LOGINNAKATANGIN sa kawalan si Leina. Naiisip niya ang asawa. Iniwan niya ito sa mansyon kasama ang ina. Nagbago kaya ang nararamdaman ni Emil sa kanya? Paano kung mabaling ang pagtingin nito sa Mama niya? Ang dami niyang tanong sa isip na ayaw niyang isipin. Paano kung mangyari ang hindi dapat mangyari? “Juice.. ipinagtimpla kita ng orange juice. May niluto rin akong meryenda, baka gusto mo?” sabi ni Julian. Napatingin si Leina kay Julian. “Salamat.” Naupo si Julian katabi ni Leina. “Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Emil?” Nag-iwas ng tingin si Leina. Parang biglang bumigat ang dibdib niya sa tanong na iyon. Hindi siya agad nakasagot. Humigop muna siya ng orange juice bago dahan-dahang ibinaba ang baso. "Nag-away lang kami..." mahina niyang sagot. Napabuntong-hininga si Julian. "Hindi ako naniniwala. Kung simpleng away lang iyon, hindi ka aalis ng mansyon at pupunta dito na ganyan ang itsura." Napayuko si Leina. Hindi niya kayang magsinungaling. Hindi kayang magsinungaling ng
“ANONG ginagawa mo dito?” tanong ni Julian.Hindi niya inaasahan na makikita niya si Leina sa bahay nila. Saka parang hindi maganda ang dating ng itsura nito, parang may problema.“Nakita ako ni Aling Nena sa park, mag-isa kaya isinama niya ako.Napakunot ang noo ni Julian."Sa park?" ulit niya.Tumango si Leina at pilit na ngumiti."Oo. Wala naman akong mapuntahan kaya... ipinilit ni Aling Nena na sumama ako rito."Tahimik na pinagmasdan siya ni Julian. Halata sa mapupungay nitong mga mata at maputlang mukha na hindi ito nagsasabi ng buong totoo. Kilalang-kilala niya si Leina. Noon pa man, tuwing may mabigat itong dinadala, lagi nitong sinasabing ayos lang kahit hindi naman."Bakit? May nangyari ba?" mahinang tanong niya.Mabilis na umiling si Leina."Wala. Pagod lang ako."Hindi na nagsalita si Julian. Alam niyang nagsisinungaling ito, pero hindi niya ito pinilit. Ayaw niyang maramdaman ni Leina na iniipit niya.Mula sa kusina ay lumabas si Aling Nena habang may dalang isang baso ng
INILINGA ni Leina ang kanyang mga mata sa kabuuan ng sala ng bahay ni Aling Nena. Maganda ang bahay niya. Konkreto, parang semi bungalow house. Ang inaasahan niya ay bahay na kahoy. Nasa isang masikip na eskinita. Pero parang medyo may kaya si Aling Nena.“Nagtataka ka siguro na nasa isang magandang bahay ako nakatira? Hindi ba, Leina?” tanong ni Nena.Napangiti ng simple si Leina.“Sa totoo lang po, hindi ko lubos maisip na maganda po ang bahay niyo.”Natawa ng mahina si Nena.“Marami nga ang nagtataka. Napakasimple ko lang, hindi halata na may sarili akong bahay. Pero dahil ito sa anak ko, nagtatrabaho siya. Sana nga ay umuwi siya para makilala mo siya.”Nagkatinginan sandali ang dalawa."Isa lang po ba ang anak ninyo?" usisang tanong ni Leina.Tumango si Aling Nena."Oo. Isang lalaki. Siya na lang ang kasama ko sa buhay. Maaga akong nabiyuda kaya kaming dalawa lang ang nagtulungan para maitawid ang lahat.""Masipag po siguro siya."Napangiti si Aling Nena, halatang ipinagmamalaki a
HUMINTO ang taxi sa tapat ng isang public park. Inabot ni Leina ang kanyang bayad kay Manong driver. “Miss, malaki po ito. Malapit lang po ang park,” sabi ni Manong. Ngumiti si Leina. “Para po sa inyo talaga ‘yan. Maraming salamat po sa pagtulong sa akin.” Tumango si Manong at saka ngumiti. Lumabas na si Leina ng taxi, hila ang kanyang maleta. Umandar ang sasakyan at iniwan siya sa madilim na bahagi ng park. Naglakad si Leina, Naghanap ng puwede niyang upuan at nang makapagpahinga siya. Tahimik ang paligid. Iilan na lamang ang mga taong naglalakad sa park sa ganoong oras. May ilang ilaw na nagbibigay-liwanag sa daanan, ngunit hindi pa rin nito natatabunan ang lungkot na bumabalot kay Leina. Nang makakita siya ng isang bakanteng bangko sa ilalim ng malaking puno, dahan-dahan niya itong nilapitan. Ibinaba niya ang kanyang maleta sa tabi at saka siya umupo. Pagkaupo pa lamang ay muli nang bumuhos ang kanyang mga luha. Napayuko siya at mahigpit na niyakap ang sarili. "Bakit..."
