Share

Chapter 06

Pangit naman palang kabonding ni Sir! Aba sabi niya 'give me five sec.' pero halos dalawang oras na akong nilalangaw dito'y hanggang ngayon ay wala pa rin siya! Iyong totoo, dinner date pa bang matatawag ito gayong alas singko na ng umaga?!

Balak ko na sanang mag tawag na ng tricycle upang umuwi na lang ng tuluyan. Ngunit biglang may humintong sasakyan sa mismong harapan ko. Tinted ang salamin no'n kaya naman hindi ko maaninag ang nasa loob. Hindi rin ako sigurado kung sino ang nasa loob, kung kaya't baliwalang nag lakad na ako. Sa ika limang hakbang ay hindi ko maiwasang mapatalon ng bigla akong businahan ng sasakyan. Ano bang problema ng isang 'to?

Tinitigan ko ang itim na kotse na para bang nakikipag titigan ako sa nakasakay roon. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahinang vibrate ng cellphone ko sa bulsa, kaya naman kaagad kong kinuha 'yon.

"What are you waiting for? Sumakay ka na." Kaagad na bungad sa akin ng nasa kabilang linya.

"Sir ikaw na ba yan?" kuryosong tanong ko naman. Aba mahirap na, baka mamaya kidnapper pala ang nasa loob. Ni singkong bulag wala ako kahit isa, kaya anong ipangraransom ko? Puri ko?!

"Yes, get in. I'm starving," baliwalang sagot niya naman. Pinatay ko na ang tawag bago nilagay sa loob ng bag ko ang cellphone.

Nagdadalawang isip man ay dali-dali kong binuksan ang sasakyan at walang pakialam na umupo sa harapan. "Sorry Sir akala ko ka-"

Nanlaki ang mata ko ng tumambad sa akin ang ngiting tagumpay na hudyo! Bakit itong lalaking ito ang nasaloob ng sasakyang ito?! Putakte, siya ang may tagas ang ulo na makikipag dinner date sa akin ng alas singko ng umaga?!

"Good morning!" Nakangiti pang bati niya sa akin. Ano ang good sa morning kung maaga-aga akong na scam ng hudyong 'to?!

Kaagad kong dinukot sa bra ko ang limang libong piso na siyang kaparte ko sa ibinayad niya. "Ayan pera mo! Mag date ka mag-isa mo!" singhal ko sa kaniya.

Walang pakialam na itinulak ko ang pinto ngunit kahit anong tulak ko'y ayaw bumukas! Pesteng yawa! Nangangain pa yata ng mulala ang sasakyan niyang ito!

"Buksan mo 'tong pinto, lalabas ako!" sigaw ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung magalit man siya o hindi, ang mahalaga ay makalabas ako dito.

"Ano bang ikinatatakot mo? Kakain lang naman tayo ah! Are you scared of me?" maang na tanong niya.

Ano nga ba kasing ikinatatakot ko? Hindi naman sa natatakot ako, baka lang kasi... Ako ang kainin niya! Kulang na lang ay magsitayuan ang balahibo ko sa kaisipang iyon. Sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaking ito, sa uri ng ngiti niya at sa pumuputok niyang muscle. Malamang sa alamang na ako nga ang gawin niyang putahe! Ang masaklap pa roon ay baka hindi ako tumanggi! Jusme Jewel ang perlas mo nasa panganib!

"Hey, just calm down okay? Hindi ako nangangagat." Hindi ko na lang siya pinansin, at ipinikit ko na lang ang mata ko upang hindi niya na ako kausapin pa.

***

.

Hindi ako sigurado kung papayag ba si Jewel makipag date sa akin kaya naman ang head na ng club ang kinausap ko kanina. Mga lasing na rin ang mga kaibigan ko kaya nagpasya na rin kaming umuwi.

I thought I'am going to have a boring night, but my ex fling Laura standing outside my unit's door while smiling from ear to ear. Gusto ko sana siyang itaboy dahil pagod at gusto ko ng matulog. But then, just when I'm about to open my door, she kiss me aggressively. Sino ba naman ako para tumanggi pa?

We did it quickly but of course, I was expecting to be satisfied. And when I'm about to reach the climax, my phone rang continously! Wala sana akong balak na sagutin iyon dahil kaunting ulos na lang ay mararating ko na ang langit. But Laura picked the phone up and answered it while moving fast on my top!

"Baby I'm coming!" Hindi ko maiwasang sambit. I was about to turn the fucking phone up, but I heard the familiar voice on the other line.

[Out na 'ko Sir! Where na you? Dito na me, sa labas ng club. Otw ka na ba?]

What the hell! That was Jewel! Akala ko ay hindi siya papayag, at nawala rin talaga sa isip ko iyon. Iniba ko ang posisyon namin ni Laura at mabilis pa sa kidlat na umulos bago sinagot si Jewel sa kabilang linya. I was thorn between lust and preassure that happening right now.

"Oh fuck! Yeah, ahh... Wait, give me five sec. I'm on my way." Magkahalong ungol at sagot ko sa magkaibang babae. Sa pag mamadali ay hindi ko na alam kung ano at sino ba ang uunahin ko sa kanila.

