Se connecterMATAPOS ANG ILANG minutong makabagbag damdamin na pagkikita nina Giovanni at Briel na muli ay nagpasya na silang pumasok ng mansion upang puntahan ang pangalawa nilang anak na nasa silid nina Briel ng mga sandaling iyon. Mabilis na itong lumakad. Alam na rin nito bigkasin ang mga tawag sa mga kasama nila sa mansion. Nangingilala na rin ito pero mabilis mapalagay. Iyon ang buong akala ni Briel, ngunit iba ang naging sitwasyon nila nang makita si Giovanni.
AWTOMATIKONG BINITAWAN NI Gia ang hawak niyang bulaklak. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang gaga na kinuha na ang pagkakataong iyon para ipahayag na rin ang kanyang nararamdaman. Hindi pwedeng ang binata lang ang aamin. Kailangan na rin niyang sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman oras na makumpirma niyang totoo ang narinig niyang sinabi ni Benedict Madrigal. Dumukwang na ang dalaga palapit sa mukha ni Bene na sa mga sandaling iyon ay napalunok na ng sunod-sunod ng sariling laway. Walang pakundangan na nilagay ang dalawang kamay ni Gia sa magkabilang pisngi ng lalaki na noon ay halatang nanlalamig dala ng labis ng kaba. Kumurap na ang mga mata ni Bene.“Anong sinabi mo, Bene? Pwede bang ulitin mo? Hindi ko narinig…” naiiyak na muling hiling ni Gia sa binata. Ilang beses na pinangarap ni Gia na mangyari ang bagay na iyon, at ngayon na nangyayari na ay para siyang nakalutang.“Are you confessing your feelings for me Bene? P-Pwede bang ulitin mo, hmm?”Kasinungalingan ang kanya
HABANG PAPALABAS KANINA ay ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na magiging bold na siya sa lahat ng sasabihin niya kay Bene. Hindi niya na pipigilan pa ang sarili gaya ng mga ginagawa niya noon dahil bukod sa nahihiya ay naiilang. Napagdesisyunan din niyang sabihin kay Bene kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Wala na siyang pakialam kung ma-reject, ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang maiparating niya ang tunay na nadarama. Hindi na ni Gia kailangan pang maghintay ng tamang panahon dahil kailanman ay hindi magiging tama iyon kung hindi siya kikilos. Kung patatagalin niya pa ang bagay na iyon na mangyari kahit may pagkakataon na ay baka pagsisihan niya lang. Pwede namang ngayon na. Sayang ang opportunity na ito na ibinigay sa kanila ng panahon. Kumbaga ay ito ang perfect timing.“Thank you, Gia. Nakakahiya nga eh, dapat tulog ka na ngayon pero heto ka at piniling samahan mo akong lumabas pa.”“Ayos lang, sa totoo lang boring nga sa bahay. Sina Mommy, Daddy, si Kuya at a
HALOS MAPASAYAW SA tuwa si Briel sa pagbalik niya ng silid nila. Hindi nakaligtas ang pagiging hyper na iyon ng Ginang sa paningin ng asawa niyang si Gio. Hindi niya sinundan ang asawa para panoorin ang CCTV na ginawa ng Ginang na mag-isa, bigla kasing nanakit ang mga laman niya sa binti nang tangkain niyang tumayo upang sundan noon ang asawa. Pinili na lang niyang manatili sa silid kasama ang mga apo at hintayin ang pagbabalik ng asawa na hindi naman nagtagal.“May nakita ka? Anong meron at bakit ganyan ka ngayon kasaya?” Ipinilig ng Ginang ang kanyang ulo. Wala sa kanyang plano na sabihin sa asawa ang anumang kanyang nakita. Makaluma itong tao at paniguradong magiging hadlang. Pupunahin nito ang ginawang pagyakap ng anak sa bisita na kitang-kita sa camera. Bukas na lang niya sasabihin iyon kay Gio kung sakaling ulitin ng asawa ang tanong o kung makita rin ang CCTV.“Wala, Gio. Matulog na tayo. Mukhang guni-guni ko lang.” sampa ng Ginang sa kama upang tumabi na sa kanyang asawa. Hi
