LOGINMay schedule sa OB si Rynette ngayon. Pre-natal yata ang tawag nila doon. Spike and I decided to go with her to monitor na rin sa baby in her tummy. And to go shopping for baby stuffs after.
Walang ekspresyon ang mukha ng asawa ni Rynette habang hinahatid kami ng tingin. Nakatingin lang din ako sa kanya at hindi ko malaman kung anong pwede kong maramdaman. Hindi ako sigurado kung pwede ba akong maawa sa kanya. Nilingon ko si Spike na abala sa ipad niya habang hinihintay na makasakay si Rynette sa likurang bahagi ng sasakyan. He's using his other black car for today's errand by the way. Ang yaman yaman, ang daming sasakyan! Hindi niya pinansin ang paninitig ko sa kanya kahit na alam ko namang nakikita niya ako mula sa peripheral vision niya. Naglipat ako ng tingin kay Rynette na kapapasok lang sa sasakyan. "Hindi pa rin ba kayo nag uusap ng asawa mo?" tanong ko. I know I am being nosy. Pero hindi ko mapigilan. Feeling ko, isa kami ni Spike sa dahilan kaya parang nagkakalamat ang relasyon nilang mag asawa. Isa nga ba? O kami talaga ang dahilan? Sandaling tiningnan ni Rynette ang asawa niya sa pintuan ng bahay nila bago ito nagbalik ng tingin sa akin. "Huwag po kayong mag alala, Maam Serra. Magiging maayos din po kami," sabay ngiti nito ng pilit sa akin. I doubt it. Alam kong hindi ito maliit na away para sa kanila. Tumikhim si Spike kaya nakuha niya ang atensyon ko. Binuhay niya ang makina at agad na pinaharurot ang sasakyan nang hindi man lang pinapansin ang paninitig ko sa kanya. Pare-pareho kaming tahimik sa byahe. Hanggang sa may nakita akong fruitstand. "Spike, gusto kong kumain ng mangga!" excited kong lingon kay Spike. Kumunot naman agad ang noo niya at nilingon ako. "Seriously?" Hindi makapaniwalang sambit ni Spike saka muling itinuon ang atensyon sa harapan. "Oo!" bakas ang frustration sa boses ko. Lumagpas na kami sa mga fruitstands dahil sa tagal ni Spike maniwala. Nakakainis! "We'll buy later," aniya. I crosses my arms kasabay ng pag irap ko sa kanya. Nakabusangot akong nagbaling ng atensyon sa labas ng bintana. I tried not to pero kumawala pa rin ang ilang butil ng aking luha. Naninikip ang dibdib ko habang pinapanood ang mga establisyementong nadadaanan namin. I don't know! Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa simpleng mangga lang ay ganito na ang nararamdaman kong hinanakit sa kanya. Umiiral na naman ba ang pagiging spoiled ko? Na kapag hindi nakuha ang gusto ay magtatampo? Akala ko natuto na ako. Akala ko tanggap ko nang bankrupt na kami at naghihirap na ako. Pero ganito pa rin pala ako. Hindi pa rin yata nag si-sink in sa akin ang lahat because I'm still living as Spike Guillermo's wife. "Uh. . . Miss Serra, may baon po akong sliced apples dito. Gusto niyo po?" rinig kong tanong ni Rynette. Marahil ay napansin ang pagtatampo ko. "Ayos lang. Hindi apple ang gusto ko." I tried to decline her politely, but I ended up sounding mean. Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi. Tumikhim at umayos ako ng upo. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa clinic kung saan magpapa-checkup si Rynette. "Gusto niyo po bang sumama sa loob?" tanong ni Rynette. Nilingon ko si Spike sa gilid ko kung sasagutin ba niya ang tanong ni Rynette pero nanatili sa ipad niya ang kanyang mga tingin. Kaya nag angat ako ng tingin kay Rynette at tipid siyang nginitian. "I'll go with you," sabi ko at tumayo na. Sandaling kinausap si Rynette ng doctor. Nag question and answer portion pa sila bago kami pinapasok sa mas maliit na kwarto kung saan pinahiga si Rynette. "Maam Serra!" mahinang tawag sa akin ni Rynette. Nakaupo lang kasi ako may 'di kalayuan sa kanya at nagtititingin lang sa paligid. I am entertaining myself by looking at the mommy and baby pictures posted on their wall. Nilingon ko si Rynette. Agad niya akong nginitian nang natagpuan niya ang mga mata ko. "Heartbeat ni baby," nakangiti niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Pero nang nilakasan ng midwife ang speaker ay napatingin agad ako doon. Unti-unting kumawala ang ngiti sa aking labi. Tuwang-tuwa ako nang narinig ang heartbeat ng baby na nasa sinapupunan ni Rynette. Naglipat ako ng tingin kay Rynette at nakitang namumula ang kanyang mga mata. Kagat-kagat niya ng mariin ang kanyang labi, nagpipigil. Pinipigilan niyang kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay naiiyak. Hindi naman ako 'yong ina ng bata. Hindi naman ako 'yong nagbubuntis. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit para akong dinuyan papuntang alapaap sa sobrang saya. Kung ganito na ang nararamdaman ko ngayong hindi sa sarili kong anak ang heartbeat na naririnig ko. Ano na lang kaya kung sa sariling anak ko na 'yon? Napapikit ako't marahang bumuga ng hangin. No. I can't waver like this. Simula pa lang ayaw ko nang magkaanak at magkapamilya. Hindi pwedeng basta na lang mabali ang paninindigan kong 'yon. -- SPIKE GUILLERMO Napalingon agad ako sa nakasaradong pintuan ng kwarto kung saan naroroon sina Serra at Rynette pagkatapos kong marinig ang sunod-sunod na heartbeat ng batang nasa sinapupunan ni Rynette. "Are you the father? Your baby's a healthy one." Dinaanan ako ng isang doctor at iyon ang sinabi niya sa akin. Tipid lamang akong ngumiti. It would be a big smile if it is from Serra's womb. Kung totoong anak namin iyon ay siguro'y kasama pa nila ako sa loob. Ang kaso ay hindi. Ang tibok ng pusong naririnig ko ngayon ay walang kaugnayan sa akin. He's just the key. Susi lamang na gagamitin ko para mabuksan at mapasaakin ang kayamanang nakatago ng mga Guillermo. "He's not my child," sabi ko sa doktor. Mabuti na rin siguro at hindi nabuntis si Serra. Kasi kapag nagkataon, masisira ang mga plano ko. Lalo pa't nagsisimula na siyang sirain ang mga 'yon ngayon. Thankfully, the sky is in my favour.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







