MasukCHAPTER 5
Halos pigilan ni Zephyra ang paghinga. Pakiramdam niya, kahit ang bahagyang pag-angat ng dibdib niya ay maaaring makatawag ng pansin. Para siyang nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng salamin—anumang maliit na galaw ay maaaring magbunyag ng sikreto. Ngunit sa totoo lang, hindi man lang tumingin si Wren kay Zyrene. Hindi ito sumulyap. Hindi ito nagtanong. Walang anumang reaksiyon. Syempre, mapait niyang naisip. Galit siya sa akin. Bakit niya papansinin ang anak ko? Unti-unti siyang kumalma. Kahit papaano, ligtas pa. Hindi napansin. Hindi pinaghinalaan. Isang ordinaryong elevator ride lang ito para sa lalaki. Hanggang sa— May mahinang tunog na bumasag sa katahimikan. Plok. Nahulog ang hawak na rainbow bouncy ball ni Zyrene. Parang bumagal ang oras. Gumulong iyon sa makintab na sahig ng elevator, umiikot-ikot na tila nanunukso sa tadhana. Dumaan sa gilid ng sapatos ni Zephyra, umiwas sa dingding, at tuluyang tumigil sa paanan ni Wren. “Mommy!” nagulat na sigaw ni Zyrene. “Yung rainbow ball ko! Nahulog!” Nanigas si Zephyra. Ito mismo ang kinatatakutan niya. Ang isang maliit, inosenteng pangyayari na maaaring magbukas ng pintuan sa isang napakalaking katotohanan. Inabot ni Zyrene ang bola mula sa likod niya, pero hindi nito maabot. Masyadong malayo. Masyadong malapit kay Wren. Sumulyap si Wren pababa. Isang segundo. Dalawa. Yumuko siya nang walang anumang emosyon sa mukha. Dinampot niya ang makulay na bola at iniabot iyon sa bata. Nanlamig ang batok ni Zephyra. Sa sandaling iyon, nagtagpo ang kamay ng bata at ng lalaki. At parang may kung anong sumabog sa dibdib niya. Maging ang hugis ng mga daliri nila. Ang haba ng mga kamay. Ang paraan ng marahang pagkakahawak. Magkapareho. Isang detalye na baka hindi mapansin ng iba, pero para sa isang ina na araw-araw tinititigan ang mukha ng anak niya, malinaw iyon. Sobrang malinaw. “Thank you po, Uncle,” masayang sabi ni Zyrene. Ngumiti ito nang matamis, walang takot, walang pag-aalinlangan. Tumango lang si Wren. Walang ngiti. Walang lambing. Para lang siyang isang estrangherong nag-abot ng nahulog na gamit. Ngunit sa loob ng isang iglap, may bahagyang nagbago sa mga mata nito. Isang mabilis na anino ng pag-usisa. Isang pag-aaral. Napatingin siya nang mas mabuti sa bata. May sasabihin pa sana si Zyrene, marahil ay magtatanong o magpapakita pa ng inosenteng kuryosidad, ngunit mabilis na tinakpan ni Zephyra ang bibig nito. “Enough, baby,” mahina ngunit madiin niyang bulong. Halos pakiusap ang tono. Tumunog ang elevator. Ding. Bumukas ang pinto sa ground floor. Sa pandinig ni Zephyra, para iyong musika mula sa langit. Isang pahintulot para tumakas. Nakatayo si Wren sa unahan, ngunit hindi siya gumalaw. Pababa pa siya sa basement parking. Hindi pa ito ang destinasyon niya. Hindi siya lumabas. Hindi rin siya nagsalita. Hinila ni Zephyra si Zyrene at mabilis na lumabas ng elevator. Halos tumatakbo siya, parang may hinahabol na multo o may tinatakasan na katotohanan. Huwag siyang lumingon. Huwag siyang tumingin. Huwag niyang hanapin ang titig nito sa likod niya. Nagsara ang pinto. Sa salamin ng elevator, bago tuluyang mawala ang repleksiyon, nakita ni Wren ang