Share

Divorce

Author: Keuriseutel
last update Huling Na-update: 2026-02-25 14:50:44

CHAPTER 3

“Mommy, are you okay po?” inosenteng tanong ni Zyrene, nakatingala sa kanya—malinaw ang mga mata, walang bahid ng duda, walang kaalam-alam sa gulong pilit niyang itinatago.

Napakurap si Zephyra. Para bang saka lang muling bumalik ang mundo sa tamang ayos. Pilit niyang hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyan, palayo sa alaala at takot na nag-aagawan sa loob ng isip niya.

Pinilit niyang ngumiti, isang ngiting nanginginig, pilit buuin kahit ramdam niyang anumang oras ay maaaring gumuho.

“Oo,” mahina niyang sagot habang mahigpit na niyayakap ang anak, na para bang doon lang siya nakakakuha ng lakas. “Okay lang si Mommy.”

Pero sa kaibuturan ng dibdib niya, alam niya ang totoo.

Nagsimula na ang bangungot na matagal niyang tinatakasan.

“Mabait ka ba dito kina Auntie Keira?” mahinahong tanong ni Zephyra makalipas ang ilang sandali.

“Opo! Super bait!” masiglang sagot ni Zyrene, halos tumalon sa tuwa. “Tinulungan ko pa siyang magdilig ng plants!”

Lumabas si Keira mula sa banyo, may tuwalya sa balikat at malawak ang ngiti habang pinagmamasdan ang mag-ina.

“Totoo ‘yan,” sabi niya. “Ang sipag ng anak mo.”

Napangiti si Zephyra, ngunit mabilis din iyong napalitan ng bigat sa kanyang mga mata nang muling magsalita si Keira—mas mababa na ang boses, mas maingat.

“Kumusta, Zeph?” tanong nito. “Anong sabi ng lawyer?”

Nagkatinginan sila—isang tahimik na palitan ng tingin na puno ng hindi kailangang sabihin nang malakas.

Walang agad na sagot si Zephyra. Sa halip, marahan niyang nginitian ang kaibigan bago yumuko sa harap ng anak.

“Baby, dito ka muna sa kwarto mag-play, ha?” malambing niyang sabi. “Magku-kuwentuhan lang kami ni Auntie Keira. Babalikan kita mamaya.”

“Okay po, Mommy!” masayang sagot ng bata.

Inihatid niya si Zyrene sa kwarto at inabot ang paborito nitong book. Mahilig ang bata roon—kaya nitong maglaro nang mag-isa nang matagal, tahimik at kontento, parang sarili nitong mundo.

Pagsara ng pinto, saka lamang tuluyang bumagsak ang ngiting pilit binuo ni Zephyra.

Pagbalik niya sa sala, nakahanda na sa mesa ang hiniwang prutas. Maayos. Tahimik.

Umupo siya at saka tuluyang nagkuwento.

Ikinuwento niya ang nangyari sa café—ang hindi inaasahang paglitaw ni Wren Deveraux. Ang paraan ng pagtitig nito, malamig ngunit mabigat. Ang presensyang halos hindi niya kinaya, parang isang hakbang lang ay maaari na siyang lamunin ng nakaraan.

“Ano?!” halos mapatayo si Keira sa gulat.

“Si Wren Deveraux ang hahawak ng divorce case mo?”

“Hello—CEO ng Veritas International Law Firm ‘yon! Papatos siya sa simpleng divorce case?”

“CEO?” nanlaki ang mata ni Zephyra. Napakapit siya sa baso ng tubig, bahagyang nanginginig ang kamay.

“Hindi mo alam?” Hindi na naghintay si Keira ng sagot. Mabilis nitong binuksan ang phone at iniharap sa kanya ang isang interview—malinis ang larawan, propesyonal ang postura, at may malamig na kumpiyansang bakas sa mukha ng lalaking pilit niyang binura sa alaala.

“O, tingnan mo,” sabi ni Keira.

“Siya na ngayon ang managing partner ng Veritas.”

“‘Yung… top international law firm?” halos pabulong na tanong ni Zephyra.

“Oo,” mariing sagot ni Keira.

“May sabi-sabi pang mahigit tatlumpung branches worldwide. Libo-libong lawyers. At bilyon-bilyon ang kita kada taon.”

Tahimik na tinitigan ni Zephyra ang screen.

Ang lalaking minsang walang-wala.

Ang lalaking minahal niya kahit walang maipangako.

Ang lalaking iniwan niya sa paniniwalang siya na ang huling masasaktan.

Ngayon, isa na siya sa pinakamakapangyarihan sa buong mundo.

Kaya pala iba ang aura niya.

Kaya pala parang lumiliit ang paligid sa tuwing naroon siya.

Kaya pala isang tingin lang—parang muling binuksan ang sugat na akala niya’y matagal nang magaling.

Talagang umiikot ang mundo.

“Zeph,” seryosong tanong ni Keira, binabasag ang katahimikan, “sa tingin mo ba… hindi ka pa niya nalilimutan?”

“Hindi,” mabilis na sagot ni Zephyra—halos automatic, parang depensa. “Gusto lang niya akong pagtawanan.”

“Sus,” umirap si Keira. “Sa status niya ngayon, gaano ba kahalaga ang oras niya? Kung wala na siyang pakialam, mag-aaksaya ba siya ng panahon para lang pagtawanan ka?”

“May asawa na ako. May anak.” Bahagyang nanginginig ang boses ni Zeph habang ipinagpapatuloy,

“At sa posisyon niya ngayon… kaya niyang makuha kahit sinong babae.”

“Bakit pa ako?”

Saglit na tumahimik ang sala. Tanging mahinang tunog ng orasan ang pumuno sa pagitan nila.

Tahimik munang tumingin si Keira sa kanya, para bang pinipili ang mga salitang hindi lalo makakasakit.

“Zeph…” mahina nitong tawag.

“Matagal ko nang gustong itanong sa’yo ‘to.”

Huminga ito nang malalim bago ipagpatuloy.

“Mahal na mahal mo si Wren noon. Ikaw pa nga ang nanligaw sa kanya. Bakit bigla mo siyang iniwan… at pinakasalan si Magnus Montclair?”

Nanahimik si Zeph.

Ang nakaraan ay parang sugat na matagal nang nagsara—tila magaling na sa paningin ng lahat. Pero sapat na ang isang tanong, isang pangalan, para muling bumukas at magdugo.

Ibinaba niya ang tingin, mariing kinagat ang labi.

“Kalokohan na ang balikan,” mahina niyang sabi, halos pabulong. Isang kasinungalingang matagal na niyang inuulit—hanggang siya na rin ang naniwala.

Hindi na siya pinilit ni Keira. Nakita nito ang pader na itinayo ni Zeph, at alam niyang hindi iyon basta-basta guguho.

“So… ano na ang plano mo ngayon?”

Huminga ng malalim si Zeph. Para bang sa bawat paglanghap ng hangin, pinipilit niyang ipunin ang natitirang lakas.

“Maghahanap ako ng bagong abogado,” matatag niyang sagot, kahit may bahid ng pagod ang tinig.

“Kahit anong mangyari…” sandaling huminto siya, saka muling nagsalita,

“I have to get a divorce first.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   The Cullinan at the Kindergarten Gate

    CHAPTER 6 Matapos ihatid ni Zephyra si Zyrene sa kindergarten, nanatili siya sa may gate, tahimik, habang pinapanood ang anak na pumasok sa classroom. “Bye, Mommy!” kumaway si Zyrene. Ngumiti si Zephyra, pinilit kalma. Hanggang sa magsara ang pinto. Dito lang siya huminga nang maluwag—isang malalim, mabigat na hininga—parang buong katawan niya lang ang biglang nakalaya sa isang bigat na hindi niya maipaliwanag. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kalsada. At doon niya nakita ang itim na sasakyan. Rolls-Royce Cullinan, nakaparada sa tapat ng kindergarten. Sa una, inisip niya, isa lang itong mayamang magulang. Maraming ganito sa lugar. Pero habang tumatawid siya… Biglang umandar ang Cullinan at huminto ito eksakto sa tabi niya. Dahan-dahang bumaba ang tinted window. At doon niya nakita ang pamilyar na profile. Wren Deveraux. “Good morning, Miss Arcadia.” Mahaba at malinaw ang boses. May halong pang-aasar. Nanlamig ang batok ni Zephyra. “Anong ginagawa mo rito?” tuyo niy

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   Stranger?

    CHAPTER 5 Halos pigilan ni Zephyra ang paghinga. Pakiramdam niya, kahit ang bahagyang pag-angat ng dibdib niya ay maaaring makatawag ng pansin. Para siyang nakatayo sa gitna ng isang silid na puno ng salamin—anumang maliit na galaw ay maaaring magbunyag ng sikreto. Ngunit sa totoo lang, hindi man lang tumingin si Wren kay Zyrene. Hindi ito sumulyap. Hindi ito nagtanong. Walang anumang reaksiyon. Syempre, mapait niyang naisip. Galit siya sa akin. Bakit niya papansinin ang anak ko? Unti-unti siyang kumalma. Kahit papaano, ligtas pa. Hindi napansin. Hindi pinaghinalaan. Isang ordinaryong elevator ride lang ito para sa lalaki. Hanggang sa— May mahinang tunog na bumasag sa katahimikan. Plok. Nahulog ang hawak na rainbow bouncy ball ni Zyrene. Parang bumagal ang oras. Gumulong iyon sa makintab na sahig ng elevator, umiikot-ikot na tila nanunukso sa tadhana. Dumaan sa gilid ng sapatos ni Zephyra, umiwas sa dingding, at tuluyang tumigil sa paanan ni Wren. “Momm

