Accueil / Romance / The Missing Bride / CHAPTER 2: Saving Faye

Partager

CHAPTER 2: Saving Faye

Auteur: Mizzy Kim
last update Date de publication: 2026-11-06 12:49:28

"Teka, nasaan na ba ako?" Tanong ni Faye sa sarili nang mapansing naligaw na naman siya.

Wala ngang sumunod na mga tauhan ni Ross sa kanya pero natagalan naman siya dahil sa laki at lawak ng mansyon na 'yon.

Mahigpit niyang hawak ang hairstick niya habang hawak ang magkabilang dulo ng wedding gown na suot niya para mas mapadali ang pagtakbo niya.

Ilang minuto pa bago niya mahanap ang pintuan palabas, hanggang sa tumatakbo na siya sa gitna ng garden papalayo sa mansyon na 'yon.

Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan na ni Ross ang pagtakbo niya mula sa bintana ng kwarto na pinanggalingan niya kanina.

May hawak na siyang baso ng alak ngayon at hinayaan lang ang pagtakas ng babae.

Nang makapara na ng taxi si Faye ay agad niyang naalalang wala siyang dalang cellphone. Gusto niyang dumiretso sa presinto para magsumbong pero naalala niya ang sinabi ni Ross kanina na walang magagawa ang mga pulis sa kanya.

Sa laki ng bahay nito at sa dami ng mga tauhan na nakita niya ay mukhang makapangyarihan nga ang lalaking iyon. At baka nga pati pulis ay hindi siya paniwalaan at sa halip ay si Ross pa ang panigan ng mga ito.

Kaya naman dumiretso na lang siya sa bahay nila para humingi ng tulong sa kanyang ama na tiyak na maniniwala sa kanya.

"Papa! Pa!"

Nilibot niya ang tahimik nilang bahay. Wala doon ang kanyang ama. Kaya naman nang makita niya ang telepono ay agad siyang lumapit doon para sana tawagan na ito.

"Faye...mabuti naman at nakauwi ka na,"

Napahinto siya nang marinig ang tinig ng kaniyang madrasta na kanina pa naghihintay sa kanya.

Ito ang pangalawang asawa ng kanyang ama simula nang mamatay ang kanyang ina.

"Tita Sarah.."

Taas baba siyang tiningnan ni Sarah, nagtataka sa suot niyang puting gown.

Natawa ito.

"Bakit ganyan ang suot mo? Saan ka galing?"

"Tita.. may kumidnap po sa akin tapos--"

Muling tumawa si Sarah kaya natigilan sa pagsusumbong si Faye.

"Nakidnap pero naka-wedding gown?"

"Tita, maniwala po kayo sa akin--"

Tinaas na ni Sarah ang kamay niya para patigilin siya sa pagsasalita. "Nevermind, Faye." Aniya saka mas lumapit. "Wala ang papa mo ngayon. Nasa ibang bansa, may importanteng inaasikaso kaya matatagalan pa siyang bumalik,"

Napakurap si Faye.

“Ganoon po ba?”

Hanggang sa may kumatok sa pintuan nila.

Lumaki ang ngiti ni Sarah at pinagbuksan iyon.

Takang pinagmasdan ni Faye ang isang lalaking malaki ang katawan na pinapasok ng kanyang madrasta.

May nakakatakot na ngisi sa mukha nito at naramdaman agad ni Faye na may kakaiba sa presensya nito.

Napaatras siya.

"Tita Sarah, sino po 'yan?"

Ngumiti lang ang madrasta niya. Ang lalaking dumating naman ay tuloy-tuloy lang na lumapit kay Faye. Kagat labi niyang sinuri ang dalaga.

Hawak pa rin ni Faye sa kaliwang kamay ang hairstick at handa siyang protektahan ulit ang sarili gamit ito laban sa lalaking ito.

"Hmm, mukhang mapapakinabangan nga natin ang babaeng ito, Sarah.."

Nanlaki ang mga mata ni Faye sa narinig.

