แชร์

The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny
The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny
ผู้แต่ง: shining_girl

Chapter 1: The Betrayal

ผู้เขียน: shining_girl
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-24 16:37:26

Nanginginig ang buong katawan ng dalagang si Amara Villanueva habang nakatayo sa tapat na silid ng kanyang nakababatang kapatid na si Tanya.

Mula sa kanyang kinatatayuan, dinig na dinig ng dalaga ang halinghing sa loob ng silid. Hindi man niya nakikita ang kabuan ng nangyayari sa loob ng silid, sigurado siyang, naroon ang dalawang taong magkasalo sa paglalaro ng apoy. Hindi na sana papakialam pa ni Amara ang bagay na ‘yon, kaya lang….

“Oh Joaqi, more,” anas ni Tanya sa paos na tinig. Bagay na lalong nagpasemento sa mga paa ni Amara sa kanyang kinaroroonan.

What followed was a series of moans and groans. Something she would have wanted to unhear right at that very moment. But she cannot. Kahit na anong gawin niya, hindi niya magawang ipagwalang bahala ang kanyang narinig. Not when her sister was moaning her fiance’s name Joaquin.

Araw ng engagement party nila ni Joaquin Alcantara, ang nobyo ni Amara ng dalawang taon. She treasures her relationship with Joaquin. Sa buhay niyang puno ng lungkot, ang relasyon sa nobyo ang tanging nagbibigay kasiyahan sa dalaga. She dreamed what kind of life she would have with him once they got married. She was really looking forward for that day, that day when she will finally announce to the world about their engagement and upcoming wedding. She was happy. Finally.

Kaya lang…

“Sh*t, Tanya! Ang s*arap-s*arap mo!” si Joaquin, mula sa loob ng silid.

Tuluyan nang bumigay ang tuhod ni Amara nang marinig din ang tinig ng katipan. Napaluhod na sa harap ng silid ng kapatid. Pakiramdam ng dalaga ay namamanhid siya, nabibingi sa katotohanang kanyang narinig. For a while, she doesn’t want to think. O mas tamang sabihing, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Gusto niyang tumakbo paalis ng mansiyon. Gusto niyang lumayo. Gusto niyang magtago sa mundong wala nang ginawa kundi ang saktan siya mula pa sa kanyang pagkabata. Kaya lang, saan siya pupunta? Wala siyang ibang mapupuntahan. Napakaliit ng kanyang mundo. Ni wala siyang kaibigan na pwede niyang balingan o hingan ng tulong. Kaya lang…

“What the hell are you doing there, Amara? Marami pang aayusin sa ibaba a,” ani Celestine Villianueva, ang madrasta ni Amara. Mula sa staircase ng malaking bahay ay nagmamadaling tinalunton ng matandang babaeng nakasuot ng sopistikadang damit at malinis ang pagkakapusod ng buhok  ang hallway kung saan naroon si Amara at nakasalampak sa sahig.

Agad na tumayo ang dalaga, nagsimula nang humagulgol. Gusto niyang magsumbong sa madrasta, ipaliwanag dito ang pagtataksil na kanyang natuklasan. Subalit puro hikbi at sinok lang ang nagawa ni Amara. She was hurting. She was hurting from the overwhelming betrayal of her sister and fiancé, so hurt that words deserted her.

“Just what the hell are you crying for?! Tatamaan ka sa akin kapag hindi ka umayos, Amara!” iritableng pahayag ni Celestine, naningkit na ang mga mata.

Noon pa man, kahit sa maliliit na bagay, madaling mag-init ang dugo ng matandang babae kay Amara. Kaya naman, kapag may pinapagawa ito sa kanya o inuutos, agad na tumatalima ang dalaga. Subalit paano niya uumpisahan ang kanyang paliwanag sa oras na ‘yon? Paano niya isusumbong sa madrasta na may ginagawang malaking kasalanan ang kapatid at ang nobyo?

Maya-maya pa, umingit pabukas ang p***o ng silid. Tumambad sa kanila ang gulat na mukha ni Joaquin, wala itong damit pang-itaas, lukot ang pantalon, magulo rin ang buhok.

Suminghap si Celestine. “A-anong ginagawa mo sa silid ni Tanya, Joaquin?” anang matandang babae sa hindi makapaniwalang tinig.

Namutla si Joaquin, hindi nakapagsalita agad, pinaglipat lang ang tingin kina Celestine at Amara.

“You did not,” ani Celestine, pabulong bago tinulak si Joaquin. Napaatras ang lalaki, tumambad ang bulto ni si Tanya na nakaupo sa kama, tanging ang manipis na kumot lang ang tumatakip sa h*ubad na katawan nito.

“M-Mommy…. A-Amara…” ani Tanya, bumakas ang taranta sa mukha.

“Ano itong ginawa mo, Tanya? Bakit?!” histerikal na sigaw ni Celestine na nagpangyari upang mag-unahan sa pag-akyat sa second floor ang mga katulong ng malaking bahay.

