Se connecter
Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.
Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya. Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye. "A-Anong ginagawa mo?" Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown. Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya. "Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya. Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye. "Sabing tumigil ka!" "Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya. "Paano ako makikisama kung nakatali ako dito?! Ni hindi kita kilala! Tsaka nasaan ba ako?!" Nilibot ni Faye ang paningin at nakitang nasa isang malaking kwarto sila. Doble o triple ang laki sa kwarto niya sa bahay nila. Kulay pilak ang mga tela ng kwarto. May king size bed, may sofa, may malaking banyo, at may veranda. Doon na niya pilit inalala kung anong nangyari sa kanya kagabi bago siya napunta sa lugar na ito. Nag-iinuman silang magkakaibigan sa isang bar. Pagkatapos no'n ay lumabas siya mag-isa. Kaya lang ay may dalawang lalaking lumapit sa kanya pero mga bastos ang mga ito. Sumubok siyang lumaban pero masyado na siyang lasing noong oras na iyon. Hanggang sa may isang lalaking dumating. Malabo sa alaala niya ang itsura nito, pero sinapak ng lalaking iyon ang dalawang lalaking pumipilit sa kanya. Nahilo na siya at pagkatapos no'n ay sinakay na siya ng lalaki sa sasakyan nito. Kaya ngayon ay nandito na siya. Nalaglag ang panga niya sa naalala saka siya muling sumubok na gumalaw-galaw para makawala. Kinidnap ba ako? Pero kung kindinap ako, bakit ako inaayusan? At bakit ang ganda naman ng kulungan ko? Habang kinukwestyon ni Faye ang mga nangyayari ay bigla na lang nagbukas ang pintuan at pumasok doon ang isang lalaki. Napatitig siya doon. Matangkad ang lalaking iyon. Nakasuot ng black pants, black shoes, at black na polo na yumayakap sa katawan nito, ang dalawang butones ay nakabukas kaya bahagyang nakikita ang matipunong dibdib nito. Pinagmasdan siya ni Faye at nakita ang mahabang tattoo nito mula sa leeg, at natitiyak niya na pababa iyon hanggang sa kanang braso nito. "Mr. Vescari," kinakabahang sambit ng babaeng nagmi-makeup sa kanya. "M-Medyo nahirapan na po akong tapusin yung pag-aayos kay ma'am noong nagising na po siya." Kahit naririnig ay hindi siya binalingan nung lalaki dahil na kay Faye lang ang titig nito. "It's alright. The money has already sent to your account. You can now leave." Agad yumuko at nagmadali ang makeup artist para kunin yung mga gamit niya para makaalis na. "Thank you po, Mr. Vescari!" Nang makalabas ang babae ay dahan-dahan nang lumapit yung lalaki sa kinauupuan ni Faye. Pero mas dumoble lang ang takot sa dibdib niya nang makitang may baril ito sa baywang. "Pakawalan niyo siya," utos ng lalaki sa dalawa sa mga malalaking bodyguard niya sa likod. Agad namang sumunod yung dalawang bodyguard at mabilis na kinalas ang tali sa upuan ni Faye. "Who the hell are you?" Mariing tanong niya nang mapakawalan siya't makatayo. "Still pretending you don't know me?" Tinuro niya ang lalaki. "Anong pinagsasabi mo? Ikaw yung kumidnap sa akin?" "Correction: Nagligtas sa'yo." "Nagligtas? Tapos kinidnap mo rin ako at tinali dito? Ang bait mo naman," sarkastikong sambit niya. Malamig lang siyang tiningnan ng lalaki. "Sino ka? Nasaang lugar ako? Bakit ako nakasuot ng wedding gown ngayon at bakit mo ako pinaayusan?" Humalukipkip yung lalaki saka seryoso ang mga matang nakatitig kay Faye. "Andrea, I am perfectly aware that you know my name. Nandito ka sa bahay ko, at nakasuot ka ng wedding gown dahil isang oras na lang, ikakasal na tayo.." Nagsalubong ang kilay ni Faye sa mga narinig. "Anong Andrea ang sinasabi mo? Hindi Andrea ang pangalan ko. At hindi ko alam kung sino ka o kung nasaan ako ngayon. Tsaka ano? Kasal? Bakit naman ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman kilala?" Dahan-dahang dumilim ang mga mata ng lalaki. Umigting ang panga niya at kinalas na niya ang pagkakakrus ng mga braso. "You cannot fool me again, Andrea. Limang taon kitang hinanap. Tingin mo'y kakalimutan ko lang lahat ng 'yon?" "Bakit ba ang kulit mo? Sabing hindi nga ako si Andrea! Faye ang pangalan ko at hindi Andrea!" Muling umabante ang lalaki habang naniningkit ang mata kay Faye. "Whatever you say...Faye." Kumunot ang noo ni Faye dahil kahit tinawag na siyang Faye ng lalaki ay