Masuk
(Amelie’s POV)
Maaga pa pero malambing ang liwanag na gumigising sa akin, dahan-dahang sumasayaw sa aking puting kumot, para bang nag-aanyaya na bumangon ako at huminga nang panibago. Kadalasan, paggising ko, kabog ng dibdib ang sumasalubong, mga deadlines, mga tawag, mga e-mail na kailangan kong habulin bago pa man ako makalunok ng unang kape. Pero ngayong umaga… kakaiba.
Tahimik.
Umupo ako at huminga nang malalim, pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Bahagyang maga ang mata ko, pero buo pa rin ang determinasyon na laging nasa likod ng bawat pagbangon ko.
“Isang araw pa, Amelie,” bulong ko sa sarili. “Kaya mo pa.”
Nagpatuloy ako sa routine na halos nakaukit na sa kaluluwa ko, mabilis na shower, sleek blouse, pencil skirt, at ang suwerteng itim na takong na nakasuporta sa bawat hakbang ko kahit ilang ulit na akong muntik sumuko sa trabaho.
Paglabas ko ng apartment, ramdam ko agad ang gising na gising na Velmore City, usok ng bus, aroma ng kape mula sa sidewalk café, tawanan ng mga tindera, at ang binubuo-buong pangarap ng mga taong kasing pagod ko pero lumalaban pa rin.
Sumakay ako ng bus, nakatingin sa bintana. Sa kakaibang dahilan, hindi ako kinakabahan ngayon. Hindi ako nag-aabang ng masama. Siguro dahil pagod na ako sa kakaisip ng masama. O siguro… gusto ko lang maniwalang may magandang mangyayari kahit isang beses lang.
Pagdating ko sa Vérité & Co., napatingala ako sa gusaling tila palasyong gawa sa salamin. Ilang taon ko nang pinipilit mapanatili ang posisyon ko rito bilang assistant ng Creative Director. Hindi glamorous ang lahat.. oo, may mga event, may mga eleganteng photoshoot, pero mas madalas puro pressure, ego, at intriga.
May mga nagmamahal sa trabaho ko. May mga nagtatangkang ibagsak ako. At may iilang nagiging halimaw dahil sa inggit.
Pero wala akong choice. Kailangan ko ng pera para kay Sam, ang kapatid kong gustong makapagtapos. Para kay Mama, na humihina bawat linggo dahil sa kondisyon niya sa utak. Para sa maliit naming batchoy house sa Santa Catalina, na pilit umaahon kahit hindi talaga sapat ang maliit na kita sa dami ng expenses.
Ako ang sandalan ng pamilya.
Pagdating ng tanghali, limang beses ko nang tinawagan si Alex. Wala. Hanggang hapon, wala pa rin.
May kumikirot na kaba sa sikmura ko, unti-unting nagiging alakdan na kumakagat sa loob.
Pagsapit ng alas-singko, hindi ko na kaya.
Kung ayaw niyang sumagot… ako ang pupunta.
Bumili ako ng roast chicken, paborito ni Alex, at dalawang malamig na beer. Pinilit kong maging kalmado sa elevator, pero nanginginig ang kamay ko.
Pagharap ko sa pinto ng condo niya, tumigil ang mundo ko.
Isang pares ng pulang high heels ang nakatambak sa tabi ng pinto.
Hindi akin. Lalong hindi kay Alex. Hindi dapat nandito.
“Hindi. Baka tropa lang…” bulong ko sa sarili. Kahit alam ko, sa ilalim ng bawat salita, na nagkakandapilipit na ang utak ko sa pag-iwas sa katotohanan.
In-enter ko ang code. Bumukas ang pinto. Madilim ang sala. Tahimik.
At doon ko narinig.
Naglakad ako papunta sa kwarto nang mabagal, parang inaantay na lamunin ng lupa.
At pagtingin ko…
Si Alex.
Para akong sinampal ng sampung taon ng kahihiyan.
“Alex…” halos wala nang boses ang lumabas sa bibig ko.
Napatigil siya, nanlaki ang mata, pero huli na. Lahat nahuli ko na.
Tinanggal ko ang engagement ring, nanginginig ang kamay ko, kumawala ito at tumama sa dresser, isang tunog na parang pako sa kabaong ng relasyon namin.
“Tapos na tayo,” bulong ko, pero parang sumisigaw ang puso ko.
Tumakbo ako palabas. Hindi ko na narinig ang paliwanag, wala na akong pakialam. Bumaba ako ng hagdan na parang hinahabol ng sarili kong pagkabagsak.
Pagdating sa kalsada, doon ko lang naramdaman ang bigat.
Tinawagan ko ang kaibigan kong hindi nagkulang kahit kailan, si Marie.
