Nagsisilbi si Kaya sa hapagkainan. Natuwa sa kanya ang mayordoma ang napakabilis daw niyang kumilos. Tinatanong nito kung mayroon na siyang experience sa pagsisilbi,sumagot siya ng oo at nagsisilbi siya sa isang mayamang pamilya. Pero hindi niya sinabing sa mga bampira.
Dahil doon, isa na siya sa nakapaghahain sa labas dahil sa mabilis siyang kumilos at maalam sa pagsasaayos ng mga kubyertos.
Madalas na nakahain sa mesa ng mga bampira ay mga expensive kind of meat. Ang ginamit na herbs sa mga ‘yon ay espesyal din at hindi basta-basta nabibili kung saan lamang. Mayroon pang bloodwine ang mga ito na hindi na mawawala sa kahit na anong okasyon—mapasimple man o hindi.
Ang nakahain sa mesa ay apat na pinggan, para raw ‘yon sa apat na Young Master.
Kompara sa mansion ng Bezarius, mas tahimik ang lugar, para bang kasalanan ang makagawa man lamang kahit kaunting ingay. Ang pagkakatayo nila’y diretso at hindi halos gumagalaw.<
"May pupuntahan ka?" tanong ni Vince nang makita si Anastacia na nakabihis."Babalikan ko lang iyong bahay ko. Mag-iiwan lang ako ng sulat, baka sobra nang nag-aalala sa 'kin si Kaya.""Gusto mo bang samahan kita?""Hindi na, hindi naman din ako magtatagal.""Sige, mag-iingat ka." Hinalikan siya nito sa noo.Umalis na si Anastacia. Gusto na niya muli nang komunikasyon kila Kaya. Gusto niya ring humingi ng tulong sa mga ito na mahanap ang kanyang ama, hindi kasi ito matagpuan nang mga pinaghahanap niya. Mukhang napalayo na ito nang husto. Pero kunsabagay, sa haba nang panahon ay tumanda na tin ang kanyang ama, hindi na 'to kamukha nang tanging larawan na mayroon siyang patago pa nito nang magkahiwalay sila.Gusto niya ring maipakilala si Vince, nasisiguro niyang matutuwa ito sa naging pagpili niya. Nang nasa biyahe siya'y nagpahinga siya, natulog, at paminsang nagigising at mangingiti dahil masisilayan niya ang magandang paligid.Ngayo
Nang magising si Anastacia ay kaagad siyang napabalikwas.“Young Master!”Napaigik siya dahil masakit ang kanyang buong katawan.Sinubukan niya ‘tong hanapin sa buong bahay pero hindi niya na ‘to natagpuan.Umalis ito at nag-iwan nang isang liham.“I need to do something, let’s meet on some other time, Anastacia.”“Magbabalik ka ba talaga? Paano ko malalaman kung narito ka na?”Napatampal sa noo si Anastacia, bigla’y nanakit ang kanyang ulo nang husto.Gusto niyang malaman kung nasaan ito para alam niya kung paano matatagpuan.Maya-maya ang pag-aalala niya ay naging panlalamig nang buo niyang katawan nang maalala si Vince.Nakipagtalik lang naman siya sa iba, kahit may karelasyon na siya.Pero si King ‘yon—Hindi malaman ni Anastacia kung paano itatawid ang dahilan sa sarili.Pabigla-bigla siya, pero hi
Napansin ni Anastacia na titig na titig sa kanya si King.Isa ito sa masasabi ni Anastacia na nagbago rito.Hindi ito palatitig nang ganoon kaseryoso, ngayon kasi ay tila ginagalugad na nito ang kanyang pagkatao.Nagsasalo sila sa tsa’a dahil wala naman siyang maibibigay na bloodwine dito.Naiilang si Anastacia dahil baka mayroon itong ‘di nagugustuhan sa kanyang mukha.“Kailan tayo nagkakilala?” tanong nito.Napakurap si Anastacia, natuwa sa narinig na tanong nito. “Noong nine years old ako, binili ako ng magulang mo para maging personal maid servant mo. No’ng unang kita ko sa ‘yo natakot ako dahil baka saktan mo ‘ko, pero hindi pala, naging mabait ka sa ‘kin, dahil mabait ka sa ‘kin, lahat din sa paligid ko no’n ay naging mabuti sa ‘kin. Hindi ako nakapag-aral kaya nagtiyaga kang turuan akong bumasa at sumulat. Madalas mo rin akong kinukuwentuhan tungkol sa nangy
