Share

Chapter 42.2

last update Last Updated: 2025-03-26 21:25:46

KINIKILIG NGUNIT MALAKAS na natawa na si Briel na pinalo pa ang isang balikat ni Giovanni na nananatili pa rin sa harapan niya at nilalaro-laro ang kanyang buhok na bahagyang magulo. Nakayakap pa rin ito sa kanya kung kaya naman wala siyang ibang choice kung hindi ang yakapin ng dalawang binti ang beywang ng Gobernador upang iparamdam ang pagiging sweet din niya. Hindi lang din ito ang kanyang magpakilig.

“I’m not kidding, Gabriella. Marunong akong magluto ng italian pasta. Hindi ka naniniwala?” tutok na tutok ang mga mata na tanong ni Giovanni sa nobya, “Saglit nga lang at ipapatikim ko sa’yo ng maniwala ka...”

Para matapos na ang usapan tungkol doon ay tumango na lang si Briel kahit na hindi naman siya nag-e-expect na magaling nga ang Gobernador, pero dahil sa masarap magluto ang hipag na si Bethany kaya lumaki na rin ang expectation niya sa nobyo. Curious din naman siya kung ano ang pastang sinasabi nito kahit na nakatikim naman na siya ng italian pasta na gawa sa resto. Hindi na b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
wow sarap naman ng pasta ni papa gov
goodnovel comment avatar
Noime Divina
hysst,,,kakainlove nman Ng governor bianchi NATO?love n love nya talaga c briel..
goodnovel comment avatar
Gelay Velasquez Orqueza
aw bakit Isang update lang Miss A, more more more updates pa pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 94.4

    HINDI NAGLAON AY maligaya na silang dumulog sa hapag na puno ng iba’t-ibang putahe ng pinaluto nilang pagkain. Puno ng pasensya na nilagyan ng pagkain ng dalawang pares ang mga batang behave ng nakaupo sa harap ng mesa na para bang hindi nagpakita kanina ng kagaspangan ng mga pag-uugali nila. Tabi-tabi na rin sila. Iyong tipong para bang hindi sila nag-agawan kay Giovanni. Agad ng nakalimutan ang alitan sa kanilang pagitan na literal na away bata lamang.“May gusto ka bang sabihin sa amin, Giovanni?” tanong ni Mr. Dankworth nang matapos na silang kumain, kanina pa kasi napapansin ng matandang lalaki ang lingon nito sa kanila na para bang may pinipigilan lang na sabihin sa kanila. Wala na sa hapag ang mga bata na abala ng naglalaro. Naiwan lang silang matatanda doon upang mayroong pag-usapan. Alam na iyon ng bawat isa. Hindi na kailangang magtanong pa o magpakiramdaman pa para simulan na ang usapin nila.“Alam ko po na marami akong maling nagawa kay Briel at pati na rin sa aming mga a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 94.3

    HUMAGALPAK NA NG tawa si Briel sa ginawang paghahamon ng dating Governor. Ang lakas nitong maghamon pero halatang hindi na naman niya kaya ang isang round pa. Pabiro na niyang piningot ang tainga nito ay hinalikan ang labi na bahagya niyang kinagat. Napatulala na si Giovanni sa hitsurang iyon ni Briel na parang ina-underestimate ang kaya niya.“Tama na, may bukas pa. Baka tubuan ka na ng panibagong sakit diyan sa kahayukan mo sa laman.” yakap na ng mahigpit ni Briel sa hubad na katawan ni Giovanni habang patuloy pa rin sa kanyang malakas na pagtawa, nang-aasar pa.“Kaya ko pa—” “Oh please? Shut up na! Matulog na tayo. Ayokong mabibitin lang ako, at alam mo ang bagay na iyan!” Pareho na silang malakas na natawa sa sinabing iyon ni Briel.“Bukas naman okay? Saka ubos na rin ang lakas ko. Kailangan na muna natin matulog at mag-recharge ng energy.”Hindi natuloy kinabukasan ang pag-akyat nila ng Baguio dahil tumawag si Mr. Dankworth kay Giovanni. Iniimbitahan sila na pumunta doon. Hindi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 94.2