HINDI NAGLAON AY kusang yumakap na ang dalawang braso ni Gia sa katawan ni Bene. Hindi pinansin ang nahulog niyang balabal sa katawan. Ni hindi nag-aksaya si Gia na pulutin ito. Walang paalam na umihip ang malakas na hangin na mas nagpahigpit sa yakapan ng dalawang nilalang na wala namang relasyon pero kung maglambingan ay daig pang ilang taong hindi sila nito nagkita. Hindi kumalas ng yakap si Gia sa mainit na katawan ni Bene at ganun din naman ang mga braso ng binata. “I miss you, Gia…“Sinamantala nilang dalawa ang pagkakataong iyon. Pinaramdam sa bawat isa kung paano nangulila sa bawat isa kahit parang kamakailan lang noong huli silang nagkita. Walang sinuman ang nangahas na magtanong o kumalas sa yakap. Ika nga, action is louder than voice. Ito na ang ganap ng dalawa ngayon. “Halika na sa loob, Bene. Bubuksan ko ang gate para ipasok mo sa garahe ang sasakyan mo.” Doon nahimasmasan si Bene. Bumalik sa realidad ang kanyang isipan ngunit hindi pa rin inaalis ang mahigpit na pagka
HUMILA LANG SI Gia basta ng balabal mula sa iniwang bukas na closet at binalot iyon sa kanyang katawan bago patakbong lumabas ng kanyang silid. Kamuntikan pa siyang mahulog sa hagdan kung hindi lang nakahawak nang mahigpit dala ng labis na pagmamadaling makapanaog. Pakiramdam ng dalaga ng mga sandaling iyon ay lumilipad at lumulutang siya sa saya. Sa labis niya ‘ring taranta ay nalimutan niya pang magsuot ng kanyang bra. Nalaman niya lang ang bagay na iyon paglabas niya ng main door ng mansion at maramdaman na umaalog ang dibdib habang walang tigil pa rin sa pagtakbo patungo sa kanilang nakasarado nang second gate.“Hoy, Bene, narito ka nga!” bulalas ni Gia na napahawak pa ang dalawang palad sa magkabila niyang pisngi, napatalon na siya sa kinatatayuan sa labis na saya. “Sinungaling ka ah? Sabi mo hindi ka makakapunta? Sabi mo busy ka? Ano ‘to? Bakit narito ka? Surprise mo ba ‘to? Hindi kaya panaginip ko lamang ito?!” Malutong na tumawa si Bene na nilamon lang ng malakas na hagibis n
HUMUGOT NG MALALIM na hininga si Brian. Bakas sa mukha niya ang stress na dulot ng kanyang nalaman. Ayaw niyang manghimasok ang ina sa lovelife ng mga kapatid, lalo na kay Gia gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Ayaw niyang danasin ng kapatid ang mga pinagdaanan niya noon lalo na kung may iba namang tinitibok ang puso nito. Mahihirapan lang siya at magiging kumplikado ang lahat. Gusto niyang si Gia mismo ang pumili ng magiging partner in life niya. Hindi naman mahigpit ang kanilang magulang doon, baka lang din nag-aalala sila na patanda na nang patanda si Gia kaya ay kikilos na.“I'll talk to Mom tomorrow. Hindi niya pwedeng gawin kay Gia ‘yung ginawa niya sa akin.” “At ano namang sasabihin mo?” lingon na ni Ceska kay Brian, tutol siya sa gagawing iyon ng asawa. “Hindi ba ay dapat na si Gia ang kausapin mo? Kung magkakaroon siya ng boyfriend na ipapakilala kina Mom tiyak walang set up ng blind date.” Hindi sumagot si Brian. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig. “Si Gia dapat ang m
MAGAANG ITINANGO NA ni Giovanni ang kanyang ulo at rumihistro na sa kanyang mukha ang labis na saya na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gracie. Sanay naman na siyang e-endure ang lahat ng iyon, pero iba sa araw na ito. Inis siya. “Ah, oo…kailangan naming pag-usapan ang plano tungkol sa magiging kas
LUMAKAS ANG TAWA ni Briel na dahilan upang lingunin siya ng ibang mga maid na naroon. Hindi naka-loudspeaker iyon kaya imposible na marinig nila kung ano ang sinabi ni Giovanni, kaya pakiramdam niya ay safe na safe pa rin siya. Humakbang na siya paalis ng kusina upang patulan ang kausap sa kabilang
NAPASINGHAP NA ANG mga naroon sa ginawang iyon ng dalawang matanda na patuloy pa rin ang pagbalong ng kanilang mga luha. Hindi sila makapaniwala na aabot sila sa puntong iyon. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Halatang hinihintay na magsalita si Giovanni na hindi alam kung ano
NAITIKOM NA ANG bibig ni Giovanni sa tinurang iyon ni Briel. Nasapul siya nito at hindi nagawang makailag. Hindi niya rin naman iyon ikinakaila. Kung papayag naman si Briel na sa civil ang maging wedding nila, bakit hindi niya ito pagbigyan ngayon na hindi naman siya gaanong abala? Makakaya nilang







