MasukSAMANTALA, sa kabilang dako ng Grey Wharf, unti-unting nilamon ng dilim ang lumang pantalan.Ang dating mataong lugar ay ngayon ay tahimik, basang-basa ng halumigmig, at napapaligiran ng mga abandonadong bodega na tila matagal nang kinalimutan ng mundo. Ang ilaw mula sa iilang poste ay mahina at kumukurap, nagbibigay ng aninong lalong nagpapabigat sa atmospera.Sa loob ng isang kalawangin at malamig na kulungan, nakasiksik si Bea sa sulok. Ang kanyang katawan ay nanghihina na sa gutom at pagod. Ilang araw na siyang walang maayos na kain, at ang lagnat ay patuloy na nagpapalabo sa kanyang paningin. Ang bawat paghinga niya ay mabigat, at ang kanyang balat ay malamig ngunit pinagpapawisan.Pakiramdam niya ay hindi na siya tatagal. Ngunit bago pa man tuluyang bumigay ang kanyang katawan, bigla siyang hinila palabas ng kulungan. Napahiyaw siya sa sakit nang marahas siyang igapos sa isang kahoy na poste sa gitna ng bakanteng lote. Ang makapal na lubid ay bumaon sa kanyang balat, nagdulot ng
NANATILI ang mabigat na katahimikan sa pagitan nila.Hindi gumalaw si Talia. Hindi rin siya nagsalita. Nakatitig lamang siya kay Mr. Gold, pilit inuunawa ang biglaang paglayo nito at ang malamig na distansyang tila itinayo ng lalaki sa pagitan nila.Samantala, si Caden ay nakatingin sa kabilang direksyon. Unti-unti niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kumot, malinaw ang pagpipigil sa bawat galaw. Ang tensyon sa kanyang katawan ay hindi maikakaila.Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya. “May asawa ka, hindi ba?” Kalmado ang kanyang boses, ngunit malinaw at matalim ang bawat salita, tila dahan-dahang tumatagos.Bahagyang natigilan si Talia. Napakurap siya, tila hindi inaasahan ang tanong. Gayunpaman, sa halip na umatras, bahagya siyang ngumiti. Isang ngiting mahirap basahin kung may halong panunukso o pagtatago.“I did,” mahinahon niyang tugon. “But not anymore.”Dahan-dahang humarap si Caden sa kanya. Ang kanyang mga mata ay malamig, ngunit sa kaibuturan ay may nagb
ISANG MAINIT na luha ang kusang tumulo mula sa mga mata ni Talia. Hindi niya iyon pinigilan at hinayaan lang niyang dahan-dahang umagos sa kanyang pisngi. Dahan-dahan siyang lumapit muli sa gilid ng kama at marahang naupo. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang maingat niyang pinunasan ang pawis sa noo ni Caden. Sa bawat pagdampi ng kanyang balat sa lalaki, mas lalo niyang nararamdaman ang init ng katawan nito. “Ang tigas pa rin ng ulo mo…” mahina niyang bulong, halos hindi marinig. Matapos niyon ay agad siyang kumilos. Kinuha niya ang medical kit sa gilid ng mesa at mabilis na naghanda ng gamot. Maingat niyang pinainom si Caden ng anti inflammatory medicine, saka naghanda ng maligamgam na tubig. Gumamit siya ng malinis na tela na binasa sa alcohol at dahan dahan niyang pinunasan ang katawan nito upang mapababa ang temperatura. --- LUMIPAS ang hindi matiyak na oras. Unti unti, ang mataas na lagnat ni Caden ay bahagyang bumaba at dahan dahan nitong iminulat ang mga mata. Ma
NANIGAS si Caden sa kinatatayuan.“Are you out of your mind?” mariin niyang saad, ang boses ay mababa ngunit may bahid ng galit at pag-aalala. Mabilis niyang hinawakan ang pulso ni Talia, tila nais itong pigilan sa anumang susunod nitong gagawin. “You just ate something poisonous.”Sa isang iglap, hinila niya ito palapit. “Spit it out.”Ngunit sa halip na mataranta, bahagyang ngumiti si Talia. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata.“Relax,” mahinahon niyang sabi, halos parang inaalo ang isang batang nag-aalala. “It’s just fighting poison with poison.”Napakunot ang noo ni Caden. Hindi siya kumbinsido, pero hindi siya nakapagsalita agad.“May natural resistance na ang katawan ko sa ganitong klase ng toxins,” dagdag ni Talia, tila ba simpleng bagay lamang ang kanyang ginawa. “It won’t kill me.”Sandaling natahimik ang paligid. Tanging ang ihip ng hangin ang maririnig.“At saka…” bahagya siyang natawa, tila may naalala. “No’ng nagre-research pa ako before, halos araw-araw akong nalala
