Accueil / Romance / The Missing Bride / CHAPTER 3: Balita

Partager

CHAPTER 3: Balita

Auteur: Mizzy Kim
last update Date de publication: 2026-11-06 12:49:50

Isang puting ceiling ang sumalubong sa paningin ni Faye nang magising siya.

Bahagya siyang tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa maninipis na kurtina ng bintana ng silid.

Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin at napagtantong pamilyar ito.

Nandito na naman siya.

Ang pinagkaiba: nung una'y nakatali siya sa upuan at nakawedding gown. Ngayon ay nakahiga na siya sa malapad na kama at nakasuot na ng mas kumportableng damit—isang puting nightdress.

Agad siyang tumayo kaya bigla rin siyang nahilo.

"Argh," daing niya saka humawak sa ulo.

"Finally,"

Agad siyang lumingon sa kakapasok lang na lalaki sa kwartong 'yon. Doon niya naalala kung paano siya inalis ni Ross doon sa basement.

"Dinala mo ba ako rito para pilitin ulit akong pakasalan ka?" Nagdududang tanong niya.

Nakapamulsa si Ross saka siya dahan-dahang lumapit kay Faye. Nakablack tshirt na ito ngayon kaya mas nakikita na ang mahabang tattoo nito sa kanang braso.

"Dinala kita dito dahil muntik ka nang mamatay sa bahay niyo,"

Natahimik si Faye. Nahirapan siyang lumunok nang maalala na naman ang ginawa sa kanya ng madrasta niya at ng lalaking kasama nito.

"N-Nasaan na si tita Sarah?"

"Don't worry, she will never touch you again,"

"Where is she?"

Napabuntonghinga na lang si Ross.

"Sa bahay niyo. Buhay pa naman."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin? Yung lalaking kasama niya? Nasaan?"

"Nandoon din,"

Naningkit ang mga mata ni Faye, may pagdududa sa sagot ni Ross.

"But he's dead,"

"What?! You killed him?"

"Nauna siyang namaril. Gumanti lang ako."

"Kahit na!"

"Just be glad that those people will never sell you anymore."

Sumubok bumaba si Faye sa kama.

"Aalis na ako,"

"At saan ka pupunta? Babalik ka sa bahay niyo? Pupunta ka ulit doon sa babaeng gustong ipahamak ka?"

Napahinto si Faye.

"Makikituloy muna ako sa mga kaibigan ko. I will call my father and I will tell him everything,"

Mas lumapit si Ross sa kama.

"Just stay here. Magpagaling ka muna dito. Dalawang araw kang walang kain. Masyadong nanghina ang katawan mo.”

Kaya lang ay matalim niyang tiningnan ito. "Tapos ano? Pipilitin mo akong magpakasal ulit sa'yo?"

Nag-iwas ng tingin si Ross.

"Pag-uusapan natin 'yan kapag magaling ka na."

"Magaling na ako. Pag-usapan na natin ngayon."

Huminga nang malalim si Ross.

"Kahit anong sabihin mo, isa lang ang magiging sagot ko sa'yo: No. Hindi ako magpapakasal sa'yo, Ross. Kahit pa niligtas mo ako."

"Why are you still denying me? May nagawa ba akong mali sa'yo noon kaya mo ako iniwan?"

"How many times do I have to tell you that I am not Andrea?"

"I will not believe you until I have proofs that you’re not really Andrea. Kapag napatunayan kong hindi ikaw si Andrea pakakawalan na kita. Pero kapag ikaw si Andrea papakasalan mo ako."

Confident na tumayo at tumango si Faye sa sinabi ni Ross.

"Fine!"

Tumango na rin si Ross. "Then, cooperate. Hangga't wala pa akong pruweba, dito ka na muna at magpahinga."

"Paano ako maakakasiguro na tutuparin mo ang sinabi mo? Na hindi mo ako ikukulong dito?"

May kinuha si Ross sa bulsa niya at inabot iyon kay Faye.

"Here,"

"Cellphone ko!" Aniya saka agad kinuha ang cellphone sa kamay ni Ross.

"You can call your father or even your friends. Pwede ka ring lumabas ng mansyon kung gusto mo."

Nagtatakang tiningnan ni Faye si Ross.

"Kung akala mo'y ila-lock kita dito tulad ng ginawa ng madrasta mo sa'yo sa basement ay nagkakamali ka. I'm just offering you some help while I'm waiting for the confirmation that you're not really my bride. Pwede kang magpahinga dito sa mansyon ko. Pero pwede kang umalis kung gusto mo."

Napaisip si Faye. Hindi niya akalain na mukhang sinsero ang lalaking ito. Tsaka alam naman niya na hindi talaga siya si Andrea kaya malakas ang loob niyang hindi niya papakasalan si Ross.

Isa pa, baka maging pabigat lang siya sa mga kaibigan niya kung makikitira pa siya sa mga ito. Sa ngayon, mukhang ayos lang naman na manatili siya sa lalaking ito pansamantala. Aalis din naman agad siya.

