تسجيل الدخولVia's POV"Ayos ka lang, Sheika? Ang tahimik mo bigla," usisa ko nang mapansin ko ang pananahimik ni Sheika. "Ang lalim yata ng iniisip mo. Share mo. Baka makatulong ako."Napabuntong-hininga siya na para bang napakalaki ng problema niya. "Hindi ko maintindihan, Via," panimula niya."Alin? Iyong kalakaran dito? O si Sir Liam?"Napahinto siya sa paglalakad. Sabi na eh, tungkol 'to kay Sir Liam. Simula no'ng mangyari no'ng sa presidential suite, palagi na lang malalim ang iniisip niya.Muli siyang napabuntong-hininga. Kahit ako napapabuntong-hininga rin. Ano ba kasi ang problema ng babaeng 'to?"Huwag mong sabihin na may nararamdaman ka kay Sir Liam? Hoy babae! Ikakasal ka na next month kay Theo, 'di ba? Huwag kang magloko! Masama 'yon!""Ssh, ang ingay mo," saway niya sa akin.Bumungisngis na lang ako. Nandito kasi kami sa lobby, nag-aasikaso ng mga kliyente. Pansin ko nga parami na sila nang parami. Nakakapanibago. May araw nga na halos hindi na kami makapagpahinga. Literal na dinagsa
Nabitawan niya ang vase. Sa sobrang bilis ng pangyayari, akala niya babagsak siya sa matigas na sahig kasabay ng pagkabasag ng vase. Pero bago pa man mangyari 'yon, isang kamay ang humablot sa vase sa ere, at brasong pumulupot sa kanyang baywang.Napapikit si Sheika, pero nang maramdaman niyang hindi siya bumagsak, dahan-dahan niyang minulat ang mga mata.Bumungad sa kanya ang mukha ni Liam na napakalapit sa kanya. Fear and worry were etched across Liam’s face. One of his hands gripped the vase tightly, while the other wrapped firmly around her waist, as if he never wanted to let her go.Pakiramdam ni Sheika tumatagos sa suot niyang uniporme ang init ng katawan ni Liam. Naamoy niya ang pamilyar na bango nito."Be careful, Ashanti... I mean, Sheika," bulong ni Liam. His voice trembled, and his eyes were fixed on Sheika’s lips.Hindi makagalaw si Sheika. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tib0k ng puso niya. "S-Salamat po, Sir... I'm sorry po, naging clumsy ako.""I won't let you fall
Nang makaalis ang kliyente at si Theo, agad na nagpunta sa pantry sina Sheika at ang receptionist na si Via para magtimpla ng kape. Hindi mapakali si Via, panay ang sulyap sa pinto na tila may kinatatakutan o kinasasabikan."Sheika, hindi mo ba talaga kilala kung sino 'yong kausap mo kanina sa lobby?" tanong ni Via habang nagtitimpla ng kape.Kumunot ang noo ni Sheika habang binubuksan ang baon niyang lunch box. "Hindi eh. Bakit? Guest ba siya rito? Mukha siyang importante, pero napansin ko, parang ang lungkot ng mga mata niya."Halos mabulunan si Via sa sarili niyang laway. "Importante? Sheika, hindi lang siya importante! Siya si Sir Liam Alcantara! Siya ang may-ari ng buong resthouse na 'to, ng NH Group, at kung anu-ano pang kumpanya. Kumbaga, siya ang pinaka-boss nating lahat!"Nabitawan ni Sheika ang kutsara niya. Biglang bumilis ang tib0k ng puso niya nang maalala ang titig ng lalaki kanina. "Siya... ang may-ari nito?""Oo! At balita ko, bihira 'yon pumunta rito. Palaging nasa Ma
Nagsimulang mainis ang kliyente. Nagsalita na ito sa Mandarin sa kanyang asawa. "Zhège dìfāng hěn málan, tāmen bù lǐjiě wǒmen!" (Napakagulo ng lugar na ito, hindi nila tayo naiintindihan!) Bago pa lumaki ang tensyon, mahinahong lumapit si Sheika. "Nǐ hǎo, xiānsheng. Qǐng bùyào shēngqì. Wǒ kěyǐ bāng nǐ." (Hello, Sir. Please don't be angry. I can help you.) nakangiting sabi ni Sheika sa malinaw na Mandarin. Nanlaki ang mga mata ng mag-asawang Chinese. Maging ang receptionist sa tabi niya ay napanganga. "Nǐ huì shuō pǔtōnghuà?" (Marunong ka mag-Mandarin?) gulat na tanong ng kliyente. "Huì de. Wǒ huì bāng nǐ jiǎochá nǐ de yùdìng. Qǐng gěi wǒ nǐ de hùzhào." (Opo. Tutulungan ko kayong i-check ang reservation niyo. Pakiabot po ang mga passport niyo.) sagot ni Sheika habang mabilis na kinakalikot ang computer. Sa loob ng ilang minuto, naayos ni Sheika ang gusot. Paulit-ulit na nagpasalamat sa kanya ang mag-asawa bago masayang nagtungo sa kanilang villa. Sa di kalayuan, sa likod ng isan
Nanatiling nakatayo si Liam sa gitna ng palengke, tila isang rebulto na unti-unting dinudurog ng katotohanan. Sheika. Iyon ang tawag sa kanya ng lalaki. And what hurt the most was that Ashanti’s eyes, once filled with love for him, looked at him without any emotion. There was no recognition at all. Samantala, pag-uwi nina Theo at Sheika sa kanilang maliit na dampa sa tabing-dagat, sinalubong sila ni Aling Martha, ang ina ni Theo. Namumutla ito at bahagyang hinihingal habang nakaupo sa papag. "Nay, bakit po kayo bumangon? Sabi ko naman sa inyo, magpahinga lang kayo. Hindi pa po kayo ganun kagaling mula sa lagnat," nag-aalalang sabi ni Theo at inilapag ang mga pinamili. "Theo, anak... tumawag kasi ang supervisor sa Alcantara Resthouse. Alam niyo namang peak season ngayon dahil dagsa ang mga VIP guest. Kulang na kulang sila sa tao," nanghihinang sabi ni Aling Martha. Tumingin siya kay Sheika na nag-aayos ng mga mangga. "Sheika, hija... pwedeng makiusap? Ikaw muna ang pumalit sa akin s
Tatlong taon ang lumipas. Iyong dating masigla at makulay na NH Group, tila nawalan ng buhay. Liam Alcantara was no longer the man he used to be. He had become cold and ruthless. Pumapasok siya sa opisina ng madaling araw at uuwi ng hatinggabi. Work became his only drug to keep his mind steady, to numb the pain that was eating him alive. Hindi siya sumuko. Hanggang ngayon, may mga private investigators pa rin siyang binabayaran sa iba't ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa para hanapin si Ashanti. Hindi siya naniniwalang wala na ito. Pinanghahawakan niya ang pag-asang baka may nakakuha rito, baka nailigtas ito. Even his grandfather, who now asked for his forgiveness almost every day, had fallen ill from the weight of his guilt over what he had done to Ashanti. Pero si Liam? Tila walang naririnig. Kapag kinakausap siya ng Lolo niya, tinitingnan niya lang ito nang walang buhay bago tatalikod at babalik sa trabaho. "Liam, anak... please, maawa ka sa sarili mo," hikbi ni Hera







