Tumayo siya at hinarap ako, blocking my view of my friends. Loud gasps were heard when he suddenly kneel down in front of me, like he's begging for something. Nagulat ako at kinabahan sa ginawa n'ya. Ni hindi ko namalayan na nagpipigil na pala ako ng hininga habang hinihintay ang mga susunod niyang gagawin o sasabihin. Kay lakas ng kalabog ng dibdib ko habang sinasalubong ang mapupungay niyang mga mata. "Conrad..." I held his hand to stop him but he still did. I wanted him to stand up pero sa tigas ng braso niya ay 'di man lang siya gumalaw nang subukan kong hilahin pataas.Wala siyang kasalanan sa akin kaya bakit siya luluhod? Kung bakit iyon ang una kong naisip ay dahil sa paghingi niya ng tawad kanina. He also has said he's gonna take care of us, but I don't think it is the reason why he's doing this. He clearly wants us to take it slow. Probably because of my situation. At sa nakikita ko sa mga mata niya; the sadness, longingness and love... told me he's indeed doing this because
Kung gaano siya kasarap magmahal, ganoon din s'ya kasarap magluto. Conrad prepared every single meal we shared since day one. Nang malaman niya kasi na puro food delivery lang from different food shops ang in-o-order ko for my meals and snacks before, he freaked out lalo na't hindi makakabuti sa magiging babies namin, at sa akin, ang mga kinakain ko, lalong-lalo na ang mga cravings ko. Paano ba naman kasi, fries, milk tea, pizza, burgers, pastas, fried chicken, and the likes lamang ang pumapasa sa sikmura ko, the rest, sinusuka ko kahit sa amoy pa lang.Kaya nga laking gulat ko sa sariling gustong-gusto ko lahat ng mga niluluto n'ya para sa'kin, sa amin. From the inviting smell, to kanin to ulam, pati sa mga healthy snacks at desserts, talagang lahat na lang ng hinahanda niya sa hapag-kainan namin gustong-gusto ko which is so unusual!Pakiramdam ko nga, pag hindi s'ya ang nagluto, hindi masyadong masarap. At hindi rin ganoon ka-ganado ang kain ko. Hinahanap-hanap nga ng tiyan ko ang
"Isa pa..." dagdag niya na tila nagpabalik sa akin sa katinuan. He thoroughly dried my tears using his fingers na ikinatitig ko sa kanya. Hindi yata ako magsasawang pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Nasa kanya ulit ang buo kong atensyon, "Bakit naman ako maghahanap ng wala sa'yo, eh, alam ko na noon pa man na wala ka talagang talento lalo na sa pagluluto-and I see nothing wrong with that. Wala naman kasi sa kasarian ang pagluluto... same goes to paglalaba at pag-aalaga ng mga anak," natatawa niyang turan na parang natural lang talaga ang lahat ng iyon at kailanma'y hindi naging big deal sa kanya. Nginitian ko lamang s'ya saka nagbuntong-hininga. Somehow, I felt relieved with his words but at the same time ay nadismaya ako sa sarili ko- I realized kung gaano ako kababaw base sa mga tinuran ko kanina, at na-guilty dahil pinagdudahan ko pa talaga s'ya.Paano ba naman kasi, sa hirap ng panahon ngayon, ang hirap na talagang magtiwala. Iyong mga pangit nga, eh, nagloloko, itong ganitong h
Nang papalapit na kami sa entrance ng Mon Amour Beach Resort ay panay na ang tinginan naming magkakaibigan, lahat ay halatang sabik na sabik at 'di na makapaghintay na makapag-unwind.This is not our first unwinding vacay na magbabarkada pero ngayon lang kami ulit nag-outing after what happened to me 3 years ago at dahil na rin naging busy kami sa kanya-kanya naming personal reasons. Though, nag-me-meet up naman kami tuwing may free time ang lahat, o di kaya'y tumambay every week, lalo na nang ma-fully recovered na ako, which is usually sa malls, sinehan, KTVs or sa bahay ng isa sa amin lang na para sa amin ay masaya din naman.Ever since nag-aral ako ulit, sa school na kami nagkikita-kita at sinadya talaga naming magkapareho ang vacant namin kung maaari para makapag-update sa isa't-isa, lalo na at nag-aalala pa rin sa health condition ko itong mga kaibigan ko, kahit lagi ko namang sinasabi sa kanilang wala na silang dapat na ipag-alala tungkol sa'kin dahil kaya ko na ang sarili ko.
