Share

KABANATA 06

Author: Alwida Alem
last update Last Updated: 2025-09-16 11:12:49

Nyx's POV

"Anong ibig mong sabihin, doc?" tanong ko, puno ng kaba at tanong ang isip.

"Kailangan nating mag-usap nang personal para mas maintindihan mo." Paliwanag niya bago pinatay ang tawag—marami pa raw siyang pasyente.

Halos bumigay na ang tuhod ko pero pinilit kong magpakatatag. Humarap ako sa salamin, halos walang kulay ang mukha. Naghilamos ako at inayos ang sarili, pilit na ngumiti kahit sa loob-loob ko'y parang mababaliw na.

Ang dami kong tanong. Nagpa-raspa na ako, kaya ano pang nakita ni doc sa resulta ng test?

Bago pa ako makalabas, bumungad si Ate Nixie kaya napatigil ako. Ang strawberry niyang pabango ay agad pumasok sa ilong ko.

Nasusuka ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa ideya na nandito siya o hindi kaya ng sikmura ko ang pabango niya.

Tiningnan ko ang kanyang kabuuan. Kuhang-kuha ang hubog ng kanyang katawan sa suot niya na pulang gown. Na para bang pinagawa iyon para sa kanya.

Kaya pala hindi magkasya sa akin iyon.

Gusto kong matawa sa inis. Inis para sa sarili dahil naging bulag ako sa loob ng maraming taon.

"So...you're working with me." Usal niya. Kinuha niya ang powder mula sa wallet at nag-retouch sa harap ng salamin. Nang matapos, tumingin siya sa akin, nakapout pa. "Kawawa naman ako."

Ngumiti ako ng plastik kahit naglalagablab na ang loob ko.

"Pareho lang tayo," bulong ko. Lumapit pa. "Kung ayaw mo sa akin, gano'n din ako."

Biglang nanlisik ang kanyang mga mata, nagngitngit ang bagang.

Nagtagal ang titigan naming dalawa, walang gustong bumitaw.

Pero kumabog ang dibdib ko sa biglaang pangyayari nang hinawakan niya ang kamay ko—at ginamit iyon para sampalin ang sarili, saka siya bumagsak sa sink.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang bilis ng galaw niya, hindi ko man lang naagapan.

"A-anong—" nangangapa ako ng salita.

Bumangon siya kaya kita ko kung paano umagos ang kunting dugo sa ulo. Parang dumilim ang paningin ko nang makita ang dugo. At biglang natriggered ang alaala ko…ang anak ko.

"A-ate..." bulong ko, papalapit, pero isang marahas na hila ang pumigil sa akin.

"Mav!" namimilipit na sigaw ni ate.

“Nixie—" mabilis siyang nilapitan ni Maverick, inalalayan at sinuri.

Nagtagal ang tingin niya sa dugo. Tapos ay dumapo ang tingin niya sa akin. Malamig ang kanyang tingin, nakapako sa akin na parang kaya akong patayin kahit anong oras.

Hindi na niya kailangang magsalita upang alamin ko kung anong iniisip niya.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Halos hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan.

"Ang sakit, Mav," daing ni Nixie, hawak ang ulo kung saan siya tumama. Kaya naman biglang bumaling ang tingin ni Mav sa kanya.

Hindi ko iyon ginawa. Hindi ko kayang gawin iyon kahit malaki ang galit ko sa kanila. Pero alam ko na kahit anong paliwanag ko, walang saysay kasi hindi naman ako pakikinggan ni Mav lalo pa’t kung tungkol kay ate.

The muscle in his jaw twitched.

"If something happens to Nixie, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo." Ang lamig ng boses niya'y dumiretso sa mga buto ko.

Hindi ako nakapagsalita. Kinuha niya si ate at iniwan akong tulala sa loob ng banyo.

Gusto kong ipagtanggol ang sarili. Pero ang mga alaala ng nakaraan paulit-ulit lang na bumabalik. Ang anak ko.

Humakbang sana ako, pero hindi gumalaw ang mga paa ko. Nanginig ang tuhod ko, bumagsak ang bigat sa katawan. Mahigpit ang kapit ko sa sink, para lang manatili akong nakatayo.

***

"Sinasabi ko na nga ba't nasa loob ang kulo!"

"Obsessed na talaga siya kay sir."

Ilan lang iyon sa mga salitang naririnig ko habang naglalakad papunta sa pwesto ko. Pinipilit kong huwag pansinin, pero mas lalo lang lumalakas. Pati iyong tinuturuan ko, lumalayo na.

"Dito ka na lang, Rachel," tawag ni Stephanie. "Baka may mangyari pa sa'yo."

