan daw munang takpan ang mukha para mas mabilis gumaling.” Hindi nakikita ni Zyrene ang pananakit ni Magnus Montclair. At labis na ipinagpapasalamat iyon ni Zephyra. Kung kaya niya lang, gugustuhin niyang ikulong ang anak sa isang mundong walang sigaw, walang takot, walang kamay na marunong manakit. Ayaw niyang maranasan nito ang ganoong uri ng trauma kahit kailan. “Pero Mommy…” sabay yakap ni Zyrene sa leeg niya, malambing at mahigpit “Ang ganda-ganda mo na po. Hindi mo na kailangan ng beauty treatment.” Sumandal ang bata sa kanya at marahang idinugtong, “Sa puso ko, ikaw ang pinaka-magandang mommy sa buong mundo.” Parang may kung anong mainit na humaplos sa dibdib ni Zephyra. Si Zyrene ay mabait at masyadong maagang natutong maging sensitibo sa damdamin ng iba. Minsan, naiisip ni Zephyra kung dapat ba siyang matuwa o masaktan sa ganoong katotohanan. Ang batang dapat ay iniintindi lamang ang pag-aaral at paglalaro, marunong nang bumasa ng lungkot sa mga mata niya. Ang pagsilang ni Zyrene ang naging liwanag sa buhay niyang halos tuluyang gumuho. Kung ang mundo ang nagtulak sa kanya sa dilim, si Zyrene naman ang regalong humila sa kanya palabas. Ang tanging dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban. “Salamat, baby,” malambing niyang sabi, hinahaplos ang buhok ng anak. “At sa puso ni Mommy, ikaw ang pinaka-magandang baby sa buong mundo.” Ngumiti naman si Zyrene sa turan ng kanyang ina. “Tara na,” dagdag ni Zephyra, pinupunasan ang sulok ng mata bago pa mahalata. “Maghanda na tayo para sa kindergarten, ha?” “Opo!” masiglang sagot ng bata. Hinalikan ni Zephyra ang noo ng anak—isang halik na puno ng pangako. Pangakong gagawin niya ang lahat para protektahan ito. Pangakong hinding-hindi niya hahayaang masira ang inosenteng mundong iyon. Pagkatapos mag-almusal, magkahawak-kamay na naglakad ang mag-ina sa hallway ng West City Village. Tahimik ang umaga, malinis ang sahig, malamig ang hangin, at halos walang tao sa corridor. “Mommy, may show-and-tell po kami today,” masayang kuwento ni Zyrene habang hinihintay nilang bumukas ang elevator. “Talaga? Ano’ng dadalhin mo?” tanong ni Zephyra, pilit pinananatiling normal ang tono. “Secret!” bulong ng bata, saka humagikgik. Napangiti si Zephyra. Ganitong mga sandali ang gusto kong manatili. Simple. Tahimik. Walang multo ng nakaraan. Ding. Pagbukas ng elevator— Nanigas siya. Parang biglang huminto ang oras. Nakatayo sa loob si Wren Deveraux. Naka-dark gray suit ito na perpektong perpekto ang sukat sa katawan, parang ginawa para isuot lang sa kanya. Ang puting kwelyo ng polo ay preskong-presko, malinis, at lalong binibigyang-diin ang matalas nitong panga. Maayos ang buhok. Walang kahit anong kulang. Hindi man ito gumagalaw, ngunit nag uumapaw ang presensyang dala nito. Hindi namalayang napahigpit ang hawak ni Zephyra sa balikat ni Zyrene. Bakit siya nandito? Nakatira rin ba siya rito? Pero agad niyang itinanggi iyon sa isip. Kahit mid-to-high-end ang condo ni Keira, luma na ang gusali. May ilang pasilidad na outdated. Hindi ito ang tipo ng lugar na babagay sa estado ni Wren ngayon. Sa posisyon niya bilang isang CEO ng Veritas International Law Firm,siguradong may mas bago, mas exclusive, at mas marangyang tirahan siya. Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Sandaling tumingin si Wren kay Zephyra, isang mabilis, malamig, at halos walang pakialam na sulyap bago agad ibinaling ang tingin sa digital floor indicator. Walang emosyon. Walang bakas ng pagkilala. Para bang isa lamang siyang estranghera. Mas masakit pa yata iyon kaysa galit. “Mommy,” mahina ngunit malinaw na bulong ni Zyrene, “hindi pa po tayo papasok?” Napakurap si Zephyra. “Pa…pasok,” pautal niyang sagot. Hinila niya si Zyrene papasok ng elevator. Maluwag ang loob, pero sinadya niyang itulak ang anak sa pinakasulok. Ipinuwesto niya ang sariling katawan bilang panangga upang harangan ito. Ayaw niyang makita ni Wren ang mukha ng bata. Ayaw niyang magtagpo ang mga mata nila. Ayaw niyang mangyari ang kinatatakutan niyang mangyari. Tahimik ang elevator. Tanging mahinang ugong ng makina at ang regular na ding kada palapag ang maririnig. Sa gilid ng paningin niya, ramdam ni Zephyra ang presensya ni Wren—hindi ito gumagalaw, pero parang sapat na ang paghinga nito para mag-iba ang hangin sa loob. Huwag sana siyang tumingin. Huwag sana niyang pansinin. Huwag sana niyang mahalata. Humigpit ang kapit niya kay Zyrene. At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon… Naramdaman niyang hindi na sapat ang pagtatago.CHAPTER 6 Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang malalim, mabigat na hininga—parang buong katawan niya lang ang biglang nakalaya sa isang bigat na hindi niya maipaliwanag. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kalsada. At doon niya nakita ang itim na sasakyan. Rolls-Royce Cullinan, nakaparada sa tapat ng kindergarten. Sa una, inisip niya, isa lang itong mayamang magulang. Maraming ganito sa lugar. Pero habang tumatawid siya… Biglang umandar ang Cullinan at huminto ito eksakto sa tabi niya. Dahan-dahang bumaba ang tinted window. At doon niya nakita ang pamilyar na profile. Wren Deveraux. “Good morning, Miss Arcadia.” Mahaba at malinaw ang boses. May halong pang-aasar. Nanlamig ang batok ni Zephyra. “Anong ginagawa mo rito?” tuyo niy
