LOGINSANDRA'S POV
Nanatili pa kami ng dalawa pang oras sa lugar na iyon bago maisipang umuwi na habang patuloy na nilalasap ang sariwang hangin at kapayapaan na hatid ng kalikasan. Parang wala lamang nangyari nang lisanin namin ang lugar na iyon na iniwanan namin ng ala-alang kami lamang ang may-alam. Napag-isipan namin kinalaonan sa gitna ng biyahe na dumaan sa isang kilalang fast food chain upang mananghalian.
Nakasuot ako ng pink na backless top na pinarteran ng puting high waist jeans at puting sandal. Isinuot ko rin ang shades ko at hinayaang nakalugay ang mahab at wavy kong buhok nang makababa ako sa sasakyan ng lalaki. Nakasuot naman siya ng puting V-neck shirt, black sweat pants at puting Nike shoes. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinapit ang aking bewang nang maglakad kami papasok ng fast food chain na aking ikinagulat. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango dahil sa aming distansiya.
"Look at them, they're staring at you," mahinang bulong ng lalaki dahilan upang mapatingin ako sa direksyon ng mga kalalakihang sa tingin ko ay mga college students. Hindi nila alam na napatingin ako sa kanila dahil sa suot-suot kong shades.
"Nakatingin nga ang mga iyon sa iyo oh." Sagot ko at ininguso ang grupo ng mga kababaihang napapatingin sa kaniya.
Kasalukuyan kaming nasa counter habang sinasabi sa isang crew ang aming mga orders. Isang spaghetti at pineapple juice lamang ang sa akin dahil hindi naman ako gutom, gumaya naman siya dahil tulad ko ay hindi rin ganoon kalala ang kaniyang gutom.
"You're hotter than them." Bulong niya at tinaggap mula sa crew ang tray ng pagkain na inorder namin at nagpaunang maglakad sa akin.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang marinig iyon mula sa kaniya. Hindi na naman bago sa akin na masabihan ng ganoon, pero kakaiba ang epekto kapag siya ang nagsasabi.
Nais ko na lamang magpigil ng tawa nang irapan ako ng isa sa mga babae na naroroon nang mapadaan ako.
Nang makaupo kami ay nanatili ang mga titig niya sa akin, kita ang paghanga habang sinusuyod ang aking kabuuan. Hindi ako napapalagay, dahil pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay matutunaw na ako sa paraan ng kaniyang pagkakatitig.
"You still don't know my name, my name—" hindi ko na siya pinatapos pa at nagsimula akong kumain.
Wala akong balak na alamin ang pangalan niya, dahil ang lahat ng ito ay parte ng trabaho ko at bayad ako dahil dito. Makakabayad na rin ako ng mga miscellaneous fees sa school mula sa 70% share na makukuha ko mamaya kay Madam Rowena. Oo, inaamin kong crush ko ang lalaking ito pero, hanggang doon lamang.
"Hindi na kailangan, pagkatapos nito ay babalik na tayo sa dati. Prostitute ako at customer kita, hindi na natin kailangang makilala ang isa't-isa." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Don't you want to know who I am? We've been warming the bed for a couple of times and—" muli ko siyang hindi pinatapos.
"Bayad na ako at tapos na po ang trabaho ko, kapag po nais niyong matikman muli ang serbisyo ko ay puwede po kayong bumalik sa Club House." Sagot ko gamit ang kaswal na tono.
Natahimik siya ng sandali at isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa magagandang uri niyang mga labi nang may mapagtanto. Tinaasan ko naman siya ng kilay nang makita ang reaksiyon niyang iyon.
"So you fear attachment, right?" aniya habang tinatapos ang kinakain na spaghetti.
Hindi ako agad sumagot.
Pinag-isipan kong mabuti ang bawat salita na lalabas sa aking bibig, dahil alam kong hindi ko na iyon mababawi sa oras na masabi ko.
"It's none of your business na po, sir." Sambit ko at iniwasan ang kaniyang mga tingin.
"Hmmmm," tanging sambit niya, nanunuyo.
Hindi ko na iyon pinansin upang hindi na humaba pa ang usapan. Tanging nararamdaman ko sa mga oras na iyon ay ang unti-unting pagbigat ng aking katawan dahil sa pagod.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa pagkain at agad na nagtungo sa parking lot ng fast food chain na iyon upang umalis na. Tahimik ang buong biyahe at tanging tunog ng musika sa kaniyang sasakyan ang maririnig.
Nang malapit na kami sa Club House ay napapatingin siya sa akin. Inayos ko ang suot na damit at shades saka nagsuklay ng buhok.
"So you're going to accept customers starting this hours?" Tanong niyang biglaan.
"Yes, trabaho eh." Sagot ko at binuksan na ang pintuan ng kaniyang sasakyan.
Sandali siyang natahimik habang inaabot ko ang aking mga gamit sa backseat. Sa halos tatlong minutong pananahimik ay nagsalita na siya.
"Happy earnings, then." Aniya at hindi na ako hinintay na makapasok dahil agad na niyang pinahahurot ang sasakyan palayo.
