Share

Kabanata 3

last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 19:37:33

Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.

Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.

Handa na ba talaga ako?

Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.

Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.

Biglang bumukas ang screen door sa terrace.

Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded peach at may hawak na baso ng kape. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan siya.

“Evelyn?” tawag nito, bahagyang gulat pero halatang may kutob. “Ang aga mo yata ngayon. Weekend pa lang—may shoot ka ba?”

Pinilit niyang ngumiti. “Wala, Ma. Gusto ko lang… gusto ko lang umuwi.”

Napasingkit ang mata ng ina niya. “May problema ba?”

Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang gate at dumiretso sa loob ng bahay.

Pagpasok pa lang sa sala, sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng liniment at barako coffee—mga amoy na dati'y nagpapakalma sa kan’ya. Pero ngayon, parang biglang bumigat ang sikmura niya. Hindi dahil sa morning sickness. Kundi sa bigat ng katotohanang kailangan niyang sabihin sa ina niya ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Tahimik lamang silang mag-ina. Walang ingay kundi ang tik-tik ng wall clock at tunog ng electric fan sa likod ng sofa. Naupo si Evelyn sa sofa, ibinaba ang bag sa paanan, at inayos ang pagkakaupo. Ilang beses siyang lumunok bago nagsalita.

“Ma…” mahina ang tinig, halos hindi niya marinig ang sarili. “Buntis ako.”

Tumigil sa ere ang kamay ng nanay niya. Dahan-dahang tumama ang mug sa gilid ng mesa na siyang naglikha ng mahinang tunog na parang martilyong kumalabog sa dibdib ni Evelyn.

“Anong sinabi mo?”

“Buntis po ako,” ulit niya, ngayon ay mas mahina ang boses. “Almost seven weeks.”

Nanigas ang mukha ng ina niya at kumunot ang noo. Dahan-dahan itong naupo sa kabilang dulo ng sofa. “‘Yong lalaki? Boyfriend mo ba siya? Kilala ko ba? Anong trabaho niya?”

Walang salitang lumabas sa labi ni Evelyn. Tiningnan lang niya ang sahig at mariing napalunok.

Alam na rin kasi nito ang ginawa ng dating nobyo sa kan’ya halos dalawang buwan na ang lumipas, kaya nama’y wala itong ideya kung sino ang ama ng kan’yang dinadala.

“Evelyn,” mas matalim na ngayon ang tono ng ina niya. “Huwag mong sabihing iniwan ka lang niyang gano’n?”

Umiling siya agad at tinapunan ng tingin ang ina. “Hindi. Alam na niya.”

“Eh an’ong plano niyo?”

Tumigil siya saglit at huminga nang malalim. “He… offered to marry me.”

Sa isang iglap, natahimik ang buong bahay. Kahit ang orasan, parang nahinto ang tik-tik nito.

Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahang naupo ang ina niya sa kan’yang tabi. “Sino siya?” tanong nitong halos pabulong. “May trabaho ba siya? Responsable ba siya?”

“Ma…” nilunok ni Evelyn ang kaba. “Siya ang may-ari ng kumpanya ko. Si Cassian Alcott.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ina niya. “Siya? ‘Yong nasa business news? ‘Yong anak ng British diplomat? ‘Yong Alcott?”

Tahimik siyang tumango.

Muling tumingin sa kan’ya ang ina, hindi galit, kundi parang hindi makapaniwala. “Anak… baka mapaglaruan ka lang niyan. Hindi kayo magka-level. Alam mo ‘yan.”

“I know,” bulong niya rito.

“Baka mamaya, gawin ka lang niyang sikreto. Mahihiya siya sa pamilya niya. Ikaw lang ang kawawa. Ikaw lang ang masasaktan.”

Napasinghap siya. “Ma, wala naman talaga akong plano. Wala akong hinihingi sa kan’ya. But the baby… is real. And Cassian—he’s not running away.”

Muling natahimik ang kan’yang ina. Walang sermon. Wala ring sigaw. Kundi isang mahinang haplos sa braso niya.

