Partager

The Secret Billionaire's Unexpected Wife
The Secret Billionaire's Unexpected Wife
Auteur: Maddy Kalen

Chapter 1

Auteur: Maddy Kalen
last update Date de publication: 2026-11-06 13:46:27

POV: Alessandra (Female Lead)

“Alessandra, ayusin mo naman ang mukha mo,” bulong ni Mama Celia, ang pangalawang asawa ni Papa, habang dumaraan ako sa tabi niya. “Birthday ng tatay mo. Huwag kang magmukhang may problema.”

Ngumiti ako nang pilit.

“Pasensiya na po.”

Hindi na siya sumagot. Sa halip, ibinaling niya ang pansin kay Bianca, ang anak niya kay Papa. Suot ni Bianca ang isang mamahaling gown na halatang ipinagawa para sa kaniya. Nasa paligid niya ang mga kaibigang humahanga sa suot at alahas niya.

Sa akin, isang maikling tingin lang ang ibinigay ni Papa nang batiin ko siya kanina.

Ako ang panganay niyang anak, pero sa gabing iyon, pakiramdam ko ay bisita lamang ako sa sarili kong tahanan. At hindi ko akalaing sa araw na yun, sa ikaanimnapung kaarawan ng sarili kong ama, malalaman ko na wala na palang natitira sa pagsasama namin ng lalaking pinakasalan ko.

Punong-puno ng tao ang mansiyon. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mga mamahaling bulaklak na nakapalibot sa bulwagan, halatang walang tinipid si Papa para sa selebrasyon. Nandoon ang mga negosyante, politiko, at mga taong ang pangalan ay madalas kong mabasa sa mga pahayagan.

Samantala, ang asawa kong si Adrian ay hindi ko pa rin makita.

“Nasaan si Adrian?” tanong ko kay Bianca nang makalapit siya sa akin.

Bahagya siyang ngumiti. “Hindi ko alam. Baka may ginagawa.”

“Magkasama kayong dumating kanina.”

“Talaga ba? Hindi ko na maalala.”

Bago pa ako makapagtanong ulit, may nag-anunsiyo ng pagdating ng isang hindi kilalang lalaki.

Napalingon ang lahat.

Matangkad ang lalaki, nakasuot ng itim na suit, at may kasamang dalawang security personnel. Hindi siya mukhang kinakabahan kahit nakatitig sa kaniya ang mga taong naroon.

“Para po kay Don Roberto Villanueva,” malakas niyang sabi. “May ipinadadala pong regalo si Mr. Antonio Alcaraz.”

Agad na nagbulungan ang mga bisita.

Kilala ng lahat ang pangalan ng bilyonaryong iyon. Kontrolado raw nito ang napakaraming negosyo sa iba't ibang bansa. May mga nagsasabing mas mayaman pa siya kaysa sa pinagsamang yaman ng ilang kilalang pamilya.

Pero walang nakaaalam kung ano talaga ang hitsura niya.

Hindi siya kailanman nagpakita sa publiko. May nagsasabing malubha ang kaniyang karamdaman. May iba namang nagkakalat ng mga kuwentong mas interesado siya sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Wala sa mga iyon ang napatunayan.

“Isang pribadong luxury jet,” anunsiyo ng lalaki.

Napasinghap ang ilang bisita.

“At isang penthouse sa isa sa mga pinakaprestihiyosong lungsod sa mundo.”

Hindi na napigilan ni Papa ang pagngiti. Sa unang pagkakataon nang gabing iyon, nakita ko ang mukha niyang puno ng tunay na tuwa.

“Talaga bang para sa akin ang mga ito?” tanong niya.

“Opo, Don Roberto. Ipinadadala niya ang mga ito bilang pagbati sa inyong ikaanimnapung kaarawan.”

Nagsimula ang mga papuri. May ilang bisitang halatang naiinggit. Ang iba nama'y nagtatanong kung ano ang naging koneksiyon ni Papa sa taong halos walang nakakakilala.

Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong nakaramdam ng pag-iisa. Hinahanap ko pa rin si Adrian.

Nang hindi ko siya makita sa hardin, nagpasya akong umakyat sa ikalawang palapag. Kanina pa siya nagrereklamong masakit ang ulo niya. Baka nagpahinga siya sa lumang silid na ginagamit niya tuwing bumibisita kami sa mansiyon.

Bahagyang nakabukas ang p***o.

At bago ko pa ito tuluyang maitulak, narinig ko ang boses ni Adrian.

“Hindi tulad ng asawa ko, alam mo kung paano pasayahin ang isang lalaki.”

Nanlamig ang mga kamay ko.

Sumagot si Bianca. “Kaya ba lagi kang bumabalik sa akin?”

“Anong magagawa ko? Hindi marunong makipagrelasyon si Alessandra. Kapag hinahalikan ko siya, parang natatakot pa. Hindi ko alam kung paano siya naging asawa ko.”

May mahinang tawa.

“Kung katawan lang ang pag-uusapan,” pagpapatuloy ni Adrian, “mas gusto kong kasama ka. Hindi ko kailangang magpanggap na masaya ako.”

Hindi ko na kinaya ang mga salitang iyon.

Itinulak ko ang p***o.

“ANG KAPAL NG MGA MUKHA NINYO!”

Napabalikwas si Bianca. Nakahiga siya sa kama, habang si Adrian ay nakaupo sa tabi niya. Pareho silang nagmamadaling ayusin ang sarili.

“Alessandra—” panimula ni Adrian.

Sinampal ko si Bianca bago pa siya makatayo.

“Halos kapatid na kita! Paano mo nagawa sa akin ito?”

Hinawakan niya ang pisngi niya. “Huwag mo akong saktan!”

“Hindi ka na nahiya? Sa lahat ng lalaki sa mundo, asawa ko pa talaga?”

Sinubukan ko siyang lapitan ulit, pero hinawakan ako ni Adrian sa braso at itinulak palayo.

“Tumigil ka! Huwag mong hawakan si Bianca!”

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

“Pinagtatanggol mo siya?”

“Dahil wala ka sa katinuan!”

“May relasyon kayo!”

“At kung mayroon nga?” singhal niya.

Parang may kung anong naputol sa loob ko.

Bago ako nakasagot, bumukas ang p***o at pumasok ang isa pang lalaki. Nakasuot siya ng waiter uniform, may dalang tray, at halatang nagmamadaling umakyat.

Si Gabriel, ang asawa ni Bianca.

“Ano'ng nangyayari rito?” tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya. Sa lahat ng tao sa silid, siya lang ang mukhang walang alam sa nangyayari.

“Ang asawa mo,” sabi ko, nanginginig ang boses, “may relasyon sa asawa ko.”

Dahan-dahang ibinaba ni Gabriel ang tray sa maliit na mesa.

Tumingin siya kay Bianca.

“Totoo ba?”

Saglit na natahimik ang kapatid ko. Pagkatapos, tumingala siya at ngumisi.

“Oo. Totoo.”

Parang hindi agad naintindihan ni Gabriel ang narinig.

“Bianca, seryoso ako. Totoo ba?”

“Sinabi ko nang oo.” Tumayo siya at inayos ang damit. “Ano ngayon? Ano ba ang maibibigay mo sa akin? Wala kang pera, wala kang pinag-aralan, at wala kang silbi. Ang iyong mukha lamang ang tanging dahilan kung bakit kita ginawang asawa.”

Napalunok ako.

“Bianca, tama na,” sabi ni Adrian.

“Bakit? Totoo naman, hindi ba?” Humarap siya sa asawa. “Kung hindi dahil sa mukha mo, hindi kita papakasalan. At ngayong may mas magandang pagkakataon ako, bakit ko palalampasin?”

“Kung ganoon, magdiborsiyo tayo,” mahinahong sabi ni Gabriel.

Natawa si Bianca.

“Talaga? At saan ka pupulutin pagkatapos? Sa kalsada? Huwag kang mag-alala. Kapag iniwan kita, baka ikaw pa ang magmakaawang balikan kita.”

Napatingin ako kay Adrian, umaasang kahit paano ay pagsisisihan niya ang mga sinabi niya.

Pero ako pa ang sinisi niya.

“Alessandra, huwag kang magpanggap na wala kang kasalanan. Hindi mo alam kung paano pasayahin ang asawa mo. Lagi kang nanginginig kapag hinahalikan kita. Ano'ng gusto mong gawin ko? Magkunwaring kuntento ako habang buhay?”

Hindi ko na napigilan ang pagluha.

Wala akong maisagot. Hindi dahil tama siya, kundi dahil sa isang iglap ay para bang binura niya ang lahat ng panahong pinilit kong maging mabuting asawa.

Tumalikod ako.

Hindi ko kayang manatili roon kahit isang segundo pa.

Narinig ko ang mga yabag ni Gabriel sa likuran ko. Hindi siya nagsalita habang inilalabas niya ako sa pintuan sa likod ng mansiyon.

Nang makarating kami sa isang tahimik na bahagi ng hardin, saka lamang ako huminto.

Umiyak ako nang umiyak.Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang pag-abot niya ng panyo.

“Salamat,” mahinang sabi ko.

Tumango siya.

“Tayo lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang gabing ito,” sabi ko matapos kong punasan ang mukha ko. “Nasasaktan ka rin ba?”