CHAPTER 5 Halos pigilan ni Zephyra ang paghinga. Pakiramdam niya, kahit ang bahagyang pag-angat ng dibdib niya ay maaaring makatawag ng pansin. Para siyang nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng salamin—anumang maliit na galaw ay maaaring magbunyag ng sikreto. Ngunit sa totoo lang, hindi man lang tumingin si Wren kay Zyrene. Hindi ito sumulyap. Hindi ito nagtanong. Walang anumang reaksiyon. Syempre, mapait niyang naisip. Galit siya sa akin. Bakit niya papansinin ang anak ko? Unti-unti siyang kumalma. Kahit papaano, ligtas pa. Hindi napansin. Hindi pinaghinalaan. Isang ordinaryong elevator ride lang ito para sa lalaki. Hanggang sa— May mahinang tunog na bumasag sa katahimikan. Plok. Nahulog ang hawak na rainbow bouncy ball ni Zyrene. Parang bumagal ang oras. Gumulong iyon sa makintab na sahig ng elevator, umiikot-ikot na tila nanunukso sa tadhana. Dumaan sa gilid ng sapatos ni Zephyra, umiwas sa dingding, at tuluyang tumigil sa paanan ni Wren. “Momm
CHAPTER 4 Hindi makatulog si Zephyra. Marami na siyang iniisip, ngunit ang biglaang paglitaw ni Wren ang tuluyang gumulo sa isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa alaala niya ang mga mata nito, malamig, kalmado, ngunit parang may bagyong nakatagong handang sumabog anumang oras. Sa bawat pagpikit niya, naroon siya. Sa bawat paghinga, bumabalik ang presensya nito. Bandang alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw, saka lang siya bahagyang nakatulog—isang mababaw at putol-putol na pahinga. Ngunit hindi pa man siya tuluyang lumulubog sa panaginip, ginising na siya ng matinis na tunog ng alarm. Inis na napapikit si Zephyra at marahang pinatay iyon. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mukha niya, parang umaasang mahuhugasan nito ang pagod, ang takot, at ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, maingat siyang nag-make up, pilit tinatakpan ang mga pasa at sugat na kanyang natamo. Bawat dampi ng brush sa kanyang mukha ay may kasamang kir
CHAPTER 3 “Mommy, are you okay po?” inosenteng tanong ni Zyrene, nakatingala sa kanya—malinaw ang mga mata, walang bahid ng duda, walang kaalam-alam sa gulong pilit niyang itinatago. Napakurap si Zephyra. Para bang saka lang muling bumalik ang mundo sa tamang ayos. Pilit niyang hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyan, palayo sa alaala at takot na nag-aagawan sa loob ng isip niya. Pinilit niyang ngumiti, isang ngiting nanginginig, pilit buuin kahit ramdam niyang anumang oras ay maaaring gumuho. “Oo,” mahina niyang sagot habang mahigpit na niyayakap ang anak, na para bang doon lang siya nakakakuha ng lakas. “Okay lang si Mommy.” Pero sa kaibuturan ng dibdib niya, alam niya ang totoo. Nagsimula na ang bangungot na matagal niyang tinatakasan. “Mabait ka ba dito kina Auntie Keira?” mahinahong tanong ni Zephyra makalipas ang ilang sandali. “Opo! Super bait!” masiglang sagot ni Zyrene, halos tumalon sa tuwa. “Tinulungan ko pa siyang magdilig ng plants!” Lumabas si Keira mul
CHAPTER 2 “Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang sinapit niya. “The wound on my forehead? He threw an ashtray at me. And the bruise under my eye—” “That’s enough!” Wren shouted, slamming the cup onto the table. The sharp sound echoed between them. “Stop. Don’t say another word.” “This was your choice!” he snapped, his voice sharp and unforgiving. “You brought all of this on yourself!” “Yes,” kalmadong sagot ni Zeph “It was my choice.” Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nakipagtalo. At ‘yun ang mas masakit. “I deserve everything that happened to me.” Tears welled up in Zephyra’s eyes as she looked at Wren—not pleading, not accusing, only exhausted. “And you…” pagpapatuloy niya kahit labis na ang panginginig
CHAPTER 1 Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha. Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono kagabi na magiging katagpo niya sa kanyang meeting ngayon para pag-usapan ang kanyang magiging kaso. Lampas na sa oras ng kanilang usapan, pero wala pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Zephyra at nagbalak muli na tawagan ito nang biglang bumukas ang pinto ng café at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng gray na three-piece suit, itim na polo, at may guhit na kurbata. Mararamdaman mo sa aura nito na sanay itong masunod—isang lalaking sanay na siya ay nasa itaas. Sa pagpasok nito, halos sabay-sabay na napalingon ang mga kababaihan at namangha sa aura at itsura na mayroon ito, ang kanyang mukha ay ang tipong bihira mo lamang makita sa totoong buhay, hindi lang