bahagyang profile ng bata. Ang hugis ng mata. Ang anggulo ng panga. Ang linya ng kilay. May kung anong kumalabit sa alaala niya. Bumaba muli ang elevator. At kasabay nito, may isang tanong na unti-unting umaakyat sa isip ng isang lalaking bihirang magkamali sa obserbasyon. – Paglabas nila ng gusali, saka lamang nakahinga nang bahagya si Zephyra. Ngunit hindi pa man siya lubusang nakakabawi, narinig niya ang mahinang boses ng anak. “Mommy… masamang tao po ba yung uncle sa elevator?” Parang may malamig na kamay na pumisil sa puso niya. Napahinto siya sa paglalakad at dahan-dahang yumuko upang kapantay ang bata. “Bakit mo natanong ‘yan, baby?” pilit niyang pinanatiling mahinahon ang boses, kahit ramdam niyang bumibigat ang bawat salita. “Kasi kanina po,” inosenteng sagot ni Zyrene, “hinaharangan mo ako. Tapos pawis na pawis po yung kamay mo.” Doon siya tinamaan. Hindi man nito alam ang dahilan, alam nitong may mali. Nararamdaman nito ang takot niya. Masyadong maaga para matutong magbasa ng ganoong emosyon ang isang bata. “Hindi,” mabilis niyang sagot. “Hindi masamang tao ‘yon.” Hinaplos niya ang buhok ng anak at pinilit ngumiti. “Stranger lang siya. At ano nga ang sabi ni Mommy? Kailangan may distansya tayo sa mga hindi natin kilala, diba?" “Opo,” tumango si Zyrene. Ngunit hindi pa rin nawawala ang seryosong tingin nito. “Pero Mommy,” marahan nitong dagdag, “kung stranger lang siya, bakit po kayo kinakabahan?” Napalunok si Zephyra. Isang simpleng tanong. Pero wala siyang simpleng sagot. “Si Mommy kasi,” maingat niyang sabi, “ayaw lang talagang ma-late ka. Alam mo namang gusto mo makakuha ng little red flower today, diba?” Biglang nagliwanag ang mukha ni Zyrene. “Ayoko pong ma-late! Gusto ko pong maging best sa class!” Napatawa si Zephyra. Isang maikling tawang may halong ginhawa at kirot. “Sige, bilisan natin.” Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak at naglakad silang muli patungo sa sasakyan. Ngunit kahit ngumiti siya, kahit tila bumalik sa normal ang lahat, nanginginig pa rin ang loob niya. Dahil alam niyang hindi ang pagiging late ang kinakatakutan niya. Kundi ang posibilidad na isang araw, titigan siya ng anak niya at magtanong ng mas mabigat. Isang tanong tungkol sa ama. At sa araw na iyon, baka wala na siyang maitago. — Mula sa underground parking ng condo, dahan-dahang lumabas ang sasakyan ni Wren. Pagdating sa isang intersection, muli niyang nakita sina Zephyra Arcadia at ang anak nito. Magkahawak-kamay ang mag-ina—isang matangkad, isang maliit—naglalakad nang magaan sa ilalim ng lilim ng mga punong acacia sa gilid ng kalsada. Ang bata, mga lima o anim na taong gulang, may dalawang tirintas. Ang maliliit na cherry na nakasabit sa hair ties ay bahagyang kumikislap sa liwanag ng umaga. Biglang bumalik sa isip ni Wren ang isang lumang alaala. “Wren,” masiglang sabi ni Zephyra noon, “kapag nagka-anak tayo, gusto ko babae. Araw-araw ko siyang tatalian ng buhok, tapos ikaw ang maghahatid sa kanya sa kindergarten. Gusto ko lumaki siyang masaya, kasama tayo.” “Sige,” natatawang sagot niya. “Mas maganda kung kamukha mo.” “Hindi,” biro ni Zephyra, “mas okay kung kamukha mo.” “Mas okay kung kamukha mo,” giit niya