Share

Kabanata 5 "The Same Place of Our Future"

Isang lalaki na may suot na asul na Amerikana ang naglatag ng pulangn alpombra sa pasilyo ng Gishi restaurant. Ang lalaki naman na may dilaw na Amerikana ay naghanda ng mga bulaklak na confetti habang sumisigaw ng, “Master Junhui! Handa na ang lahat!”

Waring nagliwanag ang langit ng dumating ang gwapong lalaking nangangalang Junhui. Mayroon siyang matalim na mga matang tulad ng sa agila, matangos na ilong, hugis pusong mga labi at matikas na pangangatawan.

“Congratulations!” ang sabi ng lalaking naka-pulang Amerikana na may singkit na mga mata, mapusyaw na balat at kyut na mukha. Masayang masaya ang lalaki na ito, na nangangalang Hoshi, habang isinasaboy ang confetti.

Ang tatlong mga lalaki na may iba’t ibang kulay ng Amerikana: pula, asul at dilaw, na parang modernong bersyon ng Teletubbies, ay nagsipalakpakan. Sa kabilang banda, ang bida naman ng bonggang entrada na ito ay hindi natuwa sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status