mukhang hindi pa rin ito naniniwala. Umatras siya nang makitang lumiliit na lang ang distansya nilang dalawa ng lalaki. "Huwag kang lalapit!" Banta niya. Pero hindi tumigil sa paglapit ang lalaking ‘yon. "Fine. Unless you really forgot who I am, I'll introduce myself again.." Mabilis na naghanap ng panglaban si Faye kung sakaling may gawing masama ang lalaki sa kanya. "I'm Ross Hudson Vescari," Pero sa halip na pakinggan ang lalaki ay lumingon si Faye sa magkabilang gilid niya at doon may nahanap siyang matalim na chinese hairstick sa mesa kung saan nakalagay ang mga gamit ng makeup artist kanina. Dahil sa pagmamadali nitong umalis kanina ay naiwan nito ang ilan sa mga gamit niya. Kinuha ni Faye 'yon at tinutok kay Ross dahilan para mapatigil ito sa paglapit sa kanya. Nang makita ng mga bodyguards ang ginawa niyang pagtutok no'n ay sabay-sabay silang naglabas ng baril at tinutok kay Faye. Dahil doon ay mas lalong nabakas ang takot at panginginig niya. Shit. Dito na ba ako mamamatay? "Put your goddamn guns down now!" Mariing utos ni Ross sa mga tauhan niya nang makita ang takot na reaksyon ni Faye. Sunod-sunod na binaba ng mga lalaking iyon ang mga baril nila. Pero umatras ulit si Faye saka umiling. "I told you, I don't know you." "But, Andrea--" "Paulit-ulit ka! Sabing hindi ako si Andrea at wala akong kilalang Andrea." Muling tumiim ang panga ni Ross, hindi matanggap ang sinasabi ng babae. "Sinasabi mo lang ba 'to para iwan ulit ako?" Doon na nakita ni Faye ang pangungilila sa mga mata ni Ross. Pero wala siyang pakielam dahil talaga namang kahit anong pilit niya sa utak niya ay hindi naman niya talaga kilala si Ross. Umiling ulit si Faye. "Hindi ako si Andrea. Hindi kita kilala. Hindi kita minahal. Hindi ako magpapakasal sa'yo." Parang may kung anong kumirot sa dibdib ni Ross nang marinig ang mga salitang 'yon. "Uuwi na ako." "No. You're not going anywhere again," mas malamig na sambit na niya. "Bakit ayaw mo akong pauwiin? Natatakot ka ba na magsusumbong ako sa mga pulis dahil sa pagkidnap mo sa akin ngayon?" Kahit galit ay gumuhit pa rin ang ngisi sa labi ni Ross. "Baby, no one dares to get in my way. Even them." Napalunok si Faye sa narinig. Tinatakot niya lang ba ako? O wala talaga siyang kinakatakutan? "What do you mean?" Mas lalo niyang inangat ang hawak niyang hairstick. "Just... marry me." "Again, why would I fucking marry you?" "Because I said so," "Hindi ako magpapakasal sa'yo dahil lang sinabi mo lang." "Well, you have no choice." Dahil sa namumuong galit ay nagbalak na ng pagtakas si Faye. Hindi siya papayag na walang choice tulad ng sinasabi nito. Hindi siya papayag na wala siyang gawin para sa kabaliwan ng lalaking ito. Nilibot niya ang paningin at nakita ang apat na malalaking tauhan ni Ross. At hindi lang sila basta-basta dahil lahat sila ay may dalang mga baril. Hanggang sa nakaisip siya ng ideya. Mukhang pinagkakamalan siyang Andrea ng lalaking ito. At kung sino man ang Andrea na iyon ay tiyak na mahalaga siya kay Ross. Hinanap daw niya ito ng limang taon, kaya paniguradong hindi papayagan ni Ross na may mangyaring masama sa kanya. Kaya naman mariin niyang tinutukan ang sariling leeg ng hawak niyang hairstick. Mas lumakas ang loob ni Faye nang makitang natigilan si Ross. Doon niya nakumpirmang tama nga ang naiisip niya: Ayaw niyang masaktan si Andrea. "Hahayaan mo akong umalis dito sa lugar na 'to. Dahil kung ayaw mo, magpapakamatay ako dito." Pilit niyang tinatago ang panginginig ng mga kamay habang dinidiin ang matalim na dulo ng metal na hairstick sa leeg niya. Noong una'y hindi kumilos si Ross. Pero nang makita niyang dumugo na ang pagkakatusok ni Faye sa leeg niya ay doon na siya bahagyang kinabahan. "Fine." Mariing usal niya saka pumagilid sa daan. "Huwag mo akong papasundan sa mga tauhan mo!" Umigting ang panga ni Ross sa pagpipigil ng galit. "Huwag niyo siyang susundan.." utos na niya sa mga tauhan niya. Doon na dali-daling lumabas si Faye habang hawak niya pa rin ang matalim na hairstick. "Sir, sigurado po ba kayong hahayaan niyong umalis si ma'am?" Tanong ng isa niyang tauhan sa kanya. Seryosong pinanood ni Ross ang pagtakbo palabas ni Faye. Kinuyom niya ang mga kamao. "Of course not."Noong gabing iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Faye dahil sa mga nalaman niya mula kay Ross. Nakaupo siya ngayon sa gitna ng kama niya. Nakayakap