ログインIsang linggo na ang nakalipas simula nang opisyal na mag-iba ang status nina Regine at Jason mula sa magka-tandem na "beshie" patungo sa magkasintahang lihim na nagpapakilig sa buong San Isidro High School.Kung dati ay sanay si Regine na inaalok siya ni Jason ng mga bagong skin care products, ngayon ay inaalok na siya nito ng braso tuwing sabay silang naglalakad papunta sa canteen. Kung dati ay nagtatalo sila kung aling shade ng lipstick ang mas bagay sa dalaga, ngayon ay tahimik na pinupunasan ni Jason ang gilid ng labi ni Regine kapag may naiwang mantsa ng kape.Pero kahit nag-iba na ang label nila, may isang bagay ang hindi nagbago, ang kakayahan ni Jason na guluhin ang tahimik na buhay ni Regine sa pinakamasaya at pinakamaingay na paraan.Miyerkules ng hapon. Nagpatawag ng isang emergency meeting si Ma’am Flora para sa lahat ng mga guro. Nakaupo si Regine sa tabi ni Lorraine sa loob ng audio-visual room, habang si Jason naman ay nasa kabilang hilera kasama ang mga kapwa nito Mat
Lunes na naman. Sa kalendaryo ng mga guro ng San Isidro High School, ang araw na ito ang pinakamabigat. Ito ang araw ng mga mahahabang flag ceremony sa ilalim ng tirik na araw, ang araw ng mga bagong memo galing sa principal, at ang araw kung saan halos lahat ng tao sa faculty room ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Pero para kay Regine, ang Lunes na ito ay parang isang eksena mula sa isang Disney movie. Kulang na lang ay may mga ibong umaawit sa bintana at mga nagliliparang paruparo sa paligid ng kanyang desk.Nakaupo si Regine sa kanyang swivel chair, nakatitig sa kawalan habang nakapangalumbaba. Wala siyang ginagawa kundi ang ngumiti. Paminsan-minsan, pasimple niyang hinahawakan ang kanyang ibabang labi, inaalala ang init ng halik ni Jason sa ilalim ng ulan noong Sabado ng gabi. Ang pabangong gamit nito ay tandang-tanda pa ng kaniyang ilong, ang higpit ng yakap nito, at ang seryosong boses na nagsabing mahal siya nito, lahat ng iyon ay naka-replay sa utak niya na parang pa
Sabado ng gabi. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasa si Jason Hernandez sa pinakamahirap na pagsusulit ng buhay niya, ang humarap sa nag-iisang Kapitan Nestor Tantoy. Matapos ang insidente ng lumilipad na ipis at ang mainit na Bicol Express, naging opisyal nang "welcome" si Jason sa pamilya ni Regine.At dahil tapos na ang mga pagpapanggap, oras na para sa kanilang unang opisyal na date.Sa loob ng kwarto ni Regine, nagkakagulo. Nakaupo siya sa harap ng salamin habang ang best friend niyang si Lorraine ay abala sa pag-aayos ng buhok niya gamit ang isang curling iron."Lorraine, dahan-dahan naman! Baka mapaso ang anit ko, hindi na ako magustuhan ni Jason niyan!" reklamo ni Regine habang pilit na iniiwas ang ulo.Umirap si Lorraine, pero maingat na inikot ang buhok ng kaibigan sa plantsa. "Maka-reklamo ka diyan. Ako na nga itong nag-vo-volunteer maging stylist mo nang walang bayad. Tsaka excuse me, kahit magmukha ka pang nakalbo na manok, patay na patay pa rin sa'yo 'yung Gr
Linggo ng umaga. Tirik na tirik ang araw, pero sa loob ng sasakyan ni Jason, pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng isang matinding snowstorm. Nakatodo ang aircon ng kanyang compact SUV, pero halatang-halata ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at ang pamumutla ng kanyang mga labi.Ngayong araw ang napagkasunduang petsa kung kailan opisyal na magpapakilala si Jason bilang manliligaw ni Teacher Regine Tantoy sa pamilya nito.Nasa passenger seat si Regine, masayang ngumunguya ng gummy bears habang pinapanood ang binata na parang malapit nang himatayin sa kaba. Nakasuot si Jason ng isang napaka-pormal na light blue button-down shirt na naka-tuck in sa dark jeans, at bagong linis na white sneakers. Amoy na amoy rin sa loob ng sasakyan ang paborito nitong panlalaking pabango na hinaluan ng amoy ng kaba."Jason, huminga ka nga," natatawang sita ni Regine habang iniabot ang isang kulay pulang gummy bear sa tapat ng bibig nito. "Ang higpit ng hawak mo sa manibela, baka mamaya mabali 'yan. W
Biyernes ng umaga. Ang buong eskwelqhan ay tila nakainom ng sampung baso ng energy drink. Maingay ang buong campus, may mga naglipanang banderitas, at dinig na dinig ang maugong na tambol mula sa drum and lyre band ng eskwelahan. Ngayong araw gaganapin ang pinakahihintay na National Inter-High School Math Quiz Bowl Regional Level sa malaking gymnasium ng eskwelahan.Lahat ay excited. Lahat ay masaya. Lahat, maliban kay Regine.Nakaupo si Regine sa ikatlong palapag ng bleachers sa loob ng mainit na gymnasium. Nakahalukipkip siya, nakasimangot, at gigil na ngumunguya ng paborito niyang cheese-flavored potato chips. Simula noong nag-walk out siya sa faculty room noong Huwebes, hindi na niya kinibo si Jason. Nag-text ito ng ilang beses, sinubukang tumawag, pero naka-silent ang phone niya. Matindi ang tampo niya. Ano siya, panakip-butas lang kapag tapos na ang Math department sa kanilang krisis?"Hoy, Regine. Dahan-dahan naman sa pagnguya, baka mabilaukan ka. Dinig hanggang dito sa baba 'y
Matapos ang madamdaming tagpo sa likod ng Grade 10 building kung saan opisyal nang inihayag ni Jason ang kanyang malinis na intensyon, inasahan ni Regine na magiging tuloy-tuloy na ang kanilang mala pocketbook romance. Akala niya ay sasabayan na ito ng mga araw ng sabay na pagkain sa canteen, mga banat ng physics habang naglalakad sa hallway, at ang mga simpleng ngiti sa gitna ng siksikang faculty room.Pero lumipas ang mga araw, isang malaking pagbabago ang sumira sa mga pangarap ni Regine.Lunes na naman ng umaga, pero kakaiba ang ihip ng hangin. Si Jason na karaniwang maagang dumarating para mag-abot ng kape o kaya ay magpasalamat sa pagpasok niya, ay wala pa rin sa kanyang desk alas-siyete y medya pa lang.Nang mag-alas-otso, pumasok si Jason. Pero hindi ito nakangiti. Bitbit ang isang makapal na folder, tatlong libro sa Advanced Algebra, at isang laptop na bukas pa habang naglalakad, mabilis itong dumiretso sa upuan nito nang halos hindi man lang sulyapan si Regine."Good morning
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka







