WALANG SABI-SABING IKINISKIS ni Atticus ang matangos niyang ilong sa ilong ni Gabe. The touch of skin touching skin with a touch of flesh was irresistible. Napatitig na sa mata niya si Gabe. Sa mga titig na iyon ni Gabe, hindi na napigilan pa ng lalaki na abuting muli ang labi ng babae upang masuyo lang halikan. Even though they had sex and done all the intimate things between men and women, such a light kiss brought back many memories. Mga alaala ng kanilang nakaraan na kahit anong mangyari ay nananatiling nakadikit pa rin sa isipan nila.Maraming milestone at importanteng okasyon ang pinagsamahan nilang dalawa. Isa na roon ay ng mag-18th birthday noon si Gabe. Nauna silang mag-celebrate bago pa ang bongga nitong party. Nag-camping sila noon. Nag-bake si Atticus ng cake para lang kay Gabe kahit na wala siyang alam. Todo ang binigay niya noong effort, kahit kaya naman niyang bilhin at ipagawa ito sa mas professional na baker. Gusto niyang maramdaman ni Gabe kung gaano ito ka-espesyal
WALANG IMIK NA hinalikan ni Atticus ang legs ni Gabe na expose dahil nakasuot ito ng knee lenght na hapit na damit. Nanlaki pa ang mga mata doon nni Gabe. Kung sasampahan siya nito ng kaso na sexual harassment, lulubusin na niya ito.“Ano ba, Atticus Carreon!” magkalapat ang ngiping pulang-pula na ang mukha sa matindi niyang pagkabuwisit sa lalaki. “Do you like it, Gavina?” may paghahamon pa sa boses ni Atticus na akala mo ay siya na ang nanalo sa kanilang dalawa.Akmang muling hahalikan ni Atticus ang legs ni Gabe na kanyang hawak at nagawa ng ipatong sa kandungan niya nang biglang hablutin ni Gabe ang kanyang buhok at marahas itong hinila. Sinabunutan siya ng babae gamit ang lahat ng lakas nito. Napangiwi na si Atticus. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Gabe sa kanya kung kaya hindi niya naiwasan ito.“Gabe!” sigaw ni Atticus nang maramdaman na parang kakalas na ang mga buhok niya sa anit ng kanyang ulo. “Ano? Hindi mo bibitawan ang legs ko?!” Napangiti na ang driver sa kan
NAPAHINGA LANG NANG malalim ang driver matapos na pumasok sa loob ng sasakyan ni Fourth at isara ang pintuan. Sa nakikita niyang sitwasyon sa pagitan ng dalawa, mukhang hindi maganda iyon. Ganun pa man ay hinayaan na lang niya.“Sa villa tayo.” walang emosyon na utos ni Gabe pag-upo ng driver sa harap ng manibela.Tumango lang ang driver. Nakatitig na agad ang mga mata ni Atticus sa mukha ni Gabe na kung ituring siya ay parang hangin noon. Gabe liked to use woody perfume mga bata pa lang sila na hanggang ngayon ay hindi nito iyon pinalitan, nanuot ang amoy noon sa ilong ni Atticus na nagpabilis pa ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa mukha ng dating nobya. Noong maramdaman ni Gabe ang paninitig ni Atticus sa kanya, isinandal na niya ang mukha sa may bintana upang iwasan lang ito. Ayaw niyang makipag-usap sa kanya kung kaya naman ang gagawin niya ay ang deadma’hin ito. “Anong problema, Atticus?” hindi tumitingin niyang tanong na hindi na natiis pa ang sagad sa butong tingin ng l
HINDI SIYA PINANSIN ni Atticus na dinampot na agad ang bote ng whisky upang tumagay. Hindi niya kailangang pumatol sa panglilibak ng kapatid. Nag-share siya dito ng problema, kaya malamang ay lagi nitong gagamitin din iyong pang-asar.“Sayang ang gandang lalaki, Fourth. Bakit ka nagtitiis sa kanya?” sabat ni Nero, isa sa mga pinsan niyang buo na naroon kasama nilang umiinom. Hindi niya expected na kasama ito. Buong akala niya ay ang kakambal niya lang ang naroroon. Tiningnan niya lang ito at hinarap ang nakakatanda nilang kapatid na si Dos na naroon din at nakatingin lang sa kanya.“Just go home, Fourth. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Magkaroon ka naman ng kaunting kahihiyan para sa sarili mo. Ang babae, kapag lalong sinusuyo lalong umaarte. Subukan mong magkaroon ng walang pakialam sa kanya. Mga ilang araw lang.” mahabang litanya ni Dos na halatang malawak na ang experience sa mga babae.Malaki ang duda dito ni Atticus na magiging effective ang payo ng kanya
KAYANG-KAYA SIYANG ITULAK ni Gabe palayo kung gugustuhin niya. Sa skills na mayroon siya, kayang-kaya niya itong itumba ngunit hindi niya iyon ginawa. Marahil ay dahil damang-dama niya ang paghingi nito ng sorry o na-miss niya ang genuine nitong yakap. Kung si Gabe lang ang masusunod, yayakapin niya ito pabalik. Gaganti siya. Kung pagbibigyan niya ang gusto ng kanyang katawan, baka sa mga sandaling iyon ay maging maayos na sila agad. Ngunit hindi pwede. Kailangan niyang panindigan kung ano ang unang ipinakita niyang pagmamatigas na makipagbalikan sa dating nobyo.“Atticus, sa tingin mo sa responsibilidad na pasan ko sa aking balikat may panahon pa ba akong mamuhi sa’yo at unahin ang nararamdaman ko? What's the point of dwelling on this? May magbabago pa ba? Wala naman na di ba?” sunod-sunod na tanong niya gamit ang kalmadong boses, hindi pa rin niya kinakalas ang yakap nito. Kahibangan man, pero nais niya pang maramdaman ang init ng mga bisig ni Atticus. “Sa totoo lang, hindi ko inaas
ILANG SEGUNDONG NAPATULALA si Atticus. Hindi niya alam na nagkaroon ng sakit si Gabe after ng kanilang break-up. Sa katunayan, noon niya lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Kung alam niya na nangyari iyon, malamang ay umuwi siya agad ng bansa dahil hindi niya naman magagawang tiisin si Gabe. Wala ‘ring nagsabi noon sa kanya kahit na madalas na nakakausap niya pa ang mag-asawang Dankworth na mga magulang ng kanyang dating nobya. Napabaliktanaw siya sa mga araw na kinakamusta niya ito, at ang tanging sagot nila ay ayos lang naman ang abogada. Marahil ay dahil magaling magtago si Gabe kung kaya naman pati ang mga magulang niya ay hindi iyon napansin kundi ang kapatid niya lang si Bryson at Brian ang tanging may alam. Ilang sandaling kinagat-kagat niya na ang kanyang labi.“Ano pa bang aasahan namin sa’yo? Busy ka noon sa kaligayahan mo. Sana hindi ka na lang bumalik ngayon.” Pagkasabi noon ni Bryson ay tumayo na ito at walang lingon na nilayasan niya si Atticus na hindi pa rin ma