“Marie…” garalgal ang boses ko. “Ayoko na…”
Isang oras ang lumipas at nasa harap ko na siya sa madilim na bar, nag-aalok ng whiskey at yakap na parang tahanan.
“Oh, girl… lalaki talaga,” sabi niya habang hinihimas ang likod ko. “Masuwerte ka pa..Buti nga nakita mo bago ka pa ikinasal.”
“Hindi ako maswerte, Marie… parang akong isinumpa,” sagot ko. “Lagi na lang ako ang nasasaktan.”
Sinabi ko sa kanya lahat...failed relationsips ko simula pa sa US.
“You’re not cursed,” sabi niya. “You’re just human.”
Pero pakiramdam ko?
“Siguro dapat bumalik na lang ako sa US,” sabi ko. “Tanggapin ko na lang yung offer sa akin ni baklang Ken sa Los Angeles. At makapagsimula ulit.”
“If that’s what you want… susuportahan kita.”
Kinabukasan, umuwi ako sa Santa Catalina.
Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Mama, napapangiti kahit halatang mahina.
“Anak… ano nangyari?”
Ni hindi ko masabi.
Doon ko napagtanto kung gaano ako kadurog.
Samantala, si Marie, supermom, wedding coordinator, businesswoman, ay nakaipit sa malaking problema. At ang problemang iyon… nagdala sa akin sa pamilyang Chen.
Si Dr. Elijah Chen. Neurosurgeon sa Zurich, Switzerland. Graduate din ng Harvard. Matalino. Mayaman. Walang oras sa lovelife dahil busy sa career.
Kailangan niya ng stand-in bride.
Noong araw na nagvideo call sya, hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis.
“Girl, nasaan ka?! Pupunta ako d’yan. Hindi ka pwedeng tumanggi.”
“Marie… kasal? Pretending to be someone else? Ano ka ba…”
“Yes! At kikita ka! Hay naku, let me explain in person!”
Nagpatalo ako. “Fine… see you.”
Nasa Raventon ako noon,ang syudad na madadaanan papuntang Santa Catalina. Galing ako sa pagkuha ng gamot ni Mama. Umupo ako sa café, hangang matapos ang video call namin ni Marie.
At paglingon ko sa counter…
Kasi naroon siya.
Ang lalaking ayaw ko nang makita.
Si Dylan.
At sa pagbalik niya…
Nagsimula nang magbago ang lahat.
(Amelie / POV)Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala lang ‘yon.Na ang paninikip ng dibdib ko ay walang kinalaman sa kung paano bahagyang yumuko si Dylan palapit kay Jasmine Hernandez, o kung gaano siya ka-komportable roon. Maganda. Kumpiyansa. Walang takot ipakita na bahagi siya ng mundo ni Dylan.Paulit-ulit kong pinaniwalaan ang sarili ko.Pero mabigat ang kasinungalingan.At noong hapon na ‘yon sa mall, parang nakadagan ito sa bawat paghinga ko.Isang hakbang ang pagitan ko kay Yuri, kunwari’y interesado sa mga kotse, sa palakpakan, sa mga ilaw at kamera, kahit ang totoo, paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa kanya. Kay Dylan. Sa katahimikan ng kilos niya, sa awtoridad na hindi niya kailangang ipilit, dahil natural na sa kanya.At sa babae sa tabi niya.Ang kamay ni Jasmine sa braso niya ay parang doon na talaga nakalaan.Masyadong natural.Masyadong sanay.Tumingin ako sa ibang direksyon bago pa maging masakit ang pakiramdam.Wala kang karapatan, paalala ko sa sarili. M
( Dylan’s POV )Hindi ako naghintay ng pahintulot.Tumayo ako sa mismong sandaling binuksan ni Helena ang bibig niya, dahil alam kong kung nagtagal pa ako kahit isang segundo, baka may masabi akong hindi ko na kailanman mababawi.O mas masahol pa…baka tumingin ulit ako sa kanya.Ang matinis na kaskas ng upuan ko sa marmol ang pumutol sa katahimikan ng dining hall. Isang tunog na sapat na para ipaalala sa lahat na tapos na ako roon. Walang pumigil sa akin. Walang sumubok. Wala namang gumagawa noon, kahit kailan. Sa bahay na iyon, mas mabigat ang katahimikan kaysa sa kahit anong sigawan. At matagal ko nang natutunang mabuhay sa gitna ng pareho.Naglakad ako palabas ng silid, mahahaba at kontrolado ang mga hakbang, dumaan sa mahahabang pasilyo ng mansyon. Sa magkabilang dingding, nandoon ang mga larawan ng mga lalaking kapareho ko ng dugo, ngunit hindi kailanman kumilala sa akin bilang isa sa kanila.Parang buhay ang mga mata sa mga painting. Sinundan ako ng tingin, gaya ng lagi nilang g
