Share

CHAPTER 4: In The Mansion (1)

CHAPTER 4: In The Mansion (1)

« Acey Point Of View »

Nanakit na ang mga tuhod ko sa kaka-lakad, ma bato at makahoy ang dinaanan namin kaya sinong tanga ang hindi sasakit ang mga tuhod? Dagdagan mo pa ang 2 inches heels kong suot na black school shoes.

Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta or papunta, basta ang alam ko lang ay dumaan kami sa likod at umakyat sa may bakod ng skwelahan.

Nasa unahan ko nga pala ang dEmOnyOng si Benz habang ako ay nasa gitna ng mga bakulaw na kampon ni SatAn. I feel comfort at the same time dahil nasa tabi ko lang si Clorence at si Darwin, 'yung lalaking pumulot ng dr*gger kanina.

Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong isang mansion. Medyo maluma na ito pero masisilay parin dito kung gaano ito kaganda at kung gaano kamahal ang mga istrakturang ginamit sa pagtayo nito.

Nang makarating kami sa naturang mansion ay walang anumang binuksan ni Benz ang gate. Pumasok kami at halos malaglag ang panga ko sa nakita. Kung gaano ka luma ang sa labas ay siyang ikinaganda naman ng sa loob.

Manghang nakatitig lang ako sa inaapakan kong tiles na walang bahid na anumang dumi, sobrang linis nito, dagdagan mo pa ang kulay puti na dingding at maaliwalas na paligid.

Tila nawala ang pagod ko at napalitan ng pagkamangha. Napansin ko rin ang isang painting, simple lang pero ang ganda. I also noticed the China vibes dahil sa mga chinese thingy na naka display sa gilid-gilid.

“Oh, nagdala ka pala ng panauhin. Sa akin ba 'yan?” Napabaling ang tingin ko sa may hagdan ng may nagsalita galing dito.

Isang lalaki ang naka suot ng office attire, magulo ang buhok at walang ayos na pagsuot ng kan'yang necktie. 

“It's none of your business, Sky.” boryong sabi ni Benz at bigla akong hinila dahilan para masubsob ako sa dib-dib niya.

Our position is quietly awkward. I can hear his pounding heart, his masculine body and his little Benz down there. I mentally laugh of what I thoughts. Anong Little Benz down there? God with this attitude of mine.

“Jef and Rey...” rinig kong pagtawag ni Sky kuno sa dalawang lalaki na kasama namin kanina at may kung anong senenyas na hindi ko maintindihan. Nagbow naman ang dalawa bago umalis.

Anim nalang kaming natira. I was about to distance Benz between our position when he pulled me back and caged me again in his bear arms.

“Just go with the flow,” He whispered. Wala akong choice kundi ang tumango.

“She's just my buddy f*ck, Sky.” boryong sabi ulit ni Benz. 

Tila napintig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Ano raw? Ako buddy f*ck niya? Buddy f*ck niya mukha niya! Ano siya? Santo para sundin ko?

“At anong kapalit?”

Tinanaw ko si Sky. Nakalahad na ngayon ang kamay niya at tila ba'y nanghihingi talaga siya ng kapalit. Siraulo!

“Oh, I forgot. Hindi nga pala titikom 'yang bibig mo pag walang kapalit.” 

Benz throw something and Sky caught it. “You're welcome!” Ngising pasasalamat ni Sky at winandas-wandas ang hawak na susi.

“Tsk! Childish.” 

Walang anumang hinatak ako ni Benz at mabalis na umakyat sa hagdan.

“I like your taste huh. She's sexy tho,” sipol ni Sky.

Gusto kong hilahin ang kamay ko at bumalik sa dinaanan namin kanina para lang sapakin si Sky. I don't know if it is a compliment or what, talagang nasisiraan na siya ng ulo!

For the last time I saw Clorence and Darwin. They just wave their hands kaya bilang isang mabuting tao ay ningitian ko sila, naputol lamang ito nang nahagip ko si Sky na may pilyong ngiti sa mukha at kumindat sa akin. Bastos! Pero inferness ang pogi niya. 