Muling umupo si Faye sa kama.

"Sige. Dito na muna ako.."

"Good. I will get you foods. What do you want?"

"Anything will do. Thank you.." sagot niya.

Tumango naman si Ross at umalis na ng kwarto para kumuha na ng mga pagkain ni Faye.

Nang mapag-isa na siya sa kwarto ay doon na niya tinawagan ang ama.

Napagdedsisyunan niyang hindi muna sabihin ang buong pangyayari dahil baka mag-alala lang ito. Saka na lang niya sasabihin kapag magaling na siya’t nakaalis na ng mansyon na ito.

"Mga isang buwan pa ako rito, anak.."

Agad nakaramdam ng lungkot si Faye nang marinig iyon.

"I understand, Pa.."

"By the way, how's your tita Sarah?"

Hirap siyang sumagot doon. "She's...fine.."

Nang matapos ang tawag nila ay muli siyang humiga sa kama.

Ilang minuto pagkatapos no'n ay dumating naman si Ross kasama ang dalawang kasambahay na may hawak ng mga tray ng pagkain.

Nang mailapag nila iyon sa mesa ay pinaalis na agad sila ni Ross.

"Come here," inalalayan niya pa si Faye papunta sa mesa.

"Kaya ko," giit naman ni Faye.

"I know. Just let me."

Ginagawa niya lang ba ito dahil akala niya ako si Andrea?

Alam ni Faye na mabait lang ito sa kanya ngayon dahil akala pa rin ni Ross si Andrea siya. Pero natitiyak niya na magbabago rin ito kapag nakumpirma na nito na hindi talaga siya ang fiancée niya.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpatawag din ng doktor si Ross para ipatingin ang lagay niya.

Noong gabi naman ay hindi niya inaasahang babantay at aalalayan pa rin siya nito.

Kaya naman sa sumunod na araw ay maagang bumango si Faye dahil sa mas bumubuti niyang kalagayan.

Naglakad siya papunta sa veranda at nagpahangin saglit. Nang bumalik siya sa loob ay agad niyang nakita ang mga picture frame sa gilid.

Hindi niya ito napansin noong unang araw niya dito dahil abala siya sa pag-iisip kung paano tumakas.

Pero ngayon ay nakita niya si Ross na may kasamang babae doon sa picture frame.

At ang babaeng iyon ay kamukhang kamukha nga niya.

Napalunok siya saka dahan-dahang kinuha ang picture frame na 'yon.

Nakaharap sa camera sina Ross at Andrea habang nakaakbay si Ross sa babae. Pareho silang masayang nakangiti.

Sa ibang picture frame naman ay nakita niyang magkayakap ang dalawa. Nakahalik pa si Ross sa noo ni Andrea.

"Goodmorning,"

Halos mapatalon sa gulat si Faye nang marinig ang tinig ni Ross sa likuran niya.

Agad niyang binalik sa mesa ang picture frame na hawak saka siya humarap dito.

"Your breakfast is ready. Kumain ka na,"

Naupo sila sa mesa at nanatiling tahimik si Faye, iniisip ang babaeng nakita sa picture.

"Uh, anong balita kay Andrea?"

"Wala pa,"

Bumalik sa pananahimik si Faye saka na niya tinapos ang pagkain.

Tiningnan siya ni Ross. Maski siya ay hindi niya alam kung anong mararamdaman niya kapag nalaman na niya kung si Faye ba talaga si Andrea o hindi.

Nang matapos kumain ay lumabas naman sa garden si Faye. Samantalang si Ross naman ay bumalik sa opisina niya para tapusin ang ibang trabaho.

Nagpapakaabala siya doon nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya iyon at sinagot.

"Speak,"

"Sir. May balita na po."

Tumigil sa ginagawa si Ross at tila nakaramdam ng kaba sa maririnig.

Umayos siya ng upo at napalunok.

"Totoo pong hindi si ma'am Andrea Sevilla ang kasama niyong babae ngayon. Siya po si Faye Torres."

Tila natigil sa paghinga si Ross.

"A-Are you sure?"

"Sir, hindi lang po 'yon. Si Andrea Sevilla at Faye Torres ay kambal. Hindi lumaking magkasama kaya hindi nila kilala ang isa't isa."

Mariing napapikit si Ross. "H-How about Andrea? Where is she now? May balita na rin ba tungkol doon?"

Saglit na natahimik ang kabilang linya.

Nagmulat ng mga mata si Ross at mas lalo siyang namutla dahil sa pananahimik ng kanyang tauhan.

"Tell me."

Tumikhim ang lalaki sa kabilang linya bago niya inusal ang balita kay Ross.

