HILAM SA LUHANG mga mata ng kaibigan niyang si Alejandrino Conley ang tumambad kay Mr. Dankworth nang tunguhin niya upang buksan ang gate ng mga Guzman. Sa bulto pa lang nito ay kilala na niya ang kaibigan. Palakad-lakad ito sa harapan na tila malalim ang iniisip. Halatang hindi mapakali. Pinalis ni Drino ang luha nang makitang saktong naroon ang kanyang kaibigang si Gregorio. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Gorio ang mapupulang mata ni Drino na halatang hindi pa nagtatagal na umiiyak.“Gorio, natagpuan ko na siya! Natagpuan ko na ang anak naming dalawa ni Beverly!” pumipiyok-piyok ang boses na pagbabalita ni Drino sa kanya, pulang-pula na rin ang ilong nito na nakailang sulyap sa loob ng bahay ng mga Guzman. Mababakas ang erxcited sa boses niya. “Sa wakas nakita ko na rin siya! Sa wakas!” Hindi makahuma si Mr. Dankworth. Doon pa lang ay alam na niya kung sino ang tinutukoy na anak ng kanyang kaibigan. Si Bethany. Ang kanyang manugang. Hindi niya mapigilan na maging masaya para dito.
SAPILITANG HINILA NI Mr. Dankworth ang kanyang anak palayo sa manugang nang matapos na sila, ngunit ayaw pa rin nitong bumitaw kay Bethany kahit na anong hila pa ang gawin niya. Humigpit pang lalo ang yakap ni Gavin sa binti ng asawang basang-basa na ng mga luha niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang bumitaw hangga’t hindi pinagbibigyan ang hiling niyang last chance ni Bethany. Hindi siya dito bibitaw. “Daddy, bitawan mo ako!” buo ang boses at malakas na alma niya nang maramdaman ang ginagawa ng amang paghila sa kanya. “Hindi ako aalis! Hindi ko iiwan dito ang asawa ko! Kung nasaan siya dapat ay naroon ako! Hindi ko siya bibitawan! Hindi kami maghihiwalay! Narinig niyo? Hindi ako makikipaghiwalay!” hagulgol ng iyak ni Gavin na dinaig pa ang malakas na palahaw ni Bethany noong nawala ang ama, para itong batang inagawan ng pagkain at laruan ng kalaro, “Dito lang ako, Dad! Dito lang ako! Dito lang ako!” Bumalatay pa ang awa sa mukha nina Victoria at Mrs. Dankworth kay Gavin habang tahimi
NAPATINGIN NA SI Gavin sa kanyang mga magulang na para bang humihingi ng pahintulot sa kung anumang sasabihin niya. Hindi nakaligtas iyon kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay may ibang kutob. Tila ba may itinatago sa kanya ang mga biyenan at asawa na halatang kakuntsaba pa ang anak nila. Ayaw nilang magalit sa kanila, pero hindi na naman niya mapigilan ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya at pinagkakatuwaan sa sakit na kanyang pinagdadaanan ng kanilang buong pamilya.“She is dying, Thanie. May taning na ang buhay niya. Bilang na ang mga araw niya. Gusto ko lang siyang bigyan ng bulaklak sa huling pagkakataon na babaunin niya sa kanyang pag-alis. Pagkatapos naman ng araw na iyon wala na. Tapos na.” hindi humihingang diretsong turan ni Gavin na nakatingin kay Bethany. Nagulat at ilang segundong parang tumigil sa pag-inog ang mundo ni Bethany sa narinig. Iyon pala ang dahilan, pero sana maayos niyang sinabi sa kanya nang hindi siya naging bayolente ang rea
MAHIGPIT NA HINILA ng Ginang ang isang braso ni Gavin nang pagkalabas nila ng pinto ng bahay ng mga Guzman ay akmang babalik na naman ito sa loob. Tinulungan siya ni Mr. Dankworth na hindi pa rin matunawan sa kanyang mga narinig na sinabi ng manugang na ginawa ng sarili nilang anak. Medyo nakakaramdam pa naman siya konsensya sa pananakit dito, pero mukhang kulang pa nga yata iyon. Dapat na bugbugin pa niya ang anak nang makabawi naman sa lahat ng katarantaduhan nitong mga ginawa. Nag-iinit tuloy sobra ang ulo niya dahil ni minsan hindi niya nagawang saktan ang sarili niyang asawa.“Stop, Gavin! Tumigil ka na muna! Bingi ka ba? Hindi ka marunong umintindi?” sigaw na ni Mr. Dankworth na hindi na napigilan ang init ng ulo sa anak, kung magwala ito at umiyak akala mo ay hindi nakasakit ng asawa. Doon siya mas naririndi. “Enough! Ayokong makita kang umiiyak! Gagawa-gawa ka ngayon ng katarantaduhan tapos magiging ganyan ka? Sana nag-isip ka munang mabuti bago mo siya itinulak!” “D-Dad, kay
