Partager

CHAPTER 5: Ama

Auteur: Mizzy Kim
last update Date de publication: 2026-11-06 12:50:36

Noong gabing iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Faye dahil sa mga nalaman niya mula kay Ross.

Nakaupo siya ngayon sa gitna ng kama niya. Nakayakap sa mga binti habang iniisip lahat ng iyon.

May kakambal siya na hindi niya nakilala.

Patay na-- Hindi. Pinatay ito.

Ngayon, siya naman ang nanganganib ang buhay.

Idagdag pa na naglihim sa kanya ang kanyang ama tungkol sa kapatid niya.

Pero bakit?

At sino ang pumatay kay Andrea? At bakit pati siya ay gustong patayin nito?

Mariin siyang napapikit sa mas dumobleng katanungan na gumugulo sa kanya ngayon.

Kinapa na niya ang cellphone sa gilid ng kama niya at doon na tinipa ang numero ng kanyang ama para kumpirmahin ang mga pinagsasabi ni Ross kanina.

Kaya lang may kung ano sa loob niya ang kinakabahan sa magiging kasagutan nito.

Sa ngayon hindi niya na alam kung alin ang mas nakakatakot: sabihin ng tatay niya ang totoong nangyari o ang magsinungaling ito para sa ikakatahimik ng isipan niya?

"Hello, Pa.."

"Oh, Faye? Napatawag ka, anak?"

Muling napapikit si Faye habang hinahanda ang mga magiging katanungan niya.

"Busy po ba kayo?"

"Hindi naman, anak. Why?"

Huminga nang malalim si Faye bago nagpatuloy.

"May itatanong lang po ako, Pa. Sana po ay magsabi po kayo ng totoo sa akin.."

Saglit na natahimik ang kanyang amang si Francis sa kabilang linya. Hanggang sa pilit itong tumawa para pawiin ang kabang nararamdaman.

"Oo naman. Sige, ano ba 'yon?"

"May kakambal po ba ako?"

Doon na unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Francis.

"Papa.." tawag ni Faye dahil sa biglang pananahimik ng kanyang ama.

"S-Saan mo naman nalaman 'yan?"

Doon na siya nanlamig. Hindi niya tinanggi.

"Kung ganoon.. totoo nga po na may kapatid ako?"

"Faye.. pag-usapan na lang natin 'to kapag nakauwi na ako."

Umayos si Faye ng upo. "Bakit hindi pa ngayon, Pa?"

"Not on the phone, anak--"

"No, Pa. Ngayon na. Gusto kong malaman kung bakit niyo kailangang itago sa akin na may kapatid ako. Na may kakambal ako." Nag-iinit na ang mga sulok ng mata ni Faye habang sinasabi iyon.

"Faye..please.. calm down.."

"Answer me, Pa!"

Saglit na huminga si Francis. Mas dumoble ang kaba sa dibdib niya.

Alam niyang hindi niya maitatago kay Faye ang mga dapat nitong malaman kahit lumipas pa ang panahon.

Pero hindi niya inaasahan na ngayong wala siya Pilipinas ay doon naman magkakaroon ng impormasyon si Faye tungkol sa nakaraan.

"Yes. You have a twin sister."

Mariing napapikit si Faye.

"Is her name...Andrea?"

"Yes."

Parang nahinto ang paghinga ni Faye nang tuluyan nang makumpirma iyon.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin noon?

"Faye.. tama na. Masyadong komplikado. Mapapahamak ka lang kapag sinabi ko pa sa'yo."

"Ano pong mapapahamak? Paano ako mapapahamak kung inaalalam ko lang naman ang totoo?!"

"Because someone's after your life!"

Natigilan si Faye.

Doon niya muling tiningnan ang litratong may mensahe para sa kanya.

"B-But why?"

Pinilit kumalma ni Francis. "Basta, anak. Magtiwala ka na lang sa akin. Mas magiging ligtas ang buhay mo kung lalayo ka sa impormasyon tungkol sa kapatid mo."

Halos sabunutan na niya ang sariling buhok habang bumubuhos na ang mga luha sa takot at galit. Takot para sa kapahamakang naghihintay sa buhay niya. At galit dahil tila pinagkakait sa kanya ang katotohanan ng sarili niyang pamilya.

