ログインNabitawan ko ang phone ko sa sahig. My heart was pounding against my ribs like a trapped animal. Lumingon-lingon ako sa paligid, pilit na binabagtas ang usok at ang mga taong nagtatakbuhan. He’s here. He has a gun and he’s watching us like a predator watching its prey. "Liana! We need to go!" sigaw ni Mark, sinubukang hilahin ako patungo sa kabilang pintuan. "No, Mark! He's here! He's going to hurt you!" sigaw ko pabalik, ang boses ko ay halos malunod na sa ingay ng paligid. "I don't care! Your safety is my priority!” Nagpatianod ako sa hila niya hanggang sa makarating kami sa loob ng suite ko. Pinalilibutan na kami ng mga security team ko pero wala akong maramdamang kaligtasan. Pakiramdam ko'y nasa tabi ko lang si Lucas, pinapanood akong mabalisa. Naupo ako sa gilid ng kama, hawak-hawak ang nanginginig kong mga kamay. He’s not just playing a psychological game anymore. He is dangerous. He’s a man who’s willing to kill just to keep his claim on me. "Liana, look at me," hawak ni
Mabilis akong umalis sa bathtub at nagbalot ng robe habang nanginginig ang buong katawan. Bago ako lumabas ng banyo ay sinilip ko muna ang bawat sulok nito, pati ang siwang ng mga air vents at ang gilid ng mga vanity mirrors. Wala talaga akong nakitang camera. "Bwisìt ka, Lucas! Nasaan ka?!" sigaw ko sa kawalan, pero tanging ang tunog lang ng aircon ang sumagot sa akin. Sa huli, nahiga ako sa kama at problemadong nakatulog. Sa mga sumunod na araw ay parang naging aligaga na ako. Maya't maya kasi ay may texts ang bwisīt na ’yun, pinapaalala kung gaano siya nakatutok sa bawat galaw ko. Pagdating ng Grand Launch ng Laham, alerto akong pumunta. Ang venue ay sa isang enggrandeng ballroom ng isa sa kilalang five-star hotel sa Makati. Puno ng mga bulaklak na anahaw at mga telang abaka na siningitan ng mga modernong disenyo ang paligid Napaka-sophisticated, napaka-elegante, isang malaking sampal sa katotohanang ang inspirasyon nito ay ang dampa kung saan niya ako kinulong. "Ma'am Liana, y
Kinagabihan, hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakababad sa bathtub. Ang bango ng lavender oil ay hindi sapat para pakalmahin ang nanggagalaiti kong sistema. Nakatitig lang ako sa kisame, hinahayaan ang mainit na tubig na yakapin ang katawan ko, pero ang isip ko ay kung saan-saan na napapadpad. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at mabilis na hinanap ang pangalan ni Lana. Alam kong ilang beses ko na siyang tinanong kung alam ba niya kung nasaan ang demonyo niyang kapatid-kapatiran, pero hindi ako susuko. Kailangan kong may mapiga sa kaniya. "Hello, Liana?" sagot ni Lana sa kabilang linya. "Napatawag ka?" "May balita ka na ba kay Lucas? Nagpakita ba siya sa inyo? O kahit text man lang?" sunod-sunod kong tanong habang marahas ko nang hinihilod ang braso ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng kapatid ko sa kabilang linya kaya tumigil muna ako. "Liana, alam mo namang tatlong taon na kaming walang balita sa kaniya simula nung... alam mo na. Kahit si Caleb, hindi na siya
Kahit binalot na ako ng inis ay sineryoso ko pa rin ang shoot, kahit pakiramdam ko’y para akong sinasakal tuwing sinusuot ko ang damit mula sa koleksyon ng Laham. Ang mga tela ay malambot, oo, pero sa paningin ko ay para na itong mga basahan mula sa nakaraan ko sa Bangon. "Beautiful, Liana! Give me more of that angry but elegant look!" sigaw ng photographer. Hindi na iyon kailangan sabihin pa sa akin dahil ang mga titig ko sa camera ay punong-puno na ng pagbabanta para kay Lucas, fierce kung fierce. Kung nasaan man siyang lupalop ng mundo ngayon at pinapanood ang mga raw shots na ito, gusto kong makita niya sa mga mata ko kung gaano ko siya gustong saktan ngayon. Bagsak ang katawan ko sa upuan ng dressing tent nang 15 minutes break namin. Inabutan ako ni Mark ng tubig pero tinabig ko lang ito. "Liana, kailangan mong kumalma. Baka atakihin ka sa puso niyan," paalala ni Mark. "Paano ako kakalma, huh? Anong real home ang pinagsasabi ng g*gong 'yun?!" asik ko. "And the nerve to call
"Liana, sigurado ka ba rito?" tanong ni Mark habang lulan kami ng van patungo sa isang liblib na bahagi ng Rizal. "Kung alam mong kay Lucas ‘ito, bakit ka pa pupunta? This is a trap! It’s Bangon all over again!" "Puwede ba, Mark? Hindi na ako ang tatanga-tangang Liana na nauto niya," malamig kong sagot habang tinitingnan ang sarili sa maliit na salamin. "Kung ito lang ang paraan para lumabas siya sa lungga niya, papatulan ko na. I want him to know that he can't hide behind some cheap reversed-name brand forever." Laham… Mahal... Nandidiri ako sa tuwing naiisip ko kung gaano siya kabilib sa sarili niya na laru-laruin ako. Pagdating namin sa location, bahagya akong natigilan nang makita ang set-up. It was a meadow, surrounded by towering trees and a small, crystal-clear stream. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang sinet-up na maliit na dampa na itinayo sa gitna, sinadyang ginawang replika ng dampa namin sa Bangon. Ang pinagkaibahan lang ay mas maganda ang materyales nito. "Ma'am
Pinaharurot ko ang sasakyan pabalik ng Maynila na para bang doon ko nilabas lahat ng inis ko. Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang bawat salita sa sulat na iyon. Hindi lang iyon dahil parang naririnig ko ang boses ni Lucas na sinasabi iyon mismo sa akin. Monteclaro…. Mahal…. He has the audacity to use my name and that endearment in the same breath! Ang kapal talaga! Ang kapal ng mukha niya! Pagdating ko sa penthouse ko sa BGC, sinalubong agad ako ni Mark na may nag-aalalang mukha. "Anong nangyari? Nakita mo na siya doon?" "Wala siya roon!" pabulyaw kong sagot sabay hagis ng bag ko sa sofa. "He knew. He freaking knew I was coming! At may gana pa siyang mag-iwan ng sulat!" Kinuha ni Mark ang nayukot na papel at binasa iyon. "Hindi pa ito ang tamang oras para magkita tayo? Totoo ba ’to? Siya talaga nagsulat?" “Oo dahil sulat-kamay niya ‘yan!” madiin kong sabi habang hinuhubad ang aking heels. " That d*mn bast*rd! If he wants to play hide and seek, then fine. I’ll make sure he’s