"Patay na po si ma'am Andrea Sevilla, sir. Five years ago pa."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Missing Bride   CHAPTER 5: Ama

    Noong gabing iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Faye dahil sa mga nalaman niya mula kay Ross. Nakaupo siya ngayon sa gitna ng kama niya. Nakayakap sa mga binti habang iniisip lahat ng iyon. May kakambal siya na hindi niya nakilala.Patay na-- Hindi. Pinatay ito. Ngayon, siya naman ang nanganganib ang buhay. Idagdag pa na naglihim sa kanya ang kanyang ama tungkol sa kapatid niya. Pero bakit? At sino ang pumatay kay Andrea? At bakit pati siya ay gustong patayin nito?Mariin siyang napapikit sa mas dumobleng katanungan na gumugulo sa kanya ngayon. Kinapa na niya ang cellphone sa gilid ng kama niya at doon na tinipa ang numero ng kanyang ama para kumpirmahin ang mga pinagsasabi ni Ross kanina. Kaya lang may kung ano sa loob niya ang kinakabahan sa magiging kasagutan nito. Sa ngayon hindi niya na alam kung alin ang mas nakakatakot: sabihin ng tatay niya ang totoong nangyari o ang magsinungaling ito para sa ikakatahimik ng isipan niya?"Hello, Pa.." "Oh, Faye? Napatawag ka, ana

  • The Missing Bride   CHAPTER 4: Litrato

    Noong gabing 'yon ay natagalan sa pagdating si Ross sa kwarto ni Faye. Nagtataka na si Faye nang makitang mga kasambahay lang ang dumating para maghatid ng hapunan niya. Wala si Ross. "Ate, si Ross po?" Tanong niya sa kasambahay na naglalapag ng pagkain niya sa mesa. "Ah, ma'am. Nasa opisina pa po si Mr. Vescari. Inutusan niya lang po kami na magdala ng hapunan niyo." Magalang na sagot nito saka na sila lumabas ng kasama niya. Kumunot na ang noo ni Faye pero nagsimula na siyang kumain. Kaya lang, natapos na siya ay hindi pa rin dumadating si Ross. Hanggang sa napagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto at nagtanong-tanong kung nasaan ang opisina ni Ross. "Gusto ko lang malaman kung may balita na ba tungkol kay Andrea para naman makaalis na ako rito," pangungumbinsi niya sa sarili habang naglalakad na papunta sa opisina ni Ross. Nang makarating doon ay agad na siyang kumatok. Sa unang katok niya ay walang sumagot kaya muli niyang inulit iyon."Ross, ako 'to. Si Faye. Pwede ba

  • The Missing Bride   CHAPTER 3: Balita

    Isang puting ceiling ang sumalubong sa paningin ni Faye nang magising siya. Bahagya siyang tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa maninipis na kurtina ng bintana ng silid. Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin at napagtantong pamilyar ito. Nandito na naman siya. Ang pinagkaiba: nung una'y nakatali siya sa upuan at nakawedding gown. Ngayon ay nakahiga na siya sa malapad na kama at nakasuot na ng mas kumportableng damit—isang puting nightdress. Agad siyang tumayo kaya bigla rin siyang nahilo. "Argh," daing niya saka humawak sa ulo."Finally," Agad siyang lumingon sa kakapasok lang na lalaki sa kwartong 'yon. Doon niya naalala kung paano siya inalis ni Ross doon sa basement. "Dinala mo ba ako rito para pilitin ulit akong pakasalan ka?" Nagdududang tanong niya. Nakapamulsa si Ross saka siya dahan-dahang lumapit kay Faye. Nakablack tshirt na ito ngayon kaya mas nakikita na ang mahabang tattoo nito sa kanang braso. "Dinala kita dito dahil muntik ka nang mamatay sa baha

  • The Missing Bride   CHAPTER 2: Saving Faye

    "Teka, nasaan na ba ako?" Tanong ni Faye sa sarili nang mapansing naligaw na naman siya. Wala ngang sumunod na mga tauhan ni Ross sa kanya pero natagalan naman siya dahil sa laki at lawak ng mansyon na 'yon. Mahigpit niyang hawak ang hairstick niya habang hawak ang magkabilang dulo ng wedding gown na suot niya para mas mapadali ang pagtakbo niya. Ilang minuto pa bago niya mahanap ang pintuan palabas, hanggang sa tumatakbo na siya sa gitna ng garden papalayo sa mansyon na 'yon. Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan na ni Ross ang pagtakbo niya mula sa bintana ng kwarto na pinanggalingan niya kanina. May hawak na siyang baso ng alak ngayon at hinayaan lang ang pagtakas ng babae. Nang makapara na ng taxi si Faye ay agad niyang naalalang wala siyang dalang cellphone. Gusto niyang dumiretso sa presinto para magsumbong pero naalala niya ang sinabi ni Ross kanina na walang magagawa ang mga pulis sa kanya. Sa laki ng bahay nito at sa dami ng mga tauhan na nakita niya ay mukhang makapang

  • The Missing Bride   CHAPTER 1: Kidnap

    Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya. Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye. "A-Anong ginagawa mo?" Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown.Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya. "Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya.Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye. "Sabing tumigil ka!" "Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya. "Paano ako makikisama kung nakatali ako dit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status