Accueil / Romance / The Missing Bride / CHAPTER 4: Litrato

Partager

CHAPTER 4: Litrato

Auteur: Mizzy Kim
last update Date de publication: 2026-11-06 12:50:15

Noong gabing 'yon ay natagalan sa pagdating si Ross sa kwarto ni Faye.

Nagtataka na si Faye nang makitang mga kasambahay lang ang dumating para maghatid ng hapunan niya.

Wala si Ross.

"Ate, si Ross po?" Tanong niya sa kasambahay na naglalapag ng pagkain niya sa mesa.

"Ah, ma'am. Nasa opisina pa po si Mr. Vescari. Inutusan niya lang po kami na magdala ng hapunan niyo." Magalang na sagot nito saka na sila lumabas ng kasama niya.

Kumunot na ang noo ni Faye pero nagsimula na siyang kumain.

Kaya lang, natapos na siya ay hindi pa rin dumadating si Ross.

Hanggang sa napagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto at nagtanong-tanong kung nasaan ang opisina ni Ross.

"Gusto ko lang malaman kung may balita na ba tungkol kay Andrea para naman makaalis na ako rito," pangungumbinsi niya sa sarili habang naglalakad na papunta sa opisina ni Ross.

Nang makarating doon ay agad na siyang kumatok.

Sa unang katok niya ay walang sumagot kaya muli niyang inulit iyon.

"Ross, ako 'to. Si Faye. Pwede ba akong pumasok?"

Ilang segundo bago ito sumagot.

"Come in,"

Doon na niya tinulak ang pintuan saka pumasok.

Hindi ganoon kaliwanag at hindi rin naman ganoon kadilim ang opisina ni Ross. May mga papel na nakapatong sa mesa nito pero nakasandal lang siya sa swivel chair niya at may hawak na sigarilyo.

Pinagmasdan siya ni Faye. Napansin niyang may kakaiba kay Ross ngayon. Malamig at seryoso ang ekspresyon ng mga mata nito. Umiikot ang puting usok ng sigarilyo niya sa ibabaw ng ulo niya. At sa pagkakaupo niya sa pwesto niya ngayon ay para siyang diyos ng kadiliman na handang maghatol sa mga makasalanan.

Kakaiba ba talaga itong nakikita niya? O baka dahil ganito talaga siya, hindi niya lang alam.

Pilit siyang ngumiti kahit na pinagsisisihan niya pang pumasok sa opisina na ito.

"Kamusta? May balita na ba?"

Bumuga ng usok si Ross habang nakatitig sa mukha ni Faye.

Pakiramdam niya may namatay sa pagkatao niya. Pakiramdam niya nawala ang kaisa-isang pag-asa na pinanghawakan niya sa limang taon niyang paghahanap kay Andrea.

"Yeah,"

Mas lumapit si Faye sa mesa niya.

"Anong balita?"

Binaba at pinatay ni Ross ang sigarilyo sa ashtray saka siya umayos ng upo.

"It seems that.. you are right."

Natigilan si Faye.

"You're not Andrea. You're not my bride."

Napalunok si Faye. Gusto niyang magsaya dahil ito naman talaga ang alam niyang totoo. Pero habang tinitingnan si Ross na sinasabi iyon ay hindi niya makuhang magsaya.

"W-Well? Pwede na ba akong umalis?"

"Sure. You have my word. You can leave tomorrow morning,"

Tumango si Faye at nagpaalam na para bumalik na sa kwarto niya.

Kaso maghahatinggabi na ay hindi pa rin niya makuhang matulog. Hindi niya alam kung bakit.

"Dahil ba kamukha ko si Andrea? O dahil aalis na ako rito bukas?" Tanong niya sa sarili.

Muli niyang nilingon ang mga picture frame sa gilid.

Napailing na lang siya. Ang mahalaga makakaalis na siya dito bukas. Hindi na siya ikakasal kay Ross, sa lalaking hindi naman kilala.

Napagdesiyunan na niyang pumikit at matulog kaso bigla naman siyang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril sa labas.

Mabilis siyang napatayo. Agad siyang lumabas ng pintuan at nakita ang mga nagmamadaling tauhan.

"Anong nangyayari?!" Kinakabahang tanong niya sa mga ito.

"Ma'am. Dito lang po kayo," sagot ng isa sa kanila bago sila bumaba ng hagdan.

Pero sa halip na sumunod sa sinabi nung lalaki ay mabilis siyang sumunod sa baba.

Nagkakagulo ang ilang mga kasambahay at mas dumoble ang bilang ng mga tauhan ni Ross doon.

Hanggang sa nakita niya si Ross na kakapasok lang galing sa labas. Madilim at galit ang ekspresyon nito at may hawak na baril.

Nagtama ang mga mata nila ni Faye na nasa dulo ng hagdan ngayon.

"What are you still doing here? Get back to your room!"

Sa takot ay agad tumakbo pabalik si Faye sa kwarto niya.

Saglit namang pinagsisihan ni Ross ang ginawa niyang pagsigaw kay Faye.

