FAZER LOGINHindi pa rin makapaniwala si Lorraine sa narinig niya na sinabi ni Tyron. At higit sa lahat ay hindi niya mapigilang matawa halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa. Paulit-ulit pa rin kasing umiikot sa isip niya ang sinabi ni Tyron kanina.
No feelings. No falling in love.
Parang warning label sa isang appliances. Parang may malaking sign board na nakasabit sa n
Tuluyang sumilip ang ginintuang sinag ng araw mula sa maliit na bintana ng kwarto, tumatagos sa manipis na kurtina at nagbibigay ng mainit na liwanag sa kabuuan ng maliit na bahay ni Chief Roberto. Matapos ang isang buong linggo ng malalakas na bagyo, sa kalangitan man o sa kanilang mga puso, sa wakas ay dumating na ang isang payapang umaga para kay Regine.Nakatukod ang siko ni Regine sa gilid ng mumurahing kutson, ang baba ay nakapatong sa kanyang palad habang tahimik niyang pinagmamasdan ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.Wala na ang nakakapasong lagnat ni Jason. Ang paghinga nito ngayon ay malalim, kalmado, at pantay na. Wala mang suot na silk pajamas at nakabalot lamang sa isang kupas na t-shirt, sa paningin ni Regine, kailanman ay hindi naging ganito kapayapa at kakisig ang kanyang poging boyfriend. Marahan niyang inabot ang magulong buhok ng binata, sinusuklay iyon gamit ang kanyang mga daliri.Dahil sa pamilyar na haplos, unti-unting nagmulat ng mga mata si Jason. Kumurap
Hindi inalintana ni Regine ang pangangalay ng kanyang mga binti habang nanatiling nakaluhod sa malamig na sahig ng lumang presinto. Yakap-yakap niya ang nanghihina at nanginginig na katawan ni Jason. Ang nakakapasong init ng balat nito ay tumatagos sa manipis at basang uniporme niya, ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga ngayon ay ang lalaking nasa mga bisig niya, ang lalaking isinuko ang buong mundo para lamang hindi siya mawala.Sa bawat malalim at garalgal na paghinga ni Jason, pakiramdam ni Regine ay pinipiga ang sarili niyang puso. Hinagod niya ang magulo at pawisang buhok ng binata, marahang idinidikit ang sariling labi sa nag-iinit nitong noo."Dito lang ako, Jason. Dito lang ako," pauli-ulit na bulong ni Regine, tila isang mantra na inaasahan niyang magpapababa sa lagnat nito.Bumukas ang lumang pinto ng kwarto at pumasok si Chief Roberto. May dala itong isang palanggana ng maligamgam na tubig, maliit na bimpo, at ilang tableta ng gamot. Bakas sa mukha ng matandang
Hindi inalintana ni Regine ang malakas na pagbuhos ng ulan. Habang nakatayo sa ibabaw ng malamig at sementadong pundasyon ng kanilang lote sa Cabadbaran, pakiramdam niya ay unti-unting nahuhugasan ang lahat ng sakit, galit, at pag-aalinlangan na bumalot sa kanyang sistema nitong nakaraang linggo.Ang lalaking inakala niyang naglalaro lamang ay isinuko ang buong mundo nito para sa kanya. Pinili ni Jason na talikuran ang bilyun-bilyong imperyo ng Hernandez Holdings, ang mga luho, at ang perpektong buhay nito sa Maynila, para lamang mapatunayang totoo ang bawat binitawang pangako nito sa isang simpleng guro na tulad niya. At bilang kapalit, ipinagtabuyan niya ito pabalik sa dilim.Isang matinding hikbi ang kumawala sa mga labi ni Regine, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ito dahil sa sakit. Isa itong hikbi ng pagkamulat at desperasyon.Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palabas ng lote patungo sa highway. Wala siyang dalang payong, at ang kanyang peach na uniporme ay basang-basa na a
Ang bawat hakbang ni Regine pabalik sa kanyang silya sa faculty room ay parang pag-akyat sa isang matarik na bundok. Hindi niya alam kung paano niya nagawang ngumiti sa mga estudyanteng nakasalubong niya sa pasilyo, o kung paano niya naitago ang panginginig ng kanyang mga kamay habang nagbubuklat ng mga lesson plan. Sa labas, siya pa rin si Regine, striktang guro ng English, malakas, at kagalang-galang. Ngunit sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay isa siyang basag na baso na pinagdidikit lamang ng pilit.Lumipas ang isang buong linggo na tila siya isang multo na naglalakad sa loob ng San Isidro High School.Walang Jason Hernandez na pumasok. Ang bakanteng desk nito ay unti-unting napuno ng mga iniwang memo at papeles ng mga kapwa guro. Wala nang matinis na boses na nagrereklamo tungkol sa humidity ng faculty room. Wala nang amoy ng pabango nito na sumasalubong kay Regine tuwing umaga. Ang tanging naiwan ay isang nakakabinging katahimikan na araw-araw ay mas lalong nagpapabigat sa kany
Lunes ng umaga. Ang bawat hakbang ni Regine papasok sa tarangkahan ng San Isidro High School ay kasing-bigat ng tingga. Suot niya ang kanyang pamilyar na peach na uniporme, ngunit ngayon, pakiramdam niya ay isa itong uniporme ng bilanggo. Sa loob ng kanyang tote bag, maingat na nakatupi ang kulay pink na silk handkerchief ni Jason. Nilabhan niya iyon kahapon at pinlantsa, pilit na inaalis ang mga mantsa ng putik at ulan, tila ba sa paggawa nito ay malilinis din niya ang dumi ng mga kasinungalingang naiwan sa kanyang puso.Pagpasok niya sa faculty room, agad siyang sinalubong ng nakasanayang ingay. Tunog ng mga nag-uusap na guro, ang pag-print ng mga test papers, at ang amoy ng murang 3-in-1 na kape. Ngunit para kay Regine, ang lahat ng iyon ay nagmistulang blangkong ingay. Ang mga mata niya ay kusa at taksil na dumapo sa kabilang dulo ng silid.Walang tao sa desk ni Jason.Wala ang kanyang pink na portable fan. Wala ang mamahaling humidifier na nagbubuga ng amoy lavender. Wala ang mak
Hindi na mabilang ni Regine kung gaano katagal siyang nakaupo sa malamig na sahig ng apartment ni Lorraine. Ang tanging sukatan niya ng oras ay ang unti-unting paghina ng ulan sa labas, hanggang sa naging manipis na ambon na lamang ito na humahaplos sa bubong.Sa labas ng pinto, matagal nang nawala ang boses ni Jason. Ang mga garalgal na pagsigaw at pagmamakaawa ng lalaki ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Wala nang kalabog. Wala nang desperadong pagtawag sa pangalan niya.Dahan-dahang inalalayan ni Lorraine si Regine patayo. Manhid na ang mga binti ng dalaga, at ang buong katawan niya ay tila yelo sa lamig, hindi dahil sa basang damit kundi dahil sa matinding pagguho ng kanyang mundo. Walang salitang pinaliguan siya ng kanyang matalik na kaibigan, binihisan ng tuyong pantulog, at pinahiga sa maliit na kama sa guest room."Dito lang ako sa labas, besh," malambing ngunit malungkot na bulong ni Lorraine habang kinukumutan siya. "Magpahinga ka muna. Wag mo munang isipin ang kahit
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