Hindi naglaon, mas marami nang saksi sa kasalanang ginawa nina Tanya at Joaquin.

“Mahal ko si Joaquin, M-Mommy. K-kami ang tunay na nagmamahalan. Hindi niya masabi. H-hindi lang niya magawang sabihin dahil nahihiya siya kay D-Daddy,” ani Tanya sa pagitan ng paghikbi bago tumingin kay Amara. “A-Amara… kung talagang importante sa ‘yo ang pagiging magkapatid natin, ibibigay mo sa akin si Joaquin. A-alam kong gusto mo rin akong maging masaya. A-at si Joaquin ang kaligayahan ko. S-siya lang. P-please, A-Amara. Hayaan mo n-na kami ni Joaquin,” dugtong pa ng babae, bago tuluyang humagulgol.

Pinanood ni Amara ang masuyong pagdalo ni Celestine sa nakabaatang kapatid. Isang bagay na madalas nitong gawin mula pa noong mga bata sila. Dalawang taon lang ang tanda niya kay Tanya. She was a little girl too when her parents took Tanya from the orphanage. Subalit ni minsan, hindi siya inalo ni Celestine gaya ng pag-aalo nito kay Tanya.  Not even when she’s sick. Not even when she’s wounded. Not even when she’s hurting. Not even once. Never.

Maya-maya pa, naghabol na sa  paghinga ni Tanya, kumapit lalo kay Celestine,

“M-Mommy, hindi… h-hindi ako makahinga…” ani Tanya sa putol-putol na tinig.

“Magda, ang gamot ni Tanya. Dalian mo!” histerikal na utos ng matandang babae sa katulong na naroon din sa may p***o at nakasilip sa mga kaganapan sa loob ng silid.

Mabilis na kumilos ang matandang katulong, kinuha sa drawer ang inhaler ni Tanya. Akmang iaabot ni Magda ang gamot kay Celestine nang biglang iyong hinablot ni Joaquin sa kamay ng katulong bago naglakad sa kama.

“T-Tita Cel, please let me,” ani Joaquin. Agad namang kumilos si Celestine at binigyan ng espasyo si Joaquin.

Muli pinanood ni Amara ang marahang paghila ni Joaquin kay Tanya sa dibdib nito bago ibinigay sa kapatid ang gamot nito.

Sa puntong iyon, hindi lang puso ni Amara ang dinudurog kundi ang kanyang buong pagkatao. Nagmamahalan ang kanyang kapatid at nobyo. Kung kailan nagsimula ang pagtataksil ng dalawa, parang ayaw na niyang alamin pa. Ang alam lang ng dalaga, walang kapantay ang sakit na kanyang nararamdaman sa puntong iyon.  The future life she had dreamed of with Joaquin slowly crumbled down right in front of her.  At kung paano siya makakabawi, hindi niya alam.

Maya-maya pa, yumakap na si Tanya kay Joaquin, humikbi bago nagpakalma.

Noon tumingin si Joaquin kay Amara. Marahan itong umiling bago, “Please, Amara. Hindi na kita mahal. Let me go,” anito.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 10: Wedding Day 2

    “Sumagot ka, Amara! I don’t have much time to spare!” si Tanya nang manatiling tahimik si Amara. “Alam mong kasal ko din ngayon!”Ilang araw nang humahanap ng tiempo si Tanya para kausapin si Kimberly De Dios ng personal dahil ito ang gusto niyang maging make-up artist sa kasal niya. Subalit kung hindi ‘busy’, fully booked ang isinasagot ng mga staff nito. But Tanya is not one to just let it go. Napagsabi na ng babae sa mga kaibigan niya na si Kimberly ang magme-make-up sa kanya sa kasal niya. Kimberly De Dios is a big name in the industry. Kapag ito ang kinuha mong make-up artist, talagang magiging sikat ka rin. Kaya naman determinado si Tanya na ito ang maging make-up artist niya sa kanyang kasal. She was so confident that Kimberly would say yes once she learned it was her. That's why she's chasing Kimberly right up to the last minute. Kaya niya rin ito sinundan sa hotel na 'yon. Naging classmate niya kasi ito noong high school. They are basically friends. Kaya sa isip ni Tanya, da

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 9: Wedding Day

    Two days later…Isang magaang katok sa pinto ang nagpamulat kay Amara nang araw na iyon. Sandali munang sumulyap sa orasan ang dalaga bago pinilit ang sariling tumayo. It was just past seven in the morning. Gusto sana niyang matulog pa dahil hindi siya masyadong nakatulog nang husto nang nagdaang gabi. Iniisip niya kasi kung anong gagawin niya ngayon dahil araw ng kanyang kasal at—Bahagyang napasinghap ang dalaga, natutop ng kamay ang bibig. It was her wedding day!Sandaling nablangko si Amara, hindi alam kung anong dapat maramdaman o dapat na unahin. Should she feel excited, worried or scared perhaps? O dapat ba niyang tawagan si Zion o si Isagani? Isagani is Zion’s boss. Iyon ang pakilala nito sa kanya. Kaya naman noong makalawa nang tumawag si Zion sa kanya na si Isagani ang may alam ng tungkol sa wedding preparations nila at ito ang dapat niyang tawagan kung may kailangan siya, nag-alangan na agad ang dalaga.Nahihiya siyang abalahin si Isagani kahit na may mga tanong siya tungko