"Sana all!" parinig ni Zeke with matching tingin-tingin pa sa kisame. Nakaupo ito sa mini sofa ng kwarto di kalayuan sa kinauupuan ni Jia.Napatawa kaming lahat sa sinabi niya, parang si Jia kasi ang pinaparinggan nito pero ang kaibigan kong inosente ay sumabay lang sa amin ng pagtawa.Kawawang nilalang!Niyakap ako ni Conrad mula sa likod, ginaya ang posisyon nina Andrei at Yve na nakatayo di kalayuan sa amin. Nakangiti niyang pinapanood ang bagong love birds. Halatang masayang-masaya siya para sa dalawa."Pasensya na talaga, tol, pero hindi pwede," maya-maya'y sabi niya nang humupa na ang tawanan, nakangiti pa rin sa dalawa. "Iisang kwarto lang kami nitong misis ko kasi buntis siya. And she might need my help with everything. Buntisin mo muna kasi para maawa ako- aray!" impit niya nang tampalin ko siya sa braso nang may kalakasan. Loko-loko talaga! Tumawa pa nga kahit ang sama na ng tingin ko sa kanya. "Joke lang po, misis ko," nakangisi niyang sabi sa'kin. Marahan niyang kinurot ang
Higit isang oras na akong nakahiga pero 'di pa rin madalaw-dalaw ng antok. Itong mga kaibigan kong sinamahan lang ako sa pagpapahinga pa ang sarap na sarap sa pagtulog. The men were out. Mangingisda daw sila dahil maganda ang panahon. Si Conrad at Andrei ang nagyaya. Plano daw talaga kasi nila iyon bilang handa para sa tanghalian namin. For experience na rin. Niyaya rin nila kami sa beach to watch them but when I said I wanted to rest, my girl friends decided to go with me. And now we're here. "You sure okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Conrad nang sabihin ko kaninang magpapahinga muna ako. Hindi siya sumama agad kina Andrei para magbihis. Batid niya ang pag-iba ng mood ko after I talked to tita. Hinapit ng isang kamay niya ang bewang ko habang ang isa ay marahang pinipisil ang malaya kong kamay. Sa mga mata ko siya nakatitig. Umiling lang ako bilang sagot. I smiled a bit para hindi na siya mag-alala pa. But I guess it wasn't effective. Nakita ko ang pagguhit ng kaba at takot
Tamang-tama lang ang init ng panahon at 'di masakit sa balat. Ang sarap din sa paa habang naglalakad sa buhangin, we're carrying our flip flops while enjoying our walk. Pinong-pino at medyo mainit sa paa pero keri lang. White sand pa! Just like those nice beaches we've been na magbabarkada. But this time, is more than special. Kasama ko lang naman kasi ang pinakamamahal ko dito.Minutes ago ay napagdesisyunan naming tumambay muna sa beach. Speaking of him, halos magtatanghali na pala pero ni anino niya at ng mga kasama ay 'di pa rin namin mahagilap."Ay sus, nami-miss kaagad, eh ilang oras pa lang 'yong wala!" natatawang komento ni Jia nang sa 'di mabilang na beses ay napatanong ulit ako kung kailan babalik ang mga lalaki. Napanguso ako. Kainis, nami-miss ko na ang amoy ni Conrad. Naadik na yata ako sa kanya. Ewan, pero mula nang magsama kami sa iisang bubong, hindi na'ko napapakali pag 'di ko naaamoy ang natural na bango niya maya't-maya. Kaya ang ginagawa ko, nagdadala na ako ng
My birthday came.Sa mansyon namin ang venue. It was a grand party.Ayaw ko sana ng masyadong bongga na party kaso sina Daddy at Mommy, nagpumilit. Gusto raw nilang makabawi lalo na at panay ang business trips nila nitong mga nakaraan at lagi akong naiiwan sa condo o sa mansyon namin. They arrived two days ago, just after my finals, kaya nagdesisyon kaming maghiwalay muna ng tulog ni Conrad. We hated parting pero kailangan. 'Di nga kami halos magbitawan sa yakapan at halikan noong hinatid niya ako sa mansyon, few hours before my parents came home. He let me be with my parents, for now, alam niyang miss na miss ko na rin sila. Sa Condo siya nag-stay.I brought some of his shirts para kahit papaano ay matiis ko ang mga araw na wala sa tabi niya- kahit nangako kaming laging mag-uusap sa video call. Pero iba pa rin talaga pag magkasama kami. I kept missing him. I missed cuddling and kissing him before we sleep. And of course, our sexy time. Hindi na nga ako makapaghintay mamaya para mak