เข้าสู่ระบบMALAKAS NA TUMAWA lang si Gio sa bantang iyon ng kanyang asawa patungkol sa pagkuha at pagpili ng magiging asawa ng kanilang unica hija. Muli pang iniiling ang ulo niya sa kakulitan ng asawa. Nakikita niya dito ang kanyang ina. Makulit. Panay din ang pilit sa kanyang mag-asawa na noon kahit na wala siyang planong gawin sana ang bagay na iyon.“Oo na, tumatanda ka na rin talaga Gabriela. Ang kulit-kulit mo na eh. Pero ‘di nakakairita. Tumahimik ka na at baka kapag narinig ka ni Gia, sumama lang ang loob niya dahil sa matinding pressure. Huwag mong gawin iyon sa kanya.”Sa narinig ay nameywang na ang Ginang habang nakatingin pa rin sa mukha ng asawa. Hindi na gusto ang tabas ng dila.“Aba, anong sinabi mo? Naiirita ka na sa akin?”Sinubukan ni Giovanni na lambingin ang asawa sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. Pinalo ni Briel ang approaching na kamay ng asawa. Nakatikwas na ang isa niyang kilay. Kahit matanda na ay hindi pa rin nawawala ang pagiging maldita.“Hoy Giovanni, baka nakakal
GANUN NA LANG ang iling ng ulo ni Gia, pero nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Humigpit na ang yakap sa hawak na bouquet. “No, Dad. Friendly gesture lang itong bulaklak. He is someone you knew before. Hulaan mo—”“Someone we know? Sino, Giavanna?”Giovanni’s eyes were far-reaching. Kung nagawa niya lang makalapit agad kanina, nakita niya sa malapitan kung sino ang bulto.“Dad, kapag nag-invite ako ng ibang tao na mag-join sa atin ngayong holiday season, okay lang ba ‘yun sa inyong dalawa ni Mommy ha?”Kinuha na ni Gia ang isang braso ng ama at ini-angkla na ang isang kamay doon. Humakbang na ang dalaga palayo sa lugar matapos na utusan ang sumalubong na maid na kunin ang lahat ng kanyang mga pinamili sa likod ng compartment ng kanyang kotse. “Of course, anak. Mas marami ay mas masaya.”“Thanks, Dad!”“Bakit Gia, marami kang bisitang pupunta?”“Hindi naman marami Dad, saka hindi pa rin sure kung available nga sila. Gusto ko lang malaman kung papayagan niyo ako ni Mom…”Nagpat
MALIKSING SINUNOD NI Bene ang utos ni Gia. Ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa loob ng gate ng mansion ng mga Bianchi, ngunit wala pa rin siyang lakas ng loob kunin ang biniling bulaklak upang ibigay na iyon kay Gia.“Let’s go, saan mo gustong kumain?” excited na tanong ni Gia habang nasa harap na ng manibela, bukas ang pinto ng front seat dahil hinihintay niyang pumasok doon si Benedict.“Kung saan ma-e-enjoy mo ang almusal.”“Okay, sige. Ako na ang bahala.”Binuhay na ni Gia ang makina ng sasakyan habang kinakabit na ni Benedict ang seatbelt.“Ikaw, hanggang kailan ka dito? Hindi ba at may trabaho kang naiwan sa Maynila?”“I’m on leave right now, Bene. Saka pwede rin naman akong mag-report thru online. Siguro kapag na-bored na ako sa ihip ng hangin dito.”Tumango lang si Bene, hindi na nag-komento. Kumain ang dalawa sa favorite spot nila noon. Tipikal na breakfast lang din. Panaka-naka ang kwentuhan nila tungkol sa mga bagay. “Saan ka na pupunta after nito?”“Mamimili lang ng kau
ILANG ULIT NA umubo si Bene upang ayusin lang ang kanyang boses. Kailangan na maayos ang dating ng kanyang boses kapag kausap niya na ang babae. Dapat ay convincing din ito.“Hindi mo kailangang makipag-blind date. I am here. Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo ay sasagutin mo ako at papayag kang maging maybahay ko. Alam kong malayo ang agwat ng edad natin, huwag kang mag-alala. Aalagaan kita gaya ng pag-aalaga ng Dad mo sa Mom mo. Hinding-hindi kita pababayaan.” tuloy pa ni Bene sa kanyang litanya na ini-imagine na nasa harap niya ngayon si Gia.Ilang beses niyang sinulyapan ang palumpon ng bulaklak sa loob ng kotse na kanyang binili nang may nadaanang flower shop. Ibibigay niya ito kay Gia bago umpisahan ang pakay. Hinihiling lang talaga niya na maging matagumpay ang lahat ng sasabihin niya dito.Benedict recalled the past, marahil kung hindi lang siya uto-uto at nagpadala sa sinabi ni Gabriano, wala sila sa ganitong sitwasyon ngayon. A cold wind blew. It woke him up instantly, a