KINABUKASAN…Unti-unting nagmulat ng mga mata si Talia. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, at tila ba may kung anong bumabalot sa kanyang isipan— magkahalong pagod, kalituhan, at mga alaala ng nagdaang gabi.Sa sandaling tuluyan siyang magising at bumuhos ang lahat ng alaala. Ang helicopter, ang yakap, ang halik...Bigla siyang napabangon mula sa kama, parang may spring na tumulak sa kanya paitaas.“What the—” napahinto siya, agad napatingin sa sarili.Mabilis niyang sinuri ang kanyang katawan mula balikat, pababa, hanggang sa mga kamay niya. Maingat. Paulit-ulit. Parang may hinahanap. Ilang segundo siyang ganoon hanggang sa tuluyan siyang napahinga nang malalim.“Okay.”Walang kakaiba. Walang nangyari.Dahan-dahan siyang napaupo muli sa kama, isang kamay ang napunta sa dibdib niya habang ramdam ang malakas na tibok ng puso. Pero hindi doon natapos ang kalituhan niya dahil may naalala siya.“‘Your husband is here…’”Bahagya siyang napakunot-noo.“Husband?” bulong niya sa sarili.
SAMANTALA…Sa gitna ng Grey Wharf East District, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. Ang dating kilalang gusali ng Ruby House Café ay tuluyang nilamon ng apoy, habang ang makapal na usok ay umakyat sa kalangitan.Sa loob lamang ng ilang minuto, abo na lamang ang natira. Mula sa gitna ng nagbabagang guho, isang lalaki ang dahan-dahang lumabas— si Mr. Crest.Matangkad, matalim ang mga mata, at ang presensya ay sapat upang patahimikin ang kahit sinong nasa paligid.Sa isang kamay, hinihila niya ang isang matandang lalaki na halos wala nang malay, at walang pag-aalinlangang ibinagsak ito sa lupa.“Hanapin niyo siya,” malamig niyang utos, ang boses ay puno ng awtoridad. “Baliktarin niyo ang buong Grey Wharf kung kinakailangan.”“Yes, boss!”Agad nagkawatak-watak ang mga tauhan niya, parang alon na kumalat sa bawat direksyon. Sa sandaling iyon, isang lalaki ang marahang lumapit. Payat, maputla, at halatang takot.“Boss…” nanginginig nitong sabi. “Pakawalan mo siya… dadal
“DO YOU want to sleep with me?”Diretso ang tanong ni Mr. Crest. Walang paligoy-ligoy. Walang pag-aalinlangan. Pero hindi nagpanic si Bea. Sa halip ay bahagya siyang ngumiti, isang ngiting kalmado na para bang inaasahan na niya ang tanong na iyon.“Mr. Crest,” mahinahon niyang sagot, “you really lo
PAGLAPAG ng jet, hindi dinala sina Talia at Agent Rafael sa main terminals. Sa halip, lumapag ito sa isang pribadong strip sa dulong bahagi ng Red Harbor Freeport, isang industrial coastal zone sa Singapore sector na kilala sa under-the-table trades, no-questions-asked docks, at ghost warehouses. S
Tahimik na pinagmasdan ni Thalia ang lalaking naka-silver mask mula sa ibaba ng arena. May kung anong pamilyar sa tindig nito, ‘yung paraan ng pagkakaupo, tuwid pero relaxed, parang sanay mag-utos at masunod agad. Kung hindi dahil sa kakaibang aura nito, aakalaain niyang ito ang favorite boxer ni B
NAPATITIG si Talia sa direksyong itinuro ng mayor.Mula sa gilid ng ilaw at usok ng stage fog, may isang matangkad na lalaki ang dahan-dahang lumapit. Suot nito ang isang malinis na puting suit na simple ang tahi pero halatang mamahalin ang tela. Diretso ang tindig, kontrolado ang hakbang, parang s







