로그인Dear readers, 18 chapters na lang at matatapos na ang love story nina Avery at Nick! Handa na ba kayo? Abangan ang Book 3: Ana and Kurt's Love Story! Maraming salamat po!
“Kung mayroon kang dokumento, ipakita mo.”Hindi inalis ni Nicholas Araneta ang tingin kay Nessa. Nasa conference room pa rin sila, ilang minuto matapos itong mahalal na interim CEO ng PrimeArc.Kumuha si Nessa ng isang papel mula sa folder at inilapag sa mesa.“Familiar?”Supplier authorization iyon para sa mga steel materials na iniimbestigahan. Nasa ibaba ang pangalan ni Nick, kasama ang pirmang halos kapareho ng kanya.Dinampot niya ang papel. Pamilyar ang format, pati ang pagkakalagay ng company seal. Ngunit hindi niya pinirmahan ang dokumentong iyon.“Peke ang pirma ko.”“You can say that. Pero paano kapag nakita ito ng investigators?”“Ipapasuri ko.”“Kaya kung ako sa iyo, Nick, tuparin mo na lang ang pangako mo sa akin. Huwag mo akong kalabanin. I'll help you.”Nanigas ang panga niya. Noon, ilang beses siyang nadala sa matatamis na salita ni Nessa. Hindi na niya hahayaang gamitin nito ang takot niya upang kontrolin siya.“Kung tunay ang dokumentong iyan, wala kang dapat ikatak
“Nick, tama na. Ako ang magpapaliwanag kay Avery. Hindi mo kailangang makialam.”Napatingin si Avery kay Kurt. Nakatayo silang tatlo sa tapat ng Top Legal Aid, habang patuloy na pumapatak ang ulan sa payong na hawak nito.“It's true, Avery. I'm legally married.”“May asawa ka?” Hindi niya maalis ang tingin dito. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”Napayuko si Kurt. “Dapat sinabi ko noon pa.”“Pero nililigawan mo ako. Hindi mo ba naisip na maaaring may asawa kang nasasaktan? Ayokong makasakit ng ibang babae, Kurt. Alam mo ang pinagdaanan ko.”“Hindi kagaya ng iniisip mo ang kasal namin, Avery. Komplikado ang sitwasyon. Pero aminado akong mali na itinago ko iyon.”“Kung komplikado, dapat inayos mo muna bago ka nanligaw.”“Avery, please. Hayaan mong ipaliwanag ko –”“Hindi ngayon.” Pinilit niyang pakalmahin ang boses. “Magkatrabaho pa rin tayo. Pero hanggang doon na lang. Ayokong ituloy mo ang panliligaw mo.”Tumango si Kurt. Wala na itong sinabi.Humarap siya sa nakabukas na bintana ng sas
Hindi kaagad sumagot si Nick sa tanong ni Avery.“Hindi ko alam, Avery. Hindi ko rin kayang ipangako na darating ang araw na maniniwala ka ulit sa akin. Pero gusto kong subukan. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Sana huwag mo akong sukuan.”Napayuko siya.“Nick, pagod na akong maging asawang laging naghahanap ng kasiguruhan. Gusto kong magkaroon ng tahimik na buhay. Yung hindi ko kailangang matakot na baka may malalaman na naman akong masakit bukas.”“I understand.”“Kaya sa ngayon, gusto ko munang ihinto ang pagde-date natin.”“Sigurado ka?”Tumango siya.“Pwede mo pa ring makita sina Nikolai at Nathalia. Hindi magbabago iyon. Pero tungkol sa ating dalawa, gusto ko munang huminto. Baka ipinipilit na lang nating ayusin ang relasyon natin kahit wala na pala talaga.”“Hindi ko na mababago ang nangyari, pero sisiguraduhin kong hindi na ako magbibigay ng dahilan para lalo kang magduda. Maniwala ka sana na wala akong ginagawang makakasakit sa iyo.”Gusto niyang maniwala, ngunit hindi pa n