"Sabi ko naman sa'yo, Rico. Kaya pa 'yan ng isang daang milyon kapag naibenta." Sabi ni Sarah saka humalakhak.

"A-Ano pong ibebenta?" Ulit ni Faye sa narinig.

Nilingon siya ni Sarah at Rico.

"Oo, Faye. Magkakaroon ka na rin ng kwenta sa akin, sa wakas!"

Parang kinapos ng hininga si Faye dahil sa narinig.

Oo. Hindi mabuti ang madrasta niya sa kanya simula nang dumating ito sa buhay nila. Hindi sila magkasundo lalo na kapag wala ang papa niya sa bahay nila.

Pero hindi niya inaasahan na aabot na sa ganitong lebel ang kasaaman ng ugali ni Sarah. Hindi na makatao ‘yon!

Kaya naman agad tumalikod si Faye at kinuha ang telepono para tawagan ang papa niya pero mabilis na tumakbo si Rico saka inagaw ang telepono mula sa kanya.

Napasinghap siya nang makitang malakas na binagsak ng lalaking iyon ang telepono at tuluyang winasak iyon.

"Tang ina ka, magsusumbong ka pa?!" Sigaw ng lalaki saka siya malakas na sinampal.

Tila namanhid ang pisngi ni Faye dahil doon. Mabilis din itong namula.

Doon na unti-unting nangilid ang mga luha sa mata niya. Kailanman ay hindi siya sinaktan ng sarili niyang ama, tapos ay sasaktan lamang siya ng lalaki ito?

Ang inaasahan niya ay ligtas na siya mula kay Ross. Akala niya ligtas na siya dahil nakauwi na siya. Dahil nakalayo na siya sa lalaking iyon.

Pero hindi niya lubos akalain na ang tahanang akala niya'y magiging kaligtasan niya ay siya pang magdadala sa kanya sa mas malupit niyang kapalaran.

"Kunin mo na 'yan, Rico. May basement sa baba. Doon mo ikulong habang hinihintay natin ang auction night,"

Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Faye habang galit siyang nakatingin sa kanyang madrasta.

"Napakasama mo."

"Talaga," sabay ngisi ni Sarah.

Doon na rin tuluyang lumapit si Rico kay Faye. Pero dahil sa kagustuhang tumakas ay sinubukan niya pang manlaban gamit yung matalim na hairstick niya.

Pero dahil doble ang laki at lakas ng lalaki iyon ay agad nitong naagaw ang hairstick mula sa kanya saka niya hinila ang buhok ni Faye.

"Arghh!" daing ni Faye habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya.

"Dahil matigas ang ulo mo, hindi ka kakain!" Sigaw pa ng lalaki saka niya hinatak si Faye habang hawak na nito ang mga kamay at buhok niya.

"Tita Sarah! Bakit niyo po ba ginagawa sa akin ito?! Ano po bang kasalanan ko sa inyo?!" Napahagulhol na siya habang hinihila na siya pababa sa basement. "Mananagot kayo kay Papa kapag nalaman niya ito! Ipapakulong ko kayo!"

Marahas na tinulak ng lalaki si Faye sa loob ng basement kung saan walang mga bintana at tanging mga maaalikabok na gamit lang ang nandoon.

Muli niyang narinig ang tawa ni Sarah.

"Iyon ay kung malalaman pa ng papa mo. Sisiguraduhin kong naibenta na kita bago pa siya makabalik dito sa Pilipinas."

Doon na mas bumuhos ang mga luha niya.

Hanggang sa dalawang araw na ang nakalipas simula nang makulong si Faye sa basement. Walang pagkain at walang tubig.

Wala rin siyang maayos na higaan at tanging malamig na sahig lang ang nandoon.

Gutom na gutom na siya. Nahihilo na rin dahil sa panghihina. Tuyo na ang mga labi niya at nanginginig na rin ang mga tuhod.

Dalawang araw na rin siyang umiiyak kaya ngayon ay wala na siyang mailuluha pa.

"T-Tita...please.." halos bulong na lang iyon.