BAHAGYANG KUMALMA NA si Bethany makaraang marinig ang ugong ng mga sasakyan na umalis na sa kanilang bakuran. Alam niyang wala na doon ang pamilya ng kanyang asawa. Dahan-dahan silang naupo sa sofa ni Victoria. Ang pagkawala ng kanyang ama ay alam niyang malaking dagok sa kanila ng kanyang madrasta kung kaya naman kailangan niyang alalayan din ang nag-iisa at natitirang kapamilya niya; si Victoria. Nasanay kasi silang kasa-kasama si Benjo, araw-araw sa hirap at ginhawa. Nabalikan pa ni Bethany ang tunay na dahilan kung bakit siya lumapit kay Gavin dati. Kung bakit nlinuok niya ang kanyang pride. Ang kinilalang ama ang dahilan noon dahil sa takot na makulong ang ama nang dahil sa ex niyang si Albert. “Pwede natin ibenta ang bahay na ito, Bethany. Feeling ko kasi kapag dito pa tayo titira parang habangbuhay tayong malulungkot.” anang babae na nag-sink in na ang pagkawala ng asawa. Hindi niya pa gaanong maramdaman ang sakit dahil marami silang mga kasama kanina, at nadama na niya nang
MULING NAUPO SA harapan nito si Bethany matapos na ilapag ang kanyang dinalang inumin para sa hindi inaasahang bisita. Bumaling na sa kanya si Mr. Conley na para bang ang daming nais na sabihin sa kanya. Pinagmasdan niya ang galaw ng adams apple nito nang dahil sa sunod-sunod na lunok ng laway. Batid niyang ganun ang ginagawa ng karamihan ng mga lalaki kapag kinakabahan at may nais na sabihin sa kanilang kaharap. Idagdag pa ang hindi mabasang emosyon ng matanda na nakabalandra sa mukha.“Alam kong maling panahon at pagkakataon pero gusto na kitang kausapin ngayon tungkol dito.” Muling nagkatinginan ang dalawang babae. Lalo pang naguluhan at kinabahan si Bethany. Pakiramdam niya talaga ay may kinalaman iyon sa ginawa niya kay Nancy. Kakasuhan ba siya nito? Makikipagkasundo?“Tungkol po ba saan, Mr. Conley? Tungkol po ba sa nangyari sa anak niyong si Nancy?” una na ni Bethany dahil ayaw na niyang marami itong pasakalye dahil pinapahirapan lang nito ang kanilang mga sarili. Mariing um
SA GABI NG araw na iyon ay nagawang ma-settle ni Bethany ang lahat ng kanyang mga kinakailangan upang makaalis ng bansa gaya ng kanyang nais. Tinawagan niya si Maverick ang dati niyang kaklase na nagulat sa biglaan niya ditong pagkontak. Ito ang pinili niyang kausapin tungkol doon dahil ito ang may malayong kaugnayan sa asawa niyang si Gavin at malabong magsumbong sa abogado. Ang nauna niyang naisip na hingan ng pabor sana ay si Patrick dahil hindi ito mahirap lapitan, ngunit nagdalawang-isip si Bethany dahil anuman ang mangyari ay kaibigan pa rin naman ito ni Gavin. Mabuti na iyong nag-iingat keysa naman mabulilyaso ang gagawin niyang paglayo muna. Hindi niya na rin iyon ipinaalam pa sa kaibigang si Rina, masyado itong madaldal na baka kapag tinanong ni Gavin ay agad na ditong umamin. Siya lang, ang madrasta at si Maverick ang tanging makakaalam ng planong ginusto niyang gawin muna.“Napatawag ka, Miss Guzman?” maingat ang tono na tanong nito na walang kaalam-alam sa mga naging kagan
MARAHANG NAIGALAW NI Bethany ang kanyang ulo upang sabihin na huwag na itong alalahanin pa ni Maverick. Naisip na niya iyon habang patungo sila sa unit nito kanina. Batid niyang magfu-function pa rin naman ang music center kahit na nasa malayo siya, ang tanging problema niya lang ay wala siyang mapagkakatiwalaang tao na kung saan ay pwede niyang iwanan ang pangangalaga dito. Iba sana kung naroon pa rin si Miss Gen, kaso ay nasa Switzerland na ito. Umiling siya kapagdaka habang nakatitig pa rin sa kanya si Maverick na tinitimbang pa rin kung ano ba talaga ang tunay na sitwasyon. Saka na niya iisipin iyon oras na makalabas na sila ng bansa. Doon pa lang siya mapapanatag at makakapag-isip ng tama para sa music center na ito. Pasasaan ba at makakahanap siya ng paraan kung ano ang kailangan niyang gawin.“Ilang araw na lang at babalik na ako ng Australia.” sambit pa ni Maverick, baka kasi iniisip ng kaharap niya na pwede niyang matulungan ang babae dahil may investment shares din naman siy
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta