LOGIN"Do you still want to eat mangoes?"
Hindi ko pinansin si Spike nang tanungin niya ako matapos naming ihatid si Rynette sa bahay nila. Hindi ko siya sinagot. Hindi na rin siya muling nagsalita. Mas lalo lang akong nagtampo. Hindi man lang siya nagtanong ulit. Ni hindi niya ako kinulit para sa sagot ko sa tanong niya. Wala siyang pakealam sa akin! E, bakit ba, Serra? Ano naman kung wala nga siyang pakealam? Marahan akong napabuntonghininga habang nakatingin sa labas ng bintana. Papunta kaming mall ngayon para mamili ng gamit ni baby. Gusto ko sanang isama si Rynette ang kaso ay ayaw niyang sumama at gusto'y dumiretso na ng uwi. Hindi rin naman daw kasi niya mauuwi ang mga gamit dahil didiretso ang mga 'yon sa bahay namin ni Spike, sa magiging kwarto ng bata. "Gusto mong kumain muna bago mamili ng gamit?" Hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang tampo ko sa kanya. Para akong batang nagtatampo dahil hindi nabigay ang gusto. Para akong ganoon. Masisisi ba niya ako? E sa iyon ang nararamdaman ko, e. Gusto ko lang naman kumain ng mangga kanina. Bakit hindi pa magawang ibigay? "Are you ignoring me? Are you even listening to me?" aniya sabay hawak sa siko ko upang ipaharap sa kanya. "Don't touch me!" sabi ko saka inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Saka ako umusog palayo, pilit na isinisiksik ang sarili sa pintuan ng sasakyan. Hindi siya muling nagsalita pero agad akong napalingon sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "What's your problem, Serra?" Nag iwas ako ng tingin. "Wala." "Kung ganoon, bakit ka nagkakaganyan?" Nanatili akong tahimik. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bakit parang napaka-sensitive ko? Seriously? Over a mango? "I just. . . I just wanted to eat mangoes earlier. Pero hindi mo ako pinansin." Sandali akong naghintay ng sagot mula sa kanya pero nanatili siyang tahimik kaya nagdesisyon akong lingunin siya. Iyon pala ay nakatitig na sa akin. Bagaman hindi nakangiti ang kanyang mga labi ay iba naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata. His eyes were celebrating over something. And I don't have even the slightest idea kung ano 'yon. Nagtaas ako ng isang kilay. "Bakit ka umiiyak para sa simpleng mangga? Sinabi mo sana agad na gustong gusto mong kumain para nakahinto tayo." Bakit parang kasalanan ko pa ngayon kung bakit hindi ako nakakain? Ngumiti siya sabay angat ng isa niyang kamay at gamit ang hintuturo ay inalis niya ang mga luha sa kaliwa kong pisngi. Agad akong napahawak sa pisngi ko kasabay ng mabilis kong pagwaksi sa kamay niya. "I am not crying." "Stop denying the obvious, Serra." "I am not!" "Tss." Nilingon ko siya't agad na pinanlisikan ng mga mata. "Sabi ko kanina 'di ba? Gusto kong kumain ng mangga! Hindi mo ako pinakinggan!" galit kong bulyaw sa kanya. "May appointment tayo." "Ilang minuto lang naman ang mawawala sa pagbili ng mangga!" "Are we going to fight over this petty thing?" Marahas akong napabuga ng hangin. Petty thing? He called this petty. E, halos hirap na akong huminga dahil sa sikip ng dibdib ko tapos para sa kanya petty itong nararamdaman ko? "How insensitive," I murmured. Ilang sandali siyang nanahimik. Ganoon din ako habang nag aalis ng mga luha at pilit na kinakalma ang sarili. Ayaw kong sumabog dito. Not in front of him! "Saan ka nanggaling kagabi?" Natigil ako sa