ログインNagsimulang mainis ang kliyente. Nagsalita na ito sa Mandarin sa kanyang asawa. "Zhège dìfāng hěn málan, tāmen bù lǐjiě wǒmen!" (Napakagulo ng lugar na ito, hindi nila tayo naiintindihan!) Bago pa lumaki ang tensyon, mahinahong lumapit si Sheika. "Nǐ hǎo, xiānsheng. Qǐng bùyào shēngqì. Wǒ kěyǐ bāng nǐ." (Hello, Sir. Please don't be angry. I can help you.) nakangiting sabi ni Sheika sa malinaw na Mandarin. Nanlaki ang mga mata ng mag-asawang Chinese. Maging ang receptionist sa tabi niya ay napanganga. "Nǐ huì shuō pǔtōnghuà?" (Marunong ka mag-Mandarin?) gulat na tanong ng kliyente. "Huì de. Wǒ huì bāng nǐ jiǎochá nǐ de yùdìng. Qǐng gěi wǒ nǐ de hùzhào." (Opo. Tutulungan ko kayong i-check ang reservation niyo. Pakiabot po ang mga passport niyo.) sagot ni Sheika habang mabilis na kinakalikot ang computer. Sa loob ng ilang minuto, naayos ni Sheika ang gusot. Paulit-ulit na nagpasalamat sa kanya ang mag-asawa bago masayang nagtungo sa kanilang villa. Sa di kalayuan, sa likod ng isan
Nanatiling nakatayo si Liam sa gitna ng palengke, tila isang rebulto na unti-unting dinudurog ng katotohanan. Sheika. Iyon ang tawag sa kanya ng lalaki. And what hurt the most was that Ashanti’s eyes, once filled with love for him, looked at him without any emotion. There was no recognition at all. Samantala, pag-uwi nina Theo at Sheika sa kanilang maliit na dampa sa tabing-dagat, sinalubong sila ni Aling Martha, ang ina ni Theo. Namumutla ito at bahagyang hinihingal habang nakaupo sa papag. "Nay, bakit po kayo bumangon? Sabi ko naman sa inyo, magpahinga lang kayo. Hindi pa po kayo ganun kagaling mula sa lagnat," nag-aalalang sabi ni Theo at inilapag ang mga pinamili. "Theo, anak... tumawag kasi ang supervisor sa Alcantara Resthouse. Alam niyo namang peak season ngayon dahil dagsa ang mga VIP guest. Kulang na kulang sila sa tao," nanghihinang sabi ni Aling Martha. Tumingin siya kay Sheika na nag-aayos ng mga mangga. "Sheika, hija... pwedeng makiusap? Ikaw muna ang pumalit sa akin s
Tatlong taon ang lumipas. Iyong dating masigla at makulay na NH Group, tila nawalan ng buhay. Liam Alcantara was no longer the man he used to be. He had become cold and ruthless. Pumapasok siya sa opisina ng madaling araw at uuwi ng hatinggabi. Work became his only drug to keep his mind steady, to numb the pain that was eating him alive. Hindi siya sumuko. Hanggang ngayon, may mga private investigators pa rin siyang binabayaran sa iba't ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa para hanapin si Ashanti. Hindi siya naniniwalang wala na ito. Pinanghahawakan niya ang pag-asang baka may nakakuha rito, baka nailigtas ito. Even his grandfather, who now asked for his forgiveness almost every day, had fallen ill from the weight of his guilt over what he had done to Ashanti. Pero si Liam? Tila walang naririnig. Kapag kinakausap siya ng Lolo niya, tinitingnan niya lang ito nang walang buhay bago tatalikod at babalik sa trabaho. "Liam, anak... please, maawa ka sa sarili mo," hikbi ni Hera
Third Person POV Puting kisame ng ospital ang unang bumungad kay Ashanti nang imulat niya ang mga mata. Malabo pa ang paningin niya, at ang tanging naririnig niya ay ang paulit-ulit na tunog ng heart monitor. Sa gilid ng kanyang kama, nakita niya si Liam, magulo ang buhok, mapula ang mga mata, at bakas ang pagsisisi sa mukha habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Pumasok ang doktor, bitbit ang isang clipboard na tila ba hatol ng kamatayan para sa kanilang dalawa. Lumapit ito at bumuntong-hininga. "Mr. and Mrs. Alcantara... I'm very sorry," mahinang panimula ng doktor. "The stress, the physical exhaustion, and the hemorrhage from the fall... we did everything we could, but we couldn't save the baby." Katahimikan. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kwarto. Napahikbi na lamang si Liam, isinubsob ang mukha sa gilid ng kama ni Ashanti habang humihingi ng tawad na hindi marinig dahil sa iyak. Pero si Ashanti? Nanatili lang siyang nakatitig sa kisame. Walang luha. Wala
"Translating? Or trying to get his attention?" singhal ni Mrs. Tan. "My husband mentioned how charming and thoughtful you were. Nakita ko rin sa CCTV kung paano ka ngumiti sa kanya! Alam mo bang may asawa na 'yong tao? Porke ba asawa ka ng CEO, akala mo ay pwede ka nang mamingwit ng ibang mayayaman dito?""Mrs. Tan, that’s a foul accusation! I was doing my job! Tinulungan ko siya dahil walang ibang marunong mag-Mandarin sa amin noong oras na 'yon," depensa ko, naramdaman ko ang pangangatog ng boses ko sa galit."Brenda, I want her suspended! Kung hindi, i-pu-pullout namin ang shares namin sa NH Group!" banta ni Mrs. Tan."Ms. Brenda, please believe me..." tinitigan ko si Ms. Brenda, umaasang kakampi siya sa akin. "Wala akong nilalandi. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."Pero umiwas ito ng tingin. "Ashanti, I told you before. Be professional. Ang daming nakakita sa inyo. Mrs. Tan has a point, masyado kang nagiging malapit sa mga male clients. I cannot ignore this complaint.""So, ganun
Tumuloy na lang ako sa kwarto namin ni Liam sa mansyon, bitbit ang bigat sa dibdib na hindi ko maipaliwanag. Akala ko ba okay na? Akala ko ba tapos na kami sa mga ganitong eksena? Naupo ako sa gilid ng kama, hinihintay siyang pumasok. Lumipas ang halos isang oras bago bumukas ang pinto.Pumasok si Liam, pero hindi siya tumingin sa akin. Dire-diretso siya sa closet at kumuha ng pamalit na damit. Iyong aura niya, ang lamig. Walang bakas ng Liam na mapagbiro at malambing kanina sa sasakyan."Liam," mahinang tawag ko sa kanya.Hindi siya sumagot. Narinig ko lang ang kalasing ng belt niya habang tinatanggal ito."Liam, galit ka ba?" Tumayo ako at lumapit sa kanya, tinangkang hawakan ang braso niya pero bahagya siyang umiwas. "I was just asking kung anong language, kasi gusto kong maging prepared. Hindi naman sa ayaw ko—""Sana oo na lang ang isinagot mo, Ashanti," putol niya sa akin, sa wakas ay tumingin na siya, pero ang mga mata niya, puno ng frustration. "Lolo was trying to reach out. A







