LOGINTahimik ang buong mansion nang makarating sila.
Halos alas-onse na ng gabi kaya pati ang lamig ay niyayakap na siya. Napabuntonghininga na lang siya habang hinahaplos niya ang kaniyang braso. Mabuti na lang talaga at nakauwi na sila.
Ang malalawak na hallway na karaniwang dinaraanan ng mga kasambahay sa umaga ay wala nang tao ngayon. Tanging ang maiinit na ilaw mula sa m
Sabado ng gabi. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasa si Jason Hernandez sa pinakamahirap na pagsusulit ng buhay niya, ang humarap sa nag-iisang Kapitan Nestor Tantoy. Matapos ang insidente ng lumilipad na ipis at ang mainit na Bicol Express, naging opisyal nang "welcome" si Jason sa pamilya ni Regine.At dahil tapos na ang mga pagpapanggap, oras na para sa kanilang unang opisyal na date.Sa loob ng kwarto ni Regine, nagkakagulo. Nakaupo siya sa harap ng salamin habang ang best friend niyang si Lorraine ay abala sa pag-aayos ng buhok niya gamit ang isang curling iron."Lorraine, dahan-dahan naman! Baka mapaso ang anit ko, hindi na ako magustuhan ni Jason niyan!" reklamo ni Regine habang pilit na iniiwas ang ulo.Umirap si Lorraine, pero maingat na inikot ang buhok ng kaibigan sa plantsa. "Maka-reklamo ka diyan. Ako na nga itong nag-vo-volunteer maging stylist mo nang walang bayad. Tsaka excuse me, kahit magmukha ka pang nakalbo na manok, patay na patay pa rin sa'yo 'yung Gr
Linggo ng umaga. Tirik na tirik ang araw, pero sa loob ng sasakyan ni Jason, pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng isang matinding snowstorm. Nakatodo ang aircon ng kanyang compact SUV, pero halatang-halata ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at ang pamumutla ng kanyang mga labi.Ngayong araw ang napagkasunduang petsa kung kailan opisyal na magpapakilala si Jason bilang manliligaw ni Teacher Regine Tantoy sa pamilya nito.Nasa passenger seat si Regine, masayang ngumunguya ng gummy bears habang pinapanood ang binata na parang malapit nang himatayin sa kaba. Nakasuot si Jason ng isang napaka-pormal na light blue button-down shirt na naka-tuck in sa dark jeans, at bagong linis na white sneakers. Amoy na amoy rin sa loob ng sasakyan ang paborito nitong panlalaking pabango na hinaluan ng amoy ng kaba."Jason, huminga ka nga," natatawang sita ni Regine habang iniabot ang isang kulay pulang gummy bear sa tapat ng bibig nito. "Ang higpit ng hawak mo sa manibela, baka mamaya mabali 'yan. W
Biyernes ng umaga. Ang buong eskwelqhan ay tila nakainom ng sampung baso ng energy drink. Maingay ang buong campus, may mga naglipanang banderitas, at dinig na dinig ang maugong na tambol mula sa drum and lyre band ng eskwelahan. Ngayong araw gaganapin ang pinakahihintay na National Inter-High School Math Quiz Bowl Regional Level sa malaking gymnasium ng eskwelahan.Lahat ay excited. Lahat ay masaya. Lahat, maliban kay Regine.Nakaupo si Regine sa ikatlong palapag ng bleachers sa loob ng mainit na gymnasium. Nakahalukipkip siya, nakasimangot, at gigil na ngumunguya ng paborito niyang cheese-flavored potato chips. Simula noong nag-walk out siya sa faculty room noong Huwebes, hindi na niya kinibo si Jason. Nag-text ito ng ilang beses, sinubukang tumawag, pero naka-silent ang phone niya. Matindi ang tampo niya. Ano siya, panakip-butas lang kapag tapos na ang Math department sa kanilang krisis?"Hoy, Regine. Dahan-dahan naman sa pagnguya, baka mabilaukan ka. Dinig hanggang dito sa baba 'y
Matapos ang madamdaming tagpo sa likod ng Grade 10 building kung saan opisyal nang inihayag ni Jason ang kanyang malinis na intensyon, inasahan ni Regine na magiging tuloy-tuloy na ang kanilang mala pocketbook romance. Akala niya ay sasabayan na ito ng mga araw ng sabay na pagkain sa canteen, mga banat ng physics habang naglalakad sa hallway, at ang mga simpleng ngiti sa gitna ng siksikang faculty room.Pero lumipas ang mga araw, isang malaking pagbabago ang sumira sa mga pangarap ni Regine.Lunes na naman ng umaga, pero kakaiba ang ihip ng hangin. Si Jason na karaniwang maagang dumarating para mag-abot ng kape o kaya ay magpasalamat sa pagpasok niya, ay wala pa rin sa kanyang desk alas-siyete y medya pa lang.Nang mag-alas-otso, pumasok si Jason. Pero hindi ito nakangiti. Bitbit ang isang makapal na folder, tatlong libro sa Advanced Algebra, at isang laptop na bukas pa habang naglalakad, mabilis itong dumiretso sa upuan nito nang halos hindi man lang sulyapan si Regine."Good morning
Lunes ng umaga. Para sa karamihan ng mga guro, ang Lunes ay simula na naman ng mahabang linggo ng mga lektura, klase, at pag-check ng mga test paper. Pero para sa kaniya, ang pagpasok niya sa gate ngayong araw ay parang isang grand entrance sa isang fashion show kung saan siya ang bida. Yes, siya ang bida.Kumikinang ang mga mata niya, bahagyang nakataas ang noo, at ang bawat hakbang niya ay may kasamang magaan na indayog. Kung noong nakaraang linggo ay abala pa siya sa kanyang Oplan: Tuwid na nauwi sa kung anu-anong kapalpakan, ngayon ay wala na siyang pakialam sa mga gayong gimik. Dahil pagkatapos ng nangyari sa library noong Biyernes, ang pag-ayos ni Jason sa hibla ng buhok niya, ang matatamis na salita nito, at ang seryosong titig na nagpalambot sa puso niya ay alam niyang iba na ang ihip ng hangin.Pagdating niya sa faculty room, naabutan niya si Lorraine na nakaupo habang umiihip ng mainit na kape. Saktong pagbukas ni Regine ng pinto, napaangat agad ang ulo ng best friend niya a
Matapos ang makasaysayang trahedya sa canteen kung saan naligo si Sir Jason sa sago't gulaman at nakipag-bonding ang isang guhit ng pansit guisado sa kanyang tainga, inakala ng lahat na magtatago na siya sa kweba. May mga nagbulung-bulungang baka raw lilipat na ito ng eskwelahan dahil sa matinding kahihiyan. Ang iba naman ay nagsabing baka nag-file na ito ng one-year leave para magpa-reconstruct ng kanyang alpha-male ego.Pero hindi ganoon si Jason.Kinaumagahan, Martes na Martes, mas maaga pa sa sikat ng araw ay nakatayo na siya sa gate ng eskwelahan. Wala na ang maduming polo shirt kahapon. Naka-crisp white polo shirt na ito ngayon, may suot na silver-rimmed glasses na mas nagpatingkad sa kanyang seryosong mukha, at bitbit ang isang pirasong pulang rosas. Kung kahapon ay mukha siyang basang sisiw, ngayon ay mukha siyang CEO ng isang malaking kumpanya na handang mag-takeover ng buong bansa.Saktong pagbaba ni Regine mula sa sinasakyan niyang tricycle, sinalubong siya ng isang pamilya
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