After what happened between me and Laura, she wanted to have a relationship with me. But me being a playboy, at aminado naman ako doon katakot takot na 'no' ang naging sagot ko sa kaniya. Pinaalis ko na rin siya sa unit ko, kahit na nga ba galit na galit siya. Ex is ex, wala ng second time around!

Ngayo'y heto, paano ko ba gigisingin si Jewel gayong napakasarap ng tulog niya? Nagkaroon din tuloy ako ng pagkakataon upang titigan siya. Maamo ang mukha, matangos ang ilong, mahaba at malantik ang pilik mata. Natural na mapula ang labi at ang kaniyang pisngi. Hindi rin ako sigurado kung tunay ba o contact lenses lang ang nasa mga mata niya. Ngunit sa pagkakaalam ko'y kulay abo ang mga iyon.

Her skin was soft and creamy white. Mukha siyang ibang lahi kung susuriing mabuti at base na rin sa itsura niya. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit sa club siya nag tatrabaho? Wala ba siyang pwedeng pasukan na iba? I can offer her a job if she wants too. But... I wanted her for myself. She can be my girlfriend... A paid girlfriend to be exact.

"Hey, wake up!" Marahan ko pang tinanggal ang bumagsak na buhok sa mukha niya. She was so... Cute. Hindi ko tuloy maiwasang gawaran siya ng h***k sa labi.

"Isang libo isang h***k! Ikaw naman ang may utang ngayon." Nagulat ako ng marinig ko 'yon, pero napangiti rin ng makita ko ang lantarang pagka-irita sa mukha niya.

"Nasaan na ba tayo? Kuryosong tanong niya pa. Luminga linga rin siya sa paligid niya upang tignan kung nasaan na nga kami. "Kala ko ba date? Bakit sa hotel?"

"Oh well, we will eat first an-"

"Tapos ano?" Nakataas kilay na tanong niya. Ni hindi niya na nga pinatapos pa ang sasabihin ko. "Ako Steve, wag mong ginagago ha! Saan ka nakakita ng dinner date pero alas singko ng umaga?!"

"Bakit, hindi ka ba nasabihan na isang buong araw mo sa club ang binayaran ko?" balik tanong ko naman sa kaniya. Wala naman akong intensyong masama, ang gusto ko lang ay... Ano nga bang gusto ko?

"Halika na, kakain lang tayo tsaka lilibre kita." Binuksan ko na ang pinto at nauna ng bumaba. Umikot din ako sa kabila upang pagbuksan siya.

Nang makababa siya'y tinitigan niya ang harap ng hotel kung saan makikita ang napakalaking pangalan ko. Narinig ko pa ang pagbubuntong hininga niya bago bumaling sa akin.

"Steves Hotel? Talaga lang huh!" giit niya.

"Ano bang problema? I'm not gonna kill you here, if thats what you think." Hinawakan ko na lang ang kamay niya bago hinila na siya papasok.

Kapag wala akong ganang umuwi sa bahay ay dito na ako natutulog. Ngunit kadalasan, ang Presidential Suite ang inuukopa ko.

Pagkapasok namin sa Hotel, halos lahat ng mata ay nakatuon sa amin. Hindi ko naman sila masisiss kung makikita nila ang C.E.O na may kasamang babae. Hindi naman din nakakahiya o kahiya hiyang kasama si Jewel. Ngunit nawala sa isip ko na halos kita na ang buong kaluluwa niya sa suot niyang damit.

"Bakit nakatingin sila sa'yo?" maang na tanong niya. Pagkabukas ng elevator ay pumasok na rin kami kaagad. I pressed the RT button while holding her hand.

"Hindi naman sila sa akin nakatingin kun'di sa'yo." Gustuhin ko man siyang suotan ng balabal ay hindi ko magawa. Bukod sa wala akong pwedeng ipangtakip sa d****b niya'y ganoon din naman. Dahil litaw na litaw ang buong hita niya na talaga namang agaw pansin.

"Ngayon lang siguro nakakita ng maganda ang mga tao dito kaya ganyan." sagot niya naman. Baliwalang sumandal siya sa elevator habang lantarang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Nakapasa ba ako sa pamantayan mo?" nakangising tanong ko.

"Pwede na... Pero hindi ikaw ang type ko." Ouch! Sa buong buhay ko'y siya palang ang nag sabi sa akin no'n.

"Bakit ano bang type mo?"

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang d****b ko. Halatang nang aakit pero alam ko namang nanunukso lang siya. Sa ganitong laro hindi ako papatalo. Woman drooled upon my feet, and shes not an exemption.

"Iyong ka-level ko lang, para hindi ako masaktan. Hindi kita afford e', rich kid ka kasi." baliwalang sagot niya bago bumitaw at humalukipkip sa kabilang gilid ko.

Sa pagkakataong ito'y ako naman ang lumapit sa kaniya at bumulong. "Be my girlfriend... A paid girlfriend to be exact. Kikita ka na, abot kamay mo pa ako. What do you think?"

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status