"Pero, Pa.. Gusto kong malaman kung bakit?"

"Enough, Faye! Please. Mahirap ipaliwanag sa'yo ngayon. Kaya, anak, please. Makinig ka muna sa akin. Diyan ka na muna sa tita Sarah mo. Huwag kang lalapit sa mga taong hindi mo kilala."

Kaso huli na ang lahat. Wala na siya sa puder ng madrasta niya at nandito na siya sa bahay ng taong hindi niya kilala.

Mas lalong napaiyak si Faye sa narinig.

"Wala po ako sa bahay.."

"What? Nasaan ka? Madaling araw na diyan sa Pilipinas, hindi ba?"

"Umalis na muna po ako sa bahay."

"Ano? Bakit? May nangyari ba?"

Umiling siya. "Basta, Pa. Saka ko na lang din sasabihin kapag balik mo. Sa iba muna po ako nakikituloy."

"Sige, ayos lang kung sa mga kaibigan mo,"

"Opo, na kila Tasha po ako." pagsisinungaling niya para hindi ganoong mag-alala pa ang kanyang ama.

"Okay. Good. Hintayin mo ako, okay? I will explain everything to you personally."

Pinunasan na ni Faye ang mga luha sa pisngi.

"Be safe always, okay?"

Nang matapos ang tawag ay nagpatuloy sa pag-iyak si Faye. Iyon na lang din ang dahilan kung bakit nagawa niyang makatulog noong gabing 'yon.

Sa sumunod na umaga ay napatulala na lang siya habang nakatingin sa bintana.

Dapat ngayong umaga na siya nakaalis sa mansyon na 'to.

Pero dahil sa mga nangyari kagabi ay mukhang matatagalan pa siya rito.

"How are you? Have you contacted your father?" Tanong ni Ross nang dumating na ito kasama ang mga breakfast na para kay Faye.

Pareho na silang naupo sa mesa pero kanina pa tahimik si Faye kaya hindi na napigilang magtanong ni Ross.

"Nakausap ko na si Papa..."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi.

"Totoong kakambal ko si Andrea. At hindi niya masabi ang totoong dahilan kung bakit niya nilihim sa akin 'yon dahil mas lalo lang daw akong mapapahamak."

Dahan-dahang tumango si Ross.

"Mukhang matagal na rin niyang alam na may gustong pumatay sa akin base sa sinabi niya sa akin kagabi."

Pinagsalikop ni Ross ang mga kamay at pinatong sa mesa habang nag-iisip.

"Actually, may hinala na rin akong mga tao na pumatay kay Andrea. At siguradong sila rin ang mga taong gustong idamay ka." Tiim-bagang niyang sambit.

Binalingan siya ni Faye.

"Sino?"

"Some of my enemies. My family's enemies."

Napakunot na lang ang noo ni Faye doon.

"It can be the Flemingtons.. or the Silvanos.. or maybe the Fuertezes."

"Ganyan kadami ang kaaway ng pamilya mo?"

"Honestly, mas marami pa diyan. Pero 'yang tatlong pamilya na iyan ang top three na kalaban namin. Mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa bansa."

"Pero bakit ang dami niyong kaaway na umabot sa puntong kinailangan pa nilang patayin ang fiancée mo?"

Doon na niya mas nakita ang guhit ng galit sa mata ni Ross habang pinapaliwanag iyon.

"Endless revenge. Gutom sa kapangyarihan at sa pera. The Vescaris are always at the top kaya maraming nanggugulo para lang mawala kami sa ibabaw. They will do anything just to bring us down. Even if it cost a life."

Natigilan si Faye sa narinig.

Napatitig siya nang mabuti kay Ross. Una pa lang, may pakiramdam na siyang hindi lang basta ordinaryong tao ang kausap niyang ito. Nakita na niya itong maghawak ng baril. Narinig na rin niya na may pinatay ito. At sa nangyaring barilan pa lang kagabi ay masasabi na niyang ibang kapangyarihan ang tinutukoy nitong pinag-aagawan ng mga kalaban ng pamilya nila.

"Are you..." Hindi niya maituloy ang gustong sabibin.