“Kung papakasalan ka niya, siguraduhin mong hindi dahil sa bata lang. Siguraduhin mong hindi ka lang niya inaako… kundi pinipili ka rin niya.”

LUMIPAS ang isang linggo, hindi tumawag si Evelyn kay Cassian. Hindi rin siya nag-reply sa mga naunang mensahe nito. Tila pareho nilang piniling manahimik pansamantala. Pero kahit wala siyang tugon, hindi siya tuluyang iniwan ni Cassian.

Humihingi lang din naman ng space si Evelyn dito bago pa siya haharap sa pamilya ni Cassian. Parang kailangan niya munang mag-ipon ng lakas bago ito mangyari, lalo na’t hindi basta-bastang pamilya ang haharapin niya.

Pero isang araw na hindi siya pumasok dahil masama ang pakiramdam, may dumating na sopas sa unit niya—wala man lang note, tanging pangalan lang niya ang naroon.

Sa desk niya, may maliit na paper bag na may laman: prenatal vitamins, ginger candy, at isang post-it na may maikling sulat: “Let me help. I’ll wait.”

Wala siyang sinabi. Pero naramdaman niya iyon.

At isang gabi, habang pauwi siya galing sa quick grocery run, napatigil siya sa tapat ng pinto ng apartment complex. Sa hagdanan, may nakaupong pamilyar na pigura.

Nakaupo roon si Cassian na may grocery bag sa paanan, naka-rolyo ang sleeves ng polo, at mukhang matagal nang naghihintay.

Napatigil siya sa kinatatayuan at pinagmasdan ito.

“Wala ka bang bodyguard?” tanong niya, may halong inis at kaba. “This isn’t exactly safe for—” Naputol ang kan’yang sasabihin.

“For a scandal?” Matapos sabihin ni Cassian ang kan’yang huling salita, bahagya siyang ngumiti.

“No,” sagot niya, mas mahinang tono. “For a man like you.”

Tumayo si Cassian, inayos ang pantalon, at pinunasan ang kan’yang likod.

“I figured I’d try doing this like a regular person.”

“By loitering outside my door?” taas-kilay niyang balik.

“By showing you that I mean it.” Tiningnan siya nito nang diretso. “I’m not going anywhere.”

Tumahimik si Evelyn.

Nilingon niya ang hallway bulb na bahagyang kumikislap sa ibabaw nila. Nakakainis, pero parang bagay sa eksenang ‘to. Walang makakapagsabi kung romantic ba ito o nakakaawa.

Napabuntong-hininga siya, mahigpit na nakakuyom ang mga susi sa kan’yang kamay.

“Gusto ko lang sabihin sa ‘yong hindi ako basta-basta magpapakasal sa taong hindi ko kilala,” bulong niya. “Pero dahil nandito na rin naman, wala na rin akong magagawa pa.”

Lumapit si Cassian sa kan’ya, mas banayad na ngayon ang kan’yang tinig. “Then let’s fix that.”

Napatingin naman siya rito.

“Let me start again,” sabi nito, may bahid ng ngiti sa labi. “I’m Cassian Alcott. Half-British, half-Filipino. Used to want to be invisible. But then I met you, and suddenly, I wanted to be seen.”

Parang may sumikip naman sa dibdib niya.

“Dinner?” tanong nito, sabay buhat sa grocery bag.

Napatingin siya sa plastic. “Kung ako ang pinapakain mo, bawal ang wine. And I like my fish grilled, not boiled.”

Humalakhak ito. “Then it’s a good thing I brought both.”

At sa unang pagkakataon sa maraming araw, napangiti siya. Hindi dahil tapos na ang problema. Kundi dahil sa gitna ng gulo, may isang taong piniling manatili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The President's Duty Bride   Kabanata 7

    Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum

  • The President's Duty Bride   Kabanata 6

    Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag

  • The President's Duty Bride   Kabanata 5

    Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces

  • The President's Duty Bride    Kabanata 4

    Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya

  • The President's Duty Bride   Kabanata 3

    Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.Handa na ba talaga ako?Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.Biglang bumukas ang screen door sa terrace.Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded

  • The President's Duty Bride   Kabanata 2

    Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ram

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status