WALANG NAGAWA DOON ang dating Governor kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon niya. Ang ending walang naging katabi si Giovanni dahil nang dumating ang extra bed na hiniling nila ay sumiksik si Gia sa kanyang ina at kapatid. Malungkot ang mga matang pinanood lang sila ni Giovanni habang nagre-ready na mahiga na doon. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Briel na lihim na nagdiriwang. Siya pa rin sa bandang huli ang nagwagi sa kanila.“Say goodnight na to Daddy mga anak.” himok pa ni Briel na agad naman nilang sinunod na magkapatid. “Ayaw ba talaga akong tabihan ng isa sa inyo?” ma-dramang tanong ni Giovanni sa mag-iina habang nakaupo pa rin sa ibabaw ng kanyang kama, pilit na pinapaamo at nagpapawa ng kanyang mukha.Sabay na umiling ang dalawang bata. “Si Mommy ang gusto naming katabi, Daddy.” si Brian na parang sampal sa mukha niya.Tumawa lang si Briel sa mas sumidhi pang panghihinayang sa mukha ni Giovanni. “Dapat pala mas malaking kama ang sinabi natin para diyan na r
NAPUNO PA NG tawanan ang loob ng silid. Namula naman ang buong mukha ni Briel sa hiya. Pagkaraan ng ilang oras ay nagpaalam na rin ang grupong bumisita na aalis na rin sila. Hinatid sila ni Briel sa may pintuan lang. Pagkatapos noon ay hinarap na niya ang mga naiwang kalat sa loob ng binagyo nilang silid. Syempre may dalang pagkain ang mga ito na kanilang pinagsaluhan na nag-iwan ng maraming mga kalat. “Brian, Gia? Gusto niyo ba ng fruits? Ipagbabalat ko kayo.” basag ni Briel sa katahimikan, matapos maglinis. Maligayang tumango ang dalawang bata kay Briel na nagagawa ng maghabulan paikot ng silid. “Ako Briel, hindi mo tatanungin? Gusto ko rin ng fruits.” pababe na sambit ni Giovanni na ikinatawa lang ni Briel matapos na lumingon habang naiiling sa kalokohan nito, “Biased ka ha!”Habang kumakain sila ng prutas ay dumating ang doctor upang i-check na naman ang lagay ni Giovanni.“Aba, mukhang bibilis ang paggaling mo nito Mr. Bianchi ah? Ang daming nagmamahal sa’yo.” biro nitong nabu
ORA-ORADANG INAMBAHAN NA ni Bethany ng sapak si Gavin na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi sa kanyang tiyuhin. Tumawa lang ang lalaki sa asawa na agad hinuli ang palad upang yakapin lang doon. Pumalag naman si Bethany na pinandilatan na ito ng mga mata. “Bakit ikaw? Sa tingin mo hindi ka rin tumatanda? Tumatanda ka na rin, hindi mo lang pansin.”“Kaya nga,” sang-ayon ni Briel na lumabas na naman ang pagiging maldita. “Kabayo lang kaya ang tumatanda. Masyado mong dini-descriminate sa edad niya ang ama ng mga anak ko ah?” Tumawa lang si Gavin na itinaas an ang dalawang kamay bilang pagsuko. Dalawang babae ang kalaban niya. Wala siyang back up kung kaya naman kailangan na niyang itigil ang panunudyo.“Oo na, baka mamaya patawagin mo na naman ako sa’yong Tita Briel.” Hindi na rin gaanong nagtagal ang mag-asawa doon na hinatid pa ni Briel sa may pintuan ng silid. Naiwan na naman sila ni Giovanni sa gitna ng katahimikan. Tulog pa rin ito. Tumawag si Conrad upang mangumusta lang.
NAGAWANG PISILIN NA ni Giovanni ang kamay ni Briel sa kabila ng kanyang panghihina. Muli niyang isinara ang kanyang mga mata na bumabagsak kahit na anong pilit niyang idilat pa iyon.“Nasa hospital na tayo, wala ka ng dapat na ipag-alala. Saka, simpleng lagnat lang naman ito.” Napairap na si Briel, nagawa pa talagang sabihin ni Giovanni iyon? Simpleng lagnat? Simple lang?“Dapat kasi hindi ka na talaga bumaba. Naghalo na iyong pagod mo, stress at masama pa ang lagay ng panahon. Pwede naman kasi natin tawagan ang mga magulang ko at si Kuya Gav upang makisuyo na puntahan muna ang mga bata kung talagang hindi makakapunta ang isa sa kanila doon. Hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Alam mo namang hindi ka na bata eh, matanda ka na!” sabog na ni Briel ng kinikimkim na sama ng loob kung kaya wala ng preno ang bibig niya doon.Napahawak na sa kanyang dibdib si Giovanni na nasaktan sa huling sinabi ni Briel. Matanda na siya. Totoo naman iyon, pero ano pa nga bang gagawin niya kung hindi ang ta
KALAUNAN AY DUMATING na rin ang ambulance na kanilang hinihintay. Hindi pumayag si Briel na sumama si Brian kahit na anong iyak ang gawin nito at pagpupumilit na sumama sa kanila. Kagagaling lang nito sa sakit at kung isasama niya, baka kung ano pa ang mangyari sa anak. Hospital iyon at maraming unwanted viruses. Mahina pa ang immune system nito at baka mahawa. Hindi ito pwedeng sumabay lalo pa at problemado siya ngayon kay Giovanni. Nag-iingat lang naman siya. Alam niyang nasasaktan ang anak pero para din naman dito ang ginagawa niya.“Hindi kami doon magtatagal anak, dito lang kayo. Kagagaling mo lang eh. Baka mabinat ka pa at mahawa ng kung anong mga sakit mayroon sa hospital na pupuntahan namin. Tahan na, okay Gabriano?” kumbinsi niya sa anak na nagwawala, nagpipilit na makuha niya ang kanyang gusto. Sinubukan ni Briel na pakiusapan ang anak ngunit nagwawala ito, ganun pa man ay wala pa ‘ring nagawa ang bata nang hawakan na ng mga maid at makaalis na ang ambulance na sumundo. Ibi
TINAMBOL NA SA labis na kaba ang puso ni Briel nang marinig ang sumbong ng anak. Bahagyang napaawang na ang bibig niya na nahigit ng ilang segundo ang hininga niya. Binuhat na niya ang anak, dala ng pagkataranta at adrenaline rush ay mabilis na siyang umakyat ng hagdan upang puntahan lang si Giovanni sa silid ng kanilang mga anaka. Ibinaba ni Briel si Brian sa may pintuan at napasugod ng lumapit sa kama kung saan ay naabutan niyang nakahiga si Giovanni sa paraan na iniwan ito ng anak niyang si Brian. Nakabaluktot, mariing nakabalot ang katawan sa comforter na tila ba lamig na lamig. Halos mapaso ang mga kamay ni Briel nang hipuin na niya ang noo ng dating Governor sa sobrang init. Inaapoy ito ng lagnat. Nakakasunog.“Hala, oo nga!” aniyang napahawak pa sa kanyang dibdib na nilingon na si Brian na nakatayo pa rin sa kung saan siya iniwan ng kanyang ina, “Giovanni?” marahang tapik niya sa balikat ng lalaki upang gisingin, ngunit hindi naman ito tumugon. Dahan-dahan na lumapit na si Bria