(Amelie POV)Sumunod na umaga…Habang bumababa kami ni Yuri sa hagdan, kusa akong napabagal.Sa ibaba, malapit sa malalaking bintanang nakaharap sa hardin, nandoon si Dylan.Nakatiklop ang mga braso niya, suot ang dark at understated na damit na lalo lang nagpalayo sa aura niya. Walang emosyon ang mukha. Walang kahit anong bakas ng nangyari kagabi. Nang umangat ang tingin niya at tumama sa akin…Parang may humawak sa akin sa lugar.Malamig. Hindi nagpapatawad.At sa unang pagkakataon mula nang pirmahan ko ang kontratang ito, may takot na mahigpit na pumulupot sa dibdib ko.Dahil kung ano man ang pinaniniwalaan ni Dylan tungkol sa akin… Kung anong bersyon ng nakaraan ang hinuhusgahan niya…Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Wala akong depensa.At mas masakit pa…Hindi ko na rin alam kung ano ang tinatakbuhan ko.“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Yuri sa tabi ko.Tumango ako, kahit hindi ako sigurado kung totoo.At saka….Naputol ang katahimikan.May umalingaw
(Amelie POV)Pagkalipas ng dalawang araw, hindi na ako si Amelie Mitchell.Ako na si Sophia Redford.Lahat ng detalye ng bagong pagkatao ko ay inayos na, passport, IDs, personal profile, lahat, parang isang maingat ngunit nakakatakot na operasyon. Si Marie, kumilos na parang babaeng may deadline sa buhay at kamatayan. Walang sablay. Walang butas. Walang tanong na hindi nasagot.At ngayon…Nakatayo ako sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Alderidge Heights, ang ancestral mansion ng pamilyang Chen.Hinaplos ng malamig na hangin ang balat ko habang ibinababa ng driver ang maleta ko. Ang mansyon ay nakatayo sa harap ko, malawak, elegante, at nakakatakot. Sa likod ng malalaking salamin, kumikislap ang mga chandelier na parang mata ng isang nilalang na nagmamasid. Kahit ang hangin dito, kakaiba.Mas mabigat.Mas matalim.Ito na ang simula.Ang unang araw ko bilang ibang tao.Ang unang araw ko bilang magiging asawa ni Elijah Chen.Ang unang hakbang ko sa isang buhay na wala akong ideya
( Dylan’s POV )Hindi ko in-expect na makikita ko pa siya ulit.Hindi sa ganitong paraan.Hindi sa café ko.At lalong hindi sa panahong pinaniwala ko na ang sarili ko na si Amelie Mitchell ay bahagi na lang ng isang chapter ng buhay ko na matagal ko nang ibinaon at isinelyo sa pinaka-malalim na parte ng alaala ko.Pero andoon siya.Nakatayo sa loob ng Café Bulle De Ciel na parang may karapatan siyang naroon. Parang hindi niya ako iniwan noon nang hindi man lang lumingon. Parang hindi lumipas ang sampung taon na iniukit ang pagkawala niya sa bawat bersyon ng pagkatao ko.Nang magtagpo ang mga mata namin, may kung anong marahas na pumilipit sa dibdib ko.Nararamdaman ko na agad bago ko pa maintindihan, matalim, pamilyar, at ayaw kong maramdaman. Parang muling binuksan ang sugat na hindi kailanman tuluyang gumaling. Unti-unting naglaho ang mundo sa paligid naming, ang sipol ng espresso machine, ang tunog ng baso at plato, ang mahinang usapan ng mga customer. Siya lang ang nakikita ko.M
Hindi ko man lang binigyan ang sarili ko ng chance na huminga.The moment na nagtagpo ang tingin namin ni Dylan sa café na ‘yon, automatic na nag-react buong katawan ko… panic, gulat, at ‘yung kirot na akala ko matagal ko nang nilibing sa nakaraan. Tumayo ako bigla, halos lumipad pa ‘yung upuan sa lakas ng pag-atras ko. Napabulong ako ng “sorry” sa barista habang nagmamadali palabas, kunwari may bigla akong importanteng pupuntahan.Kailangan ko lang makalayo.Layo sa kaniya.Layo sa alaala niya.Paglabas ko sa pavement, malamig ang hangin, at kahit half-way pa lang ako sa sidewalk, doon ko na-realize…Yung purse ko.Naiwan ko sa counter.“Dammit, Amelie…” bulong ko sa sarili, pero hindi ko maibalik ang mga paa ko sa café. Hindi habang nandoon pa si Dylan. Hindi habang nakatitig pa siya gamit ‘yung mga matang kayang tunawin ang lahat ng pader na itinayo ko for years.Naglakad ako..mabilis, sobrang bilis..umaasang malulunod ako sa dami ng taong nagdaraan.Pero syempre, ang tadhana… mahi