Sa ilang minutong paglalakad namin ay sawakas tumigil na din kami. Kaharap namin ngayon ang isang kulay asul na pinto, isa sa mga silid na naririto. Hinugot ni Benz ang seradula 'tsaka kami pumasok at doon ako binitawan.

“kwarto mo?” Tanong ko habang nilibot ang kabuuan ng kwarto.

Ocean deep ang them ng kwarto, may mga medals, certificates at mga collections rin na naka display sa isang open shelves.

“Yea, this is all mine. Welcome to my room.” He said in a boredom voice.

“Oh, it's my pleasure to be here,” I clapped my hands to show him my delectation. My sarcastic delectation.

“O-k-a-y.” he agreed and emphasized every letters and raised his hand and do the okay sign.

Napa-irap naman ako. “Anyway, mag kaano-ano ba kayo ng Sky na 'yun? Inferness ang pogi niy—” he cutted me off.

“Shut up!” putol nito sa sasabihin ko at masama akong tinignan. Hala ang OA, nagtatanong lang e.

“May asawa na si kuya. So better to uncrush him.” He added and slowly walks toward me na siyang ikina-atras ko.

“H-Hoy! Hindi ko sinabing c-crush ko siya ah, at saka may crush na kaya ako,” pagsisinungaling ko, agad naman siyang ngumisi at binilisan ang paglalakad papunta sa direksyon ko. Atras naman ako ng atras.

I don't know if how many times I gulped. Para kasi itong nasapi-an ng kung anong ispirito at ganyan nalang kalaki ang ngisi niya. Tuluyan na nga akong napasandal sa pinto at doon hinarang niya ang magkabilang niyang bisig sa magkabilang gilid ko.

Oh crap! I'm trapped.

Bahagya siyang yumuko at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

“Uncrush who's your crush and crush me instead.” napalunok ako sa klase ng pananalita niya, dahil para itong nang aakit na napapaos. Biglang nanindig ang balahibo ko sa batok nang hipan niya ang tenga ko.

“G-G*go ka ba?” Agad ko siyang tinulak nang matauhan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nag iwas ako ng tingin dahil parang nanginginig ang buong kalamnan ko at hindi alam ang sasabihin.

“You know? Maganda ka naman e, pwede kang maging buddy f*ck ko, kung papayag ka, kasi ako papayag ako.”

Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang pinihit ang seradula. “Bastos!” tinuhod ko ang gitna niya at lumbas at malakas na isinarado ang pinto.

Narinig ko ang pag d***g niya at ang pagsunod niya sa akin. “H-Hey! I'm just kidding! Argh!”

Hindi ko siya pinansin at binilisan lalo ang paglakad ko.

“Hey! Sa'n ka pupunta? Hindi d'yan ang daan!”

“Bala ka buhay mo! bwesit ka!” lumiko ako at pumasok sa isang madilim na hallway.

Nakakainis siya! Anong dahilan niya't dinala n'ya ako rito? Para asarin lang? Argh nakakainis!

“The f*ck! I'm serious!” umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong sulok ng hallway, umalingawngaw din ang bawat tunog ng mga yapak namin. 

Napatigil lang ako nang nahawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kaniya. “Listen. This hallway is full of trap, umalis na tayo rito bago pa tayo mahuli,” Akmang hahatakin niya sana ako nang mabilis akong kumapit sa edge ng pader dahilan para hindi niya ako mahatak. 

He glared at me and I glared at him too.

“Lumayo ka!”

“Hey! Listen to me—”

“Sabing lumayo ka— Ahh!” 

Biglang may kung anong bagay ang tumunog sa kinatatayuan namin at bumukas ito dahilan para sabay kaming mahulog.

“It's your fault! Sabing makinig ka!” giit na sabi niya.

Tumingin ako sa kan'ya ng may pag-alala at pagta-taka. Anong ako? Sino ba sa amin ang nag joke kanina ha? Ako ba? Ako ba si Benz ha? Ako ba? Hindi naman 'di ba?

Naputol ang pag-iisip ko nang bumagkas kami pareho sa sahig at sabay na napadaing. Sh*t ang sakit ng likod ko!

“Arghhh!” D***g ni Benz habang nakahawak sa ulo niya habang ako naman ay sa likod.

“See? We're now trapped— Ouch!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status