MULING NAUPO SI Benedict. Dinampot ang baso ng tubig at uminom na doon. Ilang sandali pa ay napahagod na ang isang kamay sa kanyang buhok. Nag-iisip na ng malalim. Nagpla-plano ng sumunod sa Baguio. Kaya lang ang problema niya ay ano namang sasabihin niya kay Gia kapag naroon na siya? Dapat may valid siyang rason ng pagpunta rito.“Ito pa ang balita ko, hahanapan siya ni Mom ng blind date. Gusto na kasi nilang magpamilya si Gia. Sabagay, matanda na rin kasi si Dad at gusto na niyang makita ang apo kay Gia. Naku, kung gusto mo pa rin siya kumilos ka na. Baka mamaya may makasundo si Gia sa magiging blind date, who you ka na.”Mahinang tumawa si Benedict. Nakakaramdam na siyang parang set up ang ginagawa ni Ceska sa kanya. Binubuyo lang nitong umakyat siya ng Baguio ng dahil doon.“Hindi ako nagbibiro, Bene. Bahala ka. Ikaw na nga ang binibigyan ko ng information. Ang ungrateful mo. Mabuti nga at pinapaalam ko. Kung sa iba lang, hahayaan na kitang mangapa. Magulat ka na lang ikakasal na
HINDI RIN ALAM ni Gia. Lumalabas man sila ni Bene sa ngayon, hindi niya nagagawang itanong. Wala siyang lakas na buksan ang nakaraan nila dahil pihado na malulungkot. Lalo kapag ang hindi niya expected na sagot ang sabihin sa kanya ni Benedict. Mabuti nang huwag na lang niyang alamin ang tungkol rito.“Why don’t you ask him? Remember, ang maayos na relasyon ay napapanatili lang sa ayos na communication and connection, Gia.”Gia didn't say anything. She felt tired and leaned into her mother's arms. “Siguro naman ay sasagot si Bene ng maayos.”“I’ll try next time we meet, Mom.” sagot ni Gia nang manahimik na rin dito ang kanyang ina.“Good. Balitaan mo ako sa improvement niyo.”“Mom, maiba ako. Gusto kong sumama sa’yo paakyat ng Baguio. Tutal wala naman akong trabaho. Pinapagpahinga pa ako ng amo ko.”Maybe she was hesitant before, but now she made her decision. She is going back to Baguio. Her parents are old and her brother is working hard in the city. Si Vaniel naman ay nasa ibang b
NAKA-ORDER NA SILA, ngunit wala pang bakanteng upuan for four. Tumayo si Gabe upang tingnan kung ano ang nangyayari. Pinansin siya doon ng manager.“There are a lot of reservations today, Attorney Dankworth. Wala ng bakanteng upuan para sa kanila.”Gabe pondered and wanted to deal with it, but when
INAYOS NI PIPER ang kanyang tayo, kapagdaka ay tumalikod na upang pumasok na sa loob ng hospital. Laking pasalamat niya na kaunti lang ang mga taong naroroon ng ganung oras dahil kung hindi ay katakot-takot na pila ang gagawin niya. Nakakuha siya agad ng appointment sa doctor na may schedule after
IKINILING NI BRYSON ang ulo at tinanggal ang stick ng sigarilyo sa kanyang bibig. Ilang beses na humugot nang malalim na hininga upang ayusin lang ang kanyang aura. Nakatingin pa rin siya noon sa bandang tinahak na puntahan ni Piper. Maya-maya ay nagpasya na rin siyang lumabas ng restroom upang bal
SA GINAWANG IYON ni Bethany ay medyo nadismaya ang direktor. Ang buong akala nito ay igigiit ng guro na umapela at lumaban upang hindi siya mawalan ng biglaang trabaho. Hindi niya inaasahan ang mabilis na pagsukong ginawa ni Bethany ng dahil lang doon. Kung tutuusin ay kaya niya namang ipaliwanag an







