Share

Kabanata 25 - Party

Napatawa ng nakakaloko si Monica. "Alam naman nating lahat na walang lugar ang mga tulad mo sa kaharian pero heto at daig mo pang may bahid ng dugong bughaw kung makaasal. Nakakaawa ka, alam mo ba 'yon?"

"Tandaan mo, hindi mo pa rin ako dapat tinatrato ng ganito. Isa pa rin ako sa naging dahilan kung bakit ka nasa grupo ng Uno ngayon!" Hindi ko na maipaliwanag ang galit na namamayani sa mukha no'ng matanda.

Lalong napatawa si Monica sa narinig. "Hindi ko utang na loob sa 'yo kung bakit ako naririto sa kinatatayuan ko. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagsisikap ko at sa tulong ng Prinsipe Lucas," sagot ni Monica.

"Isa ka lang matanda na ang tanging alam lang gawin ay mamalakat at magpahiya ng mga bampira," dugtong nito.

Napatikhim si Leonardo sa aking unahan. "Mon, tama na." Napapaypay ng husay ang matanda dahil sa tensyon. Alam kong hindi n'ya masagot-sagot ng todo si Monica dahil sa mataas nitong katayuan sa palasyo.

"Igalang n'yo ang mahal na Prinsipe," dugtong ni Leonardo. "Vera!" taw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status