Share

Kabanata 24 - Me

"Nasa tabi mo kami at isa pa, ilang oras na lang ay tuluyan ng tatalab ang Rainepha sa buo mong katawan. Lagi mo lang tandaan ang utos at paalala ng Prinsipe sa 'yo." Napahawak ako sa kwintas na aking suot, dapat ko itong ingatan dahil sa oras na mawala ito ay katapusan ko na rin.

"Huwag mong bibiguin o tuluyang magalit sa 'yo ang Prinsipe dahil baka mapuno s'ya at tuluyan kang isuplong." Napalunok ako sa patuloy na saad ni Leonardo. Ilang beses ko na bang narinig 'yon sa kanila?

"Huwag kayong mag-alala dahil magdo-doble ingat ako," sagot ko.

"Aasahan namin."

Binitawan na kami ni Leonardo at pinagkatitigan ako nito. "Hindi ko pa man nakikita ang mga dumalo sa kasiyahan pero alam kong isa ang ganda mo ang lilitaw sa lahat." Napangiti ako sa sinabi ni Leonardo. Ang buong akala ko ay buong gabi na s'yang galit sa akin dahil sa katagalan namin ni Allecc pero buti na lang ay mabilis mawala ang galit n'ya.

"Salamat," tugon ko.

"Kapareha na lang ang kulang para sa 'yo Cenn. Matanong ko nga,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status