    MAHINA NG HUMAGIKHIK si Briel. Binitawan na ni Giovanni ang kutsilyo. Umikot na upang mahigpit na yakapin ang babae na nasa likuran matapos na taniman muna niya ng halik ang labi nito. Mabilis na namula ang magkabilang pisngi noon ni Briel na kilig na kilig. Para siyang teeangeer na napansin ng long time crush. Hinawakan niya pa ng magaan ang isang pisngi ni Briel at muli sanang hahalikan nang marinig na niya ang matinis na boses ni Gia na nasa paahan na pala. “Daddy, karga!” Makahulugan na silang nagkatinginang dalawa ni Briel, halatang bitin. Pinagbigyan na niya ang hiling ng bunsong anak. Kinarga niya ito. Ganun naman palagi, kahit si Brian ay palagi niyang pinagbibigyan sa kanyang munting kahilingan.“Ilang taon na nga itong si Gia?” “Pa-three pa lang siya.” “Siguro kailangan na rin natin siyang ipasok ng school para walang istorbo.” Pagak na natawa na doon si Briel na bahagyang kinurot pa sa tagiliran niya si Giovanni. “Masyado pa siyang bata para doon. Huwag na muna. Hayaa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 94.1

    HINDI NA SUMAGOT si Giovanni na hinubad na ang suot niyang roba na basta inihagis sa may pintuan ng banyo. Walang hirap na isinandal na niya ang katawan ng tulalang si Briel sa pader malapit sa sink at siya na ang nagkusang kunin ang isang binti nito at iyakap na sa kanyang beywang. Pareho silang napapikit nang muli nitong magawang maipasok ang kanyang sarili sa loob ni Gabriella na mahina ng napadaing habang mariing kagat ang labi upang hindi tumakas ang kanyang mga munting daing. Sa loob mismo ng banyo ay muling nagsalpukan ang kanilang katawan na animo ay sabik na sabik pa rin sa bawat isa, hindi alintana ang mahirap na posisyon dahil ang mahalaga ay ang mailabas nilang pareho ang natitirang init ng kanilang katawan na alam nilang hindi sila papatulugin kung hindi nila hahayaang lumabas iyon. Nakagat na ni Giovanni ang labi ni Briel habang halos maibaon naman ni Briel ang kanyang kuko sa likod ni Giovanni ng pareho silang makaraos at maabot ang rurok ng sukdulan. Parehong hindi mak

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.4

    DAHAN-DAHAN SIYANG GUMALAW, bagay na nagpagising sa matutulog na sanang diwa ni Giovanni. Humarap si Briel sa dating asawa kung kaya naman nagpapalitan na sila ngayon ng mainit na hininga sa mukha. Sa sobrang lapit noon, isang maling galaw lang ng alin sa kanila ay tiyak na magdidikit na ang kanilang mga labi. Ngumisi pa si Briel ng maramdaman ang paglalim ng hinga ni Giovanni na para bang nagpipigil itong may gawin sa katawan niyang mas idinikit pa niya dito.“Tulog na…” bulong ni Giovanni na naramdaman ang ginawang paggalaw ni Briel paharap sa kanya.Ngumisi pa nang malapad si Briel na mas idinikit pang lalo ang katawan niya sa katawan ni Giovanni. Particular na ang kanyang dibdib na alam niyang dama na ni Giovanni. Idinantay pa niya ang isang binti sa may beywang ng dating asawa. Tiyak na mabubuhay ang dugo na naman nito sa kanyang bawat himaymay nang dahil sa kanyang ginawang iyon doon.“Briel…” may himig ng pagtutol sa boses ni Giovanni.“Hmm?” mapang-akit niyang ungol na nagkunw

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 93.3

    HINDI NA NAGAWA pang makasagot ni Giovanni nang tumakbo na palapit sa kanila ang mga bata. Yumakap na sa isang hita ng dating Gobernador si Gia at lumambitin naman sa isang braso niya si Brian. Pilit na kinukuha nila ang atensyon niya.“Okay na ba kayo, Mommy? Daddy?” masigla ang boses na tanong ni Brian na halos mapunit ang ngiti sa kanyang labi. Kumikinang ang mga mata. Salit-salitan na ang tingin sa kanilang dalawa ni Giovanni. “Titira na ba tayo ulit dito sa villa?” Makahulugang nagkatinginan sina Giovanni at Briel na hindi direktang masagot ang katanungan ng kanilang anak. “Gia, okay na ang Mommy at Daddy natin. Di ba gusto mo na rin ditong tumira tayo ng sama-sama?” baling nito sa kanyang kapatid, pumalakpak naman noon si Gia upang ipakita na maligaya siya sa sinabi ni Brian. “Ito na iyon, Gia…”Naiiling na lang sina Giovanni at Briel sa ligayang iyon ng mga anak. Aminin man nila o hindi, mas masarap sa kanilang paningin na ganun kaligaya ang kanilang mga anak. Magaan sa kanil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status