Wala siyang mahingian ng tulong. Hindi siya makasigaw. Madumi na rin ang suot niyang wedding gown dahil hindi pa siya nakakapagpalit simula nang araw na 'yon.

Sinubukan niyang tumayo para sana manghingi man lang ng kahit konting tubig. Kaso muli lang siyang tumumba sa sahig dahil sa umiikot niyang paningin.

Nawalan na siya ng pag-asa.

Malapit na ring sumuko ang mga talukap ng mga mata niya nang may narinig siyang mga putok ng baril sa labas.

Unang pumasok sa isipan niya ang kanyang ama. Baka nalaman na ni Papa ang nangyari? Baka nagtawag siya ng pulis para tulungan ako?

Napalunok siya at nakaabang ang titig sa nakalock na pintuan ng basement kung nasaan siya ngayon.

“T-Tulong..”

Samantala, napatili naman sa labas ng mga pasilyo si Sarah dahil kay Rico na biglang bumagsak sa sahig dahil sa tama ng bala sa ulo nito.

Takot siyang nakaluhod at nakatingala kay Ross na nakatutok na rin ang baril sa noo niya.

"Where the hell is my bride?" Mariing tanong niya.

"B-Bride?" Naguguluhang tanong ni Sarah.

"If anything bad happens to her.. I swear you'll end up dead like this man." Banta ni Ross sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Sarah habang bumibilis ang paghinga sa takot.

Hindi niya kilala si Ross. At hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong sumugod ngayon at hinahanap si Faye.

"S-Sa basement!"

Umigting ang panga ni Ross saka niya malakas na hinampas ng baril sa ulo si Sarah dahilan para bumagsak at makatulog ito sa sahig.

Nang marating na niya ang basement ay agad niyang nakitang naka-lock ito. Kaya naman marahas niya itong sinipa nang malakas dahilan para magbukas ito.

Doon na niya nakita si Faye na namumutla at nanghihina na sa sahig.

"What the fuck?!"

Mabilis siyang lumapit at lumuhod sa harap ng babae.

"Faye.." agad nangatal ang mga kamay dahil sa halo-halong takot at galit.

Pilit siyang inaaninag ni Faye. Natatandaan niya ang boses ng lalaking ito.

Hanggang sa binuhat na siya ni Ross.

"Dapat hindi na talaga kita pinakawalan pa!" Galit na sabi pa ng lalaki habang buhat-buhat siya.

"Pumayag akong umuwi ka dahil ayokong saktan mo ang sarili mo. Pero ito ang dadatnan kong nangyari sa'yo?"

Wala na ring nagawa si Faye kundi kumapit na lang sa lalaking iyon at isandal ang ulo niya sa dibdib nito.

"R-Ross.." mahinang usal niya dahilan para mapahinto ang lalaki. Gusto man niyang kumontra pero wala na siyang lakas para manlaban pa.

"Don't worry.. we're going home."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Missing Bride   CHAPTER 5: Ama

    Noong gabing iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Faye dahil sa mga nalaman niya mula kay Ross. Nakaupo siya ngayon sa gitna ng kama niya. Nakayakap sa mga binti habang iniisip lahat ng iyon. May kakambal siya na hindi niya nakilala.Patay na-- Hindi. Pinatay ito. Ngayon, siya naman ang nanganganib ang buhay. Idagdag pa na naglihim sa kanya ang kanyang ama tungkol sa kapatid niya. Pero bakit? At sino ang pumatay kay Andrea? At bakit pati siya ay gustong patayin nito?Mariin siyang napapikit sa mas dumobleng katanungan na gumugulo sa kanya ngayon. Kinapa na niya ang cellphone sa gilid ng kama niya at doon na tinipa ang numero ng kanyang ama para kumpirmahin ang mga pinagsasabi ni Ross kanina. Kaya lang may kung ano sa loob niya ang kinakabahan sa magiging kasagutan nito. Sa ngayon hindi niya na alam kung alin ang mas nakakatakot: sabihin ng tatay niya ang totoong nangyari o ang magsinungaling ito para sa ikakatahimik ng isipan niya?"Hello, Pa.." "Oh, Faye? Napatawag ka, ana