ginagawa, maging sa paghinga. Bakit biglang napunta doon ang usapan? "Are you scheming something behind my back, my wife?" tunog nagbibiro pero may bahid ng galit na tanong niya. Kumunot ang noo ko kasabay ng paglingon ko sa kanya. Wait! Hindi ko alam kung saan ako mag fo-focus doon sa mga binitawan niyang salita. Is it on me scheming? O kung sa kung anong itinawag niya sa akin? "Inaakusahan mo ba ako?" "Gusto ko lang malaman. . ." Nilingon niya ako. "Is my wife cheating on me?" Wala na ang kaninang mapagbirong tunog. Purong galit na ngayon ang narinig ko nang itanong niya iyon kanina. "Pinasundan kita kagabi." Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. "Do you want me to tell you what I heard from my men?" Parang huminto ang ikot ng mundo ko. Natigil ko maging ang sarili kong paghinga. "Did you really have sex with the man who kidnapped you?!" mariing bulyaw niya sa akin. Napasinghap ako. "I didn't!" pagtatanggol ko sa sarili ko. "And you expect me to believe that? Everyone heard you moaned!" Hindi ako nakasagot. Pilit kong binabalikan ang mga nangyari no'ng gabing iyon. Pilit kong inaalala ang mga mukha ng mga lalaking naroroon no'ng gabing iyon. Sino-sino doon ang tauhan ni Spike? "Kailan pa, Serra? Is it before or after our wedding?" "Ano bang pake mo?" tanong ko na miski ako ay nagulat kung papaano iyon lumabas sa bibig ko. Kita ko rin kung paanong bumalatay ang gulat sa mga mata ni Spike at kung paano mas lalong nag apoy ang kanyang mga mata dahil sa galit. "A-anong pake mo kung magpagalaw ako sa iba? Anong pake mo kung may iba akong lalaki? Paano mo natatawag na cheating ang ginagawa ko kung hindi naman talaga totoong tayo! Kasal lang tayo sa papel. Hawak mo lang ako at ang katawan ko pero hindi ang puso ko!" Hindi ko na alam kung anong mga pinagsasasabi ko. "So, it's true? Mahal mo na? No'ng kinidnap ka niya. . . Plano niyo rin iyon 'di ba? Para mabayaran ko ang utang ng daddy mo sa kanila! O baka naman hindi totoong may utang ang daddy mo at plano niyo lang iyon para makakuha ng pera mula sa akin!" Hindi ko na napigilan. Umayos ako ng upo at saka siya sinampal ng napakalakas. "Huwag na huwag mo akong huhusgahan base lang sa narinig mo! Wala akong ginagawang masama sa 'yo!" Umigting ang panga niya't mariin niya akong hinawakan sa aking braso. "Ayusin mo ang pagbabayad mo ng utang sa akin. Akin ka, Serra. Akin ang lahat-lahat sa 'yo. Ikaw, ang katawan mo, pati puso't kaluluwa mo. At hinding-hindi ako papayag na may ibang humahawak at nakakatikim sa 'yo. Pagmamay-ari kita. You understand?" Matalim ang naging pagtitig ko sa kanya. "Sa oras na malaman kong nakipagkita ka ulit sa lalaking 'yon. . . Papatayin ko siya sa harapan mo mismo," nakakapanindig balahibo niyang sabi na siyang bumuo ng takot sa dibdib ko. -- SPIKE GUILLERMO When she craved for mangoes, bigla akong natuwa kahit wala pang kasiguraduhan. A sudden thought of her being pregnant made me so happy. Pero no'ng hindi niya idineny ang nangyari sa kanila ni Mojica ay bigla na lang nawala ang konting tuwang naramdaman ko kanina at napalitan ng galit. I just want her to deny it. Pero inamin niya. Now, kung dahil sa pagbubuntis ang pag iyak niya dahil sa mangga. Hindi ko na alam kung maniniwala pa akong akin ang bata. I might regret having her as my wife.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