noon. Parang isang lumang kahong kahoy ang alaala—biglang nabuksan. Umangat ang alikabok sa sinag ng liwanag. Napahigpit ang hawak ni Wren sa manubela dahil sa ala-alang iyon. Pero ano ang sumunod? Ang sumunod, Nagkaanak nga siya, Pero hindi sa kanya.CHAPTER 14 “Don’t move.” Mababa at mariing bulong iyon ni Wren Deveraux, halos may banta. “If you don’t want your leg anymore, then go ahead and struggle.” Napatingin si Zephyra sa sariling binti. Ang benda ay muling nababasa ng dugo. Biglang nahilo siya. Agad siyang napatigil. Hindi na siya gumalaw. Ngunit ang posisyon nila ngayon ay lalong nagpapagulo sa kanyang isip. Mahigpit ang mga braso ni Wren sa kanya—parang bakal na pumipigil sa kanya. Ang katawan niya ay nakadikit sa matigas nitong dibdib, at malinaw niyang naririnig ang mahinahon ngunit malakas na tibok ng puso nito. Matagal na panahon na ang lumipas— pero pamilyar pa rin ang tunog na iyon. Noon, isa sa mga paboritong ginagawa ni Zephyra ay ang humiga sa dibdib ni Wren pagkatapos ng mahahabang gabing magkasama sila. Tahimik lang siyang nakikinig sa tibok ng puso nito—malakas, mainit, parang walang kontrol. Para sa kanya noon, iyon ang pinakatunay na patunay na ang lalaking tila hindi maaabot ay nap
CHAPTER 13Pagkatapos malagyan ng benda ang sugat sa binti ni Zephyra, sabay silang lumabas ng clinic ni Wren.Tahimik ang gabi sa paanan ng bundok. Mahina ang ilaw mula sa karatula ng maliit na tindahan sa tapat ng clinic, at tanging kuliglig lang ang maririnig sa paligid.Napalingon si Zephyra kay Wren habang naglalakad sila palabas.“Bakit ka bumalik?” tanong niya.Hindi siya agad sinagot ng lalaki.“Elias was worried about you.”Napakunot ang noo ni Zephyra.“Kung si Elias ang nag-aalala, bakit ikaw ang bumalik?”Hindi man lang siya tinignan ni Wren.“Your leg is injured. Talk less.”Natigilan si Zephyra.Ano ’yon?Anong klaseng lohika iyon?May sinabi bang ganoon ang doktor?Pagdating nila sa labas, naroon pa rin ang itim na Cullinan na nakaparada sa harap ng clinic. Binuksan ni Wren ang pinto sa passenger seat at bahagyang tumango.“Get in.”Hindi gumalaw si Zephyra.“Mauna ka na. May naiwan lang akong gamit. Kailangan kong balikan.”Bumaba ang tingin ni Wren sa binti niyang may
CHAPTER 12 “I won't give you a free ride, remember to pay the fare.” malamig na sagot nito. Napatingin si Elias sa rearview mirror, halatang sanay na sa ugali ng amo. Magkakrus ang mga mata nina Zephyra at Wren sa loob ng sasakyan. “Magkano?” tanong niya. “Five hundred.” Napaangat ang kilay ni Zephyra. “Five hundred? Mula bundok pababa ng highway? Ginto ba ang gas mo? Bakit kaya hindi ka nalang nagnakaw sa iba!” "Robbery is a criminal offense, I won't break the law." sagot naman ni Wren na mukhang nasisiyahan sa ginagawa. "But drivers who overcharge are also subject to administrative penalties!" salubong ang kilay at pasigaw na sabi ni Zephyra "Miss Arcadia, is this a taxi? Dalawang daang kilometro pabalik ng Quezon City,” sagot ni Wren. “Alam ko namang hindi.” Saglit siyang tumingin sa interior ng Rolls-Royce. “Pero hindi rin ito ride-hailing app.” “Transfer it to me.” dagdag pa nito. Binuksan ni Wren ang WeChat QR code sa phone niya at iniabot iyon sa kanya.