LUMABAS si Lea sa kanyang kuwarto at naabutan niya si Emil na lugong-lugo. “Emil, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Mga tanong niya at dinaluhan si Emil. Nanlilisik ang mga mata ni Emil na binalingan si Lea. “Huwag mo nga akong hawakan!” Malakas niyang sigaw. Binitawan siya ni Lea. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi pa rin nabago ang nanlilisik niyang mga mata. “Nang dahil sayo umalis si Leina! Iniwan na ako ng asawa ko. Ikaw ang dahilan kung bakit masisira ang pamilyang binubuo ko.” Natigilan si Lea. Wala siyang maisagot sa mga himutok ni Emil sa kanya. Umalis si Leina. Bakit? Siguro ay nalaman na ng kanyang anak ang lahat sa kanila ni Emil. “N-Nalaman na ba niya? Sinong nagsabi sa kanya?” “It’s because of you, kaya nalaman niya. Dahil sa pagpupumilit mo! Sa kagustuhan mong wasakin ang pamilya ko. Makasarili ka, Lea!” Napaawang ang bibig ni Lea. "Ako?" nanginginig niyang tanong. "Bakit ko gugustuhing sirain ang pamilya ninyo?" Mapait na napatawa si Emil. "Huwag mo nang i
“PINATAY mo na ako noong nagsinungaling ka sa akin. Bakit ang Mama ko pa? Bakit ” Humahagulhol na tanong ni Leina, “I'm really sorry. Nagsinungaling ako dahil ayoko na magalit Ka. Pero hindi kita niloko. Hindi ko kailanman naisip na balikan pa si Lea. Kung anuman ang namagitan sa amin ay tapos na,” hingi ng tawad ni Emil. Mabilis na napailing-iling si Leina. Napahawak siya sa kanyang tiyan. May nararamdaman siyang kaunting kirot. Pero hindi niya iyon ipinahalata kay Emil. “Niloko pa rin ninyo ako ni Mama! Kayong dalawa, naisahan niyo ako sa pagtatago ng relasyon ninyo. Alam ba ito ni Papa? Sabihin mo sa akin ang totoo. Si Papa, alam ba niyang nagkaroon kayo ng relasyon ni Mama noon?” Hindi makasagot si Emil. Parang napipilan siya, walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Hindi agad nakasagot si Emil. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago siya napabuntong-hininga. Ang katahimikan niya ang lalong nagpalala sa sakit na nararamdaman ni Leina. Hindi niya kayang makita na nasa
NAGLAKAD-LAKAD si Leina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Wala rin siyang tutuluyan ngayong gabi. Ubos na ang pera niya, na kahit pangkain ay wala siya. Pumasok siya sa isang eskinita, umaasang makakakita ng kahit anong puwedeng pagtaguan o maupuan man lang. Madilim na a
PAGDATING ni Leina sa Manila ay sinalubong siya ng init at ingay ng siyudad. Hindi na siya sanay. Sanay siya sa tahimik na probinsya, sa amoy ng lupa at sa tunog ng hangin sa mga taniman nila. Pero ngayon, puro busina at usok ang paligid. Sa totoo lang hindi niya alam kung saan siya matutulog mama
Present DayTen Years LaterWALANG tigil ang paghagulhol ni Leina habang nakatingin sa kanyang mga magulang na nasa loob ng kulangan."Pa, ipinapangako ko po sa inyo na ilalabas ko kayo ni Mama rito... hindi ko po kayo kayang makita na nasa ganyang kalagayan..." pangakong sabi ni Leina habang nakah
WARNING: R-18 Ang story po na ito ay hindi akma sa mga batang mambabasa. Kung medyo maselan po kayo, hindi po akma ang istorya para sa inyo. Maraming salamat po. Ten Years Ago "LEINA, halika rito. May gusto akong ipakilala sa’yo," tawag ng Papa niya. Nakangiting nakatingin lang ang lalaking t