Nahalata naman ni Ross iyon kaya mas napatitig siya kay Faye.

"Yes. I'm part of the dark side, Faye. Actually no, I am at the top of the dark side."

"W-What do you mean?"

"Our empire is tied to underground operations, private security, and militarized command."

Doon na tila naestatwa si Faye.

"I understand your reaction. Hindi ko naman inaasahan na matutuwa ka sa sinabi ko."

Napalunok si Ross at yumuko na lang sa pagkain sa harap niya. Dati ay hirap siyang ipaliwanag ang tungkol sa pagkatao niya kay Andrea dahil takot siyang iwan nito. Pero dahil si Faye lang naman ito ay ayos lang sa kanya kahit magalit o husgahan pa siya.

Hindi pa nakakabawi sa pagkagulat si Faye ay bigla nang tumunog ang telepono niya.

Umalis muna siya at tumayo nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hello, Pa.." sagot niya. Medyo malayo na siya ngayon sa mesa kung nasaan si Ross.

"Faye! I called Tasha's house! Wala ka doon! Tell me the truth, nasaan ka ngayon?"

Saglit niyang nilingon muli ang kinauupuan ni Ross bago siya sumagot.

"Nandito po ako kay Ross."

"R-Ross?"

"Ross Hudson Vescari. Nandito po ako sa kanya ngayon."

"What? What are you doing there?"

Sa tono pa lang ng kanyang ama ay tila kilala niya rin si Ross. Anong ibig sabibin nito?

"Papa—"

"Faye, makinig ka sa aking mabuti.. pauwi na ako ngayon. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat pag-uwi ko, pangako.. pero, anak. Nakikiusap ako.." nanlulumong sambit ni Francis sa kabilang linya.

"Leave that house now. Mas mapapahamak ang buhay mo kapag nandyan ka sa lalaking 'yan."

Mas naguluhan doon si Faye. Napahawak na siya sa noo. Hindi na alam kung anong gagawin.

"Pero, Pa. Bakit po—"

"Siya ang dahilan kung bakit namatay si Andrea!"

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Missing Bride   CHAPTER 5: Ama

    Noong gabing iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Faye dahil sa mga nalaman niya mula kay Ross. Nakaupo siya ngayon sa gitna ng kama niya. Nakayakap sa mga binti habang iniisip lahat ng iyon. May kakambal siya na hindi niya nakilala.Patay na-- Hindi. Pinatay ito. Ngayon, siya naman ang nanganganib ang buhay. Idagdag pa na naglihim sa kanya ang kanyang ama tungkol sa kapatid niya. Pero bakit? At sino ang pumatay kay Andrea? At bakit pati siya ay gustong patayin nito?Mariin siyang napapikit sa mas dumobleng katanungan na gumugulo sa kanya ngayon. Kinapa na niya ang cellphone sa gilid ng kama niya at doon na tinipa ang numero ng kanyang ama para kumpirmahin ang mga pinagsasabi ni Ross kanina. Kaya lang may kung ano sa loob niya ang kinakabahan sa magiging kasagutan nito. Sa ngayon hindi niya na alam kung alin ang mas nakakatakot: sabihin ng tatay niya ang totoong nangyari o ang magsinungaling ito para sa ikakatahimik ng isipan niya?"Hello, Pa.." "Oh, Faye? Napatawag ka, ana

  • The Missing Bride   CHAPTER 4: Litrato

    Noong gabing 'yon ay natagalan sa pagdating si Ross sa kwarto ni Faye. Nagtataka na si Faye nang makitang mga kasambahay lang ang dumating para maghatid ng hapunan niya. Wala si Ross. "Ate, si Ross po?" Tanong niya sa kasambahay na naglalapag ng pagkain niya sa mesa. "Ah, ma'am. Nasa opisina pa po si Mr. Vescari. Inutusan niya lang po kami na magdala ng hapunan niyo." Magalang na sagot nito saka na sila lumabas ng kasama niya. Kumunot na ang noo ni Faye pero nagsimula na siyang kumain. Kaya lang, natapos na siya ay hindi pa rin dumadating si Ross. Hanggang sa napagpasyahan na niyang lumabas ng kwarto at nagtanong-tanong kung nasaan ang opisina ni Ross. "Gusto ko lang malaman kung may balita na ba tungkol kay Andrea para naman makaalis na ako rito," pangungumbinsi niya sa sarili habang naglalakad na papunta sa opisina ni Ross. Nang makarating doon ay agad na siyang kumatok. Sa unang katok niya ay walang sumagot kaya muli niyang inulit iyon."Ross, ako 'to. Si Faye. Pwede ba