CHAPTER 11 Saglit na natahimik ang dalawa. Sa labas, naririnig ang mahinang ingay ng mga sasakyan at mga batang naglalakad papasok sa eskwela. Normal ang lahat, pero alam nilang hindi na normal ang sitwasyon nila. “Kung wala kang ebidensya laban kay Magnus at wala rin siyang kabit, ano ang plano mo?” tanong ni Keira. Tumingin si Zephyra sa bintana. “Hindi kailangang sa kanya manggaling ang kahinaan.” “Ang pamilya niya?” hula ni Keira. Tumango si Zephyra. “Si Mayor Ramon Montclair ang pundasyon ng pangalan nila. Kung may bahid ang reputasyon niya, babagsak ang buong estruktura. At kapag nangyari iyon, mapipilitan si Magnus na makipag-ayos.” Nalala niya ang mga bulong ng driver at ang templong madalas puntahan ng mayor. “May pupuntahan ako bukas,” sabi niya. “Saan?” “Sa Bulacan.” Tumayo si Keira at naglakad papunta sa kusina. Pagbalik niya, inilapag niya ang mangkok ng sabaw sa harap ni Zephyra. “Kain ka muna. Kailangan mo ng lakas kung lalaban ka.” Bahagyang
CHAPTER 10Sa kabilang banda, nasa loob ng glass-walled office si Wren Deveraux. Tahimik ang paligid nang biglang tumunog ang phone niya.Transfer received.May note.Hospital bill and transportation fee – Zephyra Arcadia.Nanigas ang panga niya.Transportation fee? Ginawa ba siyang driver? Tahimik niyang ibinaba ang phone sa mesa.Sa labas ng opisina, may kumatok. “Sir,” sabi ni Elias pagpasok. “She insisted on paying.”"I didn’t ask for reimbursement.”“Yes, sir.”Tumayo si Wren at lumapit sa bintana. Six years ago, he buried her. Pero kagabi, binuhat niya ang katawan nito na parang babasagin. Hinawakan ang kamay nito nang hindi namamalayan.At ngayon, binabayaran siya nito na parang service provider.“Send the money back,” malamig niyang utos.“Sir?”“Full amount.”Saglit na nag-alangan si Elias. “With a note?”Ilang segundo ng katahimikan. Wren’s reflection stared back at him from the glass.“There is no ‘us,’” mahina niyang sabi. “Not anymore.”Huminga siya nang malalim.“Just se
CHAPTER 9 Sa huling sandali bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang itinapon ni Wren ang sigarilyo at mabilis na sinalo ang katawan niya bago pa tuluyang tumama sa sahig. “Zephyra!” Agad niya itong binuhat at ibinalik sa kama. “Wake up. Hey—look at me.” Mahina ang paghinga niya. Pinisil niya ang sentido nito, sinusuri ang reaksyon. “This isn’t just alcohol,” bulong niya. “They really drugged you.” Sandaling tumahimik ang kwarto. Ang galit kanina—napalitan ng malamig na determinasyon. Kinuha ni Wren ang phone niya. “Find out who served her drink tonight,” utos niya sa kabilang linya. “Check every camera. I want names.” Pinatay niya ang tawag. Bumalik ang tingin niya kay Zephyra. Then he moved. Binuhat niya ito—madali, parang wala itong timbang—at lumabas ng suite. Sa hallway, tahimik ang carpeted floor, pero sa loob niya ay kumakalabog ang galit. Pagdating sa basement parking, bumubuhos ang ulan. Ang itim na Rolls-Royce Cullinan ay naghihintay. M
CHAPTER 7 “Base sa kuwento mo,” sabi ni Atty. Lim, nakatingin sa dokumento pero may bahid ng curiosity sa mata, “inaabuso ka raw ng asawa mo… pero wala kang konkretong ebidensya. CCTV? Saksi? Mga larawan?” Tumango si Zephyra, dahan-dahang iniangat ang manggas ng blouse niya. “Look, may mga pasa p
CHAPTER 6 Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang mala
CHAPTER 2 “Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwi
CHAPTER 1 Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha. Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono k







