Share

Kabanata 21

Ang Tagapagmana

Naging mabilis ang paglalakbay namin patungong Kaharian ng Niteo. Sa buong durasyon ng aming biyahe ay nanatiling tahimik ang bawat isa. Seryoso ang ekspresyon ng Prinsipe at Kapitan kaya naman hindi namin magawang guluhin ni Akari ang atmospera sa loob ng karwahe.

Nang makarating kami sa Niteo, mayayabong na halaman ang sumalubong sa amin. Kasing ganda iyon ng aming Unibersidad kaya't lubos akong nagigiliw sa mga nakikita. May ilang batang ada rin na naglalaro sa paligid. Kasing liliit sila ng aking hintuturo. May magiliw silang ekspresyon at yumuko rin nang bahagya nang makita nilang nasa loob din ang tagapagmana.

Mukha silang mga cute na keychain na gusto kong ibulsa ngunit alam kong hindi iyon maari dahil baka ipatapon pa akong Kapitan sa Sephtis. Ang balita ko pa nama'y walang nakakalabas ng buhay doon sabi ni Akari. Lubha raw mabibigat ang parusang binibigay ng kanilang sa kaharian sa mga nagkakasala na mas gugustuhin mo nalang bawian ng buhay kaysa tanggap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status