Nanatili akong nakatitig sa kaniyang sasakyang sobrang liit na sa aking paningin. Agad na akong pumasok sa Club House at nagtungo sa aking kwarto upang magpahinga, ilang oras na lamang kasi ay magbubukas na ang Club House dahil weekdays ngayon.
Mabuti na lamang at kasalukuyang academic break namin kaya naman tumatanggap ako ng customers with a duration of 1-3 days lamang. Kapag nag-resume na ang classes ay hindi ko na magagawang tumanggap ulit ng ganoong offers.
Habang nakahiga sa aking kama ay nakatanggap ako ng notification mula sa aking e-wallet kung saan nakapasok na sa aking account ang 70% share ko, na na-isend na pala ni Madam Rowena ngayon lamang. Naiisip ko na agad ang 12,000 na misc f*e at ang balanse kong 6,000 sa aking tuition f*e sa nakaraang sem.
Napahinga ako nang malalim at napapapikit. Alas sais ng gabi ang pagbubukas ng Club House at alas dos na ng hapon, apat na oras na lamang ang natitira para sa aking pahinga. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakatulog agad.
Naggising ako sa mahinang yugyog sa aking balikat na kagagawan ni Kimberly. Nang mapatingin ako sa kaniya ay bihis na bihis na siya at naka full-face make up na. Siya pala ang unang performer ngayong gabi at ako naman ang pangalawa.
"Sandra, magbihis ka na dahil sasalang na ako. Ikaw ang susunod." Sambit niya, nagmamadali.
Nakakapasok siya sa kwarto ko upang humiram ng ilan sa aking mga make up na hindi ko naman ipinagdadamot.
"A-Ah oo, sige, sunod ako agad sa baba." Sagot ko at nagmadaling tumayo upang magtungo sa banyo para maligo.
Habang malayang umaagos sa aking katawan ang maligamgam na tubig mula sa shower ay hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili, at hindi ito ang unang beses.
Sa bawat araw na sasalang ako sa entablado, maghuhubad, at magbebenta ng laman ay palagi kong tinatanong sa sarili kung kaya ko pa bang sikmurain ang lahat.
Pero, napapangiti ako sa tuwing napapapagtanto ko kung paano ko nagagawang buhayin ang sarili at matustusan ang sariling pag-aaral sa isang exclusive private university dahil sa trabaho kong ito. Hindi ko kailangan magpapawis, Hindi ko kailangan ng lakas, at lalong-lalo na hindi ko kailangang magtiis sa maliit na sahod.
Nang matapos akong makaligo ay isinuot ko ang damit na tanging hiwa na lamang ng aking pagkababae at pang-upo ang natatakpan, maging sa aking dibdib na lantad maliban sa n*pples. Kulay pula ito at kumikinang-kinang, nababagay sa maputi at makinis kong kutis. Naglagay ako ng make up at kinapalan ang pulang lipstick saka ko tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin.
Dahil alam ko na sa gabing ito, marami na namang magkakandarapang mga malalaking tao para pagkaguluhan "Ang Babaeng May Mabentang Laman."
THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma
SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo
SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay
SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma
[Warning: Read at your own risk, SPG content]SANDRA’S POVHumahagulhol ako sa bawat hakbang ko papalayo sa condo niya, ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa elevator ay narinig ko ang mga mabibilis na yapak na papalapit sa akin, at nang lingunin ko ay pag-aari ang mga iyon ni Arthur. Tumatakbo siya papalapit sa akin at agad akong binuhat.“Arthur, anong ginagawa mo?” pinahiran ko ang mga luha habang nakatitig sa madilim niyang ekspresyon na may bahid pa ng luha.Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakapasok agad kami sa condo at dali-dali siyang pumasok sa kwarto. Inihiga niya ako sa kama, at siniil ako nang malalim na halik.“A-Arthur,” saad ko nang maramdaman na unti-unting nag-iinit ang katawan ko.“Before you leave me, I’ll make sure to f*ck you ‘til I fall asleep… And if that happened, please leave this place without waking me up… and without me even knowing,” saad niya, kahit bakas sa boses niya ang pagkabasag.Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang maramdaman ko ang init ng k
SANDRA’S POVMag-aalas dos na nang hapon nang mapagdesisyonan kong umuwi na sa tinutuluyan namin ni Sidro. Ilang araw na din akong absent sa school at napaintindi ko na iyon sa mga professors ko. Huling-huli na ako sa klase, pero babawi ako kapag natapos na hearing.Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isipan ko si Arthur. Nasa condo unit ko pa ang mga gamit ko sa school at mga importanteng mga dokumento. Kailangan ko iyong makuha dahil sa susunod na school year ay third year college na ako, at mag-s-start na ang internship.Kailangan ko lang talaga ng timing na wala roon si Arthur. Ayaw ko pa siyang makita at ayokong may mapag-usapan pa kami dahil tinapos ko na ang kung ano mang meron kami.“Kuya, sa Solace Condominium po,” ani ko sa taxi driver.Araw ng Martes ngayon at alam kong nasa opisina si Arthur sa mga oras na ito. Sa tuwing weekends ay mag-isa ako mula alas siyete nang umaga hanggang alas sais nang gabi, kaya sigurado akong wala siya roon, at pagkakataon kong makuha ang mga