  • The Missing Bride   CHAPTER 3: Balita

    Isang puting ceiling ang sumalubong sa paningin ni Faye nang magising siya. Bahagya siyang tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa maninipis na kurtina ng bintana ng silid. Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin at napagtantong pamilyar ito. Nandito na naman siya. Ang pinagkaiba: nung una'y nakatali siya sa upuan at nakawedding gown. Ngayon ay nakahiga na siya sa malapad na kama at nakasuot na ng mas kumportableng damit—isang puting nightdress. Agad siyang tumayo kaya bigla rin siyang nahilo. "Argh," daing niya saka humawak sa ulo."Finally," Agad siyang lumingon sa kakapasok lang na lalaki sa kwartong 'yon. Doon niya naalala kung paano siya inalis ni Ross doon sa basement. "Dinala mo ba ako rito para pilitin ulit akong pakasalan ka?" Nagdududang tanong niya. Nakapamulsa si Ross saka siya dahan-dahang lumapit kay Faye. Nakablack tshirt na ito ngayon kaya mas nakikita na ang mahabang tattoo nito sa kanang braso. "Dinala kita dito dahil muntik ka nang mamatay sa baha

  • The Missing Bride   CHAPTER 2: Saving Faye

    "Teka, nasaan na ba ako?" Tanong ni Faye sa sarili nang mapansing naligaw na naman siya. Wala ngang sumunod na mga tauhan ni Ross sa kanya pero natagalan naman siya dahil sa laki at lawak ng mansyon na 'yon. Mahigpit niyang hawak ang hairstick niya habang hawak ang magkabilang dulo ng wedding gown na suot niya para mas mapadali ang pagtakbo niya. Ilang minuto pa bago niya mahanap ang pintuan palabas, hanggang sa tumatakbo na siya sa gitna ng garden papalayo sa mansyon na 'yon. Ang hindi niya alam ay pinagmamasdan na ni Ross ang pagtakbo niya mula sa bintana ng kwarto na pinanggalingan niya kanina. May hawak na siyang baso ng alak ngayon at hinayaan lang ang pagtakas ng babae. Nang makapara na ng taxi si Faye ay agad niyang naalalang wala siyang dalang cellphone. Gusto niyang dumiretso sa presinto para magsumbong pero naalala niya ang sinabi ni Ross kanina na walang magagawa ang mga pulis sa kanya. Sa laki ng bahay nito at sa dami ng mga tauhan na nakita niya ay mukhang makapang

  • The Missing Bride   CHAPTER 1: Kidnap

    Naramdaman ni Faye ang paghaplos ng isang malambot na materyal sa mukha niya dahilan kung bakit siya unti-unting nagising.Nang magkaroon ng malay ay doon niya nakita ang isang babaeng may hawak na makeup brush at bahagyang dinadampi iyon sa mukha niya. Tumigil ito saglit nang makitang gising na si Faye. "A-Anong ginagawa mo?" Mas nanlaki ang mga mata ni Faye nang makita niyang nakatali siya sa isang upuan habang nakasuot ng wedding gown.Hindi sumagot yung babaeng kaharap niya hanggang sa patuloy na lang ito sa pagmi-makeup sa mukha niya. "Sino ka? Bakit ako nakatali? Teka, tumigil ka nga!" Pilit siyang nagpumiglas pero mahigpit ang tali sa katawan niya.Hindi nakinig yung babaeng nag-aayos sa kanya. Sa isip nito ay kailangan niyang ipagpatuloy ang trabaho dahil baka buhay niya ang matapos kapag hindi niya natapos ayusan si Faye. "Sabing tumigil ka!" "Ma'am, please...makisama na lang po kayo.." pagmamakaawa ng makeup artist sa kanya. "Paano ako makikisama kung nakatali ako dit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status