Hinilot niya ang sentido at pinaalis na rin ang mga kasambahay.

Bigla na lang may mga nakapasok sa loob ng lupain niya at pinagbabaril ang ibang tauhan nila. Mabuti na lang at naagapan agad nila. May mga napatay sila pero yung iba'y nakatakas na kaya pinahabol niya sa ibang tauhan.

"Sir, we found a message at the gate.." sambit ng tauhan niya.

Nilingon niya iyon saka niya muling binulsa ang baril.

Inabot ng tauhan niya ang isang litrato ng babae.

Tiningnang mabuti ni Ross iyon. Hindi niya alam kung si Faye ba iyon o si Andrea. Magkamukhang magkamukha silang dalawa kaya pati siya ay nalilito na. Nang italikod niya ang litrato ay may nakasulat doon.

"Tell Faye that Andrea's killer know she's alive."

Agad niyang kinuyom ang nanginginig niyang kamao nang mabasa iyon.

Kung ganoon hindi lang basta namatay si Andrea. Pinatay siya.

At ngayon gusto rin nilang patayin si Faye.

"Fuck," mariing usal niya.

Hindi pwede ito. Kailangan niyang malaman kung sinong pumatay kay Andrea. At kailangan niyang protektahan ang kapatid nitong si Faye.

Agad siyang umakyat para puntahan na si Faye.

Kumatok siya.

Pinagbuksan siya ng babae.

"I'm sorry. Can I come in?"

Malawak na binuksan ni Faye ang pintuan niya senyas na pinapapasok niya na si Ross sa loob.

"Anong nangyayari sa baba?" Tanong na niya nang maisara ang pintuan.

Hindi nagsalita si Ross at inabot lang ang litratong hawak niya kay Faye.

"W-What's this?"

Una niyang nakita ay litrato ng isang babae.

Kahit kamukha niya ito ay wala siyang matandaan na nagpakuha siya ng litratong ganito.

"Si Andrea 'to?"

"Maybe,"

Kunot noo siyang nag-angat ng tingin kay Ross, naguguluhan sa sagot nito.

"There's a message behind it,"

Agad niyang tinalikod ang litrato at nakita doon ang nakasulat:

Tell Faye that Andrea's killer know she's alive.

Kulay pula ang tinta ng pinangsulat dito kaya naman mas nanlaki ang mga mata niya.

"A-Ano 'to?"

"I still don't know. Ang alam ko lang nasa panganib ang buhay mo."

Sunod-sunod siyang napalunok.

"Pinatay si Andrea.." hindi makapaniwalang sambit niya.

Hindi nagsalita si Ross at nanatiling seryoso ang mukha.

"At bakit gusto rin nila akong idamay? Anong kinalaman ko rito?"

Malalim na bumuntong hininga si Ross saka naupo sa upuan.

"Maybe because she's your twin sister,"

Mabilis na bumaling ang ulo ni Faye sa direksyon ni Ross nang marinig iyon.

"My... what?"

"Andrea Sevilla. Your twin sister. Hindi ka ba nagtataka kung bakit magkamukhang-magkamukha kayong dalawa?"

Natulala bigla si Faye.

Syempre nagtataka siya. Naguguluhan siya nung una kung bakit kamukha niya ang kasamang babae ni Ross sa picture. Posible ba 'yon? Doppleganger? O sadyang...magkapatid lang sila?

Iyon ang mga gumugulo sa isip niya kanina bago niya marinig ang putukan sa labas.

Pero ngayon, ang marinig ito mula sa iba ay mas lalong nagpagulo sa isipan niya.

"Wala akong kapatid. Magkaiba rin kami ng apelyido."

"Kung ganoon, tinago sa'yo 'to ng pamilya mo,"

Matalim niyang tiningnan si Ross.

"Baka mali ka lang?! Baka magkamukha lang kami pero hindi kami magkapatid?!"

"I have investigated you, Faye Torres. Kaya magkaiba ang apelyido niyong magkapatid ay sanggol pa lang pinaampon na si Andrea sa ibang pamilya. Hindi ko alam kung anong rason ng pamilya niyo. Pero hindi ko na kasalanan kung pati iyon ay nilihim nila sa'yo."

Nangangatal ang kamay ni Faye habang inaangat muli ang hawak niyang litrato.

"Andrea died five years ago. Nakalagay sa mga dokumento na ikinamatay niya ay car crash. Pero hindi basta aksidente, kundi sinadyang patayin."

Mas lalong hindi nakapagsalita si Faye sa mga nalaman.

"You can ask your father about this..."

Napailing si Faye dahil wala siyang matandaan na may nabanggit ang ama niya tungkol dito.

"At mukhang hindi ko na matutupad ang deal ko sa'yo.." dagdag ni Ross.

Nangingilid na ang mga luha sa mata ni Faye nang tingnan niya ang lalaki.

