Se connecter"Hoy, Mr. Bilyonaryo, nakakaloka to! Pinaglalaruan mo ba ko? Prank ba to ha? Ano bang klaseng outfit ito, mukha akong papunta sa funeral ng pangarap ko kung isuot ko ang uniform na ito!" sigaw ko habang hawak ang napakamahal na corporate suit na ipinabigay niya sa akin.
Nasa loob ako ng kwarto niya, nakatingin sa salamin habang sinusukat ang skirt at blazer na masyadong fit para sa akin. Pumasok si Franco sa kwarto, nakasuot na ng tuxedo niya, mukhang ready na ready na mandamay ng mga empleyado sa bad mood niya. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa, 'yung tingin na parang sinusuri niya kung nababagay ba ako sa image ng kumpanya niya. "Bagay sa iyo ang suot mo, mukha ka ng tao, hindi mukhang maid na galing sa kanto,wag ka mg maraming dada diyan dahil sa ating dalawa ako ang boss dito at ako ang masusunod," sagot niya habang inaayos ang kurbata niyang ako ang nag-ayos kanina. "Ang yabang mo talaga, akala mo kung sinong perpekto, eh kung hindi kita binato ng frozen chicken, wala ka sanang personal assistant na kasing ganda ko ngayon," ganti ko habang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. "Mayabang? Charitable pa ako sayo sa lagay na to uy. Dapat kang magpasalamat dahil binibigyan kita ng pagkakataon na makita ang mundo ng mga tunay na boss, hindi 'yung mga nagtitimpla lang ng kape sa umaga," wika niya habang nilapitan niya ako at inayos ang buhok ko na nakatali nang maayos." Umayos ka diyan." Ramdam ko ang init ng mga daliri niya sa anit ko, isang sensasyon na nagpapatigil ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa bawat galaw niya, lalong tumitindi ang inis ko na may halong kaba. Lumabas kami ng mansyon at sumakay sa sports car niya, diretsong biyahe patungo sa sentro ng kumpanya niya. Pagpasok namin sa office, ang mga empleyado ay parang mga estatwa na huminto sa paggalaw nang makita si Franco na may kasamang maid na naka-corporate suit. Si Mark, ang male secretary niya, ay nakatingin lang sa amin nang may halong pagkamangha at pagtataka. "Sir, may meeting po kayo sa client sa loob ng ten minutes, at mukhang mainit ang ulo nila dahil sa delay ng delivery," bulong ni Mark habang iniiwasan niya ang tingin ko. "Mark, sabihan mo sila na maghintay, hindi ako nagmamadali dahil may kailangan pa akong ayusin sa personal assistant ko," sagot ni Franco habang tiningnan niya ako nang seryoso. "Hoy, anong kailangan mo pang ayusin? Akala ko ba ay assistant ako, bakit parang ako ang maglilinis ng opisina mo?" tanong ko habang nilapitan ko ang desk niya na sobrang gulo ng mga papel. "Ang trabaho mo ay siguraduhing maayos ang paligid ko, kabilang ang kape na gagawin mo para sa akin at sa mga kliyente ko," sagot niya habang umupo siya sa swivel chair niya. Ang lintik ginawa talaga akong all around julalay slash barista este coffee maker. Pumunta ako sa office pantry at gumawa ng kape. Sinigurado kong tama ang timpla, pero nang ilapag ko ang tasa sa harap niya, biglang pumasok ang isang babaeng kliyente na naka-pula na dress. Ang bango ng pabango niya ay sumakit sa ilong ko, sobrang tapang. "Franco, darling, tagal mong hindi nagpakita sa akin, namiss kita nang sobra," sabi ng babae habang lumapit siya kay Franco at hinawakan ang braso nito. Nakita ko si Mark na nag-roll ng eyes habang nakatingin sa amin. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mapalayas ako sa kumpanya. Kahit nakakainis ang sitwasyon eh kailangan kong sikmurain dahil needs ko ng kadatungan para sa ekonomiya ever. "Sarah, nandito tayo para sa business, hindi para mag-flirt," sagot ni Franco nang walang emosyon, pero ramdam ko ang discomfort niya sa paghawak ng babae sa kanya. "Ano ba, Franco, hindi ba pwedeng mag-relax muna tayo bago ang usapang trabaho?" sagot ni Sarah habang lalong lumalapit kay Franco. Tumitig ako kay Franco, naghihintay kung ano ang gagawin niya. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Tumayo si Franco at inilayo ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Sarah. "Tanya, ipagtimpla mo si Sarah ng kape, 'yung kape na kasing tapang ng ugali mo," sabi ni Franco habang tinitigan niya ako nang may halong hamon. Kasing tapang ko daw.Ang loko,sinusubukan ang pagkamasunurin ko,tignan ko lang...matapang kaya ako. "Sure, Sir, sisiguraduhin kong magigising ang diwa ni Sarah sa bawat higop niya ng kape na gawa ko," sagot ko habang ngumiti ako nang napakatamis kay Sarah. Naglakad ako pabalik sa pantry, ramdam ko ang tingin ni Franco sa likod ko. Paglabas ko, nakita ko si Mark na papalapit sa akin. "Tanya, huwag mong masyadong pagtripan ang client, baka mabawasan ang sweldo mo," bulong ni Mark habang naglalakad siya palapit sa desk ni Franco. "Huwag kang mag-alala, Mark, alam ko ang ginagawa ko," sagot ko habang inabot ko ang kape kay Sarah. Tinikman ni Sarah ang kape at biglang lumaki ang mga mata niya sa tapang. Tiningnan ko si Franco na nakatingin sa akin nang may halong amusements. Ang buong opisina ay tahimik habang hinihintay ang susunod na reaksyon ni Sarah. "Franco, ano bang klaseng maid ang kinuha mo, napakatapang ng kape na ito!" sigaw ni Sarah habang nilapag niya ang tasa sa mesa. "Siya ang personal assistant ko, Sarah, at kung ayaw mo sa kape niya, maaari ka nang umalis sa opisina ko ngayon din," sagot ni Franco nang walang pag-aalinlangan. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inasahan na ipagtatanggol niya ako sa harap ng client niya. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya na nagpapahiwatig na masaya siya sa ginawa ko. "Ngayon, Tanya, dahil tapos na ang usapan namin ni Sarah, kailangan nating pag-usapan ang susunod nating gagawin sa loob ng opisina na ito.""Bakit parang ang tahimik ng mansyon ngayon, Tanya, nasaan na ang boses mo na laging nanggugulo sa bawat sulok ng bahay na ito?" tanong ko habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto niya na nakabukas nang bahagya.Wala siya sa loob. Ang kama niya ay maayos na nakatupi, at ang mga gamit niya ay wala na sa lugar na kinasanayan ko. Simula nang mawala siya sa paningin ko kahit sa loob lang ng ilang oras, ang mansyong ito ay bumalik sa pagiging sementeryong puno ng mamahaling gamit at malamig na hanging galing sa aircon. Inikot ko ang buong mansyon, nagtanong sa bawat staff, pero walang nakakaalam kung nasaan ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko. Ang bawat hakbang ko sa sahig ay parang tunog ng kawalan."Sir, hindi po namin alam kung nasaan si Ma'am Tanya, sabi niya lang po ay may kailangan siyang ayusin sa labas na hindi namin dapat pakialaman," sagot ni Mang Nestor habang yumukod siya nang bahagya.Naglakad ako pabalik sa study room, ang lugar kung saan madalas kaming magbangaya
"Ano ito? Bakit may teddy bear sa loob ng cabinet mo na puno ng mga dokumento, Franco?" tanong ko habang hawak ang isang lumang teddy bear na may punit sa tenga.Tahimik ang buong study room. Kanina pa ako naglilinis dito habang wala siya. Binuksan ko ang isang cabinet na akala ko ay puro mga lumang files lang, pero bumungad sa akin ang isang malambot at halatang inaalagaang laruan sa gitna ng mga folder. Hindi ko mapigilan na kurutin ang ilong ng teddy bear dahil sa cute nito, kahit na medyo maalikabok na. Biglang bumukas ang pinto."Bitawan mo 'yan, Tanya!" sigaw niya, ang boses niya ay halos pumiyok sa gulat at galit.Mabilis niyang kinuha ang teddy bear mula sa mga kamay ko. Ramdam ko ang tensyon sa hangin, 'yung tipong kahit maliit na ingay ay baka ikasira ng mundo. Tiningnan niya ako nang masama, pero ang mas nakakagulat ay ang panginginig ng mga kamay niya habang niyayakap niya ang laruan."Sorry! Hindi ko naman alam na special 'yan sa iyo, akala ko basura lang na nakatago," sa