And Rachel went to her—hindi man lang lumingon sa akin na para bang mayroon akong nakahahawang sakit.

Pagkaupo ko sa swivel chair, mariin kong pinikit ang mga mata, binibilang ang bawat hinga. Hindi ko sila papansinin. Kilala ko ang aking sarili.

Wala akong kasalanan. Alam ko 'yon. Pero lahat sila—tila nakalimutan na minsan naging mabuti rin ako sa kanila. Na ako ang gumagawa ng mga gawain dapat nila.

Natapos ko na halos lahat ng tinuturo kay Rachel via email. Sinabi ko ang bawat steps upang maging maayos ang trabaho niya dahil ayaw ni Mav na may makita siyang mali. Kahit isa lang.

Bukas ay aalis na rin ako dito. Kaya titiisin ko na lang ang mga mapanghusga nilang mga mata at matatabil na dila.

Nilulong ko ang sarili sa trabaho na pinagawa ni Maverick—hindi niya alam na aalis na ako kasi hindi naman niya nakita ang resignation letter ko. Mas mabuti nang magpakaabala kaysa pumatol pa sa mga intriga ng mga tao sa paligid.

Eksaktong 5:00 p.m., natapos na ako. Nagligpit ng gamit at tumayo.

All eyes were on me. Sanay silang nag-oovertime ako—dati, gusto ko kasi na makasabay si Maverick sa elevator, para lang masulyapan siya, malanghap ang amoy niya. Kasi kahit nasa iisang bahay pa kami nakatira. Minsan lang magcross ang landas namin at tuwing gagamitin niya lang ang katawan ko.

Natatawa na lang ako sa kahibangan ko dati.

Pinindot ko ang ground floor. Nang magsara ang pinto, nawala ang bulungan.

Tapos na ako sa pagiging martyr na asawa. Sa pagiging mabait. At higit sa lahat sa pagiging tanga.

***

PAG-UWI ko, madilim ang bahay. Siguro ay nasa ospital sila at doon na maturulog. Mas mabuti iyon. Payapa ang gabi ko.

Naglinis ako ng katawan, pagkatapos nagluto ng pagkain para sa sarili. Nagpatugtog pa ako ng musika habang nagluluto. Tahimik. Wala akong iniintindi.

Mas payapa pala kapag ikaw lang mag-isa. Mas nakakagaan ng loob. Wala akong inaalala na kahit ano. Hindi ako nag-iisip kung anong ginagawa niya o saan siya.

Matapos kumain, naghugas ako ng plato at niligpit ang kusina.

Bukas ng hapon babalik ako kay doc upang pag-usapan namin ang sinasabi niya. Kapag natapos ko nang iligpit ang mga gamit ko sa opisina.

Umupo ako sa aking kama habang hawak ko ang tablet, naghanap ng bagong trabaho online. Habang nag-scroll, biglang tumunog ang cellphone.

Unknown number. Kumunot noo ko—pamilyar, pero di ko agad maalala kong sino pero sinagor ko.

"Hello?"

"Nyx Dela Cruz." Buo at malalim ang boses. Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino iyon.

"L-Liam?"

Bago pa man ako muling makapagsalita, may boses na umalingawngaw sa loob ng kwarto.

"Sino si Liam?"

Napatingala ako. Nagtagpo ang mga mata namin ni Maverick.

Parang may nakadagan sa dibdib ko, pigil ang bawat hinga. His eyes blazed with fire.

At doon ko lang naamoy—alak. Matapang, mapait, dumidikit sa kanya. His lips, his breath.

Napatigil ako. Dahil alam ko. Kapag lasing si Maverick—hindi na siya mahulaan. At hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan…

Ang aking sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 84

    Nyx's Point of View NAKATINGIN lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may kaba at inis na nagsasabay sa dibdib ko. Ano bang aaminin niya? Bumuka ang kanyang labi, tapos biglang ipagdidikit muli. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. In the end, he sighed in exasperation before finally speaking. "Nixie and I... are over. Really over." Napangiwi ako. I blinked, just to make sure I heard him right, pero wala siyang idinugtong. Iyon lang? Akala ko naman ay isang malaking rebelasyon na gugulantang sa amin. "O-okay?" I hesitated. Tumango lang siya, walang paliwanag. Iyon na 'yon? Wala nang iba? I shook my head, pinipigilan ang buntonghininga. Masyado lang siguro akong nag-expect. He b