“Masakit pa rin ang ulo mo?” tanong ni Anastacia nang makainom ‘to ng tubig.Iniabot nito ang baso muli sa kanya.“Biglaan lang sumakit.”Alam ni King na dahil ‘yon sa pagpasok ng alaala sa kanya.Ang ulo niya parang sasabog at ngayon nga na tumigil ang pagkirot no’n nang husto, may nananatili namang tial panaka-nakang pagkirot pa rin.Napakarami niyang naalala, malinaw ‘yon kani-kanina lamang. Pero hindi lahat ng alaalang nakita niya ay napanatili niya dahil sa bilis nang pangyayari.Pumunta si Anastacia sa likuran ni King.Hinawakan niya ang braso nito at minasahe.“Huwag ka munang gumalaw, noon, kapag may nararamdaman ka ay gumiginhawa ang pakiramdam mo kapag namamasahe ka.”Pinakikinggan lang ‘to ni King, ngayon niya napatunayang may malaking papel nga ang babaeng kasama sa kanyang nakaraan. Ibig sabihin, malaking bahagi
Umalis si King at nag-iwan na lang ng number niya kay Anastacia.Mayroon pa pala siyang kailangan na daluhan, kung hindi niya dadaluhan iyon ay paniguradong magtataka ang kanyang ama. Hindi dapat nito malaman ang tungkol kay Anastacia.Magulo pa ang mga alaala niya pero nagpapatuloy na ‘yon sa pagpasok sa kanyang isipan. At kaunti na lamang ay alam niyang magbabago ang lahat-lahat sa kanya oras na ang mga pirasong alaala na ‘yon ay nabuo at napagdikit-dikit niya bilang isang buong kuwento.Nang makarating siya sa kanilang mansion ay mabuting wala pa siyang nakasalubong na kapatid dahil hindi pa niya gusto nang kausap sa mga oras na ‘yon.Pagkapasok niya sa kanyang silid nag-alis siya kaagad ng kasuotan.Iminasahe niya ang ulo.Hindi na talaga natigil ang kanyang isipan sa pagdaloy ng mga alaala.Dapat lamang na walang makaalam nang tungkol sa mga alaala niya.Hindi rin dapat makaramdam ang kanyang ama na may k
Hapunan.“Sino bang unang mag-aasawa, mauna ka na kaya, Grim!” sabi ni Dark sa kapatid.Naroon silang magkakapatid sa balkonahe, naghihintay nang oras kung kailan darating ang ama at ang bisita nila.Sumandal si King sa railing at nagsindi ng sigarilyo.“Kumusta na pala ‘yong hinahanap mong Anastacia?” baling ni Grim kay King.Nagkibit-balikat si King. “Baka halusinasyon lang ‘yon sa dami nang gamot na sinasaksak sa ‘kin.”Nagkatinginan iyong tatlo at lumapit pa kay King pagkatapos.“Dapat ipahinto mo na ‘yon, baka masira lang ang ulo mo dahil sa mga gamot,” mahinang suhestiyon ni Dark.“Oo nga, mabuti at hindi na masyadong matapang ang gamot na ibinibigay nila sa ‘tin. Ewan ko bakit dito kay King, parang hindi nababawasan,” ani Stefan.“Pinag-uusapan pa ninyo ‘yan, alam ninyong kaunting marinig ni ama sa &
Kung saan-saan kami nagsusuot-suot ni Arisa, kailangan naming makahanap nang gumagawa ng sandata. Nagtatanong-tanong na rin kami at madalas ang itinuturo nila ay ang mga panday raw dito sa bahaging ‘to malapit sa isang circus, pero sarado pa sila sa mga oras na ‘to. Pero iyong mga kubol na malapit naman dito ang pakay namin dahil sa mga manggagawa ng sandata.“Sa tingin mo ba ay epektibong Vampire weapon ang makukuha natin?” tanong ni Arisa.“Puwede naman nating ipagawang Vampire Weapon ang makukuha nating sandata. Pinakamahalaga iyong magkaroon lang tayo nang matibay na sandata. Marami na rin nagsasabi sa ‘tin na dito tayo makakakapagpagawa ng magandang kalidad ng sandata dahil talagang mga blacksmith na sinauna ang mga paraan nang paggawa rito.”Pumasok na kami sa isang kubol.“Magandang hapon,” bati ko sa loob.Isang malaking lalaki ‘yon na putok na putok ang katawan at mukhang talagang
“Ano sa palagay ninyo, maayos ba ang sandata?” tanong ni Ajax sa dalawang babae.“Excited na ‘kong makita ang finish product!” Natutuwang sabi ni Arisa.“Tamang-tama ang napili mo para sa ‘yo, hindi ka mahihirapan makipaglaban dahil sakto lamang sa bigat ng iyong pangangatawan. Iyon naman ang pinakamahalaga, iyong magamit mo ang sandata mo kesa maging isang display lamang,” sabi ni Ajax kay Arisa.Nangiti naman si Arisa sa naging papuri nito.“Ikaw naman, medyo malakas ang gusto mong sandata. Pero sa tingin ko ay hindi mo naman ito pipiliin kung alam mong hindi mo kakayanin, hindi ba? Mag-ingat ka lang dahil ito ay double bladed sword, ang ganito ay nakasusugat sa kalaban at maging sa mismong humahawak.”Nauunawaan naman ni Anastacia ‘yon, gusto talaga niya nang makapangyarihang sandata na hindi basta-basta mapuputol sa laban.“Mabuti pa ay magkape muna tay