l"Ano bang problema mo at kailangan mong mag-bato ng gamit?! Hindi ka naman bata para mag-tantrums dito!" sigaw ko habang iniiwasan ang isang mamahaling plorera na muntik na tumama sa ulo ko.Bumagsak ang plorera sa sahig, nagkadurog-durog na parang pangarap ko sa buhay na maging tahimik ang araw na ito. Si Franco ay nakatayo sa gitna ng opisina niya, ang mukha niya ay namumula sa sobrang galit, ang mga ugat sa leeg niya ay parang sasabog na. Ang mga staff sa labas ay narinig ang pagbagsak, nakasilip ang ilan sa pinto pero agad na bumalik sa mga desk nila dahil sa takot. Hindi ako natinag, hinarap ko siya kahit na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko."Wala kang pakialam sa mga desisyon ko, Tanya! Labas ka sa kung anong nangyayari sa kumpanyang ito!" sigaw niya pabalik habang itinulak niya ang mahogany na mesa niya hanggang sa tumama ito sa pader."Meron akong pakialam dahil ako ang kasama mo dito! Hindi mo pwedeng idaan sa dahas ang frustration mo dahil hindi mo makuha ang gusto
"Ibababa mo ang cellphone mo at kakain ka ng maayos dahil hindi mo ikamamatay kung hindi mo mababasa ang mga email na 'yan sa loob ng sampung minuto!"Tumingin ako sa kanya nang masama. Hawak ko ang spoon and fork, pero nakatutok pa rin ang atensyon ko sa tablet na nakapatong sa mesa. Ang bawat update mula sa stock market ay kritikal para sa expansion project ko, at ang babaeng ito na kakapasok lang sa buhay ko ay gustong makialam sa schedule ko. Inagaw niya ang tablet mula sa tapat ko at ibinagsak ito sa kabilang dulo ng mahabang dining table."Tanya, ibalik mo sa akin 'yan ngayon din dahil hindi mo alam ang halaga ng bawat galaw na ginagawa ko sa negosyo ko," sabi ko habang tumayo ako para makuha ang device pero hinarang niya ako gamit ang katawan niya."Anong halaga? Halaga ng buhay mo? Kasi sa nakikita ko, Franco, puro ka kape at puro ka trabaho, pero ang tiyan mo ay wala nang laman kundi hangin at stress," sagot niya habang nakapamewang siya sa harap ko."Gusto ko lang matapos an
"Hoy, Mr. Bilyonaryo, nakakaloka to! Pinaglalaruan mo ba ko? Prank ba to ha? Ano bang klaseng outfit ito, mukha akong papunta sa funeral ng pangarap ko kung isuot ko ang uniform na ito!" sigaw ko habang hawak ang napakamahal na corporate suit na ipinabigay niya sa akin.Nasa loob ako ng kwarto niya, nakatingin sa salamin habang sinusukat ang skirt at blazer na masyadong fit para sa akin. Pumasok si Franco sa kwarto, nakasuot na ng tuxedo niya, mukhang ready na ready na mandamay ng mga empleyado sa bad mood niya. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa, 'yung tingin na parang sinusuri niya kung nababagay ba ako sa image ng kumpanya niya."Bagay sa iyo ang suot mo, mukha ka ng tao, hindi mukhang maid na galing sa kanto,wag ka mg maraming dada diyan dahil sa ating dalawa ako ang boss dito at ako ang masusunod," sagot niya habang inaayos ang kurbata niyang ako ang nag-ayos kanina."Ang yabang mo talaga, akala mo kung sinong perpekto, eh kung hindi kita binato ng frozen chicken, wala ka
"Hoy, Mr. Bilyonaryo, heto na ang mga kurbata mo, lumabas ka na dyan sa lungga mo at kunin mo ang mga alaga mo!" sigaw ko sa loob ng walk-in closet ko na kasinglaki ng studio unit sa Makati.Wala siya sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, sa banyo, at maging sa ilalim ng kama na wala namang dahilan para paghanapan ko. Ito na ang pang-limang beses sa loob ng linggong ito na nawawala ang mga gamit ko. Hindi ito basta pagkawala dahil ang mga kurbata ko ay gawa sa mamahaling Italian silk at hindi basta basta napupunta kung saan saan lang."Bakit ka ba nagsisigaw riyan, Franco? Aga-aga, ang init na naman ng ulo mo, parang may nakain kang maanghang na siling labuyo na hindi mo na-digest," sagot niya habang nakasandal sa pintuan ng closet habang may hawak na basahan.Tiningnan ko siya nang matalim. Ang babaeng ito, sa halip na matakot, ay parang natutuwa pa sa sitwasyon. Ang buhok niya ay nakatali ng messy bun na lalong nagbibigay ng kakaibang charm sa kanya sa gitna ng pagiging ma