sa mga binti habang iniisip lahat ng iyon. May kakambal siya na hindi niya nakilala.Patay na-- Hindi. Pinatay ito. Ngayon, siya naman ang nanganganib ang buhay. Idagdag pa na naglihim sa kanya ang kanyang ama tungkol sa kapatid niya. Pero bakit? At sino ang pumatay kay Andrea? At bakit pati siya ay gustong patayin nito?Mariin siyang napapikit sa mas dumobleng katanungan na gumugulo sa kanya ngayon. Kinapa na niya ang cellphone sa gilid ng kama niya at doon na tinipa ang numero ng kanyang ama para kumpirmahin ang mga pinagsasabi ni Ross kanina. Kaya lang may kung ano sa loob niya ang kinakabahan sa magiging kasagutan nito. Sa ngayon hindi niya na alam kung alin ang mas nakakatakot: sabihin ng tatay niya ang totoong nangyari o ang magsinungaling ito para sa ikakatahimik ng isipan niya?"Hello, Pa.." "Oh, Faye? Napatawag ka, ana
Noong gabing 'yon ay natagalan sa pagdating si Ross sa kwarto ni Faye. Nagtataka na si Faye nang makitang mga kasambahay lang ang dumating para maghatid ng hapunan niya. Wala si Ross. "Ate, si Ross po?" Tanong niya sa kasambahay na naglalapag ng pagkain niya sa mesa. "Ah, ma'am. Nasa opisina pa po si Mr. Vescari. Inutusan niya lang po kami na magdala ng hapunan niyo." Magalang na sagot nito saka na sila lumabas ng kasama niya. Kumunot na ang noo ni Faye pero nagsimula na siyang kumain. Kaya lang, natapos na siya ay hindi pa rin dumadating si Ross. Hanggang sa napagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto at nagtanong-tanong kung nasaan ang opisina ni Ross. "Gusto ko lang malaman kung may balita na ba tungkol kay Andrea para naman makaalis na ako rito," pangungumbinsi niya sa sarili habang naglalakad na papunta sa opisina ni Ross. Nang makarating doon ay agad na siyang kumatok. Sa unang katok niya ay walang sumagot kaya muli niyang inulit iyon."Ross, ako 'to. Si Faye. Pwede ba
Isang puting ceiling ang sumalubong sa paningin ni Faye nang magising siya. Bahagya siyang tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa maninipis na kurtina ng bintana ng silid. Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin at napagtantong pamilyar ito. Nandito na naman siya. Ang pinagkaiba: nung una'y nakatali siya sa upuan at nakawedding gown. Ngayon ay nakahiga na siya sa malapad na kama at nakasuot na ng mas kumportableng damit—isang puting nightdress. Agad siyang tumayo kaya bigla rin siyang nahilo. "Argh," daing niya saka humawak sa ulo."Finally," Agad siyang lumingon sa kakapasok lang na lalaki sa kwartong 'yon. Doon niya naalala kung paano siya inalis ni Ross doon sa basement. "Dinala mo ba ako rito para pilitin ulit akong pakasalan ka?" Nagdududang tanong niya. Nakapamulsa si Ross saka siya dahan-dahang lumapit kay Faye. Nakablack tshirt na ito ngayon kaya mas nakikita na ang mahabang tattoo nito sa kanang braso. "Dinala kita dito dahil muntik ka nang mamatay sa baha
"Teka, nasaan na ba ako?" Tanong ni Faye sa sarili nang mapansing naligaw na naman siya. Wala ngang sumunod na mga tauhan ni Ross sa kanya pero natagalan naman siya dahil sa laki at lawak ng mansyon na 'yon. Mahigpit niyang hawak ang hairstick niya habang hawak ang magkabilang dulo ng wedding gown na suot niya para mas mapadali ang pagtakbo niya. Ilang minuto pa bago niya mahanap ang pintuan palabas, hanggang sa tumatakbo na siya sa gitna ng garden papalayo sa mansyon na 'yon. Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan na ni Ross ang pagtakbo niya mula sa bintana ng kwarto na pinanggalingan niya kanina. May hawak na siyang baso ng alak ngayon at hinayaan lang ang pagtakas ng babae. Nang makapara na ng taxi si Faye ay agad niyang naalalang wala siyang dalang cellphone. Gusto niyang dumiretso sa presinto para magsumbong pero naalala niya ang sinabi ni Ross kanina na walang magagawa ang mga pulis sa kanya. Sa laki ng bahay nito at sa dami ng mga tauhan na nakita niya ay mukhang makapang
Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya. Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye. "A-Anong ginagawa mo?" Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown.Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya. "Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya.Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye. "Sabing tumigil ka!" "Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya. "Paano ako makikisama kung nakatali ako dit