"Hindi na kita hahayaang umalis bukas ng umaga. Your life is now in danger, so you have no choice but to stay here in my house."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Missing Bride   CHAPTER 5: Ama

    Noong gabing iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Faye dahil sa mga nalaman niya mula kay Ross. Nakaupo siya ngayon sa gitna ng kama niya. Nakayakap sa mga binti habang iniisip lahat ng iyon. May kakambal siya na hindi niya nakilala.Patay na-- Hindi. Pinatay ito. Ngayon, siya naman ang nanganganib ang buhay. Idagdag pa na naglihim sa kanya ang kanyang ama tungkol sa kapatid niya. Pero bakit? At sino ang pumatay kay Andrea? At bakit pati siya ay gustong patayin nito?Mariin siyang napapikit sa mas dumobleng katanungan na gumugulo sa kanya ngayon. Kinapa na niya ang cellphone sa gilid ng kama niya at doon na tinipa ang numero ng kanyang ama para kumpirmahin ang mga pinagsasabi ni Ross kanina. Kaya lang may kung ano sa loob niya ang kinakabahan sa magiging kasagutan nito. Sa ngayon hindi niya na alam kung alin ang mas nakakatakot: sabihin ng tatay niya ang totoong nangyari o ang magsinungaling ito para sa ikakatahimik ng isipan niya?"Hello, Pa.." "Oh, Faye? Napatawag ka, ana

  • The Missing Bride   CHAPTER 4: Litrato

    Noong gabing 'yon ay natagalan sa pagdating si Ross sa kwarto ni Faye. Nagtataka na si Faye nang makitang mga kasambahay lang ang dumating para maghatid ng hapunan niya. Wala si Ross. "Ate, si Ross po?" Tanong niya sa kasambahay na naglalapag ng pagkain niya sa mesa. "Ah, ma'am. Nasa opisina pa po si Mr. Vescari. Inutusan niya lang po kami na magdala ng hapunan niyo." Magalang na sagot nito saka na sila lumabas ng kasama niya. Kumunot na ang noo ni Faye pero nagsimula na siyang kumain. Kaya lang, natapos na siya ay hindi pa rin dumadating si Ross. Hanggang sa napagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto at nagtanong-tanong kung nasaan ang opisina ni Ross. "Gusto ko lang malaman kung may balita na ba tungkol kay Andrea para naman makaalis na ako rito," pangungumbinsi niya sa sarili habang naglalakad na papunta sa opisina ni Ross. Nang makarating doon ay agad na siyang kumatok. Sa unang katok niya ay walang sumagot kaya muli niyang inulit iyon."Ross, ako 'to. Si Faye. Pwede ba

  • The Missing Bride   CHAPTER 3: Balita

    Isang puting ceiling ang sumalubong sa paningin ni Faye nang magising siya. Bahagya siyang tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa maninipis na kurtina ng bintana ng silid. Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin at napagtantong pamilyar ito. Nandito na naman siya. Ang pinagkaiba: nung una'y nakatali siya sa upuan at nakawedding gown. Ngayon ay nakahiga na siya sa malapad na kama at nakasuot na ng mas kumportableng damit—isang puting nightdress. Agad siyang tumayo kaya bigla rin siyang nahilo. "Argh," daing niya saka humawak sa ulo."Finally," Agad siyang lumingon sa kakapasok lang na lalaki sa kwartong 'yon. Doon niya naalala kung paano siya inalis ni Ross doon sa basement. "Dinala mo ba ako rito para pilitin ulit akong pakasalan ka?" Nagdududang tanong niya. Nakapamulsa si Ross saka siya dahan-dahang lumapit kay Faye. Nakablack tshirt na ito ngayon kaya mas nakikita na ang mahabang tattoo nito sa kanang braso. "Dinala kita dito dahil muntik ka nang mamatay sa baha

  • The Missing Bride   CHAPTER 2: Saving Faye

    "Teka, nasaan na ba ako?" Tanong ni Faye sa sarili nang mapansing naligaw na naman siya. Wala ngang sumunod na mga tauhan ni Ross sa kanya pero natagalan naman siya dahil sa laki at lawak ng mansyon na 'yon. Mahigpit niyang hawak ang hairstick niya habang hawak ang magkabilang dulo ng wedding gown na suot niya para mas mapadali ang pagtakbo niya. Ilang minuto pa bago niya mahanap ang pintuan palabas, hanggang sa tumatakbo na siya sa gitna ng garden papalayo sa mansyon na 'yon. Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan na ni Ross ang pagtakbo niya mula sa bintana ng kwarto na pinanggalingan niya kanina. May hawak na siyang baso ng alak ngayon at hinayaan lang ang pagtakas ng babae. Nang makapara na ng taxi si Faye ay agad niyang naalalang wala siyang dalang cellphone. Gusto niyang dumiretso sa presinto para magsumbong pero naalala niya ang sinabi ni Ross kanina na walang magagawa ang mga pulis sa kanya. Sa laki ng bahay nito at sa dami ng mga tauhan na nakita niya ay mukhang makapang

  • The Missing Bride   CHAPTER 1: Kidnap

    Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya. Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye. "A-Anong ginagawa mo?" Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown.Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya. "Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya.Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye. "Sabing tumigil ka!" "Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya. "Paano ako makikisama kung nakatali ako dit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status