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 83

    Nyx's Point of View I stared blankly at my phone. Kung nagsasalita lang siguro ito, baka kanina pa siya nahihiya sa ginagawa kong pagtitig. The message. The unknown name. I wanted to know who he was... but I was afraid of what I might discover. May hinala akong si Maverick iyon, pero parang imposible naman. I groaned softly and slapped my forehead. Ang dami ko ng problema sa buhay, dinagdagan pa ng kung sino mang walang magawa sa oras. I was still staring at my phone when it suddenly rang. It was Liam. Matagal bago ko sagutin dahil nagdadalawang-isip pa ako, but in the end, I did. "Napatawag ka, Liam?" iyon agad ang bungad ko habang sinagot ang kanyang tawag. "How are you?" paos ang boses niya, halatang pagod pero sincere. "Ayos ka lang ba diyan?" "I'm fine, Liam." "Is he hur

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 82

    Nyx's Point of ViewTIME slows down as I watch the hands of the clock move. Kanina pa ako nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding, pero gano’n pa rin. Parang hindi nga humahakbang ang oras. Tanging tik-tak lang ng orasan ang naririnig ko.Hindi pa bumabalik si Maverick simula kanina. Nakaligo na ako, nagbihis, kumain ulit pero wala pa ring bakas ni Maverick.At hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba siya hinihintay. Ewan, parang may gusto lang akong marinig mula sa kanya.But I tried to erase it in my mind. Hindi ko na dapat iniisip pa si Mav. Malaki na siya kung nahuli siya ni Nixie na nagloloko, labas na ako ro’n.Tinawagan ko si Nathaniel nang makapag-ayos na ako ng sarili bago matulog. Gabi na rin kasi at dinadalaw na ako ng antok.Dumapa ako sa kama, naka-on na ang MacBook, at nag-video call ako kay Nanay Alejandra sa WhatsApp.Nanay answered, at ang unang bumungad sa screen ay si Nathaniel na namumugto ang mat

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 81

    Nyx's Point of View WALA akong ibang inisip buong araw na iyon ay kung paano ako ipinagtanggol ni Maverick laban sa mga magulang ko. He knew Nixie wouldn't want our parents to be disrespected, not even by me. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na rin na... hindi ko kailangang itama lahat ng gusto nila. I've realized a lot of things, kaya nag-iba na ang prinsipyo ko sa buhay. Some things are meant to be buried forever. Pero si Maverick... huminga ako nang malalim, pinilit kong alisin siya sa isipan ko. Hindi ito maganda. Mali itong nararamdaman ko. Maybe he was just trying to be nice to me? My lips pressed into a thin line, trying to convince myself that everything would be fine. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang boses niya. The way he said my name. The way he stood for me. Bakit napakalaki ng epekto niya sa akin? Dahil ba... kahit minsan, noon ay hind

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 80

    Nyx's Point of View HINDI ako tumayo.Hindi dahil wala akong galang kundi dahil hindi naman nila deserve ang respeto ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Noong naging asawa ko si Maverick, ni minsan, hindi ko naramdaman na may respeto sila sa akin. Kasi kay Nixie umiikot ang mundo nila. Kasi mas kailangan daw ni Nixie si Maverick. Harap-harapan nila akong hindi pinahalagahan. Nakatitig lang ako sa kanila. Ni hindi ko magawang ngumiti o magalit. Wala lang talaga akong pakialam pero alam kong sa loob ko ay pinipigilan ko lang ang aking sarili. Akala ko kapag nagkita kami ulit, I would be fuming mad but instead, I just stared at them like it was nothing. "Aren't you going to say hi to your mother and father?" Mom's voice was light, but her smile was forced. I knew that kind of smile, the one that hides disgust behind sweetness. Katulad ni Nixie, ganoon si M

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 79

    Nyx's Point of ViewHINDI ko siya pinansin sa buong lakad namin. Kasi napapansin kong may kung ano pa ring epekto siya sa akin sa tuwing magkalapit kami.Kahit simpleng paglapit lang niya, parang may kumikirot, may kumakalabit sa nakaraan. At hindi ko iyon nagugustuhan. Dinala niya ako sa isang malayong lugar, somewhere quiet. Hindi ko sigurado kung tama ba itong ginagawa namin. Pero... nagtitiwala pa rin ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung dapat pa nga ba.Bahala na nga.Pumasok kami sa isang maliit na café sa Italy, malapit lang sa Verona — the city of Romeo and Juliet. Hindi ko alam, pero under the Verona sky, love always felt like a promise and a curse. Gaya ng dalawang taong nagmamahalan ngunit sa huli ay nabigo pa rin. Umuulan nang marahan. Pagpasok ko pa lang, agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng kape, ‘yung halong aroma ng espresso beans at ulan sa labas. May kung anong lungkot at init na sabay sumagi sa dibdib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status