Share

CHAPTER SEVENTY-SIX

last update Last Updated: 2025-06-07 13:54:02

THIRD Person:

Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.

Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.

Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.

Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"

Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.

Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot.

"Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"

Di makapagsalita si Ericka.

"Sila an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Judith Destacamento
miss pa update naman plss
goodnovel comment avatar
Judith Destacamento
bakit wala pa pong update,plss pa update naman po
goodnovel comment avatar
Judith Destacamento
update naman po pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:“Ma’am Maricar?”Nagmadaling lumapit si Bianca, hawak ang clipboard at cellphone, halatang hindi mapakali habang sinusundan si Maricar na papalabas na ng building.Agad namang huminto si Maricar sa gitna ng hallway at bahagyang lumingon sa sekretarya.“Mamaya na po kayo lumabas, Ma’am,” mariing babala ni Bianca, habol ang hininga.Napakunot ang noo ni Maricar napatingin sa kanya.“Marami pong reporter sa labas—nag-aabang po sila sa inyo.”Bahagyang ngumiti si Maricar. “Di mo pa rin ba alam, Bianca?” mahina ngunit banayad ang kanyang sagot. “Sanay na ako sa ganyan.”"Po?"“Ilang oras na silang nandoon?”tanong niya pagkatapos, habang inilalapat ang tingin sa pintuan sa dulo ng hallway“Mga... five hours na po, Ma’am,” sagot ni Bianca, bahagyang napapikit—tila naaawa.“Limang oras?...” ulit ni Maricar,. Tila binibilang sa isipan ang bigat ng panahong iyon.“Opo, Ma’am… talaga pong naghintay sila riyan hanggang matapos ang Annual General Meeting natin.”Tahimik si Maricar sa

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-SIX

    THIRD Person:Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar."Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot."Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"Di makapagsalita si Ericka."Sila an

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-FIVE

    THIRD PERSON:“Nandito na tayo…” mahinang sabi ni Alejandro habang nakatingin sa labas.Ngunit walang sagot. Kaya lumingon siya kay Maricar—nakasandal na ito sa bintana, bahagyang nakapikit, payapang natutulog habang nakayakap sa sarili, naka-krus ang mga braso na tila nagkukubli ng pagod.Ngumiti si Alejandro—‘yung ngiti ng isang taong masayang makita ang taong mahal niya na sa wakas ay nakakatikim ng kahit kaunting pahinga.Marahan niyang hininaan ang volume ng radyo, halos walang tunog na naiwan kundi ang ambon na marahang kumakatok sa bubong ng sasakyan.Hinubad niya ang suot niyang coat, saka dahan-dahang isinapin sa balikat ni Maricar. Saglit siyang napahinto, tinitigan ang maamong mukha nito. Ang luntiang ilaw mula sa poste sa labas ay lumalaro sa mga pilik-mata nito. Sa katahimikan ng sandali, para silang nasa sariling mundo.“Ang dami mong pinagdaanan, no?” bulong ni Alejandro, halos hindi marinig. “Pero nandito ka pa rin. Nagpapakatatag.”Saglit siyang tumigil, parang iniiwa

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-FOUR

    THIRD PERSON:“Bakit pa kayo pumunta ro’n, Ma?!” mariing tanong ni Nathan habang paulit-ulit na hinahagod ang buhok sa tindi ng inis. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pagkabigla, at lalong higit ang pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang uunahin.“Aba’y bakit? Bawal na ba kaming lumapit at pumunta sa kanya, ha? Porke’t mayaman na siya?!”Mataray ang tono ni Ginang Emelia, taas-noong nakatingin sa anak na para bang siya pa ang may karapatang magalit. Sa kanyang mga mata, hindi siya kailanman nagkamali.“Hindi naman sa gano’n!” malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Nathan habang pilit kinakalma ang sarili, bagamat halata sa kanyang pananalita ang bumubukal na galit.“Pero alam niyo namang mahigpit ang mga bantay ni Maricar ngayon. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ro’n. Ayaw kong mapahiya tayo.”“Tssk! Kung hindi pa kami kikilos, kailan ka pa kikilos, ha?!” singhal ni Carol habang padabog na tumayo.“Kapag pumuti na ang uwak? Kapag tuluyan ka

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-THREE

    Maricar POV:Tahimik kong pinagmamasdan ang kalakhang lungsod mula sa likod ng salaming bintana ng opisina.Sa kabila ng mga ilaw na kumikislap at sasakyang walang tigil sa pag-ikot, may malamig na katahimikan na bumabalot sa akin—hindi mula sa aircon, kundi mula sa damdaming matagal ko nang kinikimkim.Ito na ba talaga ang tinatawag nilang tagumpay?Narating ko na ang tuktok,Ngunit hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Parang panaginip lang na nangyari ang lahat ng ito—na ako ito, na narito ako.Hindi ko kailanman pinangarap ang ganitong buhay—ang kapangyarihan, ang titulo, ang karangyaan.Ang gusto ko lang naman… ay maging isang mabuting asawa. Isang mabuting ina. Isang babaeng kayang mahalin at ipagmalaki. Isang babaeng sapat.Akala ko, kapag binigay ko ang lahat, mamahalin nila ako nang buo.Pero sa dulo, hindi pala sapat ang pagiging totoo kung ang sukatan ng pagmamahal ay pera at pangalan.Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nagpapasalamat ako.Sa mga taong naniwala sa a

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-TWO

    THIRD PERSON:“BLAG!”Isang malakas na hampas sa mesa ang umalingawngaw sa silid, ikinagulat ng lahat.Sa dulo ng conference table, nakatayo si Don Rafael—pulang-pula ang mukha, nanginginig ang kamay na nakatukod sa mesa, tila pinipigil ang poot na maaaring sumabog anumang saglit.“Wala na ba talagang magagawa rito, Nathan? Ericka?!” sigaw niya, ang tinig ay malalim, parang kulog na gumugulong sa apat na sulok ng silid.Si Nathan ay nakayuko, mariing nakapikit. Si Ericka, tahimik ngunit halatang pinipigil ang galit, ay napansin ang paninigas ng kanyang panga. Ramdam sa paligid ang tensyon—parang sasabog ang ere anumang oras.“Hindi na namin ito kayang palagpasin, Don Rafael,” sabad ni Mr. Gomez, ang pinakamatandang investor. Malamig ang tinig habang ibinagsak ang isang folder sa mesa. “Sunod-sunod ang balita—puro negatibo. Nasa headline ang pagbagsak ng stocks n’yo, at isa-isa nang umatras ang mga supplier. Insolvent na kayo, kung tutuusin.”“We’re handling it—” mariing sagot ni Natha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status