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   Elevator

    CHAPTER 4 Hindi makatulog si Zephyra. Marami na siyang iniisip, ngunit ang biglaang paglitaw ni Wren ang tuluyang gumulo sa isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa alaala niya ang mga mata nito, malamig, kalmado, ngunit parang may bagyong nakatagong handang sumabog anumang oras. Sa bawat pagpikit niya, naroon siya. Sa bawat paghinga, bumabalik ang presensya nito. Bandang alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw, saka lang siya bahagyang nakatulog—isang mababaw at putol-putol na pahinga. Ngunit hindi pa man siya tuluyang lumulubog sa panaginip, ginising na siya ng matinis na tunog ng alarm. Inis na napapikit si Zephyra at marahang pinatay iyon. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos, hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mukha niya, parang umaasang mahuhugasan nito ang pagod, ang takot, at ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, maingat siyang nag-make up, pilit tinatakpan ang mga pasa at sugat na kanyang natamo. Bawat dampi ng brush sa kanyang mukha ay may kasamang kir

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   Divorce

    CHAPTER 3 “Mommy, are you okay po?” inosenteng tanong ni Zyrene, nakatingala sa kanya—malinaw ang mga mata, walang bahid ng duda, walang kaalam-alam sa gulong pilit niyang itinatago. Napakurap si Zephyra. Para bang saka lang muling bumalik ang mundo sa tamang ayos. Pilit niyang hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyan, palayo sa alaala at takot na nag-aagawan sa loob ng isip niya. Pinilit niyang ngumiti, isang ngiting nanginginig, pilit buuin kahit ramdam niyang anumang oras ay maaaring gumuho. “Oo,” mahina niyang sagot habang mahigpit na niyayakap ang anak, na para bang doon lang siya nakakakuha ng lakas. “Okay lang si Mommy.” Pero sa kaibuturan ng dibdib niya, alam niya ang totoo. Nagsimula na ang bangungot na matagal niyang tinatakasan. “Mabait ka ba dito kina Auntie Keira?” mahinahong tanong ni Zephyra makalipas ang ilang sandali. “Opo! Super bait!” masiglang sagot ni Zyrene, halos tumalon sa tuwa. “Tinulungan ko pa siyang magdilig ng plants!” Lumabas si Keira mul

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   A Daughter

    CHAPTER 2 “Masaya ka na?” nanginginig na tanong ni Zara, pilit pinatatatag ang boses kahit halatang nangingibabaw na ang takot at pagod. “Kung hindi pa, pwede ko pang ikuwento.” Saglit siyang tumigil, isang segundo ng katahimikan na parang kutsilyong dahan-dahang ibinabaon sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang sinapit niya. “The wound on my forehead? He threw an ashtray at me. And the bruise under my eye—” “That’s enough!” Wren shouted, slamming the cup onto the table. The sharp sound echoed between them. “Stop. Don’t say another word.” “This was your choice!” he snapped, his voice sharp and unforgiving. “You brought all of this on yourself!” “Yes,” kalmadong sagot ni Zeph “It was my choice.” Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nakipagtalo. At ‘yun ang mas masakit. “I deserve everything that happened to me.” Tears welled up in Zephyra’s eyes as she looked at Wren—not pleading, not accusing, only exhausted. “And you…” pagpapatuloy niya kahit labis na ang panginginig

  • The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth   The Meeting that wasn’t an Accident

    CHAPTER 1 Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ng isang Café si Zephyra, suot nito ang isang baseball cap at sunglasses na nagsisilbing takip ng kanyang mukha. Kanina pa itong pasulyap sulyap sa kanyang relo at sa pintuan ng café, nagbabakasaling dumating ang kausap niyang abogado sa telepono kagabi na magiging katagpo niya sa kanyang meeting ngayon para pag-usapan ang kanyang magiging kaso. Lampas na sa oras ng kanilang usapan, pero wala pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Zephyra at nagbalak muli na tawagan ito nang biglang bumukas ang pinto ng café at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng gray na three-piece suit, itim na polo, at may guhit na kurbata. Mararamdaman mo sa aura nito na sanay itong masunod—isang lalaking sanay na siya ay nasa itaas. Sa pagpasok nito, halos sabay-sabay na napalingon ang mga kababaihan at namangha sa aura at itsura na mayroon ito, ang kanyang mukha ay ang tipong bihira mo lamang makita sa totoong buhay, hindi lang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status