“Babe, are you there?”Parang muling bumukas ang sugat sa puso ni Avery nang marinig ang malambing na tinig ni Nessa.Napatingin siya kay Nick, na nakakunot ang noo habang hawak ang teleponong naka-speaker.“Bakit babe pa rin ang tawag sa iyo ni Nessa?” tanong niya. Hindi niya napigil ang sarili.Sandaling natahimik ang kabilang linya.“Avery?” narinig niyang sabi ng babae. “Oh, you're together? Bakit kayo magkasama? Business? Tungkol sa kaso?”Hindi siya sumagot.“Anong kailangan mo, Nessa?”“Nick, I miss you so much,” pagpapatuloy ni Nessa. “Kailan ka pupunta rito sa condo?”“Nessa, stop it,” mariing sabi ni Nick. “Huwag mo na akong tawaging babe. At hindi ako pupunta sa condo mo.”“Why? Dahil nandiyan si Avery?”“Dahil wala na tayong relasyon.”Napahigpit ang hawak ni Avery sa handbag.Hindi niya alam kung sinasadya ni Nessa ang ginagawa, ngunit bawat salita nito ay nagpapaalala sa kanya ng mga panahong lihim na nagkikita ang dalawa.“Nick, come on,” sabi ni Nessa. “Hanggang ngayon
“Pero gusto kong malaman kung may pagkakataon pa ba akong maging asawa mo ulit, hindi lang ama ng mga anak natin.”Hindi kaagad nakasagot si Avery.Nakatitig sa kanya si Nick, naghihintay ng sagot sa tanong na hindi niya inaasahan.“Nick, hindi ko alam.”Tumango ito.“Hindi ko alam kung kaya na kitang pagkatiwalaan ulit.”“Alam ko, Avery.”“Masaya akong kasama ka nitong mga nakaraang araw. Hindi ko rin pinagsisisihan ang halik natin. Pero natatakot ako.”“Sa akin?”“Sa posibilidad na maulit ang lahat.”Ibinaba niya ang tingin sa handbag.“Paano ko malalaman na hindi mo na ako lolokohin, Nick? Paano kung pagkatapos kong bigyan ka ng pagkakataon, bumalik ka lang sa dati?”Hindi kaagad sumagot ang asawa.“Kahit sabihin kong hindi na mauulit, alam kong mahirap para sa iyong maniwala. Kaya humihingi ako ng pagkakataon na patunayan sa’yo na nagbago na ako at gusto kong bumawi.”“Tama ka.”“Ang kaya kong gawin ay ipakita sa iyo na seryoso akong ayusin ang sarili ko. Hindi kita pipiliting mag
“Are you asking me out on a date, Mrs. Araneta?”Napangiti si Avery habang binabasa ang mensahe ni Nick.Ilang segundo lamang ang nakalipas mula nang magpadala siya ng imbitasyon, ngunit heto na naman ang asawa, inaasar siya.“Dinner lang, Nick. Huwag kang assuming.”Mabilis itong sumagot.“Okay. Dinner. Friday, 7 PM? Susunduin kita ng 6:30.”“Fine.”“For the record, first time akong yayain ng sarili kong asawa pagkatapos ng ilang buwang paghihiwalay natin. Feeling ko tumama ako sa lotto.”Napailing siya.“Gusto mo bang bawiin ko ang invitation?”“No! Bawal nang bawiin.”Napatawa siya.“Good night, Nick.”“Good night, Avery. Looking forward to Friday.”Inilapag niya ang telepono sa kama.Hindi niya inaasahang magiging ganito kagaan ang pakiramdam matapos siyang magkusang mag-imbita.Ngunit nang mapatingin siya sa folder ng visa application sa dresser, naalala niyang may mga plano siyang hindi pa alam ni Nick.Hindi pa siya handang baguhin ang mga iyon. Wala ring kasiguruhan kung maaap