Tumingin siya sa malayo.

“Oo.”

“Bakit hindi ka umiiyak?”

“Dahil kung iiyak ako ngayon, hindi ibig sabihin na magiging mas mabuti ang lahat bukas.”

Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiyak sa sagot niya.

“Baka dapat umuwi na lang ako,” bulong ko. “Baka kapag kumalma na si Adrian, puwede pa kaming mag-usap. Sampung taon na kami. Hindi naman madaling itapon ang ganoon.”

Hindi agad sumagot si Gabriel.

Pagkatapos, humarap siya sa akin.

“Kung babalik ka sa kaniya, ano ang magbabago?”

Napatingin ako sa kaniya.

“Hindi ko alam.”

“Alessandra, hindi mo kailangang magdesisyon dahil natatakot kang maiwan mag-isa.”

“Madali mong sabihin. Asawa mo rin ang nagtaksil sa iyo.”

“Alam ko.”

“Kung ganoon, bakit parang ang dali mong tanggapin?”

“Hindi ko tinatanggap ang ginawa niya.” Huminga siya nang malalim. “Tinatanggap ko lang na wala akong kontrol sa desisyon niya. Pero may kontrol ako sa susunod kong gagawin.”

Tahimik akong nakinig.

“Makipag divorce tayo sa kanila,” sabi niya.

Napakurap ako. “Ano?”

“Puwede tayong magsimula sa iisang desisyon. Hindi natin hahayaang manatili tayo sa mga relasyong wala nang respeto.”

Tiningnan ko ang mansiyon. Sa loob, patuloy ang selebrasyon. Marahil ay nagkukunwaring walang nangyari ang lahat.

“Hindi ko alam kung kaya ko,” amin ko.

“Hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng bagay ngayong gabi.” Iniabot niya ulit ang panyo. “Kailangan mo lang magpasya kung gusto mong manatili sa ganitong buhay.”

Matagal akong natahimik.

Sampung taon kong pinaniwalaan na kung magiging sapat akong mabait, sapat na mapagpasensiya, at sapat na mapagmahal, darating din ang araw na pipiliin ako ni Adrian.

Pero ngayong gabi, nakita kong hindi pala ganoon ang pag-ibig.

Minsan, kahit anong ibigay mo, hindi ka pa rin pipiliin ng taong hindi ka naman kailanman pinahalagahan.

Huminga ako nang malalim.

“Sige,” sabi ko. “Makikipag divorce ako.”

Tumango si Gabriel.

At sa unang pagkakataon nang gabing iyon, hindi ko naramdaman na mag-isa ako.

Hindi ko pa alam na ang desisyong iyon ang magdadala sa akin sa isang buhay na hindi ko kailanman pinangarap. Lalo nang hindi ko alam na ang lalaking nag-abot sa akin ng panyo ay may lihim na kayang baguhin ang buong mundo ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Secret Billionaire's Unexpected Wife   Chapter 5

    POV: Gabriel (Male Lead)“Sir, may confirmation na kami.”Nasa opisina ako nang sabihin iyon ni Marco, ang pinakamatagal ko nang pinagkakatiwalaang tagapayo.“Anong confirmation?”Inilapag niya sa mesa ang isang makapal na folder.“May utang ang kumpanya ni Don Roberto. Mas malaki kaysa sa naunang ulat. At may ilang dokumentong nagsasabing ginamit ang pangalan ni Alessandra bilang bahagi ng garantiya.”Hindi ko agad binuksan ang folder.“Kailan ginawa ang mga dokumento?”“May ilang buwan na. Ang pinakahuli ay nitong nakaraang linggo.”“May pahintulot ba siya?”“Wala pa kaming nakikitang katibayan na pumayag siya.”Binuksan ko ang folder at sinuri ang mga pahina. Nandoon ang mga pangalan ng ilang kumpanyang matagal ko nang sinusubaybayan. Hindi pa malinaw kung sino ang nagpasimula ng transaksiyon, pero may isang bagay na kapansin-pansin.Hindi basta-bastang nagagamit ang pangalan ni Alessandra nang walang nakaaalam sa loob ng pamilya niya.“May kopya ba ng orihinal na dokumento?” tanon

  • The Secret Billionaire's Unexpected Wife   Chapter 4

    POV: Alessandra (Female Lead)Hindi ako nakatulog nang maayos.Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang mukha ni Gabriel habang nakatayo siya sa gitna ng sala ng mansiyon. Ang lalaking halos walang pamasahe pauwi noong mga nakaraang buwan, ang lalaking pinagtatawanan ni Bianca dahil wala raw itong silbi, ay siya palang pinakamayamang tao sa buong mundo.Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap paniwalaan: ang katotohanang niloko ako ng asawa ko o ang katotohanang ang lalaking kasama kong umiyak ay may yaman na hindi ko kayang isipin.Maaga akong nagising kinabukasan.Pinili ko ang isang simpleng puting blouse, maong, at komportableng sapatos. Hindi ko gustong magmukhang ibang tao para lamang makipagkita sa kaniya.Alas-diyes pa ang usapan namin, pero alas-nuwebe y medya ay nasa café na ako.Ako ang pumili ng lugar dahil gusto kong makapunta roon nang walang nagbubukas ng pinto para sa akin o may dalang mga bag sa likuran ko. Gusto kong makita kung paano siya kumikilos kapag w

  • The Secret Billionaire's Unexpected Wife   Chapter 3

    POV: Gabriel (Male Lead)“Hindi ako papayag.”Iyon ang unang sinabi ni Alessandra matapos kong ihayag ang aking pagkatao. Hindi niya tinanggap ang kamay kong iniabot ko. Hindi rin siya lumapit sa akin. Sa halip, tumayo siya sa gitna ng sala, hawak ang mga dokumentong hindi pa niya naibabalik sa envelope.Sa likuran niya, wala pa ring makapagsalita.“Alessandra,” tawag ko.“Huwag mo akong tawaging ganyan na para bang may karapatan ka sa akin.”Tumango ako.“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo.”Napakunot ang noo niya, tila hindi niya inaasahan ang sagot ko.“Kung ganoon, bakit mo ako hinihinging pakasalan?” tanong niya. “Hindi mo nga ako kilala.”“May mga bagay akong alam tungkol sa iyo.”“Hindi ibig sabihin no'n ay kilala mo na ako.”“Tama ka ulit.”Napasinghap si Bianca. “Gabriel, huwag mong sabihing seryoso ka sa kaniya.”Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.“Hindi kita tinanong.”Namula ang mukha niya.“Pero asawa mo ako!”“Hindi na magtatagal.”“Paano mo nagagawang sabihin iya

  • The Secret Billionaire's Unexpected Wife   Chapter 2

    POV: Gabriel (Male Lead)Hindi ako sanay na may nakikitang umiiyak sa harap ko.Mas lalo akong hindi sanay na wala akong magawa para pigilan ang sakit na nararamdaman nito. Kaya nang makita kong umiiyak si Alessandra sa hardin ng mansiyon, wala akong ibang naisip kundi ang ilayo siya sa mga taong gumawa sa kaniya ng ganoon.Hindi niya alam kung sino ako.Sa paningin niya, isa lang akong lalaking nagkataong napangasawa ng kapatid niyang si Bianca. Isang lalaking walang pera, walang pinag-aralan, at walang magandang kinabukasan.Hindi ko siya masisisi.Iyon mismo ang pagkakakilanlang ipinakita ko sa lahat.Pero ngayong gabi, may isang bagay akong napagtanto: kahit anong yaman ang taglay ko, hindi ko kayang bilhin ang respeto ng mga taong sadyang ayaw magbigay nito.At ayaw ko nang makita si Alessandra na muling magmakaawa para sa pagmamahal na hindi niya naman kailangang hingin.Kinabukasan, nakatayo ako sa labas ng bahay ni Adrian nang makatanggap ako ng mensahe mula sa isa sa mga tauh

  • The Secret Billionaire's Unexpected Wife   Chapter 1

    POV: Alessandra (Female Lead)“Alessandra, ayusin mo naman ang mukha mo,” bulong ni Mama Celia, ang pangalawang asawa ni Papa, habang dumaraan ako sa tabi niya. “Birthday ng tatay mo. Huwag kang magmukhang may problema.”Ngumiti ako nang pilit.“Pasensiya na po.”Hindi na siya sumagot. Sa halip, ibinaling niya ang pansin kay Bianca, ang anak niya kay Papa. Suot ni Bianca ang isang mamahaling gown na halatang ipinagawa para sa kaniya. Nasa paligid niya ang mga kaibigang humahanga sa suot at alahas niya.Sa akin, isang maikling tingin lang ang ibinigay ni Papa nang batiin ko siya kanina.Ako ang panganay niyang anak, pero sa gabing iyon, pakiramdam ko ay bisita lamang ako sa sarili kong tahanan. At hindi ko akalaing sa araw na yun, sa ikaanimnapung kaarawan ng sarili kong ama, malalaman ko na wala na palang natitira sa pagsasama namin ng lalaking pinakasalan ko.Punong-puno ng tao ang mansiyon. Mula sa malalaking chandelier hanggang sa mga mamahaling bulaklak na nakapalibot sa bulwagan,

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status