  • The Missing Bride   CHAPTER 4: Litrato

    Noong gabing 'yon ay natagalan sa pagdating si Ross sa kwarto ni Faye. Nagtataka na si Faye nang makitang mga kasambahay lang ang dumating para maghatid ng hapunan niya. Wala si Ross. "Ate, si Ross po?" Tanong niya sa kasambahay na naglalapag ng pagkain niya sa mesa. "Ah, ma'am. Nasa opisina pa po si Mr. Vescari. Inutusan niya lang po kami na magdala ng hapunan niyo." Magalang na sagot nito saka na sila lumabas ng kasama niya. Kumunot na ang noo ni Faye pero nagsimula na siyang kumain. Kaya lang, natapos na siya ay hindi pa rin dumadating si Ross. Hanggang sa napagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto at nagtanong-tanong kung nasaan ang opisina ni Ross. "Gusto ko lang malaman kung may balita na ba tungkol kay Andrea para naman makaalis na ako rito," pangungumbinsi niya sa sarili habang naglalakad na papunta sa opisina ni Ross. Nang makarating doon ay agad na siyang kumatok. Sa unang katok niya ay walang sumagot kaya muli niyang inulit iyon."Ross, ako 'to. Si Faye. Pwede ba

  • The Missing Bride   CHAPTER 3: Balita

    Isang puting ceiling ang sumalubong sa paningin ni Faye nang magising siya. Bahagya siyang tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa maninipis na kurtina ng bintana ng silid. Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin at napagtantong pamilyar ito. Nandito na naman siya. Ang pinagkaiba: nung una'y nakatali siya sa upuan at nakawedding gown. Ngayon ay nakahiga na siya sa malapad na kama at nakasuot na ng mas kumportableng damit—isang puting nightdress. Agad siyang tumayo kaya bigla rin siyang nahilo. "Argh," daing niya saka humawak sa ulo."Finally," Agad siyang lumingon sa kakapasok lang na lalaki sa kwartong 'yon. Doon niya naalala kung paano siya inalis ni Ross doon sa basement. "Dinala mo ba ako rito para pilitin ulit akong pakasalan ka?" Nagdududang tanong niya. Nakapamulsa si Ross saka siya dahan-dahang lumapit kay Faye. Nakablack tshirt na ito ngayon kaya mas nakikita na ang mahabang tattoo nito sa kanang braso. "Dinala kita dito dahil muntik ka nang mamatay sa baha

  • The Missing Bride   CHAPTER 2: Saving Faye

    "Teka, nasaan na ba ako?" Tanong ni Faye sa sarili nang mapansing naligaw na naman siya. Wala ngang sumunod na mga tauhan ni Ross sa kanya pero natagalan naman siya dahil sa laki at lawak ng mansyon na 'yon. Mahigpit niyang hawak ang hairstick niya habang hawak ang magkabilang dulo ng wedding gown na suot niya para mas mapadali ang pagtakbo niya. Ilang minuto pa bago niya mahanap ang pintuan palabas, hanggang sa tumatakbo na siya sa gitna ng garden papalayo sa mansyon na 'yon. Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan na ni Ross ang pagtakbo niya mula sa bintana ng kwarto na pinanggalingan niya kanina. May hawak na siyang baso ng alak ngayon at hinayaan lang ang pagtakas ng babae. Nang makapara na ng taxi si Faye ay agad niyang naalalang wala siyang dalang cellphone. Gusto niyang dumiretso sa presinto para magsumbong pero naalala niya ang sinabi ni Ross kanina na walang magagawa ang mga pulis sa kanya. Sa laki ng bahay nito at sa dami ng mga tauhan na nakita niya ay mukhang makapang

  • The Missing Bride   CHAPTER 1: Kidnap

    Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya. Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye. "A-Anong ginagawa mo?" Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown.Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya. "Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya.Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye. "Sabing tumigil ka!" "Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya. "Paano ako makikisama kung nakatali ako dit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status