LOGIN"Salamat sa suporta," nakangiting tugon ko sa aking asawa. Hindi ko akalain na natapos ko ang kursong nais ko, na siyang pangarap namin noon ng aking ina. Pero aaminin kong hindi na talaga ito ang priority ko, si Seth lang naman ang mapilit. Mas priority ko ang aking mga anak. Sina Zach, at ang kambal na sina Eve at Adam. "Gusto ko lang tuparin ang pangarap mo na siyang sinira ko noon. I am so sorry, babe." "No, hindi mo kailangang humingi ng sorry, babe. Isa pa, kontento na ako sa kung ano'ng estado meron ako, at kasama ko kayo ng mga anak natin. Ngunit sadyang mapilit ka kaya I grab the opportunity," nakangiting sagot ko rito. "And I am so proud of you, once again congratulations, babe!" nakangiting tugon sa akin ng aking asawa at niyakap ako nito ng buong-higpit at hinalikan sa mga labi. Sa edad na 28 pa ako nakapagtapos sa kursong pinangarap ko. Bachelors in Journalism and Communication. And I am so happy dahil hindi ko akalaing ang pangarap na iyon ay matutupad. Kasalukuy
3 YEARS LATER...."Babe, ano'ng iniisip mo?" tanong ni Seth sa akin. Ngumiti ako rito. "Iniisip ko kung karapat-dapat ba ako sa'yo?"Bakit mo naman naisip 'yan? Bakit, hindi ba?" naiiling nitong tugon sa akin.Kasalukuyan kong sinusubuan ang dalawang taong gulang na anak naming si Zach. Narito kami ngayon sa hardin. Kasalukuyang kaharap ng asawa ko ang sarili nitong laptop. "Dahil palagi na lang palpak ang naging trabaho ko sa opisina mo. Minsan gusto ko na lang maging fulltime mom sa anak natin. Kung 'yan ay papayag ka," ani ko rito. "Aba, kung saan mo gusto bakit hindi? Alam mo bang 'yan din ang nais ko sanang i-suggest sa'yo noon pa man, kaya lang natatakot akong ma misinterpret mo. Kaya, mas pinili ko na lamang na hayaan ka sa nais mong gawin.""Pwede ba?" ani ko rito. Tumayo ito at nilapitan ako, awtomatikong pumulupot ang matipuno nitong bisig sa maliit kong bewang. Hinagkan nito ang aking noo, pababa sa tungki ng aking ilong. Pagdakay sinakop nito ang aking mga labi. At naka
"Dali na pumasok ka na," ani Mama sa akin. Napayuko ako nang sa wakas ay makapasok ako sa private suite na kinaroroonan ng aking asawa. Hindi ako makatingin ng diretso rito. "Aalis muna kami ng Papa niyo. Mag-usap kayong dalawa," saad ni Mama. Saka ko narinig ang pagsara nang pinto ng kwarto."Lumapit ka rito. Nag-alala ka ba sa'kin?" seryosong tanong nito."Sino ba naman ang hindi mag-alala tapos narinig ko pa sa balita na dead and arrival ka!" inis kong tugon dito. Para sa pamamagitan niyo'n ay matabunan ang aking hiya para rito."And you realize how much I mean to you, do you?" tanong nito sa akin."Sinong nagsabing hindi ka importante sa akin? Ma pride lang akong tao pero alam ko sa sarili kong minahal kita noon pa man. Natabunan lang ng poot at galit dahil sa mga nakaraang panahon na ipinapakita mong angas sa akin noon.""Wala akong sinabing gano'n. At least, alam kong may pag-asa pa pala ang pagsasama natin," saad nito. Lumapit ako rito at naupo sa tabi nito. "Masakit pa ha?"
"Okay ka lang ba rito?" May pag-alalang tanong sa akin ng kaibigan kong si Delilah."I'm fine. Sige na, mag-iingat kayo ni, Tita.""Kompleto naman ang mga gamit diyan. T'saka hindi ko naman dadalhin ang mga 'yan. Alis na kami," ani pa nito.Nasundan ko na lamang ang papalayong kotse nina Delilah. Kumaway ako sa mga ito. Narinig kong tumunog ang aking cellphone. Tumawag si mommy Zerline."Anak, nag-away daw kayo ng asawa mo. Is that true? Nakaalala ka na?!" bungad ni mommy sa'kin."Yes, mommy. Pero sa ngayon, gusto ko na munang mapag-isa. Nasa akin po ang problema," pag-amin ko rito."Pag-usapan niyo iyan, anak. Huwag kang papayag na masira ang pamilyang ibinigay ng Panginoon sa'yo. Excited pa naman akong makita ang apo ko.""Mommy," naiyak kong tugon dito. "K—kasalanan ko rin naman, naging iresponsable akong asawa at ina sa aking pamilya. At pinagsisihan ko po iyon. Nadala lang po ako sa pride ko na pilit kong ibinabangon.""Alisin mo iyang pride na 'yan kung maging dahilan naman ng p
Imbes nasa bahay ang destinasyon ko narito ako ngayon sa bar nakipag-sayawan sa kahit sinu-sinong lalaki. Nagulat ako nang hilahin ako ng kaibigan kong si Delilah."Nababaliw ka na ba, Beauty?!" asik nito sa akin."Matagal na akong nababaliw, no'ng pagsamantalahan ako ng walang-kwenta kong asawa!" inis kong tugon sa kaibigan."Ano'ng bang problema mo?!" galit nitong tanong sa akin."Ang asawa ko ang problema ko! Nang dahil sa kanya hindi ko natapos ang aking pag-aaral, alam mo Delilah kung ano'ng goal ko sa buhay. Hindi itong buhay ko ngayon ang nais ko! I am so miserable! Hindi ako masaya, para akong nakakulong sa isang hawla," saad ko sa aking kaibigan saka ako napaluha. Damn it! Ni hindi ko maramdaman ang pagmamahal na sana dapat sa anak ko, dahil naiinis ako sa tuwing nasisilayan ang kulay asul nitong mga mata na nag-mana sa walang kwenta nitong ama."Dahil hindi mo sinubukang tanggapin ang katotohanan kung ano'ng buhay meron ka ngayon! Napaka-gaga mo kung pakakawalan mo pa si Set
LUMIPAS ang mga buwan. Naging maganda ang pagsasama namin ni Seth at wala akong naging problema. Kasalukuyang narito ako sa hospital dahil ngayon ang araw na tila gusto nang lumabas ni baby. "Ahhh!" hiyaw ko sa sobrang sakit ng aking balakang. Kasalukuyang nasa delivery room kami. At nasa ulunan ko ang aking asawa habang hawak ang dalawa kong kamay. At aaminin kong mas maganda sa pakiramdam. Kahit na nga sabihing kumikirot ang ulo ko sa sobrang sakit din. Damn! "Kung hindi niya kakayanin ang normal delivery, I guess kailangan namin siyang i-undergo for CS, Mr. Montenegro.""Kung ano'ng sa tingin niyo ay best choice doc. Walang problema sa akin. Makapanganak lang na safe ang asawa ko.""Pero sa ngayon, sa nakikita ko ay lumalaban naman si mommy. Now, push, mommy!""Ahh, ang sakit!" hiyaw ko."Kaya mo 'yan, babe. Give it all you've got," bulong ni Seth sa akin. Humigpit ang hawak ko sa mga kamay nito. Ramdam ko ang ilang pawis sa aking noo. Damn! Hindi ko akalaing masakit pala talaga







