FAZER LOGIN"I can't believe na nagawa mong bastusin si lola kanina, Serra!"
Kararating pa lang ni Spike at ang panenermon niya agad ang bumungad sa akin. Kasalukuyan akong kumakain ng ice cream sa sala nang dumating siya. Agad kong ibinaba ang kutsarang may ice cream na isusubo ko na sana. I heave out a long sigh bago ako nag angat ng tingin sa kanya. "Anong kabastos-bastos sa ginawa ko, Spike?" Agad na kumunot ang noo niya. "You didn't listen to her when she asked you to talk with her!" "Because we have nothing to talk about! And I see no reason para makipag usap pa sa kanya because in the first place napaliwanag niyo na naman na sa kanya ang mga nangyari kanina, right? So, what's the point of talking to her?" Mas lalong kumunot ang noo niya. "Galit ka pa rin ba? Are you still mad despite the fact that you already knew the truth?" "No! I'm not! I'm just casually answering your questions. Anyway, kumain ka na ba? Nagluto ako ng pork adobo para sa 'yo," sabi ko at nauna nang magtungo sa kusina. "I didn't know how to cook this, so I had to ask pa one of the bodyguards to help me cooked this for you. Sana magustuhan mo ang lasa." Naghain ako ng adobo at kanin sa harapan niya. Kumukuha ako ng utensils na gagamitin nang narinig ko ang paghila niya ng upuan. "Mukha namang masarap," aniya. "Of course it is. Because it was made with love, Spike," sabay ngiti ko at naupo na sa upuang nasa harapan niya. Habang nagsasalin ako ng kanin sa plato ko ay nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. "Why?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyebrow shot up. "Sino sa mga bodyguards dyan sa labas ang tumulong sa 'yong magluto?" Bahagyang umawang ang labi ko. There you go, Spike Guillermo! "Ah! Si Jaspher." Kumunot ang noo niya. "Sinong Jaspher?" "Si Jhasper! Hindi mo kilala? Iyong pinakagwapo sa lahat ng bodyguards na nandyan sa labas." "Ha!" Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. "Are you trying to flirt with one of the bodyguards, Serra?" Iniangat ko ang dalawa kong kilay na parang nagulat sa kanyang mga sinabi, kahit na ang totoo ay expected ko na ang ganitong reaksyon niya. "Spike? Are you saying na malandi ako? How could you!" "I didn't say that!" agad niyang depensa. "I can't believe you! You don't trust me? Pagkatapos kong sabihin sa 'yong mahal kita? Fuck! You don't trust me?!" naiiyak kong sabi. "What?! Hindi ko sinabing wala akong tiwala, okay?! Hindi ba pwedeng nagseselos lang?" Tumigil ako sa kunwaring pag iyak at nag angat ako ng tingin sa kanya. "Why? Bakit ka nagseselos?" "Dahil nagpapaturo kang magluto sa iba when you could've searched it instead or watch videos online!" "How can I search it or watch it online kung wala naman akong gadget na pwedeng magamit!" Mas lalong nangunot ang noo niya. "You can use the TV, Serra!" Damn it! I forgot the TV! Wala na! Sira na ang plano kong makahingi ng cellphone sa kanya. "I'm not comfortable of using it." "Then what are you comfortable with?" "Is giving me a phone too much, Spike? Pwede mo naman siguro akong ibili 'di ba? Para din may mapaglibangan ako habang kinukulong mo ako dito sa loob ng bahay." "Anong pinagsasasabi mong kinukulong? Hindi kita kinukulong!" "Oh? Hindi ba? E, anong tawag mo sa napakaraming bodyguards na nakabantay d'yan sa labas ng bahay?" "They were just there to protect you!" Nagtaas ako ng isang kilay. "Protect me from what?" "From harm?" he sarcastically said like I'm asking him the obvious. Mas lalong tumaas ang isa kong kilay. Anong harm pinagsasasabi niya? E, sa pagkakaalam ko, siya lang naman ang interesado sa akin. Wala naman na akong ibang pinagtataguan. "Someone is tailing you, Serra." Ang kaninang nakataas kong kilay ay unti-unting bumaba. My eyebrows furrowed. "Bakit?" is the only word I uttered. For some reason ay bigla akong kinabahan. I suddenly remember the time when Yoko and his men abducted me because of daddy's debt. Agad na sumagi sa isip ko na baka sina Yoko ulit. But I doubted it. Because the last time we've seen each other ay pinagtaguan at ipinagtabuyan niya ako palayo dahil sa takot niya kay Spike. Umiling si Spike. "For now, I don't know. Lahat ng alam kong pinagkakautangan ng daddy mo ay nabayaran ko na. Kaya wala akong ideya kung sino ang may balak na masama sa iyo." Napahugot ako ng malalim na hininga. Muntik ko na sanang sabihin na baka si Merila pero buti na lang ay maagap kong napigilan ang bibig ko. I almost forgot what happened and what I saw earlier dahil sa biglaang kaba na naramdaman ko. Hindi kaya talagang si Merila? Baka pinapasundan niya ako! Baka gusto niya akong ipa-kidnap at ipapatay! "What? You have someone in mind?" tanong ni Spike nang napansin ang pananahimik ko. Agad akong umiling. "Wala." Of course I won't tell him na pinagdududahan ko si Merila no! Because I'm sure hindi rin naman siya maniniwala sa akin. He'll surely tell me na hindi 'yon magagawa ni Merila, na inosente si Merila and etcetera! "I will buy you a phone tomorrow. What else do you need?" Umiling ako. "I only need a phone." Tipid siyang ngumiti saka tumango. "I hope marami kang maaral na ulam so you can cook for me everyday," aniya habang naglalagay ng ulam sa plato niya. Hindi ako nagsalita o tumugon sa sinabi niya. I watched him closely as I waited for him to taste the adobo I cooked. Bahagyang umangat ang dalawa niyang kilay pagkatapos ay biglang sumimangot. "Hindi masarap. Next time huwag ka nang magpapaturo sa bodyguard na 'yon." Napasimangot din ako. No one teaches me! Inaral ko 'yon kanina sa video na pinanood ko sa cellphone ni Sebastian! Ibig sabihin pangit nga ang lasa ng niluto ko! Hindi siya nasarapan! He should've at least lied about enjoying it. Tss!SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







