Share

Chapter 7.1-Arseo

[Damon Cahill]

"Ang dapat mong itanong: Ano ang kaya naming gawin?"

Gusto kong makita ang takot sa mukha ni Devon pero wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi ang matinding determinasyon na malaman kung anong klase akong nilalang.

Ibang klaseng babae 'to. Marunong ba 'tong matakot? Sabagay, pa'no ba 'to matatakot kung pogi ang kaharap niya? Tss.

Walang paalam na naglaho na lang ako bigla sa harap niya. Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng condo ng kaibigan ko na palagi namang wala kaya halos ako na lang ang nakatira.

Hinubad ko ang hood at mask ko at saka pinagpagan ang medyo mahaba kong buhok. Para 'kong may kuto, nangangati pati anit ko. Tagal ko ba naman nakasuot ng hood. Kung 'di ko lang talaga kailangang itago ang gwapo kong mukha, eh. Kaso 'di pwede.

"Hay, ako na naman mag-isa rito." Nag-inat ako ng katawan bago sumalampak sa couch.

"Where have you been?"

"Ay, tangina mo!" Tinaas ko ang mga paa ko sa couch at niyakap ang mga tuhod ko nang lumitaw sa harap ko ang kaibiga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status