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 8: Getting Married

    Maingat na nagsalin ng alak sa kanyang baso si Zion bago sumulyap kay Isagani na noon ay panay ang hikab habang nakaupo sa mahabang sofa.Kung wala lang siyang hinihintay ng gabing iyon, baka kanina pa niya ito pinauwi. Why, the man is an innate whiner. Kung hindi lang niya ito matagal nang kilala baka matagal na niya itong inalis sa trabaho. Subalit kahit na reklmador ito, hindi rin naman matatawaran ang loyalty na ipinakita nito sa kanya sa nakalipas na mga taon.He had known Isagani since he was fifteen. Subok na niya ang katapatan nito. At sa mundong ginagalawan niya at ng kanyang pamilya, wala nang mas hihigit pa sa importansiya ng katapatan. And so he had kept Isagani for more than a decade now. He trusts him even with his life. Kaya lang…Humikab nang malakas si Isagani, humiga na sa sofa. “Boss, puntahan na lang kaya natin si Ms. Amara nang matapos na ‘tong paghihintay natin?” anito, niyakap na ang throw pillow.“Kung gusto mong wala ka nang trabaho bukas, we can consider your

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 7: Fate's Way

    Kanina pa tinititigan ni Amara ang tasa ng kape na nasa kanyang harapan. Nasa coffee shop ng hotel na kanyang tinutuluyan ang dalaga. Kasama rin niya roon si Zion. Na gaya niya ay tahimik lang din.Ito ang nagpumilit na ihatid siya roon. O mas tamang sabihin na ito ang pumilit sa boss nito na ihatid sila roon. To her embarrassment!Nag-offer siya ng kahit na kape lang para sa abala nito. Subalit tumanggi si Isagani. Instead si Zion ang sumama sa kanya para magkape. And now there they are, both speechless.“Si Isagani… I mean si Boss Isagani rin ang susundo sa ‘yo sa makalawa para sa kasal natin,” basag ni Zion sa katahimik maya-maya.Kasal. Parang nakuryente si Amara nang marinig ang salitang iyon kaya naman agad na dumiretso ng upo ang dalaga, nag-angat ng tingin sa kausap.“A-about that… I-I… I don’t… I mean…” Ni hindi maumpisahan ng dalaga ang nais sabihin. The idea of marrying a stranger last night seemed like a good idea. But now that she is thinking straight, the idea feels craz

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 6: Doubts

    “Anong ginagawa mo rito?” ani Arturo nang makita ng matandang lalaki dumaan si Amara sa tapat ng opisina ng kanyang opisina sa AV Real Estate kinabukasan. Matapos ang mainit na pag-uusap ng mag-ama sa study nang nakaraang gabi, tinotoo ni Amara ang pag-alais sa malaking bahay.Ni hindi ipinaalam ng dalaga kung saan siya pupunta. At walang balak ang dalaga na ipaalam kahit kanino sa kanyang pamilya kung saan nga siya nagpunta. Umalis na siya sa poder ng mga magulang. Paninindigan niya. She’s determined to live a different life now. Away from her family.“Ano, natauhan ka na ba at magmamakaawa kang patawarin kita, Amara?” si Arturo ulit nang hindi agad sumagot ang panganay na anak. “Well, you’re too late! I will never forgive you for being disobedient and bringing shame to our family! You are such a disgrace!”Huminto si Amara, humakbang papasok sa nakabukas na pinto ng opisina ng ama. Ngumti ang dalaga, sarkastiko. “H’wag kang mag-alala, Dad. Hindi ako pumunta rito para humingi ng taw

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 5: Not Just A Waiter

    Samantala sa harap ng isang bakanteng lote sa mataas na bahagi ng siyudad, tinanaw ni Zion ang nagkikislapang mga ilaw mula sa ‘di kalayuan. Malamig ang simoy ng panggabing hangin. Tila tinatangay ang mga alalahanin ng binata sa gabing iyon.Maya-maya pa, lumapit ang isang lalaki sa binata. Gaya niya nakasuot din ito ng waiter’s uniform. “Boss, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong nito.“You have the nerve to ask. Tell me Isagani, should I go home or should I prepare now for my wedding which is in three days?” malamig na tugon ng binata, ang mga mata nakatitig pa rin sa kabuuan ng siyudad. The gears in his head were turning fast. Hindi malaman kung ano ang dapat niyang unahing gawin. Well, it's a given. He had never been married before. It was a new endeavor. Napakamot sa kanyang batok si Isagani. “Boss, bakit mo naman kasi inagaw ‘yong raket ko kanina sa catering? Mukha pa namang willing magbayad si Mrs. Villanueva ng malaking halaga para sa sino mang papayag na magpanggap na fiancé ni A

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status