MasukNakakapagod ang araw na ito. Masyado nang mahaba para sa akin dahil sa dami ng nangyari.Namamanhid na ang buo kong katawan, pero hindi ko magawang makapagpahinga nang maayos dahil sa anak kong inaapoy ng lagnat ngayon.Hindi ko na nga maalala kung paano kami nakarating sa villa na nakalaan para sa mga Salazar.Sa sobrang dami ng nangyari, hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin kong isipin.Bumalik ako sa La Union nang biglaan.Nagkaharap ulit kami ni Xavier pagkatapos kong malaman na ikinasal na siya sa kaibigan kong si Mia.Muli kong nakita ang mga dati kong kakilala.At higit sa lahat, nakita at nakausap ako ni Kuya Daniel. May posibilidad pang alam na niyang may sarili na akong pamilya.Paano ko pa haharapin ang lahat?Sirang-sira ang pagkatao ko nang umalis ako rito. Nagkasabay-sabay ang lahat. Hindi ko nakayanan ang mga nalaman ko kaya naman mas pinili kong takasan iyon.Pero sa pagbabalik kong ito, kahihiyan muli ang sasalubong sa akin.Tahimik na nakaupo si Gale sa gilid ng
Biglang parang naging napakaliwanag ng buong paligid dahil sa ilaw na nakatutok sa aming dalawa ni Gale. Napapikit ako nang bahagya habang sunod-sunod na kumikislap ang mga camera sa aming harapan. Ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatutok sa akin, pero mas mabigat pa rin ang kamay ni Gale na nakapulupot sa aking bewang. Gusto kong mawala. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na ito. Pero wala na akong mapagtataguan. Nakita na nila ako. "𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘎𝘢𝘭𝘦 𝘙𝘦𝘺 𝘚𝘢𝘭𝘢𝘻𝘢𝘳?" "𝘐𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯, 𝘯𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘭𝘪𝘺𝘢𝘩 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘭𝘢𝘻𝘢𝘳!" "𝘕𝘢𝘨𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢... 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢'𝘵 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢." "𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘪 𝘟𝘢𝘷𝘪𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘵𝘢?" "𝘚𝘰, 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢?" Ang bawat salitang naririnig ko ay parang matulis na bagay na humihiwa sa tahimik kong kalooban. Hindi na nila ako tinantanan. Hindi ko alam kung
Bakit kailangan ngayon pa?May pagmamakaawa akong nakatitig kay Gale. Umaasang mababasa niya ang gusto kong mangyari—ang 'wag siyang gumawa ng gulo.Sobrang nanghihina na ang aking mga tuhod ngunit kailangan kong magpatuloy. Sa aking likod ay ramdam ko pa rin ang mapanuri nilang mga matang nakasunod sa akin.Nagpatuloy ako sa paglalakad.Balak ko sana siyang lagpasan. Pagod na ako para sa isa pang drama. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Imposible namang hindi alam ng mga narito na ang batang nagtawag sa akin ng Mommy ay isang Salazar.𝘊𝘩𝘪𝘤𝘰, 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘶𝘭𝘵.Hindi dapat ako naiipit ngayon kung hindi niya ako dinala rito. Alam naman niyang ayaw kong bumalik. Pakiramdam ko tuloy ay trinaydor ako ng sarili kong kaibigan dahil dinala niya ako sa mga taong pilit kong pinagtataguan.Ngayon, hindi lang ang mga magulang ko ang dapat kong problemahin, pati na rin ang mga dati kong kakilala na uhaw sa mga kasagutan. At higit sa lahat—si Gale na kaunting galaw na l
Hindi ako gumalaw habang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya sa akin—iyong malambing na ngiting alam mong plastik kapag napagmasdan mo nang mabuti."Whose child is this?" tanong niya habang maamong lumingon sa aking anak.Tiningnan siya ni Niko. Minamata ng bata ang matabang babae sa aming harapan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang bumaba ang kaniyang paningin sa tiyan nito bago ako nagtatakang nilingon."Mommy, is this lady pregnant? Her tummy is so big!" malakas na tanong niya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kaniyang harapan.Narinig ko ang mahinang tawanan na sinundan ng bulungan ng mga tao sa paligid.Mahigpit kong niyakap ang aking anak. Nang pasadahan ko ng tingin ang mga taong naroon, kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata nila."Sweetheart, stop it," suway ko sa aking anak.Agad naman niyang isiniksik ang kaniyang mukha sa mismong leeg ko. Naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan—hindi nga maganda ang pakiramdam ng anak ko.
Nagsimulang manginig ang aking kalamnan. 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘬𝘰, 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘰? "N-Nasaan kayo?" Dahan-dahan akong tumayo at kinakabahang nilingon ang nakatatanda kong kapatid. Nagtataka siyang sumunod sa aking pagtayo. "What's wrong?" Napakagat-labi ako. "N-Nandito kami ngayon sa—La Union kamo! Paano siya pupunta rito?" naiiyak na tanong ni Anding kay Menggay sa kabilang linya. "I want Mommy!" kasunod ang malakas na iyak ni Niko. Sumikip ang aking dibdib nang marinig ang hagulgol ng aking anak. Nagmadali akong naglakad pabalik sa loob ng resort. If I'm not mistaken, they're here too. "Saan kayo banda?" hinihingal na tanong ko. Paalis na ako nang maramdaman ang kamay ni Kuya na humawak sa aking braso para pigilan ako. Nilingon ko siya. "Where are you going?" "I-I'm sorry, kuya..." 𝘔𝘺 𝘴𝘰𝘯 𝘯𝘦𝘦𝘥𝘴 𝘮𝘦. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa anak ko. "I need to go..." "B-But—" Nanlalamig ang aking palad habang tinatanggal a
"Stop touching her!" Namutla si Xavier nang marinig ang galit na boses sa kaniyang likuran. Hindi ako nakagalaw nang mabilis siyang lumapit sa amin. "Who gave you the right to even lay a hand on her?" galit na tanong niya bago pinilipit nang walang kaabog-abog ang kamay ni Xavier. Umalingawngaw ang nasasaktang sigaw ni Xavier sa may pasilyo. "K-Kuya, tumigil ka!" kinakabahang pakiusap ko. Lalapitan ko sana siya nang ipukol niya sa akin ang isang matalim na tingin. Napalunok ako at napatigil sa kinatatayuan. Muli niyang ibinalik kay Xavier ang kaniyang galit na titig. "How dare you touch my princess?" nanginginig sa galit na asik niya. Mabuti na lang at binitiwan din niya agad si Xavier. Mabilis na lumapit sa akin si Kuya Daniel. Hinawakan niya ako sa aking mga balikat. "Ayos ka lang ba?" seryosong tanong niya. Nang hindi ako agad nakapagsalita, mas tumalim pa ang titig niya bago muling ibinaling ang tingin kay Xavier. "Ano pang ginagawa mo rito? Alis!" Kumuyom a
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit







