Share

8

Flashback

"Oo!" sigaw ko."Ano ba ang pakialam mo kung ano ang gagawin ko sa katawang ito. Wala na akong maipagmamalaki pa! Nakuha mo na! Kung hindi mo ako mabibigyan ng pera ngayon, aalis na ako. Baka sakaling makahanap pa ako ng pera sa ibang lalaki," pagsisinungaling ko.

Sa estado ko ngayon na parang dinurog na luya ang buong pagkatao ko, malabong magawa ko pang maghanap ng ibang lalaking bibili sa akin.

Iika-ikang tumayo ako mula sa pagkakaluhod para sana magbihis na pero pinigil niya ako sa braso at itinulak pahiga sa kama. Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang ako sa abuhing mata ni Cholo habang nasa ibabaw ko siya.

"A-anong ginagawa mo?" naaalarma kong tanong nang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin.

"You are not going anywhere else, Karina. You're right. I did not force you. You came here in your own mind and offered yourself to me. I paid half of you and I'm willing to pay more than the full payment just because I felt conscience for a moment. I'm altruistic and money is not the problem. Now let's finish what we started."

Walang babalang sinakop niya ang mga labi ko sabay hablot ng kumot paalis sa katawan ko. Tumambad uli ang h***d na katawan ko na agad nitong hinawakan at pinisil.

Sa bawat paglalim ng halik niya ay may napapansin ako. Hindi na ito marahas. Parang may nararamdaman pa nga akong konting lambing sa paraan ng paghalik nito sa akin.

Bumaba ang labi ni Cholo sa leeg ko. Medyo nakiliti pa ako sa magaspang na texture ng balbas nito sa baba. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit na hininga ng lalaki na tumatama sa dibdib ko habang hinahalikan niya ito.

Nagpaubaya ako at ikinapit ang kamay sa balikat nito. Ang sabi ni Missy, magugustuhan ko rin daw kalaunan ito lalo na kung magaling sa kama ang lalaki.

Siguro nga ay napakagaling ni Cholo dahil umuungol na ako mayamaya. Wala naman akong mapagkomparahan dahil ni isang boyfriend ay hindi ako nagkaroon. Kahit nga siguro crush ay wala ako. Doon lang namulat ang mundo ko sa romantikong paraan nang masilayan ko si Cholo sa kalsada isang araw.

Nagtitinda ako noon ng mga palamig sa kanto nang malingunan ko siya sa loob ng naka-park na sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakababa ang bintana ng mamahaling sasakyan nito at nakalabas ang maputing kamay na may hawak na sigarilyo.

Na-curious ako dahil sa iilang beses ko nang pagtatambay doon sa parteng iyon ng Cerro Roca ay ngayon pa lang ako nakakita nang ganoon kakinis na kamay ng lalaki at ganoon kagandang kotse.

At nang bahagya itong lumingon sa gawi ko, parang may naghahabulang kabayo sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito. Hindi ako agad nakakilos at parang nababatong balaning nakatingin lang ako sa lalaki na noon ay nakangiti na dahil sa sinasabi ng kausap nito sa gilid na hindi ko makita sa puwesto ko kaya lumabas ang mala-artista nitong ngiti at mapuputing ngipin.

Mula noon ay halos araw-araw ng laman ng panaginip ko ang lalaki. Parang baliw na natutulala at napapangiti ako sa gilid sa tuwing naaalala ko siya.

Kaya naman wala sa hinagap ko na ang lalaking lihim na minamahal ay nandito na sa ibabaw ko at pinapaligaya ako. Kailanman ay hindi ko naisip na magkakatotoo ang wildest dreams ko. Hindi man ideal ang sitwasyon at wala man sa hulog ang aming pagkakakilala pero alam kong habambuhay kong aalalahanin ang sandaling ito.

Hindi ko na mapigilan ang sarili kaya kahit anong kagat ko sa labi para hindi lumabas ang boses ko ay napapahalinghing talaga ako lalo na kapag dinidilaan at nilalaro nito ang nipples ko.

Napaigtad ako nang dumako ang kamay niya sa kaselanan ko at doon ay naglumikot. Parang gumuguhit ng bilog ang mga daliri nito sa nakausling laman. Naramdaman kong may umagos sa akin na mainit at malapot na likido.

Napahigpit ang yakap ko sa matigas na braso ni Cholo na para bang gusto ko siyang pitpitin dahil sa hindi ko maipaliwanag ang kiliti at sarap na nararamdaman. Ikiniskis ko ang hita sa pantalon nito para maibsan ang init na unti-unting tumutupok sa kamalayan ko.

"Cholo..." tawag ko sa pangalan niya.

Tumigil ito sa ginagawa kaya nagmulat ako ng mga mata. Nakatitig siya sa akin, may naiibang kislap sa mata at naglalaro ang hindi ko mabasang emosyon sa mukha nito.

"B-Bakit?" tanong ko nang punasan niya ang naiwang luha sa pisngi ko.

"I liked the sound of it."

Nalilito at habol ang hininga na tiningnan ko siya. "H-Ha?"

Ngumiti ito saka ipinagpatuloy ang ginagawa ng kamay nito kanina kaya napapikit uli ako at napaungol na naman.

Tumaas ang isang kamay niya sa tiyan ko at pinaraanan ito nang mabining haplos patungo sa dibdib habang patuloy pa rin ang ginagawa nito sa ibaba ko.

"Cholo..." anas ko nang parang may puwersang naiipon sa may puson ko. Hindi na rin ako mapakali. Parang alipin na niya ang katawan ko. Parang puputok na ako sa tindi nang ipinapalasap niya sa akin. Hinihila ako pataas ng kung anong pwersang hindi ko mapangalanan.

Hinalikan niya ang tenga ko saka bumulong.

"I liked it when you say my name. It's sexy," sabi nito saka bumaba uli para balikan ang dibdib ko na ngayon ay medyo namumula na sa kakasipsip nito kanina.

Napangiwi ako nang ipinasok niya ang isang daliri sa loob ko. Masakit pa rin. Agad naman nitong napansin ang reaksiyon ko kaya hindi na nito itinuloy at bumalik na lang sa naunang ginagawa.

Hinalikan uli niya ako sa labi bago sinabing "I hope you're enjoying" sabay ngisi. Nag-iinit ang mga pisnging nag-iwas ako ng tingin. Dumako ang tingin ko sa suot nito. Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya naghuhubad.

Naalarma ako nang mas bumaba pa ito hanggang sa gitna ng aking mga hita. Aalis sana ako sa pagkakahiga para pigilan ito sa binabalak nang tumingin siya sa akin nang matiim at umiling. Parang maamong tupa na inabandona ko ang iniisip at naghintay na lang sa maaaring gawin nito.

Hinalikan nito ang bandang ibaba ng hita ko habang nakangising nakatingin sa akin. Malaswa ang itsura naming dalawa pero wala akong nakikitang mali. Sa ngayon ay wala akong gustong mangyari kundi patuloy na titigan si Cholo sa mga ginagawa nito sa katawan ko na nakakapagpapabaliw sa akin.

Susulitin ko na ang pagkakataong ito dahil alam kong ito ang una at huli.

Alam kong pagkatapos ng gabing ito, kailangan ko nang maglaho at lumayo. Babaunin ko na lang na isang magandang alaala ang pangyayaring ito na patuloy kong babalikan sa isip. Iisipin ko na lang din na minsan sa buhay ko ay natupad ko ang pangarap na makasama ang binata. Na naabot ko rin ang isa sa mga pinapangarap ko sa mundo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status